i love you so much. sana ma-realize mo na yun and stop doubting already. ikaw at ang anak natin ang buhay ko at wala akong pakialam sa ibang tao. sana ganun ka din. i am trying all my best to make you happy. i am not the perfect wife as much as i'd want to be.
i know you have provided so well before that i could buy anything i want. pero iba na ngayon. dahil hindi ka na masaya sa trabaho mo kahit malaki ang kita, it is a choice that we both made na magquit ka na. mas masaya naman tayo ngayon kahit di masyado maluho di ba? alam ko kaya natin to. hindi natin kailangan ng madaming madaming pera. basta may sapat lang.
pinabayaan kita noon na magbigay ng magbigay sa pamilya mo dahil alam ko dun ka masaya. pero ngayon na hindi na tayo ganun kaluwag, sana isipin mo naman ang future ng pamilya natin. o kahit ng anak mo na lang. tuwing nanghihiram na lang ng pera sa bahay nyo, wala ng balikan. sa yo nga pinapadala lahat ng panggastos sa bahay nyo, kulang naman. so responsibilidad ba natin na dagdagan yun? di pa ba sapat yung naibigay mo na dati to the point na hindi na natapos ang bahay natin at wala tayong naitabi para sa anak natin? tapos sasabihin mo sa akin na wala akong care sa lola mo? e kung kailangan talaga ng gamot ng lola mo e di unahin mo bilihin yun kaysa magbayad ng upa sa bahay o ng katulong o ng kuryente. tayo nga e walang katulong dito sa bahay e. nagtyatyaga tayo. nakapag-inom pa nga kayo ng kuya mo di ba? tapos yung gamot wala kayong pambili? may pangyosi at pang-inom, pero kapag sa gamot, uutangin.
tuwing sinasabi ko na magtabi tayo para sa emergency fund or retirement fund, oo ka lang ng oo. at kapag sinasabi kong kailangan natin humanap ng iba pang source of income, oo ka lang din ng oo. wala ka naman ginagawa. tapos kapag kulang or sakto lang ang kinita natin, sasabihin mo ganun talaga e. tapos gusto mo magpamigay pa ako ng pera.
sa totoo lang, kahit nanay mo hindi marunong humawak ng pera kaya kayo ganyan e. nagpaaral sya ng kamag-anak nyo and behind my back, alam ko nagbigay ka rin doon. oo nga, achievement na naka-graduate na yung batang yun pero ngayon yung kapatid mo naman ang nagstop mag-aral. mas matatanggap ko pa kung para sa mga pamangkin mo yun napunta kaysa dun sa malayong kamag-anak e. di ko malaman kung matulungin ba talaga nanay mo at ikaw or nagyayabang lang na kaya nyong magpaaral. naaawa talaga ako sa kapatid mo. sana sya na lang ang nakapag-aral. at least yun, tumutulong sa pagbabantay sa lola mo. e yun pinagraduate mo? paminsan minsan lang magbantay. hay buhay. masyado kayong mabait. mas mabait pa sa ibang tao kaysa sa sariling pamilya.
sige na. ako na ang madamot. kayo na ang santo. masyado naman yata kayong maswerte. tipid ako ng tipid ng para sa sarili ko at sa anak ko tapos kayo lang ang makikinabang? nakita ko na ending ng mga ganyan. masama ka pa rin pagdating sa dulo. kaya huwag na nating paabutin sa dulo. ngayon pa lang sinasabi ko ng madamot ako.
eto pa. nagpadala pa ang mama mo ng mga laruan sa anak ko. at wallet para sa akin. di ako ma-excite e. kasi di ko naman kailangan nun. pero feeling ko kailangan ko bilhin. kailangan ko bayaran in other ways.
sana magbago ka na. magkapartner nga tayo di ba? pero palagi tayong magkasalungat kapag usapang pera. sabi mo malas magnegosyo ang mama mo. malamang ikaw rin dahil sa ugali nyong pareho. ang aasenso sa negosyo yung isang kapatid nyo na madamot na kahit isang kusing di nagbibigay. di ko sya masisisi kung ganun sya. kaso nga lang, mas magastos pa sa kin yun e. as in walang kapararakan ang pinagkakagastusan. kaya kahit anong sipag, may utang pa rin - sabi mo nga. in fairness, kumpleto sa gadgets. naka-dslr pa!
oh well... wala naman talagang papupuntahan tong sinasabi ko because for sure it will fall on deaf ears - sabihin ko man sa yo. it hurts kasi sobrang dami mo ng pangako sa kin na napako. i don't care kung magmana sa akin ang anak ko. mas gusto kong maging madamot sya dahil alam ko magiging marunong syang humawak ng pera. kaysa naman palaging nakaasa o palaging sakto lang ang hawak na pera. paano na lang kung mahulugan ng piso?
