watch now

Author Topic: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6  (Read 104364 times)

katiztic

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #560 on: January 30, 2012, 02:43:17 pm »
^Kaya nga sis eh, kung nasa manila kami, eh di maintindihan ko yung laki ng quote. but here?? diba grabe naman.

Kasi nung una, sabi niya for CS (kasi yung preparations namin eh pang worse case scenario), sabi niya 40-45. so akala ko package na yun. but no! pf lang niya pala yun. omg talaga. eh sayang naman yung pera. though hindi naman kami nabaha, parang andami pang mapupuntahan ng pera.

Feeling ko talaga, feeling niya kasi mayaman kami, kasi nung november and december, almost every week ako nagpapacheck-up to seek clearance to travel. so every week din kami nagbabayad.

hay naku. dilemma ko na naman papano sabihin sa kanya na doc, i'm sorry, but i cannot afford 100 thou para manganak. alangan naman di na kami kumain after manganak no. haaaaayyy talaga

kuliglig^^

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #561 on: January 30, 2012, 02:54:36 pm »
Hi sisses! :) Haba ng backread koooo! :)

Re baby sale: Nagpunta kami nung Sat.. :) Sabi ko kay mudrakells, less than 1k lang gagastusin ko, kasi halos tapos na kami... umabot kami ng 3500! :P Haha! :) I love the SWAG BAG talaga.. :)

Re false labor: Eeep. Nagffalse labor na ata ako. Sumasakit ng bongga yung tummy ko, pero irregular yung intervals. Pati ramdam ko yung head ni Lucas, sumusugod sa cervix ko, feeling ko parang bumabagsak na yung buong matres kooooo! :(

Sis katiztic: Hala, ang mahal naman.. :(

Sis izabelle: Konting tiis na lang..

graceria07

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #562 on: January 30, 2012, 03:19:41 pm »
sis katiztic - OA naman ang OB mo.. ako talaga tinapat ko OB ko na kaya I opted to give birth sa ospital na yun eh dahil sa package na 53k lang all in without complications.. hayun sa awa ni God.. wala akong complications kahit CS ako.

sis kuliglig- nakakainggit naman, naku kahit kaya ko na.. di kami nakapunta at warla kami ng jowa ko.

sis izabelle - due date mo na! konting tiis na lang sis.. :) lalabas na din si baby mo for sure.

jp_jameop

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #563 on: January 30, 2012, 03:45:14 pm »
sis kuliglig, ilang weeks k n? bka nga ngpaparamdam na si baby mo..

sis katiztic- over naman si ob mo.

sis grace- sana ako din no complications....

kuliglig^^

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #564 on: January 30, 2012, 04:00:59 pm »
Sis grace, awww... sayang sis. dapat nagpasama ka na lang sa friend or sa family member. kaloooowka ang pagbaba ng mga prices lalo na sa strollers and playpens.. :) eeep, sabihin mo sa kay jowa, bawal ka mastress kaya bawal ang warla...  ;D

Sis jp, 37 weeks - based on LMP... 36 weeks - based on 1st u/s (hindi na ko na TVS eh)... 35 weeks 4 days sa 2nd u/s... 37 weeks and 4 days sa 3rd u/s --- eto yung 3d/4d ko... Eeep. Wag muna sana.. Kailangan kong umabot ng Feb 15 or 17...  ;D

jp_jameop

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #565 on: January 30, 2012, 05:47:09 pm »
^sis puede na yan.. gora ka na.. hahahha

oo bawala ang warla sa mga panahon na to... hehhe

den.nica

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #566 on: January 30, 2012, 07:39:01 pm »
mga sis, may nagpa baby shower ba sa inyo? Sino umorder sa inyo ng mga cupcakes? Nasstress ako sa paghahanap ng cupcake na masarap and affordable. Meron na sana ako contact, P25/pc but hindi maganda reaction ng SIL ko, mahal daw yun, to think na akala ko P35/pc talaga ang normal price range ng mga cupcakes.


sis gift sakin ng friend ko cupcakes nung baby shower ko. business nya pero hindi ko lang alam how much... here yung pics

http://www.facebook.com/#!/media/set/?set=a.323207314379457.81747.100000705726902&type=1

kuliglig^^

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #567 on: January 30, 2012, 08:02:17 pm »
^^ Nakooo sis jp and sis graceria, speaking of warla.... Kami naman ng hubby ko ang warla... Nakakaasar. Mapapaanak ata ako ng wala sa oras sa sobrang high blood.  >:(

^ Sis jp, sayang kasi sweldo sa Feb 5 and 20 eh. Kaya kung kaya pa, gorabells pa rin sa work. :)

ladylucille

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #568 on: January 30, 2012, 10:13:18 pm »
aiz08
sis i have a friend who makes cupcakes.  i think parang mura lang siya kasi sideline nya lang yun at sa balur sya gumagawa.  if you're interested, i'll PM you her email add.  buntis din sya ngayon eh kaya for sure yan ang napagtutuunan nya ng attention.  ;D

iristacey
same tayo sis daming pamana kay baby kaya 3 items lang nabili ko.  yung 1 para pa sakin. tee hee!...

katiztic
san province ka ba sis?  bakit ang mahal naman ng pf ni ob mo?  gintong gloves at mask ba gagamitin nya?  pf na yan ni Dr. Pastorfide eh.  Sya yung obgyne ng mga artista.

jp_jameop
sis mejo controlled na yung pain sa fingers ko.  it's called CARPAL TUNNEL daw.  i'm doing exercises na napanuod ko sa youtube! hehe.. went to my obgyne kanina and sabi nya dahil nga daw sa manas kaya hindi maganda flow ng dugo.  pero it will disappear naman daw like magic after giving birth.

kuliglig^^
sis halos pareho tayo ng due date! Feb 18 or 19 ako. yihhiieee!!!  pero ayaw ko na umabot ng ganon date. parang ang laki ko na eh.  i gained 5lbs within 1week lang.  went to my ob kanina at 1cm dilated na ko! maglakad lakad na daw ako..

katiztic

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #569 on: January 30, 2012, 10:23:35 pm »
^Sis, nasa CDO ako now. hay grabe talaga.

May blessing na dumating tonight. kasi i met a person (through common friends) na nasa NGO. mare-refer daw niya ako sa ibang hospital, and because of that referral eh ang maximum na abutin ng CS in another private hospital is just 50thou. sobrang okay nato!

kaya lang this means i have to shift doctors na. okay lang kaya tong gagawin ko na to?

ladylucille

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #570 on: January 30, 2012, 11:06:11 pm »
katiztic

ok lang yan sis.  ako nga lumipat ng doctor nung 6mos na ko.  at magkakilala pa sila ha. 

i asked my current obgyne kung ano reaction nila pag may mga patient sila lumilipat.  sabi nya ok lang daw yun kasi kailangan i-prioritize daw nila ang preference ng patients.  kasi tayo naman ang buntis, hindi sila.  hindi naman bago sa kanila yung ganon.

actually 5 obgyne ang dinaanan ko before ako nag settle:

1st ob - i go to her for my regular papsmear lang and inquiries about getting pregnant.

2nd ob (2x check ups) - siya nakaalam na preggy ako.  i went to her kasi nag obgyne shopping pa ko that time.  sakto delayed na pala ko kaya she asked me to have a test.  malayo nga lang bahay namin sa clinic nya kaya hindi ko sya kinonsider maging regular obgyne ko pero she's really really good! (accdg sa mga research ko.  ;))

3rd ob (1st-5th month preggy) - one of the obgyne's na binisita ko during obgyne shopping. hehe.. may celphone number sya sakin kaya sa kanya ko tumakbo in the middle of the night nung nag bleed ako.

4th ob - went to "him" for opinion lang dahil maganda din comments and reviews sa kanya accdg sa research ko.  i'm having complications kasi nung 1-5mos preggy ako.

5th ob (back up ob!) - relative ni hubby.  i always ask for her opinion para ma compare lang.  she's a good doctor but unfortunately tawid dagat ang layo nya samin.  :(

my current obgyne eh yung 1st na ob na lagi ko pinupuntahan for my pap smear.  8)

kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #571 on: January 31, 2012, 06:56:00 am »
gandang umaga!

ang haba ng backread ko.. busy kasi pero finally, natapos na kahapon yung lean sigma certification ko, may additional data na lang sa 2 projects pero less one worry na. yung fingers ko din masakit, di ako makapag-type nung sunday kahit may dapat akong tapusin.  :'(

bps namin bukas pero pa lab tests na ko later. wala pang signs na gusto na ni baby kate lumabas. binibigyan pa ko ng weeks to prepare :) pero kailangan na din i-ready ang sarili kasi baka mamaya pag check up ko eh ipa admit na kami :)

ladylucille - ang dami mong OB :) pero right talaga ng patient yan. ako isa lang from the start :) yung anes ko, nagpapatulong sa thesis nya at nagtatanong kung paano daw ico-compensate ang service ko, eh ayaw nga sabihin sa kin kung magkano ang pf nya, "ano daw yun?"

katiztic - ka-presyo na ng pf ng mga OB dito sa min yung pf ng doctor mo ha... ok lang na lumipat ka pero make sure na makahingi ka muna ng relevant pre-natal checkup documents mo from current OB bago ka magparamdam na lilipat ka kasi baka di nya ibigay sa yo. though ikaw dapat ang owner ng medical records mo. pwede kasi nilang ipagdamot yun.

sa mga may warla... sabihin kay bf or hubby na eto na ang pinakamahirap ng stage ng pregnancy kasya they should be our support system. physically draining kasi mabilis mapagod, di mo magawa yung dati mong ginagawa independently. emotionally straining kasi mixed feelings of fear, excitement and pain. kaya dapat eh i-support na lang nila kahit mahirap. kasi di nila nararamdaman yung hirap at sacrifice na nararanasan natin :)

happy tuesday :)



jp_jameop

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #572 on: January 31, 2012, 10:52:06 am »
^sis hahha tama baka ipaadmit ka na. :) ako as in nonstop lang galaw na masasakit pero tingin ko di tlaga eto yung labor pain kasi tolerable and ang taas taas pa ng moves ni chai. di ko ramdam sa baba.. pero check up na namin bukas at itutuloy na namin yung sched sa 2! parang gusto ko na ngayon. hahahhaha

sis katiztic- tama si sis kaice na dapat may medical records ka.. nagpalit din ako ng OB nung 5 mos na ako.

oo nga mahirap ang maging warla sa mga panahon na ito.. kaya im so thankful dahil may mga biglaan blessings na dumating.. napanaginipan ko na lumabas na si chai. heheh at pinamili ko ng mga green na damit. hehe

sis den- ikaw ba yung nagpatanggal ng warts? kasi sobrang dami ng warts ko pero sa 2 na sched ko cs. heheh

nalowka ako wala pa pala ako sabon na panglinis ng bottle! hahhaha aayusin ko na sana ngayon.. naku nagpabili ako sa niece ko para mamayang gabi maready na yung bottles at bukas eh bitbit na lang ng mga bags. :)

kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #573 on: January 31, 2012, 11:05:05 am »
jp - naku lagot ka kay mader, gusto nya di ba puro white lang hanggang binyag haha! pero di ko pa ramdam na lalabas si baby kate, gusto yata maka-birthday si kris aquino haha!

sis princessrio on baby names on smartparenting.com
http://www.smartparenting.com.ph/community/news/the-emerging-trend-in-baby-names-for-2012/page/1

rio - kailangan talaga i-announce ang age hehe! :)

kami, ayos na ang baby bag pero yung nursery di pa ko kuntento sa setup.. yung bag namin ni hubby wala pa lang sa bag yung mga gamit pero ayos na.. ilalagay na daw nya sa trunk ng kotse :)


jp_jameop

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #574 on: January 31, 2012, 11:31:23 am »
^hahahah sa panaginip lang naman. hheheh

kung di lang tlaga ako naHHB, gusto ko sana danasin yung totoong labor pain.... hehehhe

Chel_H

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #575 on: January 31, 2012, 12:00:52 pm »
hi mga mommies!! wow so nice to be back here, after 3weeks of being full time mom nakaka recover na ako from giving birth.. suppose to be jan13 ang due date ko napa aga, naging Jan8, waterbag broke first so i gave birth on Jan8.. its a healthy baby boy :)

baka may suggestions kayo about breastfeeding techniques.. hay ang sakit kasi mag suck ni baby kahit anong position of bf na try ko na initial latch nya masakit [textspeak!]...

thanks!

princessrio

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #576 on: January 31, 2012, 12:11:26 pm »
kaice - oo nga eh. napaghahalata tuloy na matanda na ako. gusto ko yung katulad nung kay sis kuliglig na may picture. papadala ko yung maternity pic ko  ;D

page 30 na tayo mga kapatid! ang tataray!  ;D

kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #577 on: January 31, 2012, 01:03:08 pm »
new house na dapat.. try namin sumingit ng 3rd trimester pictorial kung kaya sa weekend.

kuliglig^^

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #578 on: January 31, 2012, 01:17:15 pm »
Sis ladylucille, talaga sis? :) wooooow.. naku, baka ako rin dilated na... magkakaalaman na sa sabadooooo... :P naloooka naman ako, 5 OBs? samantalang ako, 1 lang tas yun na.. tinamad na ko maghanap ng iba eh.. hehe.. 16-17 weeks preggy na kasi ako nun...

Sis kaice, ay naku sis, sinilent treatment ko siya nung sinundo nya ko from work last night. takot na takot siya, baka raw ma-stress ako masyado kaya nakikipagbati na... kaninang madaling araw, nakahanap din kami ng compromise... pero pag di talaga siya tumupad sa usapan namin, i'm going to give him so much grief about his decision... evil mode on.. bwahahahaha... oops, sorry OT. hehe...

Sis princessrio, aling picture yun sis? omeged, i'm so ulianin. hahaha...  ;D




den.nica

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #579 on: January 31, 2012, 01:26:35 pm »
sisses nagpa ultrasound ba ulit kayo ngayong 9 months preggy na? in-ask ko kase si OB kung magpapa ultrasound ulit ako sabi nya no need na daw. i-ultrasound lang daw pag due na and wala pa rin progress. wah gusto ko kase eh. para lang malaman kung gano na kalaki si baby :D
sobrang excited na ko manganak! as in! gano ba dapat ka tagtag? nag walking ako sa loob ng bahay and akyat ng baba sa stairs for 30 min kaninang morning. maya maya pag walking galore ulit ako dito sa bahay... going  37 weeks this thurs and wish ko sa 38th week mangitlog na :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close