watch now

Author Topic: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6  (Read 104316 times)

kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #440 on: January 25, 2012, 09:26:24 am »
si caprice - don't be sad, baka may gusto pa ipabili si baby sa baby co sale kaya ayaw pa lumabas haha!   nagpapa-excite ang mga babies :) yung last 2 weeks eh puro ahead of due date... ngayon parang naghihintay ng EDD talaga.. wish namin mga 38 weeks eh lumabas na si baby pero mataas pa yung tyan ko kahit na todo-lakad naman ako. next week eh talagang mag stairs na ko para di mahirapan lumabas si baby :)

izabelle

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #441 on: January 25, 2012, 09:41:56 am »
^^ sis caprice malay mo sis mauna ka pa din manganak saken :D kaloka itong mga babies na ito, namimili talaga ng birth date.. haha

75% effaced naman ako as of yesterday.. sana mag progress na tayo noh? atat na din ako! waaahhh gusto ko talaga january baby sya eh.. dami kasing events sa family namin kapag january.. pero sabi din sa akin ng assistant ni ob meron umaabot ng until 41 weeks talaga.

blouie11

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #442 on: January 25, 2012, 10:30:32 am »
pretty ni sis kuliglig! :)

sis jp and sis kaice morning and afternoon kasi sched ni OB e. Lagi kami 6:30pm nagpupunta! hehe

Ayun na nga... diet galore as in NO NO to SWEETS! hay... laki ng weight gain ko 7lbs in 2 weeks! pinag ooatmeal na lang ako ni OB sa morning and less rice. No flavored crackers and no colored drinks! Pero magcocomply syempre ako.. para daw hindi ako mahirapan manganak. Si baby Andrei kasi nung last utz namin na 31 weeks e 4lbs na cya, mas lalaki pa daw yun.

I also asked for our birth plan.. sabi ni OB the usual anesthesia, i asked kung same na ba yun sa painless and she said "yes" i told her ayoko ng painless unless hindi ko na talaga kaya and asked for it na. Sabi nya ok stand by na lang.. haha sabi ko i want to feel the pain at para maka pag push din ako ng todo. Her package is from 20-30K daw unless CS which is never ko pinangarap! kaya ayan magdadiet na ako.. sorry na lang kay baby Andrei diet muna kami. Nagwawala pa naman cya pag nagugutom na ako! hehe

sis izabelle ayan na! this is it! walkathon ka na ng bonggang bongga! Masarap maglakad sa mall e hindi mo namamalayan 3 hrs ka na pala naglalakad unless sumakit na talaga paa mo. Si baby Andrei laging malikot pag nasa mall kami. Kakatuwa nga pag may gusto ako na items para sa kanya tapos hindi namin binili aba nagsisipa ang bebe. Marunong na magtampo! :)

princessrio

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #443 on: January 25, 2012, 10:43:47 am »
34 weeks na kami at checkup na rin namin mamaya. sana naman, we're doing good. sinunod ko yung diet na pinagagawa ni OB sa akin 2 weeks ago.
breakfast - oatmeal or cereal and low-fat milk
lunch - one cup of rice
merienda - crackers
dinner - half cup.
hindi ko masyadong sinunod yung cup of rice kasi masyadong marami. tinatantya ko na lang kahit yung half cup. at pag gutom pa ako, dinadaan ko sa veggies and fruits. so far, so good. mukhang 1-2 pounds lang nadagdag sa amin in 2 weeks. shempre, may cheatday ako pero no sweets pa rin.

konting panahon na lang tayong lahat! God bless us all mga sisters!

kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #444 on: January 25, 2012, 11:42:14 am »
good luck sa mga diet...

bakit ako eh never pinayuhan mag diet, eh feeling ko ang laki ko na hehe! pero di nagbago yung weight ko ng 2 weeks. busy kasi... feeling ko lalo na ngayong linggo na ito kasi ang daming hirit na reports. may 3 certification reports pa ko tapos endorsements. wahh.. sa 38 weeks ka na lumabas baby kate para kampanten a ko na maayos ang iiwan natin ng 60 day ha... ayoko ng istorbo sa ML  ;D

caprice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #445 on: January 25, 2012, 12:52:59 pm »
sis kaice - naku, ano naman kaya ipapabili ni baby. baka mabawasan ang nakatabing pera para sa D-day. ;D drawers at mobile na lang kulang nya e. at saka pala clothes na may design. puro plain white kasi. daya naman kasi, for baby girls, daming cute. for baby boys, limited. :(

oo nga, nagwoworry nga ako at naunahan na ako ng iba. partida, start pa lang ng december dami na nagsasabi na ang baba na daw ng tyan ko. ang lapit ko na daw siguro manganak. lahat nangungulit bakit di pa daw ako mag-leave. ultimo mga maintenance at security guards! ;D pero eto, hanggang ngayon, waiting pa rin. :(

kelangan ba talaga stairs? or uphill na street pwede na? kasi di ako pinapaakyat ng stairs dito sa bahay kasi baka mahulog daw ako.


sis izabelle - parang gusto ko rin tuloy magpa-NST para malaman kung may contractions na ako. baka mamaya masyado lang mataas pain tolerance ko. si OB kasi medyo tipid sa tests. sa ultrasound, urinalysis at pap smear nya lang ako pinagastos ng todo. :'(

naku, wag naman sana tayo umabot ng 41 weeks. natatakot ako dun sa mga stories na nakakain ng poopoo ang baby. kaya gusto sana ni OB manganak ako between 37th to 39th week para daw as much as possible e di makakain poopoo, di matuyuan ng fluid at di lumaki ng todo si baby. at saka ang tagal pa ng 41st week di ba? kainip! ;D

kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #446 on: January 25, 2012, 01:07:51 pm »
caprice - ramdam ko ang inip mo :) haha! may mga tao din kasi minsang mas naiinip pa sa atin manganak kulang na lang maglagat ako sa tummy ko na "EDD is feb 22" para wala ng tanong, nakakapagod na sumagot minsan hehe! di naman kailangan stairs pero basta yata matagtag. baka naman deliakdo yung staris nyo kaya ayaw ka paakyatin, ok na yung malling pero yun nga lang, dapat matibay ang immune system kasi nagkalat ang airborne viruses.

kinakabahan din kami sa sale kasi ang hilig namin sa anything cute :) pero stroller ang priority namin at kung may murang car seat. sana talaga eh maganda ang deals :) tapos electric breast pump sana. yun na lang naman ang kulang namin. ok na yung damit for 3 months kasi binyag naman after that. sayang kasi pag di nagamit at naliitan lang.

caprice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #447 on: January 25, 2012, 01:15:29 pm »
sabi ni OB the usual anesthesia, i asked kung same na ba yun sa painless and she said "yes"

ako sis, pinapili ni OB kung paanong anaesthesia gusto ko:

1. sya lang daw mag-aadminister. kung hindi naman daw smoker at drinker, enough na daw yung anaesthesia na ibibigay nya.
2. anaesthesiologist ang mag-aadminister pero ibibigay daw yun pag itatahi na daw yung sugat ko (i assume NSD itong tinutukoy nya).
3. epidural by the anaesthesiologist. clinarify ko kung ito ba yung painless. sabi nya oo, iire na lang daw ako. 1k+ daw per shot tapos every 4 hours daw ako bibigyan.

sabi nya pili na daw ako agad para mailagay nya sa admission slip ko. baka daw kasi pag late na ako mag-decide e hindi kami makahagilap ng anaesthesiologist. sabi ko, sige magpatawag ng anaesthesiologist. hehe. hindi ko lang sya maderecho na balak ko magpa-epidural. ;D

caprice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #448 on: January 25, 2012, 01:30:18 pm »
sis kaice - gusto ko yung EDD mo! bday ni hubby ko. :) ako rin feb ang bday kaya gusto sana namin feb rin si baby kaso mahirap na kung patagalin pa. family ni hubby may kanya-kanyang bet na date. pag wala daw nanalo, yung pot money mapupunta kay baby. :) so far dalawa na lang ang hindi pa natatalo. :)   

hindi naman delikado yung stairs dito sa bahay. actually, ever since malaman ni MIL na buntis ako, ayaw na nya ako paakyatin kasi baka nga daw mahulog ako. :) pero yung nilalakad namin dito sa village, sobrang uphill. dating bundok kasi. nagtataka nga mga tao dito sa bahay bakit di pa rin bumababa si baby sa sobrang tarik ng mga streets. kapit na kapit daw siguro si baby sa akin. :)

nakuuu, baby girl nga pala sa yo! kung ako siguro nasa posisyon mo e nabaliw na ako kaka-shop ng mga damit. sarap mamili for girls! :D

caprice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #449 on: January 25, 2012, 01:41:45 pm »
Eeeeps, lahat ata ng mga baby Lucas malikoooot!  ;D

Lucas din name ni baby boy ko. :) After George Lucas. Star wars fan kasi si hubby. ;D Tapos Luke ang nickname kasi sasabihin daw ni hubby kay baby, "Luke, I am your father." ;D

Finally, alam ko na rin itsura mo. Lalabas ba yan sa magazine? Congrats! :)

katiztic

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #450 on: January 25, 2012, 02:08:41 pm »
Congrats sa mga sisses na nanganak na at malapit ng manganak! :)

Mamaya imeet namin yung photographer namin for maternity shoot, sana okay mga ideas niya. gusto namin hindi cheesy yung theme ng shoot, tsaka outdoors! :)

Tapos bukas check-up ulit. I hope baby is okay. Nakakastress mag-isip ng pangalan, tapos andami pang opinions ng lahat ng tao kaya nalito na ako talaga.

Repeat scan din kami for 3d/4d kasi si baby girl ang likot likot the last time. Sana bukas na yung scan, at sana cooperative na siya this time. papano ba? iinom dapat ako ng malamig before? at madaming madaming water dapat?

Grabe na, 32 weeks na kami ni baby..pero ang nabibili palang namin ay...baby bath tub, ilang damit at burp cloths! yun palang as in! sana okay talaga ang check-up, kasi para payagan ni hubby mamili sa mall sa weekend hehe

kuliglig^^

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #451 on: January 25, 2012, 02:15:47 pm »
Good afternoon sisses! :) Super habang backread dahil busy mode ako lately.. :)

Sis blouie -- Sosyaaal, talagang passed down from the daddy ang damit... Sweet! :)

Sis jenybasti -- super chinita ni baby! :) ang cute cute! :)

Sis lawlib -- excited na kami for you! :)

Sis jp -- naku sis ingat ingat ah.. we'll pray for you! :) wag masyado pa-stress..

Sis kookiemonster -- naku, wawa ka naman.. sana mawala na uti mo.. nakakaloka narin minsan ang lakas natin sa pag-inom ng water... :P

Sis geekchiq -- my goodness, maloloka ako sa 5 floors! :P MRT stairs nga lang, sakit na ng calves and ankles ko eh..

Sis izabelle -- waaah, sana gora na talaga si baby! :)

Sis kaice -- belated happy birthday!! :) thank you sa pag-inform.. di ko kasi alam na out na pala yung article.. :P ako rin di naman napayuhang magdiet.. kaya go lang kung go.. pero ingat pa din kahit papaano...

Sis caprice -- talaga? wooow.. hehe.. naku, yun din ang nasa isip ni hubby ko.. :P

Sis katiztic -- kaya pa yan, dami pa time bumili ng stuff.. ako nga rin may kulang pa.. hehe.. :)


Re: maternity belt --- wala pa koooo! baka sa baby company fair this sat na lang ako bibili.. :)

Re: 4D --- nakuha ko na yung video and pics, kaso ang laman ng dvd, video lang talaga.. tas yung pics printed lang. :( huhuhu.. di ko pa naupload sa fb kasi may problem yung cdrom ng pc namin, di ko pa matransfer to usb.. wala kasi internet sa bahay. pero some of the pics I took using my bb, asa fb na ni Lucas.

Re: wedding --- thank you sa mga greetings! :) Civil lang muna kami yesterday with parents and relatives... tas nagDad's na lang kami afterwards.. okay naman kasi busog tuta silang lahat.. Hahaha! :) Including kami ni Lucas --- buti di kami hineart burn. :P

Re: house --- househunting kami ngayon.. Sana makakita na okay... Marami kami prospects kaso choosy si hubby... :(

Re: hospital bag -- di pa koooo ready! :( This weekend na talaga, promise!

Re: anesthesia -- ayaw daw ako bigyan ng anes hangga't keri ko pa raw... :) pero pag talagang makakasabunot na raw ako ng nurse, bibigyan na raw nya ko.. :P

Re: SP magazine -- hanggang website lang ata yan sis caprice, pero keri lang.. TY po sa lahat ng bumati.. hehe.. kala nga raw ng iba girl daw baby ko kasi blooming.. hehe.. blooming kasi sa pag-aalaga ng asawa.. :P



Baby Lucas news: Last check up namin nung Saturday, OB gave us Duvadilan kasi nagllabor na pala ako nung Monday last week, di ko alam. Kala ko normal lang yung paninigas nya. Hahaha! :) Wag daw ako masyado pa-stress sa work, para di masyado mapaaga. Balik raw ako Feb4 para ma-IE na raw ako.... :)

lawlib24

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #452 on: January 25, 2012, 04:20:16 pm »
[textspeak!] afternoon ;) still working kahit malapit na ang due pero ang hirap hirap na talaga bumangon, napansin ko lang kahapon manas paa ko, i dont know why. medyo worried lang ako kasi sabi nung midwife and nung last UTZ ko parang medyo marami ang amniotic fluid ko, so todo research what are the cons. next saturday pa check up ko.

goodluck sa atin lahat.

inggit ako sa mga hindi na pumapasok :(

princessrio

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #453 on: January 25, 2012, 05:57:37 pm »
hello preggos!

just arrived from checkup. OB was happy with our improvement ni baby. I lost 2 pounds.. tapos normal na ulit yung blood pressure ko. Pati tyan ko lumiit ng 1 cm. sabi din nya, I can continue walking na kahit mababa na yung tyan ko. tuloy tuloy na rin lang yung I'll be back for checkup on Feb 8. Tapos, IE na rin nya ako non to know if kaya kong magnormal delivery.

yun.. so very happy naman ako. yun lang. ingat ingat mga sisses! hoping everything's well sa inyong lahat.

kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #454 on: January 25, 2012, 05:59:37 pm »
lawlib - ako din inggit sa mga di na pumapasok.. kakadating ko lang sa QC from the fort tapos uuwi ng manila... kamusta naman ang field trip :)


rio - that's good! feeling ko din eh pumayat na naman ako at papayat pa this week. pero compared to last week eh mas mababa na daw yung tiyan ko...

papa-rehab theraphy munak o ng upper back. di ko na kaya yung spondylosis kaya tumawag na ko sa PT ko kahit hot compress, kneading at ultrasound lang. wag na yung madaming stretching at cyclometer kasi di ko na keri.

nakausap ko na anes namin pero epid ang napag usapan namin ni OB pero waist down lang...malapit na ko matapos sa pag-pack ng baby bag. nakahanda na rin papers at groceries. pero dapat 2nd - 3rd week pa lumabas si baby KATE. may certification pa ko next week ng 3 projects waahh!!!

geekchiq

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #455 on: January 25, 2012, 07:33:20 pm »
hay, ako naman never na akong pumasok sa work when I learned I was pregnant. Bawal na kasi sa work eh, until 3rd month lang pwedeng pumasok, unless magooffice duty, e lugi pa ako sa pamasahe pag ganun. Kaya ayun stay at home na ako ever since.

Feeling ko nga rin bumaba na tiyan ko kasi ang baba na ng kick ni baby unless umikot pa siya. :( next week pa ulit check-up ko kay OB eh.

So happy my hubby's cousin gave me her old maternity clothes. I got 2 pants and 3 blouses. Iba pala feeling ng maternity pants, very comfy. I'll be using them on my birthday sa 31. Yey!

aiz08

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #456 on: January 25, 2012, 08:37:49 pm »
goodevening mga sis. regarding sa weight gain, I used to gain 2-3 lbs or more pa nga every checkup pero nung last checkup ko 0.5 lbs lang nagain ko within 2 weeks. parang nagwoworry naman ako baka hindi lumalaki si baby.or baka masyado ako napapagod and nasstress.

Last night nag ot na naman kami ni baby. Nakakapagod na talaga work ko :( everyday pagod sa byahe tapos pwera pa yung byahe ko pag mag field work ako. Last night 130am na kami nakauwi, naawa na lang kasama ko sa work. E hello 8 mos. na ako nakakaawa naman talagang puyatin pa sa trabaho. Kanina di ako nakapasok, nabago na naman body clock ko. buong hapon nakatulog ako. Sana ok si baby, sa monday pa ang checkup namin.

Ano nga pala yung NST mga sis?

Sino pupunta sa sale this weekend?hehe. Pwede naman siguro credit cards dun no?hehe

aiz08

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #457 on: January 25, 2012, 10:13:23 pm »
^ namili kami sa esemco. but i feel na kulang pa mga lampin. will wait na lang din muna for the baby shower :)

likot likot ni baby pag gabi :| mukhang lagot ako paglabas nito a, nocturnal din haha

izabelle

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #458 on: January 25, 2012, 10:18:03 pm »
Ano nga pala yung NST mga sis?

NST = Non Stress Test? yun ba yun sis?

sabi ng ob ko parang ECG daw ito for babies... para malaman kung hindi pa sya stress sa tummy natin.. pinagawa ko ito kahapon lang for assurance na ok pa si baby sa tummy ko at 39 weeks. hindi kasi ako makuntento sa ultrasound e.

minomonitor dito ang movements ni baby, heartbeat and contractions ng mom (kung meron man) kaya ko din nalaman na may contractions na ako every 5 to 10 mins dahil sa test na 'to.. kaso 2cm palang ako kaya hindi pa pina admit.

izabelle

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #459 on: January 25, 2012, 10:23:34 pm »

sis izabelle - parang gusto ko rin tuloy magpa-NST para malaman kung may contractions na ako. baka mamaya masyado lang mataas pain tolerance ko. si OB kasi medyo tipid sa tests. sa ultrasound, urinalysis at pap smear nya lang ako pinagastos ng todo. :'(

naku, wag naman sana tayo umabot ng 41 weeks. natatakot ako dun sa mga stories na nakakain ng poopoo ang baby. kaya gusto sana ni OB manganak ako between 37th to 39th week para daw as much as possible e di makakain poopoo, di matuyuan ng fluid at di lumaki ng todo si baby. at saka ang tagal pa ng 41st week di ba? kainip! ;D

yung NST ko sis ipinilit ko pa sa ob ko yan, kasi naultrasound ako bago yan and ok si baby sa loob.. enough pa amniotic fluid ko and everything is normal.

korek kainip.. yung sa pagkain ng poop naman kahit wala pang 40 weeks pwede na magpoop si baby e.. wala daw yun sa kung over due or hindi.. kasi meron cases na hindi over due pero nag poop pa din.. depende talaga sa baby natin yun.. basta check mo lang din palagi discharge mo sis baka nag break na water bag mo, dun daw kasi nalalaman if may meconium na.. kapag greenish yung water.

hayz, 2 hours ako nagwalking kanina! grabe kapagod!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close