watch now

Author Topic: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6  (Read 104414 times)

bettyboop1322

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #360 on: January 20, 2012, 01:46:21 pm »
ako naman for the first few months ni baby gusto ko ako lang mag-aalaga, magpapaligo & maglilinis ng mga gamit nya esp. bottles & pagprepare ng milk. maselan pa kasi si baby nun, lalo na you can't force the yaya na maging kasing neat & concious nating mga mommies esp. pag nakasanayan na nila from their former job. train ko muna maigi si yaya before ako ulit magrereport sa work.

kuliglig^^

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #361 on: January 20, 2012, 02:11:48 pm »
Hi sisses! :) Super backread ako. hehe. 36 weeks na kami on Monday, and I'm super antok talaga. As in! Gusto ko na umuwi at matulog! :( Dami na nagsasabi na bumaba na tummy ko, and nagtataka sila kung bakit nagwwork pa raw ako --- sabi ko sayang pera!  ;D

For the first few weeks, gusto ko rin ako muna mag-alaga. Pag mejo malapit na ko bumalik sa work, saka na kami magyaya. Haaay, no choice talaga, kasi I have to back to work. Bad trip pa, kasi 45 days lang MAT leave ko. :(

Haaaayyyy... nag-asikaso pa ko ng cert of marriage namin, para tuloy na tuloy na civil wedding namin on Tuesday. Takot ata sina judge, baka raw bigla ako maglabor in the middle of the ceremony.  ;D

In terms of hospital bag, may list na ko, pero icconfirm ko pa kay OB on Saturday kung may idadagdag pa ko... Kaasar nga eh, 2 weeks na halos since 4D ko, yung lying-in hindi sumasagot sa follow up calls ko! Grrrrrr!!!  >:( Gusto ko na mapost 4D namin sa facebook!!!!  >:(

Ingat ingat sisses! :) I'm so thankful dahil weekend na!  ;)

bettyboop1322

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #362 on: January 20, 2012, 02:24:10 pm »
^lapit na wedding day mo  sis... Congrats!  :D

I almost forgot na ilagay sa bag na dadalhin sa hospital yung abdominal binder ko... 2 binder ko sa house, yung isa mas malapad compare dun sa isa. next week mamimili din kami ng mga grocery na foods like cup noodles, breads, etc... picnic yata ang balak namin gawin sa hospital kasi for sure magovernight stay din panganay ko sa room...  ;D

simplyshao

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #363 on: January 20, 2012, 02:38:16 pm »
Thanks mga sis sa inputs. So mga 3k-4k ang range ng salary depending on the work load. Tama! need ko talaga ipaliwanag sa mahahanap ng tita ko ang work n gagawin nya. 2 lang kami ni hubby sa bahay namin kaya super need talaga namin ng extra help specially when baby arrives. Wala n kasi akong mom eh hindi naman ako ganun kaclose sa MIL ko. So, need talaga namin ng kasama wala kaming ibang maasahan. Pero for the first 2 mos. naman habang naka ML ako gusto ko din maging hands on ako kay baby.

sis betty - sige green leafy and liver...isasama ko sa shopping list ko this weekend.

sis kuliglig - Congrats/Best wishes on Tuesday! Kausapin mo muna sis si baby Lucas na behave muna siya sa Tuesday. I remember my cousin na kinasal ng morning and nung gabi na nganak n din cya. 

sis blouie - sa SVH ka pala manganganak. Sa may San Isidro Vill. 2 sa Concepcion Uno kami nakatira. Gusto ko din sana mag inquire sa Marikina Valley Hospital para may option. Pero sa ngayon ang decision namin ni hubby sa Lourdes p din ako manganganak. Natatawa nga samin ang MIL ko kasi walking distance lang samin ang St. Vincent Hospital pero ayaw ko daw dun at doon p ako sa malayo. Pero sinabi ko naman sa kanya na trusted OB n siya ng mga cousins ko kaya siya yung napili namin. Ayaw ko sa St. Vincent kasi hindi siya accredited ng health card namin.




izabelle

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #364 on: January 20, 2012, 05:16:36 pm »
still no signs  :'(

38 weeks and 4 days na kami. maloloka na ako sa kakahintay. :P

kuliglig^^

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #365 on: January 20, 2012, 05:31:04 pm »
Sis bettyboop and simplyshao, thank you! :)

Sis bettyboop, super important ba ang abdominal binder? Wala lang, di pa ko nakakabili... Halaaaaa... Sana meron sa Baby Company Fair.. I-oone time big time ko na yung mga remaining things na kulang ni Lucas. :)

Sis simplyshao, hehe. Takot nga yung mga tao sa city hall, baka raw in the middle of the ceremony eh bigla akong maglabor. Pwede ko naman raw sabihin kay judge na yung short version lang daw. Apparently, may long version si judge na parang may sermon pa ata. :P

Sis izabelle, don't worry sis, lalabas din si baby at the right time. Ako wish ko talaga mag39 weeks. :) Kasi mukhang sakit sa ulo ang ibibigay ni boss saken pag napaaga. Imagine, sabi ba naman, abisuhan ko raw siya ng maaga pag manganganak na ko, like days before, para mailipat na niya classes ko. Para namang mappredict ko kung kelan ako manganganak.  :o

izabelle

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #366 on: January 20, 2012, 05:36:28 pm »
^haha! kaloka naman boss mo sis.. hindi naman natin mapredict yun unless CS tayo na pwede pa schedule.. best wishes pala sa wedding mo sis. :)

inip much lang ako sis.. ganito pala kapag waiting na..

kuliglig^^

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #367 on: January 20, 2012, 05:39:52 pm »
hehe. Kaya nga eh. Kaya super wish ko talaga sumakto sa start ng maternity leave yung labor pains ko. Para walang problem. Eeeep.

Thanks sis! :)

Haaaay, hirap din pala magwait. Super ready ka na talaga sis? As in once magkick in ng bongga ang pains, sugod na agad sa hospital?  ;)

izabelle

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #368 on: January 20, 2012, 05:42:44 pm »
^ ganon na nga sis :P as in lahat ng hospital bags and impt. docs ready na.. si baby nalang kulang :D

rsc_ricci

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #369 on: January 20, 2012, 05:56:15 pm »
Sisses,

Here's my labor story. Cencya mahaba yung post :) I was due January 1 but gave birth the next day so my baby spent 40 weeks and 1 day in my womb. Opted for NSD pero after 12hours of labor napunta rin ako sa C/S. Here's what happened.

At 4am of January 2 nagising ako to pee. Along with my urine I noticed a blood discharge na parang menstruation. AFter 30 minutes I had contractions na pero bearable naman. I woke hubby to tell him na parang it's gonna be D day na. Sabi ko wait muna tayo ng 2 more hours so pinatulog ko uli siya. Ako naman nagopen ng pc and timer. I timed the intervals and kung ganu katagal yung contractions. Every 5 minutes na siya and at 45 seconds each. Naging prominent yung pain at 6am so ginising ko na mom and hubby ko. Bearable pa pero uneasy na yung feeling.

When we arrived at Chinese General Hospital pinadiretso na ako kaagad sa labor room. That's at 10am. I was at 5cm then. Nagturok na sila kaagad ng pampacontract (oxytoxin) para magprogress na dilation ko. Yung mga katabi ko at that time kinakausap ko pa and medyo nkangiti pa ako. After an hour ayun medyo naramdaman ko na yung labor pain na painful talaga. It was like dysmenorrhea x10. Pero carry pa naman, I was confident in no time it's gonna be my turn to deliver my baby. It's going to be a long post pag icocomplete ko pa kwento so papaikliin ko na lang.  I was IEd a number of times na di ko na maalala yung count (yung sakit yung di ko mkakalimutan). I was given 4 dozes of oxytoxin from 10am  till 5 pm. Problem was yung measure ng IE sa akin is nagiging 6cm tpos 4cm tpos 7cm tapos balik 6cm ulit, paulit ulit yung ganun. Yung pain sobrang sakit na, umiiyak na nga ako sa labor room and feeling ko annoying na.  At around past 5pm ayun nag9cm ako. They rolled me to the delivery room na. At that time I was screetching sa pain. Kinakausap ko na si baby sa tiyan ko na lumabas na. SAbi ko nman konting tiis na lang. Kaso ayun, at the delivery room as I was asked na umire pag nagcocontract yung abdomen ko, pag wala na yung contractions si baby ang ginagawa is nagpapadyak sa loob, kilos ng kilos. So parang ang nangyayari si baby nilalabanan niya yung pagdescend niya. From cephalic nagslant yung position ni baby so nung iIE ulit ako  naging 4cm nlng ata or below.

Around 7pm, sobrang pagod na ako sa pag-ire. :( I asked  na the doctors kung mga gano pa katagal yung possible na paglabas n baby. Sabi nila it could be 2 hours more raw kasi naglilikot talaga si baby sa loob. At that time naisip ko na baka pagod na rin si baby, and worst bka magpoop na sa loob. It was then I asked for C/S na. My mom went to the labor room na, ayun sabi niya I really looked tired na and wala ng lakas. Kaso isa pang nagpatagal, si hubby lumabas kaya ayun hinintay pa siya bago maclearance ako to undergo C/S.

Ayun at the operating room, my anesthesiologist is the best. La ako naramdaman na pain nung tinurok niya yung needle. Sobrang parang heaven yung C/s after the labor I went through. Ngarag na ako sobra pero before dozing off inantay ko muna si baby. After 15 mins lang sa OR narinig ko na yung cry ni baby ko.  I gave birth at 7:59pm on January 2, 2012 to my boy Psalm Lukas.  Naiyak na ako nun lalo na nung pinakita and dinikit na si baby Psalm ko sa akin. :) Natawa lang ako kasi parang comedy mukha ni baby ko the first time I saw him. Maga maga lahat ng mukha niya pero nevertheless sobrang saya ng feeling.

Next thing I knew nasa recovery room na ako and naghihintay na makabalik sa room ko. Side kwento, katawa pa yung nagtransport sa akin from Recovery room. Nung papasok ako ng elevator, nagtataka yung nurse aid bakit di kami magkasya, yun pala yung isang paa ko bumalandra sa sliding door ng elevator. Eh dahil la ako nararamdaman waist down di ko alam na nkaharang yung paa ko. BUti nalang hinang hina pa ako kundi tinarayan ko si kuya.

So ayun, after the delivery all I can rant about is yung labor pains. NUng naroom in si baby the next day nakalimutan ko lahat ng pinagdaanan ko.  :) Kaya pala di nagdescend si baby, he's one strong guy. At his first day kaya na nya itoss yung head nya from left to right, can raise both of his legs at 60 degrees angle and sleeps with both of his hands up on his head. Aside from these, marami pa tricks si baby ko na advanced na for his age.

Ngayon, Psalm is 17 days na and am looking forward to what other joys motherhood will bring me. :) Feeling is priceless that it made me feel proud I still went through that painful labor process just to get my lil guy out.
 

iristacey

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #370 on: January 20, 2012, 06:17:47 pm »
congrats sis rsc_ricci. looks like your baby will be an active playful baby :)

kuliglig^^

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #371 on: January 20, 2012, 06:47:46 pm »
^^Sis rcs_ricci, woooow, congrats. Super hanga ako sayo. Super tagal mong ininda yung labor pains. Pero nagulat ako dun sa fact na pwede pala umatras ang dilation ng cervix? Pwede pala lumiit ulit? Halaaaaa....  :o Kaloooka!


Side note lang, Lucas din name ng baby ko! :) Pero first name nya yun. :P Eeeeps, lahat ata ng mga baby Lucas malikoooot!  ;D

^^Sis izabelle, wow ready ka na.. Kami mejo may mga kulang pa...  :(

caprice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #372 on: January 20, 2012, 07:05:46 pm »
still no signs  :'(

38 weeks and 4 days na kami. maloloka na ako sa kakahintay. :P

sis, d ka nag-iisa. ako naman 38 weeks and 2 days (based on LMP) and 3cm as of january 14 pero other than that, no signs din. :(

nung sinabi sa aking 3cm na ako last sat, hindi na ako nagreport for work. ayan, isang week na ang lumipas pero mukhang di pa rin bumababa si baby. :(

i've been a lurker here for months pero di ako makapagpost dahil sobrang busy sa work. nakapag-post din at last. :)

 

izabelle

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #373 on: January 20, 2012, 07:22:56 pm »
^ sis ako hindi ko alam if nag dilate na ako.. the last time na nicheck up ako last Monday eh wala pa din dilation..

ewan ko lang next week.. sana meron ng progress..


Sis rcs_ricci
congrats :)

icee_star

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #374 on: January 20, 2012, 07:31:37 pm »
sis izabelle nakakarelate ako sayo :D ganyan din ako weeks before ako manganak. Sobrang frustrated din ako nung pumatak ang due date ko which is Dec 29th and still, there was no sign pa rin. Kaya pacheck up ako ng 30th, that's when my OB said na induced niya ako on 3rd Jan. In-IE niya ako and I was 3 cm pa lang. Yun na yung final date niya kaya naman sobrang paglalakad na ginawa ko pati sa house namin nagstairs na ako instead of elevator. Sobrang happy ko when my mucus plug showed up on the 31st ng tanghali. Akala ko any moment ng araw na yun magle-labor na ako. Pero wala pa rin. I was waiting 1st January, akala ko new year baby siya, and hoping na magnatural labor on 2nd Jan, kasi sabi ko magandang combination ang 01-02-2012 pero wala pa din. Everything was so ready na din 2nd week of Dec pa lang and si baby na lang hintay.

Sobrang takot na ako when 3rd Jan came, kasi 730 am kami pinapunta ng OB sa hospital. Natatakot ako ma-induce or worse, CS. Habang nasa taxi, dasal ako ng dasal na sana maging OK lahat. Ayun after mag-admit, by 930 sinaksakan na ako ng pampa-induce. Nung una medyo naiinda ko pa but mga bandang 12pm, nanghingi na ako ng gas mask. It helps pala na maginhale exhale ka using gas mask medyo nawawala yung sakit ng paglabor. I also remember my OB was trying to break my waterbag kasi di pa rin pumuputok. Yun ang nakadagdag sa pain ko.
Then after an hour nagpaturok na din ako ng pampa-antok. Naglalaban yung antok at sakit ng labor pero feeling ko mas nanalo yung pampaantok kasi nakatulog ako ng konti hehe. Tapos ayun, nafeel ko na lang na parang napupu-poo, then isang sigaw na malakas lang at matinding iri, then my baby girl was out na! :D

2.9 kg lang siya and 4 days overdue. Sabi ni OB napu-poo and naka-take siya ng konti but nalinis na nila agad and everything was fine thank God.

Ayan napa-post na rin tuloy ng birthing story. :D
« Last Edit: January 20, 2012, 07:34:35 pm by icee_star »

caprice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #375 on: January 20, 2012, 08:01:11 pm »
^kala ko una lagi ang mucus plug before the dilation. kaya nagulat ako nung sinabing 3cm na ako e hindi ko pa naman nakikita yung mucus plug ko. kaya inisip ko na lang na baka namiss ko nung nagwash ako. ???

aiz08

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #376 on: January 20, 2012, 08:41:02 pm »
sis simplyshao sa Marikina Valley Medical center ako manganganak. Ang quote ng ob ko for NSD is 35k pataas, CS 50k up,depende daw sa room. Wala kasi kami masyadong alam na ok na hospital near Vista Verde, so dun na lang. Tutal dun na ako naconfine before nung 5 mos. preggy pa lang ako, for 1 week stay (ward muna then small private) naka 35k ata ako nun. Sana hindi kami masyado mapamahal sa MVMC :| may nagsuggest nga sa akin na lying in na lang, dun kasi nanganak friend ko.[textspeak!] OB naman nagcclinic din sa MVMC, pero yung lying in sa Antipolo, 15k lang nagastos nila. trusted na nila yung doctor, kaso ayaw ng partner ko kasi baka pag nagkaproblema, ganun din, mapunta din kami sa hospital, mapapamahal din.

sis bettyboop1322 ano brand ng abdominal binder mo?

Sa mga nanganak na, what brand ng abdominal binders gamit niyo? And when did you start using it?

mag 33 weeks na ako pero bigat na bigat na talaga ako sa sarili ko haha. Tawag nila sa akin sa office is bumblebee and penguin! ang hirap na magtravel lalo likot ng baby hehe. And dyahe sa office kasi lagi ako nakakatulog haha!

Mga sis, anong mga nabili niyo na for yourselves? Sa baby kasi wait ko pa din baby shower, pero yung para sa akin, mga gamit na need ng mommy wala pa ata. What should we buy? Ano na meron kayo? Please share :)

khriseeee

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #377 on: January 20, 2012, 10:34:35 pm »
sis simplyshao be careful with how much liver you consume, it's high in vitamin A and believe it could cause birth defects (at least early on in pregnancy). But since you're almost term, maybe it won't. Check with your OB first. I know liver and pate is generally a no-no in pregnancy.

sis aiz08 haven't given birth yet but I bought a binder from Venus at Landmark- the one without boning. But I'm also thinking about buying the persona one from Mercury since I've read that's the one hospital usually uses. I'll ask my OB rin for suggestions. I also bought girdle undies just in case I undergo CS. If ever I have to do a CS, I want bikini cut and I've read na binders aren't advisable for bikini cut because the cut is lower, girdles are better daw. I wanna be ready for either scenario.

izabelle

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #378 on: January 20, 2012, 11:08:50 pm »
sis izabelle nakakarelate ako sayo :D ganyan din ako weeks before ako manganak. Sobrang frustrated din ako nung pumatak ang due date ko which is Dec 29th and still, there was no sign pa rin. Kaya pacheck up ako ng 30th, that's when my OB said na induced niya ako on 3rd Jan. In-IE niya ako and I was 3 cm pa lang. Yun na yung final date niya kaya naman sobrang paglalakad na ginawa ko pati sa house namin nagstairs na ako instead of elevator. Sobrang happy ko when my mucus plug showed up on the 31st ng tanghali. Akala ko any moment ng araw na yun magle-labor na ako. Pero wala pa rin. I was waiting 1st January, akala ko new year baby siya, and hoping na magnatural labor on 2nd Jan, kasi sabi ko magandang combination ang 01-02-2012 pero wala pa din. Everything was so ready na din 2nd week of Dec pa lang and si baby na lang hintay.

Sobrang takot na ako when 3rd Jan came, kasi 730 am kami pinapunta ng OB sa hospital. Natatakot ako ma-induce or worse, CS. Habang nasa taxi, dasal ako ng dasal na sana maging OK lahat. Ayun after mag-admit, by 930 sinaksakan na ako ng pampa-induce. Nung una medyo naiinda ko pa but mga bandang 12pm, nanghingi na ako ng gas mask. It helps pala na maginhale exhale ka using gas mask medyo nawawala yung sakit ng paglabor. I also remember my OB was trying to break my waterbag kasi di pa rin pumuputok. Yun ang nakadagdag sa pain ko.
Then after an hour nagpaturok na din ako ng pampa-antok. Naglalaban yung antok at sakit ng labor pero feeling ko mas nanalo yung pampaantok kasi nakatulog ako ng konti hehe. Tapos ayun, nafeel ko na lang na parang napupu-poo, then isang sigaw na malakas lang at matinding iri, then my baby girl was out na! :D

2.9 kg lang siya and 4 days overdue. Sabi ni OB napu-poo and naka-take siya ng konti but nalinis na nila agad and everything was fine thank God.

Ayan napa-post na rin tuloy ng birthing story. :D

haha thanks sa kwento sis.. nakaka depress nga maghintay eh.. natatagalan na ako.. sinabi ko sa ob ko na open ako maCS dahil gusto ko na mailabas si baby.. pro normal delivery kasi ob ko and nag CS lang sya kung emergency, may complications or kailangan talaga. in my case, naiinip lang daw ang reason ko.. :P but karapatan ko naman daw mamili sabi nya..

sa january 24 next check up ko and dun finalized kung ano ba talaga gagawin.. sana talaga may progress na para normal delivery din ako.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close