watch now

Author Topic: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6  (Read 104550 times)

iristacey

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #320 on: January 19, 2012, 02:27:06 pm »
^same with you sis rio. ako din ganyan, im 34wks na tom, minsan feeling ko manganganak na ako kasi panay naninigas ng tummy ko but humuhupa din naman. so ibig sabihin hindi pa talaga. tapos super likot na ni baby. active na active lalo pag maingay or ma-base yung music. dati nakakatulog pa ako ng mga 3-4hrs straight. ngayon ata hindi na. 2-3hrs straight na lang kasi kung hindi nawiwiwi, nararamdaman ko na gumagalaw siya. kinakausap ko lang siya na wag muna lalabas, kelangan full term kame.

princessrio

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #321 on: January 19, 2012, 02:39:29 pm »
toingkz! naiwan na ako sa 32 weeks. haha..33 weeks na pala ako.  ;D

kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #322 on: January 19, 2012, 02:49:03 pm »
bakit kami eh 35 weeks na.. kung tama ang count ko... eh walang ganun pero active lang si baby. tinanong ko nga si hubby kung ano ba ang signs ng malapit na manganak, naninigas daw at defined interval. basta ang dami kong tanong sa kanya kagabi. di naman nakulitan sa kin hehe!

ako naman eh may flu like symptoms :( left nostril ko eh may sipon yung right eh super dry... dahil ito sa left lying position pero yun lang naman ang position na pinaka advised sa tin. parang ang bigat lang ng ulo ko kasi parang di pantay...

ladylucille

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #323 on: January 19, 2012, 02:59:07 pm »
mga sis, meron na ba dito nanganak sa makati med? do they promote room-in kay baby or kailangan pa i-request?

ladylucille

  • Guest

aiz08

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #325 on: January 19, 2012, 05:07:47 pm »
32 weeks na ako.. ganon ba talaga ang baby? parang hindi na nagpapahinga ang gean ko! kahapon, parang maghapon shang sumisipa. di ko alam kung effect yun ng pinapple juice na ininom ko in the morning. tapos ngayon, ganon na naman. eh wala naman akong kinain for breakfast kundi oatmeal saka isang pirasong pandesal. tapos lunch. pero parang di sha tumitigil kakagalaw. parang sikip na sikip na sha sa loob.

ano ba gagawin ko? natatakot ako baka mapaaga ako ng panganganak nito. may ganong kaso ba?

Sis same lang din tayo, 32 weeks and ang likot2 niya. Kitang kita ng officemates ko na nagiiba form ng tummy ko haha. Sila ang natatakot. Maluwag naman yung suot ko pati undies hehe, so sana hindi naman sya nasisikipan. Mas ok na siguro na active mga babies natin hehe :) Eversince nag pa 3d kami, mas lalo akong natuwa na kausapin sya!hehe. Sayang, medyo tipid kami, hindi nakapag 4d, maganda sana may 4d para pag namimiss mo, panoorin mo lang ulit yung video hehe. Pero konting tiis na lang naman, makikita na natin babies natin. Ask ko lang if my mga mommies dito within Cainta/Marikina area

aiz08

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #326 on: January 19, 2012, 05:17:03 pm »
Hindi pala ako nagiisa regarding sa kapintasan ngayong preggers tayo haha. Minsan nakaka offend talaga pag huhulaan kang boy daw kasi 'pumangit' ka haha. Although sa case ko naman mas madami nanghula na girl. Ok lang naman sa akin yung mga ganun, kahit sinasabi na hindi na daw ako palaayos unlike before sabi ng MIL ko, e hello, iba naman kasi tlg ang mga panggimik ko noon haha. Ang naooffend na talaga ako is when malaman nila [textspeak!] gender through ultrasound, ayaw pa din nila maniwala na girl. Tinanong pa ng partner ko sa ob ko yan kung sure [textspeak!] ultrasound kasi sabi ng tita niya minsan daw nagkakamali. My ob said na 80-20% sure naman yun and we can have the ultrasound repeated if we want to. So ayun na nga, confirmed nung nag pa 3d kami. Its really a girl haha. tambok nga daw ng pempem sabi ng sonologist haha.

aiz08

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #327 on: January 19, 2012, 05:25:46 pm »
goodmorning!!! :)

congrats sis  gorgeous diva !

sis jeny, content currently unavailable  daw pagclick ko sa link.

sis den.nica - tama si sis kaice ... need mo ng matinding self-control pag nakita mo n ang cute baby stuffs sa ensemco. 

I have the same sentiments, sis khriseee, sis izabelle and sis kaice.

Anyways, on the brighter side mga sis...madami din namang perks ang pagiging preggy.  ;)  Like, nung asa BDO ako to make a deposit hindi na ako pinapila ng guard dun sa mahabang pila...instead he asked me to go to the priority lane nila n mas maikli at pwede akong umupo.  2nd,  madaling humingi ng tawad sa mga tiangge. (Swerte daw kasi ang buntis)  3rd, hindi n din ako pumipila sa van (commute kasi ako from Marikina-Ortigas & vice versa). Automatic pagdating ko kahit gaanu kahaba ang pila at dumating n ang van...papaunahin ako agad ng dispatcher.  Minsan nahihiya ako, pumipila p din ako pero pinapagalitan ako nung dispatcher sabi nya "mam, wag n po kayo pipila ah." I will definitely miss these priveleges pag tapus na ang pagbubuntis.  :D

Sis simplyshao, same tayo. Ito ang fave part ko sa pagiging preggy, no need na pumila sa lahat. sa elevator at sa van/shuttle. Love it haha. Although may numerous bad experiences din ako sa pagcocommute, like yung hindi ako makapili ng upuan or yung nagrequest ako na makipagpalit ng seat sa katabi kong girl kasi wala na akong naupuan talaga e.Ang tagal2 ng byahe from makati to Vista Verde pag gabi so naglakas loob talaga ako makiusap. pero tinanggihan niya ako!Sabi nia "ayoko, butas yang inuupuan mo e", and then nagexplain pa ako " e kasi po buntis po ako, medyo mahirap po sa kalagayan ko na wala halos maupuan". Nagtinginan mga tao sa kanya, then lumipat sya sabay irap sa akin. worst part is BABAE din sya. Yun ang kinaiinis ko madalas e, mga kapwa babae pa mismo natin ang hindi marunong magbigay.

Naku mga sis, importante pala yung nakalagay na EDD sa bawat ultrasound haha.Di ko kasi pinapansin yun e, ang nagstick lang sa utak ko yung finofollow namin ng Ob ko which is March 11. LAst ultrasound ko, march 20 na ata lumabas ibig sabihin ba late yung baby ko ng 1 week? Nagwoworry nga ako, huling weight gain ko half kilo lang within 2 weeks, e usually mas malaki yun. Pero sabi naman nung ngultrasound sa akin, nasa average naman daw ang laki ni baby, ang laki laki nga ng cheeks e.

jp_jameop

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #328 on: January 19, 2012, 05:53:12 pm »
hi preggos and mommies! maghapon lang ako nawala, haba na ng backread ko...
 
akala ko manganganak na ako kagabi.. at dahil sa sobrang stress ata sa work kahapon, nanigas tlaga tyan ko ng bonggang bongga! kahit wala ako dala tubig kahapon after 30 mins na paninigas at parang nawiwi na ko dahil ramdam ko sa baba si baby, uminom na ko isoxillan. nilunok ko na lang yung gamot...

naku di pa rin tumalab.. umabot ata ng 2 oras yung paninigas...  di ako kumikibo kahit ano kausap sa akin ni hubby and nanay ko. hahaha kasi pinapakiramdaman ko si baby... tinawagan ko si OB, napaparanoid na ko, sabi nya di daw normal yun, ask nya ilang mos na ako, sabi ko 8, sabi nya di pa puede, inom daw ako ng isoxillan every 6 hours and complete bed rest. before that tnext ko sya sabi ko 35 weeks na ako based on utz and 37 weeks based on lmp. tnext nya ko ulit at nagpatawag. sabi nya if 37 weeks na ako, di na nya pipigilan lumabas si baby, ask pa nya ano ang sinabi nyang EDD ko, sabi ko sabi nya susundan namin yung utz.. so sabi nya bed rest muna ako at kailangan magfull term.. sabi pa nya pag di talga tumigil paninigas at lumalakas white discharge ko, need ko magparoom in and IE.

dahil di ako mapakali, khit na bedrest ako, nagpapelvic ultrasound ako sa UDMC(and sobrang tagal ng procedure nila kakainis!).. ayun at humabol na baby ko sa LMP age nya. 36wks and 6 days na sya.. 2 days na alng late nya... tpos ang nakakainis pa, di nila sinasagot tanong ko.. naririnig ko lang na parang maliit daw si baby (contrast sa last utz ko)... puro sila tsismisan sa loob ng u/s room. kalowka.. based sa utz, 6.8+lbs si baby, so baka mas magaan pa sya pag labas nya. cephalic na din and adequate naman si amniotic fluid...

ramdam ko di na aabot sa feb. lalabas na si baby... sumakit na rin puson and balakang ko kahapon...

ingat ingat sisters...

gusto ko year of the dragon si baby chai.. heheh at sana kabday ko sya. hahaha sa 29. :)

princessrio

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #329 on: January 19, 2012, 06:34:47 pm »
inaykupo! observation ko sa list natin, lahat nauna sa due date!!

pak! march 5 ako sa TVS; feb 26 sa sec/third trimester US. wag naman ako mapaaga. gusto naming mag-asawa na March 2 ako manganak. wag naman sana feb 29!!!!!

jp_jameop

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #330 on: January 19, 2012, 07:01:12 pm »
^hahhaha oo nga sis.. kahit feb1 si chai ayus lang basta normal ang lahat...

musta na si sis izabelle?

lawlib24

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #331 on: January 19, 2012, 08:57:36 pm »
wish ko rin na umabot kami ng february, although nung 1st baby ko, 40 weeks kami and induced. sabi kasi nila if 2nd baby na medyo mas maaga kaysa sa due date.

nakakatamad na pumasok, marami ng masakit sa akin.  >:(

nung 1st baby ko hindi ako nakaramdam ng pain after ko lang uminom ng pang induced na gamot saka lang sya sumakit.

geekchiq

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #332 on: January 19, 2012, 09:01:01 pm »
just had my check-up earlier with OB, and ok naman daw. malakas heartbeat ni baby but am still anemic despite 2x a day iron, 113 lang kasi hemoglobin count ko, as much as possible daw asa 120 dapat. kung ndi, sasalaninan ako ng dugo before delivery. kaya si MIL, papakainin ako ng papakainin ng gulay, 3x a week, yun daw uulamin ko.

super bait talaga ng OB ko kasi she really suggested on ways for us to minimize our expenses during labor. i mean, even though her PF would be affected for sure. she still gave us the suggestion to get ward room first, and then private room na kapag after recovery, which is fine by us, kasi 4 persons in OB ward lang naman daw, tapos minsan mag-isa ka pa. So go na kami ni hubby sa set-up na yun. Plus, she's on the conservative side daw, kung kaya naman daw talaga inormal delivery, pipilitin niyang ipanormal. as much as possible, ayaw niyang i-CS.

when i had my check-up earlier, the patient before me, ang baba na ng tiyan. sabi nga ng OB ko, manganganak na daw yun tonight, kaya pina-admit niya na. at least may idea na ako kung anong itsura. hehe. :)

jp_jameop

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #333 on: January 19, 2012, 09:11:10 pm »
true sis lawlib. kung wala lang ako pending di na ako papasok! :(

sis geek- wer ka manganganak? parang ganyan din gusto ko sana gawin. ward muna then paprivate na lang.

patriciaheart

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #334 on: January 19, 2012, 09:59:13 pm »
7 months na :) need to buy baby stuff! hospital essentials muna siguro then [textspeak!] mga everyday clothes and appliances ni baby.

jenybasti

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #335 on: January 19, 2012, 10:07:12 pm »
we're finally home :) kagabi nung 851pm nag 48hrs na sya kaya mga bandang 9 kinuha sya ng pedia para sa new born screening.di na ko pinasama kasi nga naman natatakot yung mga nanay pag nakikita nila tinutusok baby nila.sandali lang naman.pagbalik ayun kawawa naman hikbi ng hikbi.
happy ako kasi madami na ko milk.i think kuntento naman si baby sa nakukuha nya sakin.tulog dede lang sya :)

geekchiq

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #336 on: January 19, 2012, 10:20:47 pm »
sis jp- taga south kasi ako so sa medical center of muntinlupa ako manganganak. Kanina Lang ako naghospital visit kasi usually clinic Lang ako ni OB nagpapacheck. Mukhang oki naman, 5-10 mins away Lang from my in-laws house.

izabelle

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #337 on: January 19, 2012, 11:18:30 pm »
ganon ba talaga sa lahat ng hospital? and ob? na nagiincrease ang PF nila depende sa room na kukunin? kasi ganon yung ob ko sa TMC.. depende sa room ang PF nya. kaya kahit gusto ko mag birthing suite napaisip ako kasi ang mahal ng PF nya semi private room palang.. how much more ang birthing suite.

Hay nako, walking nanaman ako kanina pero wala pa din.. 38 weeks and 3 days na kami.. define NAIINIP! :P

jp_jameop

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #338 on: January 20, 2012, 08:13:15 am »
^halos magkasabay na pala tyo sis. 37 weeks na kmi ni baby based on utz and lmp. gusto ko na rin makaraos.. di ko alam ano ang ieexpect ko.. naghihintay na rin ako ng labor pain. hahahha

oo sis kahit sa CGH eh based sa room ang PF ni OB. :)

bettyboop1322

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #339 on: January 20, 2012, 08:31:48 am »
Good morning mga buntis! :D

Hay! Sakit ng ulo ko, parang kulang ako palagi sa tulog... but still have to work till next week :-\

37 weeks & 4 days na kami ni baby... Naiinip na ko at nabibigatan kaya nag-usap kami ni hubby na sched na ko for CS & di na ituloy ang VBAC... Baka sa January 28 ako magpasched ng CS, by that time 38 weeks & 6 days na kami... Kaya nagfile na ko ng MAT Leave from January 30 to March 30, sakto holy week na after that, kaya April 10 na ko babalik sa work...

Mga sis, magkano quote ng mga OB nyo? OB's quote (suite) for NSD = 15 to 25T   CS = 50 to 70T

Sana lang makabawas sa Philhealth.... :-\

 

Latest Stories

Load More Stories
Close