watch now

Author Topic: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6  (Read 104371 times)

kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #340 on: January 20, 2012, 08:47:54 am »
gandang umaga!

sakit ng ulo dahil sa left sided sipon...hay.. ayoko talaga uminom ng gamot. sabi naman ni hubby di naman mahahawa si baby kate (ENT naman siya kaya naniniwala ako hehe :) ) checkup ko dapat kahapon pero 6 pm nan natapos yung evaluation ko ng staff, unfortunately may isang staff na di talaga pumasa sa criteria for regularization... define STRESS. eto ang pinakaayaw ko sa work, mag terminate ng tao pero ayoko naman ng pabigat sa colleagues sa office lalo na at mawawala ako ng 2 months. san masingit ko yung checkup ng mga 3 pm today.


sis jennybasti - hindi na kita napuntahan. sabi ni hubbby puntahan ka namin nung wednesday pero mejo  late na kasi kaya nahiya ako baka tulog ka :) have a speedy recovery :) ang galing nag b-BF ka na.. wishk o yan na may milk agad ako for baby :)

izabelle - lahat ng hospital affected ng room type ang pf. kasi parang room ang basis ng ability to pay ng patients. di lang pf, pati lab and ancillary procedures costs eh affected ng room type pag admitted ang patient.

jp _jameop - parang bumilis ha.. nagmamadali na ba lumabas si baby?!

geekchiq - naku fear ko ang transfusion dahil sa blood disorder ko :( pero basta daw di bumaba ng 10 eh ok pa kami, 11 something lang ang usual hemoglobin namin eh. may iron at folic na yun. di kasi iron deficiency yung akin. kaya ayoko din ma-CS kasi feelingk o mas madaming dugo ang kailangan.

rio - talagang dapat march 2 si baby gean hehe! :) kami eh kahit ano. nireready na namin na starting feb 1 eh pwede na anytime, wag naman sana abutin ng feb 29... hehe!




mommy gwen

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #341 on: January 20, 2012, 09:19:32 am »
Good morning mga buntis! :D

Hay! Sakit ng ulo ko, parang kulang ako palagi sa tulog... but still have to work till next week :-\

37 weeks & 4 days na kami ni baby... Naiinip na ko at nabibigatan kaya nag-usap kami ni hubby na sched na ko for CS & di na ituloy ang VBAC... Baka sa January 28 ako magpasched ng CS, by that time 38 weeks & 6 days na kami... Kaya nagfile na ko ng MAT Leave from January 30 to March 30, sakto holy week na after that, kaya April 10 na ko babalik sa work...

Mga sis, magkano quote ng mga OB nyo? OB's quote (suite) for NSD = 15 to 25T   CS = 50 to 70T

ob ko 30k kahit anong room fixed na yon pag cs...kahit sa 1st baby ko yun na PF niya...
pedia - 6k
anesthesiologist - 10k

hospital bill (capitol) almost 43k

less 11k philhealth 2nd cs with medical indication



Sana lang makabawas sa Philhealth.... :-\

princessrio

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #342 on: January 20, 2012, 09:28:20 am »
morning!! nakakaadjust na ako paunti unti sa tulog. namamahay kasi ako. my parents and I changed rooms na at ok na lahat! kahit pa bumisita dito sa house ang buong angkan ni hubby, ok na ok. may sofa na sa room kaya parang may receiving area.  ;D

kaice - oo. march 2, 1999 kasi naging kami ni bf, now hubby ko na. kaya tinding panalangin na march 2.

bettyboop - ang quote sa akin ni OB, NSD 25-35k, CS 35-40k. private room na yan. wala pang bawas ang philhealth dyan. shempre it will still depend kung ilang days kami sa hospital (wag sana magtagal at wala sanang complication si baby). Hindi sha nagpapackage kasi mas mahal daw pag nagpackage sha. nakakatuwa kasi since family med si OB, pedia na rin sha ni baby. PF nya is 7k, that's for both me and baby na.

jp - excited much na ikaw. ganon din ata sa perpetual succor, pwedeng ward ka muna tapos saka ka lipat sa ibang room pag may available na. pero dahil nag-inarts ako ng konti, papareserve ako ng private room starting Feb 15 tapos update na lang ng update ;D

kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #343 on: January 20, 2012, 09:49:17 am »
rio - naku! kami din ni mister eh mas gusto mag celebrate ng july kesa may na anniversary kasi 12 years kami na nagce-celebrate ng july hehe! binyag lang ni baby kate yung isasabay namin sa first anniv namin :) dapat maging practical at pag isahin ang mga handaan :)

ako no idea kung magkano magagastos. for sure eh private room kami. mamimili lang ako kung saang unit. ang benefit ko kasi eh 75% discount sa lahat lahat pero ang usual NSD dito yata eh 60-80K and CS eh 90-100K up. pero ok lang naman salary deduction. PF eh ayaw magsabi ng mga doctor ko kaya nag iisip na lang ako ng gift para sa kanila. magpapaadmit ako sa High Risk Pregnancy Unit or monitored bed kahit di high risk (though madamai akong risks sana eh di naman maka-affect) kasi gusto ko may bantay pag nagle-labor.

blouie11

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #344 on: January 20, 2012, 09:57:45 am »
morning preggos and mommies!

naku birthing na ang usapan dito.. ayos na ba ang hospital bag nyo? Good luck sa mga naglalabor na! sis izabelle chilax ka lang may more than a week ka pa! hehe wag pilitin si baby kung ayaw pa.

Maglalaba na ako ng clothes ni baby Andrei.. naiayos ko na kasi closet nya dapat matapos ko paglalaba until next week para maihanda ko na ang hospital bag namin.

Tummy ko din naninigas.. hindi ko alam kung ano ba yun e kasi parang prominent yung fetal parts nya sa ibang area naman ng tummy hindi matigas. feeling ko nagiinat lang si baby pero tigas kasi kaya nakakaworry although hindi naman umaabot ng 30 mins na matigas cya.

Ilong talaga napansin nila sa 3d utz ni baby Andrei pano prominent naman talaga.. tabaching ching daw at wala talaga nakuha sa akin! sabi ko na nga e pinaglilihian ko daddy nya! :)

geekchiq

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #345 on: January 20, 2012, 10:58:50 am »
hirap ako matulog kagabi, mga past 5 am na ako nakatulog, dahil init na init ako. wala naman kasi kaming aircon. buti ndi ako nagwowork, so i still got to sleep until past 10. tapos tulog na naman later this afternoon. pansin ko nga, ang tulog ko mga 4-5 hrs na lang at night, kaya bumabawi na lang sa hapon.

sis kaice- ako naman, never ko pa naexperience yang transfusion, pero positive pa rin naman ako na tataas din ang hemoglobin count ko before delivery. :)

sis rio- kay Dra. Julie Woo ka ba sa Perpetual? OB siya ng friend ko. inggit na inggit ako kasi mura lang yung singil sa kanya ni dra. PF is around 10k lang nga raw, OB + Pedia PF na since she had suite room for 2 days. pero hers kasi was not painless though, dahil pag dating niya sa ospital, nakakapa na ulo ni baby, mababa na talaga, ndi na siya pwede magpapainless kaya twilight anesthesia lang. overall, she spent 21k lang (deducted na Philhealth).

princessrio

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #346 on: January 20, 2012, 11:10:01 am »
^yup sis, Julie Woo ako. mura pa rin ang 21k kung tutuusin kasi naka-suite room na sha. kelan sha nanganak sis? sabi nga sa perpetual succor, si Dr. J. Woo daw ang pinakamababa sumingil don.

bettyboop1322

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #347 on: January 20, 2012, 11:18:02 am »
sis rio, ang mura ng quote ni OB mo sa CS ah... Gov't. hospital ba yan? Sana makabawas ako ng malaki sa Philhealth.

mommy_gwen, why kaya wala akong mabasa sa Philhealth na 11k lang ang deduction for 2nd CS & oo nga pala, wala pa sa quote ni ob yung sa pedia.

Naku, natakot din ako sa blood tranfusion, sana ok naman this time ang dugo ko, nung 1st CS ko (8 years ago) wala naman akong problem sana this time ganun din...

geekchiq

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #348 on: January 20, 2012, 11:24:05 am »
Oo, sobrang mura nga raw talaga. May natira pa nga raw sa nakuha niya sa SSS. Kaya nga ang dami nga raw atang nagpapacheck-up sa kanya. December 3 pa siya nanganak. Tapos ang sabi pa, as much as possible hindi mahilig mag-CS si dra. Kung kakayanin ng normal, ipapanormal niya raw talaga.

princessrio

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #349 on: January 20, 2012, 11:28:04 am »
^oo sis, ganon nga daw si dra. ang dami talagang patients nya. magkakamag-anak na nga yung nagpapatingin sa kanya kasi refer refer na lang talaga. consultation fee nga nya 150 lang eh. di na tumaas. at oo, ayaw nya ng CS. inonormal ka nya talaga hangga't kaya. tinanong ko na sha regarding that.

^nope sis, hindi sha government hospital  ;)

khriseeee

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #350 on: January 20, 2012, 12:12:53 pm »
I'm finding it hard to sleep at night too, even though I'm really sleepy na. My tummy is so heavy na and I have a hard time finding a comfortable position to sleep in. It's either my tummy isn't comfortable or I can't find a position to breathe comfortably. I end up sleeping mga 3/4AM na, plus getting up to use the bathroom frequently  :( I get up mga 10AM due to hunger and fall back asleep for a nap from 11-1 before I finally get up and get ready for work.  :( I keep telling myself it's better I get used to this as this will most likely be my sleeping schedule once the baby is here na.

simplyshao

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #351 on: January 20, 2012, 12:25:40 pm »
sis aiz08 - ako taga-Marikina. San k manganganak sis? Ako kasi baka sa Our Lady of Lourdes Hospital pa sa Sta. Mesa, dun kasi ang OB ko. Trusted OB n siya ng mga cousins ko tsaka siya n din ang nag-alaga sakin ever since I found out na preggy ako kaya gustuhin ko mang lumipat ng mas malapit sa amin ... nanghihinayang ako. Pinag iisipan nga namin mag asawa kung magrent kami near OLLH siguro alteast 2 weeks before ako manganak.

sis jp - yehey, humabol n si baby chai sa LMP nya. I'm happy for you. Relax relax lang wag masyadong papastress. Hoping and praying din kami na si baby namin humabol n din sa LMP nya.

sis geekchiq - next week p ulit ang repeat CBC ko. Last test, anemic din ako. Hirap ng kalagayan natin sis. Ayaw ko ng blood transfusion. Nakakatakot ang mga blood sa blood bank. If ever man...gusto ko galing kay hubby ko ang dugo (since parehas kami ng blood type) or sa mga kamag anak ko.

ang quote sakin NSD around 40-60k, scheduled CS 70-80k and emergency CS 80-90k. Pero icoconfirm ko pa ulit sa secretary ni OB sa next visit ko.





simplyshao

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #352 on: January 20, 2012, 12:40:06 pm »
Question pala mga sis...Nagpapahanap kasi ako sa tita ko ng kasama sa bahay/yaya. Sa mga may yaya na...ask ko lang pag sinabi mo bang yaya...eh concentrate lang sila sa pag alaga kay baby? Or pwede din silang magluto, laba and linis ng bahay? Pasensya na ah kasi nung nagkaroon kami ng kasama sa bahay eh elementary p ako kaya wala ako idea sa kalakaran ngayon.

Baka kasi mamaya sabihin ng nakuha ko na yaya... "ay, ate yaya lang ako at hindi ako maglilinis etc. etc." hehe...paranoid lang.  Tsaka how much pala ang sweldo nila?

geekchiq

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #353 on: January 20, 2012, 12:41:40 pm »
^oo nga sis, ang hirap ng anemic. usually ba ilan hemoglobin count mo? ako on the 36th week pa yung repeat CBC ko. basta ayoko ng transfusion, pero buti nga rin si hubby ko, pareho lang din kami ng blood type. anong sabi ng OB mo pwdeng complications if hindi manormalize yung CBC mo? kasi sabi ni OB ko, baka mahirapan atang magcontract yun uterus. ewan ko kung tama yung pagkaintindi ko. hehe. tapos baka maging anemic din si baby, tsaka low birth weight. :(

simplyshao

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #354 on: January 20, 2012, 01:00:55 pm »
^ Hindi ko matandaan saktong count sis. Basta ang alam ko around 5-10 counts below the normal level ata ako. Kaya 2 doses of Hemarate FA na ang iniinum ko araw araw. Eat din ako ng beef halos araw araw. Yung gulay kasi...since 2 lang kami ni hubby sa bahay namin...wala kami gaanu time mamalengke every day. As much as possible puro iron rich food ang kinakain ko. Ayaw ko talaga ng blood transfusion.

Wala p naman sinasabi si OB complications kasi ichecheck p namin next week. Pero un nga nabasa ko din yung low birth weight kaya nga worried ako kasi si baby ko 1 week off cya sa LMP nya... iniisip ko connected yun sa anemic ko. Wawa naman si baby. Buti long weekend mamalengke ako ng madaming talbos ng kamote at dahon ng ampalaya. Kahit mahirap kainin kakainin ko para kay baby.

bettyboop1322

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #355 on: January 20, 2012, 01:07:35 pm »
^sis, green leafy veggies & liver mataas ang iron content nun.. re: yaya, hh namin nilinaw ko muna lahat before sya nagstart, all around sya, 3,500 ang monthly nya & may 13th month sya, pero hindi sya stay-in, 6:30 am to 6:30 pm lang sya & day-off every Sunday, pag Saturday after nya maglaba pwede na din syang umuwi...

blouie11

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #356 on: January 20, 2012, 01:12:33 pm »
sis simplyshao taga Marikina na rin ako since dito na ako kanila bf nakatira. Sa St. Victoria Hospital ako manganganak dun kasi work ni bf, from FEU ang OB ko before kaya lumipat din ako ng OB na affiliate sa SVH. Ask ko pa how much ang PF or package nya, dapat kasama ko si bf para internal arrangement na lang sila. hehe pero sabi sa amin ng secretary nya dati ang package daw ay nasa 20-25K.

sis ang hanapin mo na lang is kasambahay para all around. Tama ka kasi pag sinabi yaya expected nila focus lang sila sa baby. May darating kaming kasambahay dito sa monday sana nga ok cya. Di ko naman cya papaalagain sa baby namin kasi gusto ko ako ang nakafocus since wala pa naman ako work ulet.

Maglalaba na lang cya ng damit ni baby. The rest akin na. kaya kasambahay talaga para pwede maglinis at laba.

blouie11

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #357 on: January 20, 2012, 01:17:31 pm »
sis betty nag ganyan na din kasi sila MIL dati.. parang punta lang dito 3x a week laba tapos linis. Since wala naman talagang linisin dito sa bahay kasi 4 adults lang naman andito at lagi pang wala yung 2 kasi may work. Tapos si MIL naman everyday namamalengke at luto. Ang problem nga lang namin e minsan hindi pumupunta on her schedule kaya natatambakan ng labahin.

Stay-in na din kukunin namin ngayon para anytime pwede mo mautusan. Pero dyos me hindi naman cya everyday maglalaba mga 3x a week lang tas wala nga gaanong linisin so malamang tambay lang yun dito. hehe super gaan ng work load kaya sabi ko sa mom ko since cya ang naghahanap mga 3K lang ang monthly salary. day off once a week bahala cya kung kelan nya gusto.

izabelle

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #358 on: January 20, 2012, 01:28:09 pm »
sa akin naman hiwalay ang yaya sa maid.. reason is gusto ko na each of them will focus sa trabaho nila at para wala silang dahilan magkamali sa chores nila.

yung maid is for cooking, laundry, etc.. lahat ng household chores.. while the yaya is focused kay baby pero syempre babantayan namin since work from home kami ni hubby. yung yaya is kamag anak ni hubby na marunong talaga sa newborns, wala kasi kami alam ni hubby sa pag aalaga and both parents namin nakatira na sa US kaya wala kaming ibang maasahan.

princessrio

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #359 on: January 20, 2012, 01:44:17 pm »
kami meron na nakuha pero maid. 3k, stay-in. nilinaw naman namin kung ano ang mga gagawin nya. actually, wala nga shang masyadong gagawin eh. laba, linis ng bahay, hugas plato. pero sabi ko, kung maluwag naman, alaga ng bata para makapagpahinga din ako minsan. hindi biro ang puyat ha?  ;D ngayon pa nga lang pinapractice na tayo ng mga babies natin na mapuyat eh.  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close