watch now

Author Topic: Hindi ginagastusan ng BF.... nuon  (Read 11345 times)

yhanzkie

  • Guest
Hindi ginagastusan ng BF.... nuon
« on: January 18, 2012, 04:16:47 pm »
I decided to remove the post nalang.. parang nakamove on nako sa "pera" issue namin ng bf ko...
to the new readers dati kasi feeling ko luging lugi ako... in terms of "sharing"
sinunod ko yung karamihan nakipaghiwalay ako january pa ito eh... sakto nagresign kami pareho sa work na nun kaya nagtago ako kahit punta sya sa house ko wala ako.. nagtatago ako. Pero sinuyo nya ako ng sobrang daming beses tapos yung mom nya kinausap ako na pagpasensyahan ko daw immature daw kasi kasi daw tamad. etc....

Sinabi ko lahat tutal ang  kulit nyang maging ok kami at ready nako magmove on pa nuon i had other options din kasi... sinabi ko na mukha syang pera, mukha syang sasakyan, wala akong future sa kanya, tamad, lahat ng masakit na katotohanan sinabi ko... iyak sya ng iyak narealzie nya yata na totoo sinasabi ko...

I felt bad rin nuon after ko ilabas lahat parang nakonsensya pa ako na ako na "perfect"... sobrang iyak nya nakatulog sya sa room ko at habang natutulog sya awang awa ako... When we woke up..., he said I was right... 31 na daw sya he needs to be the man... to cut the long story short. nagbago siya ng grabe.. from january hanggang ngayon nauuna na sya sa hugutan ng pera pag may babayaran, may gift ako na natatanggap every payday. siguro better na rin kasi ang work namin ngayon... may ipon na sya derecho kagad sakin after payday bigay kagad sakin.

Ok kami ngayon 7 - 8 months ng nagimprove ugali niya... nagbago siya talaga... when we use my car pinapagasan nya na... at he drives my car narin dati kasi ako kasi wala sya lisensya before.. he buy stuff for my kid and sa totoo lang parang sunod sunudsunuran narin saakin ngayon.

tama naman mga girls dito na hiwalayan ko... kasi kung di ko siya hiniwalayan hindi nya malalaman hinanakit ko... hindi sya matatauhan at di magbabago... fingers crossed parin sana tuloy tuloy na.. maging better man sya... although tamad parin pwede ng pagtyagaan kesa sa asa sakin..
« Last Edit: September 07, 2012, 08:24:35 am by yhanzkie »

whitelady17

  • Guest
Re: Hindi ginagastusan ng BF
« Reply #1 on: January 18, 2012, 04:27:47 pm »
naku sis, imo mag isip-isip ka nga muna before getting married to that man. Kung hati kayo sa lahat dapat pati gas, toll fee, parking etc eh hati kayo, plus dapat may incentive ka because ikaw ang driver sa inyong dalawa. Then since hati kayo sa food dapat ikaw rin masunod sa gusto mo, kung hindi kayo magkasundo eh bilhin nyo gusto ninyong food sa food court na kayo kumain ng sabay.

Sa amin kasi, may portion na hati talaga kami let say ang isa sa amin eh short, may times na libre ko siya, mas maraming beses na libre niya ako.

Sis, it is not a good feeling lalo na kung feeling mo eh nalalamangan ka na ng kahit sinong tao. Try to speak to him first, settle ninyo muna differences ninyo. Kapag hindi nagwork eh alam mo na siguro gagawin mo.

sarsingkit

  • Guest
Re: Hindi ginagastusan ng BF
« Reply #2 on: January 18, 2012, 04:39:49 pm »
it would have a bit alright sana if mahirap talaga sila and supports his family and alam mo ang lahat ng yon sa simula pa lang. pero for a man (or kahit sino) to misallocate money sa mga cellphone na mahal pero utang naman tapos freeloader naman pagdating sa pagcommute, may mali sis. napaka-poser lang. nakakaasar kasi yung mga taong bibili ng mahal na gamit pero nalulubog naman sa utang tapos ayaw gumastos sa ibang bagay at inaabuso ka pa sa paghatid and pagsundo. kasi nagtitipid sya ngayon dahil may binabayaran syang phone? or ayaw magcommute? ang arte nya ha. find someone who sees real value sa pera. hindi naman kailangan kuripot pero yung magpapahalaga sa perang kinikita nyo. live within your means. yun lang

sweetsorrow

  • Guest
Re: Hindi ginagastusan ng BF
« Reply #3 on: January 18, 2012, 04:53:10 pm »
it reminds me of my Ex. Sobrang kapal ng mga ganyang lalaki.

Sis. Mag-isip isip ka muna bago magpakasal. Ginawa kang driver.. Ikaw na ang pagod, ikaw pa ang magbabayad ng lahat..

Isipin mo nalang kapag nagpakasal na kayo, baka hindi magwork ang marriage kasi ngayon palang ''money'' na ang napag-aawayan niyo. Saka siya ang lalake dapat alam niya magmanage ng pera.

moonie

  • Guest
Re: Hindi ginagastusan ng BF
« Reply #4 on: January 18, 2012, 05:00:24 pm »
Dump him.  Tanda na niya, ikaw pa ang ginagawang sugar mommy.  Kung problema yan ngayon, problema yan after you get married.   

Have you seen the movie joy luck club?  Your situation sort of reminds me of the situation of one character there. 

jillai

  • Guest
Re: Hindi ginagastusan ng BF
« Reply #5 on: January 18, 2012, 05:07:32 pm »
All I can say is that tama ka lang to dump him. You deserve better. A 'good' person and the 'right man' will put your needs first before himself. And good thing too you thought of this sooner and saw right through him as early as now before you guys got married. If things would change once you tie the knot, then well and good. Pano kung hindi, eh di ikaw pa sumagot ng half, if not more than that, ng major expenses. Ay kakainit ng ulo yung mga ganyan guys talaga...seriously makes you want to ask, parang ngpalit na ng role ang boys and girls.

whitelady17

  • Guest
Re: Hindi ginagastusan ng BF
« Reply #6 on: January 18, 2012, 05:11:49 pm »

mga sis eto po ang reply ni TS sa post ko, hindi pa daw siya maka reply dito sa thread kaya sa pm siya nag message


most of the time ako Lahat  correct including the toll na kamahal2, pag kain km sa labas with mom ko, mommy ko pay he never initiates to pay, nung xmas i gave alot sa family nya he never returned any. I chose the words ng maige para hindi lumabas na sumbat, pero sumbatera daw ako... but thanks teh i know i am on the right track, i guess di na dapat magtiis... thank you!

sarsingkit

  • Guest
Re: Hindi ginagastusan ng BF
« Reply #7 on: January 18, 2012, 05:24:32 pm »
wow! kapal!

books_mags

  • Guest
Re: Hindi ginagastusan ng BF
« Reply #8 on: January 18, 2012, 05:37:59 pm »
Good for you to come to your senses!
I've been through the same situation, and aside from paying for things most of the time, pati wedding gift para sa kapatid niya ako nagbayad.  and during that time, bumili din siya ng cell na hinuhulugan niya. And it's a phone na may MS office na hindi niya kailangan at binenta rin after a few months.  I don't want to focus on money kasi nga baka masabing mukhang pera.

I found out much later na kaya pala laging walang pera, may sideline.  At kaya ubos ang pera, saan saan sila pumupunta to stay overnight.  Umaabot sila tagaytay at batangas on a week day then balik office next day.

With his job as a call center agent, he should earn more enough considering wala siyang expenses masyado except for luho.  And he is already 31 years old kaya required na marunong na mag manager ng pera.

moonie

  • Guest
Re: Hindi ginagastusan ng BF
« Reply #9 on: January 18, 2012, 06:06:09 pm »
Wala kang mapapala sa mga irresponsableng tao. 

k_heart

  • Guest
Re: Hindi ginagastusan ng BF
« Reply #10 on: January 18, 2012, 06:35:38 pm »
Hay naku, sipain na palabas yan BF na yan. 31 years old at parang wala pang nangyayari sa buhay. Hay, naku! Mag bf/gf pa lang kayo eh kuripot na at ayaw magpa-impress,naku lalo na pag kasal na kayo!

marose17

  • Guest
Re: Hindi ginagastusan ng BF
« Reply #11 on: January 18, 2012, 06:47:01 pm »
Dump your boyfriend, baka maging tulad ka ni Susana Madrigal-Ortigas who had to pay for EVERYTHING even though she was married to a rich man.

Read here:  http://www.manilastandardtoday.com/insideBusop.htm?f=/2011/december/21/vicagustin.isx&d=2011/december/21

prettykhae

  • Guest
Re: Hindi ginagastusan ng BF
« Reply #12 on: January 18, 2012, 06:58:02 pm »
@ sis TS: makipaghiwalay na... nakikipag relasyon sya pero hindi ka nya mapamper. ay nako... parang ikaw ang lalake nyan e.. hatid sundo pa? OMG.

k_heart

  • Guest
Re: Hindi ginagastusan ng BF
« Reply #13 on: January 18, 2012, 07:11:50 pm »
He!he! Pasaway na bf, gawin bang driver ang gf!

PrincessC

  • Guest
Re: Hindi ginagastusan ng BF
« Reply #14 on: January 18, 2012, 07:14:21 pm »
dump him. kung ngayon pa lang na mag-bf kayo, hindi ka ginagastusan at hindi maraunong maghawak ng pera, pano pa kaya if mag-asawa na kayo at magkaanak?  baka unahin pa nya yung mga luho nya (cellphone, gadgets, etc) over gastusin ng anak nyo kasi alam nyang ikaw ang sasagot.

also, if you have children together, what kind of example would that be for your kids as they grow up?

lisse

  • Guest
Re: Hindi ginagastusan ng BF
« Reply #15 on: January 18, 2012, 07:25:48 pm »
Ang selfish naman niya! Puro siya pakabig. A relationship is a two-way traffic that both of you should enjoy trekking on. Labo naman na ikaw lagi ang driver, literally and figuratively  ;)

scents01

  • Guest
Re: Hindi ginagastusan ng BF
« Reply #16 on: January 18, 2012, 07:29:02 pm »
selfish "love"..puro take lang ng take si bf  :-\

calin22

  • Guest
Re: Hindi ginagastusan ng BF
« Reply #17 on: January 18, 2012, 07:41:31 pm »
@yhanzkie: Medyo magiging Kontrabida muna ako sa mga comments ng iba. Sis, in the first place bakit mo ginagawa yan? Don't do it, if it bothers you. And How come you fell in love with that guy in the first place - eh ganyan na pala siya nung una palang. I'm sorry sis but di ba parang masochist na ang tawag sayo? Gusto mo saktan ang sarili mo eh, eh pwede naman di mo nalang siya sinagot nung una palang. :D heheh sensya ah.. I really have to say this.


Anyway sis, Dont marry that GUY! He is not worth your time. Since you have a kid naman pala, keep busy nalang taking care of you baby, mas worth it pa yun kaysa magsayang ng panahon sa lalaking palamunin :)

If you want to be treated as a Queen, then be one! :) Remember that!

spitfire

  • Guest
Re: Hindi ginagastusan ng BF
« Reply #18 on: January 19, 2012, 09:24:20 am »
IF I were you sis no second thought I will definitely dump him. Relationship will never ever work if you always feel na parang nauutakan ka. Money matters is a serious issue, kung problema na yan umpisa pa lang it will never ever work.

I was in this relationship for 2.5 years LDR I'm earning wayway beyond my BF. I always give him stuff expensive but everytime lagi nya tinatapatan yun kahit magkanda tipid tipid sha or minsan naman isang matinding matindign effort.. We always go for a trip together at lagi ako nag ooffer na ilibre sha kahit airfair or hotel..but he would always say no, utang pwede but after few months he would always pay me back. Lagi kaming share.  I truly believe guys should have PRIDE, he never took advantage of me. But we ended na rin the relationship due to other reasons. But money was never an issue.



calin22

  • Guest
Re: Hindi ginagastusan ng BF
« Reply #19 on: January 19, 2012, 07:51:48 pm »
that's it bumigay nako... sinumbat ko na lahat... na pagdating sa akin napakadamot nya sa pera. i don't feel special I feel used bakit yung ibang girls yung lalaki ang naghahatid sundo at libre pa lahat?

Tama ba na makipaghiwalay nako? is this normal thing sa relasyon? we are planning to get married, pero nakikita ko ako magiging breadwinner. I guess I am having PMS kaya nag init ng ulo ko but this bothers me.... I hope someonce can comment

Magcocomment ako ulet ah, It seems like a money issue here as far as I can see it.
I know syempre in time nagcocompare din naman tayo sa mga bagay bagay like "bakit ako di ako hinahatid ng boyfriend ko" or "di man lang niya ako malibre".. mga ganyan.. saken lang kasi sis, GIVING is an act of love. You give love kasi mahal mo yung tao, hindi gusto mo ibalik nya yung mga ginastos mo sa kanya.. Parang Pay it Forward lang yan..

Sinabi ko din sa una ko comment, kung ayaw mo ng ganyan setup, Bakit ngayon ka lang ngSpeak up? Dahil ba nung nagdadate palang kayo naisip mo na magbabago siya? Look sis, you are in a relationship not because you want to change someone.. accepted mo siya as a whole.

Sis tanungin mo sarili mo neto:

yang boyfriend mo ba ay lagi andyan sayo pag may problema ka? like nakikinig siya sayo at dinadamayan?

Single parent ka, na-accept ka ni bf at pati baby mo? willing naman siya maging fatherly figure kay baby?

Gusto ng parents mo ni bf? (vice versa) Pinakilala ka sa parents niya? Close kayo ng family niya? (vice versa)

Honest ba siya sayo? At did he tell you plans about your future and wedding plans?

Naisip ba ni bf na maghanap ng mas magandang trabaho para future nyo?

Kung lahat yan, OO - well, stick with the guy.
Kung lahat yan, HINDI - break up with him, he is not the right guy for you.

Kung 50/50 - weight this out kung ano ba ang mas mahalaga sayo.. would you rather have a boyfriend who buys you stuff and "sundo - hatid" pero babaero naman.. 2nd wife ka pa.. re-evaluate your relationship.


Hope this helps.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close