watch now

Author Topic: When to Vaccinate your pets?  (Read 86015 times)

jhenpretty

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #40 on: October 31, 2012, 10:23:27 pm »
What!?

Naku ngayon lang namin nabasa to. Totoo po bang dapat separate ang vaccine ng anti-rabies sa other vaccine? Lagi pa naman may kasabay yung anti-rabies sa ibang vaccine ng mga baby namin. Like kanina, schedule ng vaccine ni Jahred sa vet niya ng 6in1, anti-rabies and deworm.. Sana naman walang masamang effect sa kanila.. =(

abuanddiego

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #41 on: November 01, 2012, 02:01:43 am »
^backread ka lang sis, maraming links about the dangers of over-vaccination.
next time wag mo na lang pagsabayin kasi very stressful sa kanila ang vaccination, mahirap din kasi pag sabay-sabay, di mo alam ano ang cause pag nagkaron ng bad reaction.

^^most vets nowadays 3 ang initial shots then yung last is booster then anti-rabies. every 2 weeks yan so on or before the 4th month, complete na. mahirap nga to kasi iba-iba ang protocol ng vets, yung samin nga may 8in1 pa eh :-\ yung dog mo ba sis anong naging symptoms?

^^^hi sis. who would have thought na ganun katagal maglalast ang immunity nila diba. kahit nga sa humans, di naman yearly, pero bat sa kanila ganun ang rule? may something fishy talaga ata sa dog vaccines eh, naaamoy nyo ba? ;D

minnie99

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #42 on: November 02, 2012, 08:03:10 am »
^4th month na nila, chineck ko din yung records, parang nasa last shot na kami. Hopefully. Plan ko pag shift din ng raw stop na din eh. Ang OA naman kasi every 2 weeks? Nakita ko nga meron 7 years ang immunity. Sa anti-rabies 3 years. Kaso nga sabi niyo by law kasi satin, every year dapat. Sana may mag-amend nito. :(

Actually ang hypothyroidism kasi nagmmanifest lang naman siya kapag may sobrang stress, so nung nanganak yung dog ko, saka lang siya naglagas ng hair tapos super payat. Ngayon unti-unting bumabalik dahil sa strict diet. Pero ang hypothyroidism daw forever na. :( Sana wala nang ibang symptoms na mag manifest.

snix

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #43 on: November 02, 2012, 11:57:19 am »
nater hits si titus ng october 17..okay naman hindi nanghina at nakameet siya ibang lab dun sa vet na kamukang kamuka niya kaya ayun masaya..due narin siya anti rabies next year..unlike dati na hinang hina siya kapagkatapos ng vaccine eto puno siya ng energy..

ng puppy pa si titus months ang pagitan ng 5 in 1 kaya pinanganak siya ng june last year tapos december niya nacomplete..napostpone pa nga kasi nagkaparvo kaya doubtful din talaga ko sa vaccines and their effectivity.. may nagsabi sakin na ipakennel cough ko pa daw buti na lang nagbugay ng link si sis abu..due naman siya next month ng deworming at heartgard..


minnie99

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #44 on: November 05, 2012, 09:30:13 am »
^ay bakit months? nakakainis naman. after ng vaccine namin sa nov 9 baka lay low na ko sa vaccines. kaso kasi mag obedience class kami kaya baka irequire na naman. :|

minsan naman nagkakabukol yung isa kong dog kapag tinusukan. :| buti itong dalawa kong maharot hindi. takot nga sila dun sa mga assistant ng vet. hahaha

snix

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #45 on: November 05, 2012, 12:07:44 pm »
^sabi kasi ng vet niya dapat daw may at least 1month daw na pagiyan para hindi manghina yung liver niya..5-in-1? ba yung sayo sis? nakailan na kayo? eto nga hangga't hindi naccomplete vaccine niya pinaghigpitan kami na wag na muna ilabas kasi delikado daw.dumi pa naman sa paligid ng lugar namin.. pero ganun din naparvo pa rin siya..buti lahit pano nakadalawang shots na siya ng vaccine kayasaw nalabanan ewan ko lang kung totoo..

sa ibang lugar kapag ipapasyal mo yung dog mo hinhingi nila yung card para tignan kung kumpleto sa accine..sa eastwood ata ganito?

ohcmon

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #46 on: November 05, 2012, 12:14:41 pm »
My almost five-month old pup has just finished his second 5-in-1 shot (along with anti-rabies and anti-parvo)., every 3 weeks ang pagitan. I had him dewormed once pa lang. Do I still need to have him injected for other things? And how long before I have to have him vaccinated again?

minnie99

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #47 on: November 05, 2012, 02:31:52 pm »
ganun? :( naku, after nito wala na talaga. kausapin ko kasambahay namin later (baka kasi dalhin nya bigla). sobrang dami na actually kasi every 2 weeks nga kami. siguro mga late august nag start so naka 4 na siguro? then si sis ohcmon naman 2nd palang kasabay na anti rabies. :( kaka-4-months lang ng goldens ko...

yung older dogs naman namin hindi kami strict sa vaccines dati pero healthy naman sila. nilalabas ko sila occasionally pero wala, feel ko wala namang dog sa street namin na may nakakahawang sakit. so confident ako sa neighborhood namin. :|

minnie99

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #48 on: November 07, 2012, 08:30:43 am »
I read in a pet forum (now deserted haha) na ang theory nya, may mga vets talaga dito sa Philippines na kaya every 2 weeks ang balik and ang daming vaccines eh minamaximize nila yung profits, even if it isn't necessary naman. As in sinasadya nila yung program na ganito so that malaki kita. Kasi sa ibang bansa naman daw parang 3 shots nga lang for a new puppy.

Now I'm convinced: I want to become a vet, a different kind of vet. :(

abuanddiego

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #49 on: November 08, 2012, 01:32:35 am »
^ganyan nga sabi ng iba sis, it's all about money! money! money! kasi nga di naman ganun kadami ang clients nila kaya bumabawi. tapos eto pang mas masakit, wala daw malpractice sa atin kaya wala tayong habol kung may mangyareng masama :'( magtataka ka kasi bakit in other countries di naman ganun kadami ang vaccines pero bat satin, parang padami ng padami. tapos ang laging panakot is baka magkaparvo, distemper, lepto chuchu pag di sinunod. eh yung eldest ko nga kahit may shots nagkadistemper pa rin che! ::)

maging holistic vet ka sis ha? promise lilipat kami sayo haha!

snix, sa eastwood hihingin lang ata pag pumasok kayo sa mall pero sa grounds di naman sila nanghihingi ng health records. ewan ko nga bat ganun, eh di nagspread din ang virus wala rin saysay yung rule nila na yun.

ohcmon, madalas 3 shots yung 5in1 or 6in1 then yung last is booster na. kung maka4 shots sya okay na yun. wag mo na iavail pag inoffer yung 8in1 and kennel cough, di na nila kailangan yun. usually every 2-3weeks ang sched ng vaccines.

minnie99

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #50 on: November 08, 2012, 08:15:26 am »
^of course! I want to be different talaga na vet. :( hindi yung papadala sa profits. nag-iisip na nga ako THESIS, lol! since nagwwork naman ako sa UP Diliman, I could take the required courses for the NVAT to UPLB. Lol, but it'll take me another 2 years kasi the first course is a prereq of the 2nd, then the 2nd prereq of the 3rd, and the 3rd prereq of the 4th. so one sem = one subject. lol. inanalyze ko na. if all goes well... if I get my contract renewed here, i'll most likely start within one or two years so i could be finished after 6 years. nangarap??

hay exciting mangarap pero sana maachieve. di rin biro yung fees pag med no, pano kaya pag vet med. :(

dami ko nga nabasa na may shots nga pero tinablan pa rin ng sakit. :| sis, ilang days pala after ng shot mo pinapaliguan babies mo? nagbabasa kasi ako sabi 2 days daw pwede na pero ang sabi samin 5 days dapat. actually diba bawal pa nga mapagod? pero two days after ng shots pumupunta kami puppy class and super pagod sila pag ganun  ::)

abuanddiego

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #51 on: November 09, 2012, 07:51:41 pm »
^go sis! as long as passionate ka sa iyong dreams wala ng imposible sa panahon ngayon. hayaan mo pag kailangan mo ng tulong like participants sa studies, madami kami dito tutulong sayo  ;)

yun na nga ang nakakapagtaka, bakit kahit may shots tinatablan pa rin ng virus? di kaya yung mismong vaccines ang may problema? hehe.

yung pagpapaligo ko after ng shots is after 5 days. alam mo naman mga alaga ko, non-sporting breeds kaya medyo maselan ang mga loko. yung maliit nga hanggang ngayon pinag-iinit ko pa ng tubig ::) stressful daw kasi sa kanila ang vaccines, itong dalawa pag bagong bakuna matamlay at parang pagod na pagod hinihintay ko munang bumalik sila sa normal bago ko iexercise. sa mga nabasa ko, after 1-2 weeks pa daw magtatake effect ang shots kaya wag daw muna sila ilabas kasi pwede pa rin mahawa sa virus.

minnie99

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #52 on: November 09, 2012, 10:05:47 pm »
Hay salamat last na pala yung 5in1 kanina. After two weeks naman daw kennel cough. Eeep. Di ko alam kung go kami dito or what. :( syempre takot ko na rin sa kung ano man yun. I actually read one of the links... every year lang ba to? baka we need it kasi when we enroll in basic obedience... :(

sino dito mga hindi nagpa-vaccine for kennel cough ng babies nila?

abuanddiego

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #53 on: November 10, 2012, 12:02:16 am »
^sis backread ka lang, natackle na namin dito yang kc. pero to give you an idea, hindi sya included sa core vaccines, kumbaga additional lang sya. actually maraming virus/factors ang pwedeng cause ng kennel cough like corona virus etc, unlike with distemper or parvo na mismong dun galing. and just like with humans, normal cough and colds din sya, hindi sya ganun kaserious at gagaling din naman after two weeks. noon meron mga alaga ko nyan but after ko malaman ang truth behind kc, di ko na sila pinalagyan. inubo pa rin naman sila kahit may shots so di talaga sya effective, sayang lang pera natin dyan. as long as healthy sila super liit lang ang percent na mahahawa sila ;)

Prunella

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #54 on: November 10, 2012, 12:12:20 am »
My boys (kitties) get panleukopenia (feline distemper) + calicivirus + feline herpesvirus shots every year. Since they're indoor cats, they get dewormed once a year din. When we're moving countries, they're required to get anti-rabies shots.

Kady_14

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #55 on: February 07, 2013, 08:06:24 pm »
Vaccines:

Age 3-4weeks Deworming, repeated after 2 weeks there after three months.

Age 6 weeks- Immunization against Canine Distemper, Infectous

Age 10 weeks - Hepatitis, Leptospirosis

Age 12 weeks Parvo-virus and Parainfluenza (5 in 1)
                     Corona Virus (6 in 1)
                     * for Optimum results every 2 weeks until 16-18 weeks.

Age 3 mos - Immunization against Rabies (to be repeated annually)

Age 3-13 weeks - Immunization cough

BOOSTER SHOTS

Every 6 mos Immunization - 5 in 1, 6 in 1, Kennel cough
Annually - Rabies

---------------------------------------------------------------------------------------------------------
My Dogs are immunized in this order, it's easier for me to track it if we go see the Vet every 2 weeks.

BIRTH -
2nd week (1st deworming)
4th week (2nd deworming)
6th week (3rd deworming) & (1st 5 in 1)
8th week (4th deworming) & (2nd 5 in 1)
10th week (1st 6 in 1)
12th week (2nd 6 in 1)
14th week (Rabies) - yearly
23rd week (Deworming - every 6 mos)
36th week (Leptospirosis)

twelve5

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #56 on: February 13, 2013, 01:58:42 am »

i have a pup now that is due for kennel cough and heartworm vax. dunno if i should "defy" the vet or what. yung dogs ng mom ko never had those shots and they're doing well naman.

ayoko naman magsisi sa huli. baka mamya matepok dahil "hindi kumpleto" shots nila.

argh! hirap mag isip.  :(


Kady_14

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #57 on: February 13, 2013, 08:55:17 am »
^just to be sure pa inject mo na.

I learned the hard/painful way.

Namatayan ako ng aso last year bec hindi ko nasunod yun order ng vaccines laging na popost pone. Ngayon everytime na sumisilip ako sa window ng kwarto namin nalulungkot ako. That's her spot, she waits for us to wake up and say "Good morning" everyday. Naging ritual na nya yun, dun lang sya hanggang mag goodmorning kami.

Ngayon sisi ako.

:(


minnie99

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #58 on: February 13, 2013, 09:36:02 am »
^Sorry to hear that sis. :( Nakaka-sad naman... But I somewhat agree na "just to be sure"... Ano pala ikinamatay nung pet mo if I may ask?

^^My pups didn't have the kennel cough vaccine. After nung 5-in-1 ayoko na dahil nga "spare your dog's liver" daw... Tapos nagkasipon yung isa kong puppy mega panic naman ako. Buti hindi naman siya terrible na sakit (I think ha... masigla siya eh, saka pawala na sipon). Yung heartworm vaccine naman, hmm hindi ko pa naipapabigay... nag hheartgard kami... at saka... I don't think our area naman is "infested" with heartworm (whatever the term haha).

Meron diyan mga magsasabi na vaccines don't guarantee naman na di magkakasakit pets mo. Don't guarantee, pero may chance naman na iprotect yung pet mo.

So it's really your call. :) Kung gusto mo ipa-rest mo muna from vaccines yung puppy mo for ano... one month? Bago mo pa-vaccine uli. Basta siguro wag masyado sunud-sunod or sabay-sabay. :)

sweetylicious143

  • Guest
Re: When to Vaccinate your pets?
« Reply #59 on: February 13, 2013, 10:23:06 am »
a year ago i have a dog chow chow cross breed...pina vaccine ko sya nearby dito sa place lang namin ng unang consult ko ok naman na complete nya 5 in 1 shots then after that kylangan pa daw ng 9 in 1 so ako naman dahil sa first time dog owner umayag nako hanggang sa mga anti-rabies at kung ano pa nakalimutan ko na lang ang iba kung ano. pero sabi naman ng vet. need daw yun para hindi tatamaan ng sakit..then after a months nag start na sya magkasakit andyan yung na stress sya at need daw i-confine so pina admit ko naman for 3days na may dextrose siya. laki din ng nagastos ko after gumaling sya. sakin ok lang at least gumaling ang pet ko.

wala pang 1month tinubuan siya ng rashes so dinala ko ulit siya dun sa vet. may ininject sa kanya para daw yun sa rashes at may pinapainom pa syang tablets..nagtataka ko imbes na huminto na yung rashes nya. dumadami pa at kumakalat sa buong katawan hanggang maglagas na din ang balahibo nya. nag -worried ako dinadala ko ulit sya sa vet. sabi sa kin baka hindi daw tama ang pagpainom ko ng gamot.

halos nag aalarm na nga ako masunod lang ang time ng pag papa inom ko sa alaga ko.and lahat ng binibilin niyang bawal naka note pa sa phone ko.. hanggang sa madami syang ininject sa dog ko na antibiotics daw or whatever. then at night pag uwi namin matamay na siya kinabukasan ng umaga namatay na ang dog ko. diko alam kung anong klaseng vet. sya nagastusan nako lahat then mauuwi lang sa ganun.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close