watch now

Author Topic: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6  (Read 104420 times)

kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #300 on: January 18, 2012, 05:19:51 pm »
haha! let go na lang mga sisses. sa akin din ganyan, kasi iba daw ang shape, sigurado daw ba akong girl, etc. minsan naman eh sobrang praise na di ko alm kung bola na. minsan pag sinabi kong girl, sasabihin ah.. kaya pala blooming ka... di ko alam kung pampalubag loob haha! :)

got advanced baby shower gifts for baby KATE... buti di pa kami nakakbili kasi no time para mag registry kami.. meron na kaming bath tub, rubber mat and enfant toiletries :) may mga staff kasi akong di makak-attend sa friday...

deadline... ayoko na isipin haha! sabi ko nga sa fb status ko kahapon " i know my time management fails at times but what is important is that im enjoying every second of my life! :)"

im planning to have LOA in school and finish thesis sa first trimester next year na lang para full time kay baby, di rin naman ako aabot na ng april graduation :)

ingat mga sisses! maulan sa labas :)

izabelle

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #301 on: January 18, 2012, 05:42:47 pm »
naku marami kasi talagang pakielamero/pakielamera at insensitive sa mundo. minsan kahit anong pasensya mo, aabot sa limits.. :D

sila kaya magbuntis ano?! lol

anyways, waiting pa din talaga kami.. next week internal exam ko ulit and dun na namin pag uusapan kung magpapa CS ako by choice or we will still wait na kusang maglabor ako...

honestly, ayoko kasi talaga umabot ng 40 weeks (January 30), mas preferred ko earlier.
« Last Edit: January 18, 2012, 05:45:08 pm by izabelle »

iristacey

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #302 on: January 18, 2012, 05:47:46 pm »
^^^sis jp, ako din lakas ko sa rice ngayon. super laging gutom. ewan ko ba. kahit 1 and 1/2 na rice ko parang maya maya gutom na ulet. grabe talaga appetite ko ngayon. ako din feeling ko manganganak na ako kasi hirap na kumilos haha. :) pero kinakausap ko si baby na dapat full term kame kasi ayaw ko na magkaron siya ng any complication at magstay pa sa hospital. gusto ko kasama na namin siya agad paguwe para masaya lhat. :)

^^sis rio and sis lawlib, ako naman talagang matulis tyan ngayon kaya sabe nila lalaki nga daw. but wala naman daw scientific na basis yun. nabasa ko na yung shape ng tummy depends on the position of the baby.

^sis kaice, buti na lang dito sa office mabait silang lahat sa akin. :) yung boss ko very understanding. kahit panay half day ko, okay lang. hehe! lahat talaga sis para kay baby. hindi baleng maisantabi muna ang pagiging super career woman basta okay si baby.

i really hope na full term kame ni baby.  :)


kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #303 on: January 18, 2012, 06:07:59 pm »
izabelle - some says na pag first baby eh beyond daw talaga... though i dont know how will i feel starting 37th week hehe! baka paranoidn a ko with every symptom of labor :)

iristacey - everyone is cramming kasi i will be gone for 2 months. mejo panic sila i think hehe! pero im really checking my priorities dati kasi oo lang ako ng oo, ngayon di na pwede yun :) pangarap ko talagang maging full time housewife hehe! :)

sabi ng mga tao, mataas pa daw ang tiyan ko, sa mga nanganak na, kelan nag "drop" si baby? 35 weeks kasi kami today. worried lang ako umabot ng 40 weeks :) parang gusto ko na kasi sa bahay ng 1st week ng feb :)

izabelle

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #304 on: January 18, 2012, 06:20:39 pm »
^ yung sakin sis parang 37 weeks sya nag drop.. oo nga yun din sabi kapag 1st baby usually inaabot ng 40 weeks or even 41 weeks pa..

den.nica

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #305 on: January 18, 2012, 07:03:07 pm »
haba ng back read ko! last friday lang ako nag check haba na ulit :D

WFH na ko nung monday pa lang hanggang sa manganak pero hindi naman ako nagwowork hehe. pacheck check lang ng email and nagaantay ng docs ko from HR. 34 weeks na ko tom based on lmp and napressure ako bigla sa mga sisses na ready na yung hospital bag! ako kakakumpleto ko lang ng gamit ni baby. well kulang pa ng ilang lampin, breastmilk storage bottles saka rubber mat.
katapos ko lang din maglaba ngayon ng mga damit ni baby. kapagod maghapon ako naglaba and nakalahati ko yung cradles na 1.5! Bibili na lang ako ulit sa baby co. sale. sa jan 28 ba yun mga sisses and sa megamall? baka sakaling may buy 1 take 1 ulit :) nung monday naman general cleaning ng room maghapon. kahapon bili gamit ni baby. bukas plantsa naman :)

tanong mga sisses, pwede bang 2 dosena lampin lang saka ilang pirasong bib ang bilhin sa esemco? saan nga pala yung exact address nun? :D

pa add na rin ako sa fb :) danicamartin30@yahoo

thanks sisses! :)

congrats sa mga nanganak na! :)

khriseeee

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #306 on: January 18, 2012, 09:57:33 pm »
I was telling my bestfriend nga that it seems that all social graces are dropped when it comes to pregnancy especially the unsolicited comments or advices. Parang I feel like when you're pregnant, people feel they can make comments on your appearance they otherwise wouldn't have said if you aren't pregnant. Wala lang, it annoys me lang. I get comments na I'm so huge na, others naman say why is my bump so small, they make comments on my feet (no manas daw), neck (no dark marks), etc etc. It's like I'm under a microscope!!! Grrr annoying lang.


gorgeousdiva

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #308 on: January 19, 2012, 06:08:00 am »
Hi mga sis! I gave birth last jan 16 via cs to a healthy baby girl. Eto now super puyat dahil si baby wala tigil magbreastfeed. Sa tmc kasi niroroom in agad ang baby to encourage breastfeeding. Kaya hirap ako dahil habang nagpapagaling ako ng wound, inaalagaan ko pa si bebe na super demanding. Ayaw halos magpababa sa bassinet. We'll be discharge this am. Gusto ko na talaga umuwi and matulog ng bonggang bongga. At si bebe pala nakakaaninag na agad. Chineck ko siya while face to face kami,  ayun sinusundan ang face ko kahit hindi ako nagsasalita. Ska she has dimples sa both cheeks nya and May cleft chin din. Goodluck sa mga hndi pa nanganganak, Kayang kaya nyo yan. Be positive, everything will turn out fine. Tama na ang mga kaba.  :)

sugarpop

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #309 on: January 19, 2012, 07:33:44 am »
^congrats sis gorgeousdiva dimples and cleft chin...kakagigil!!!!

bettyboop1322

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #310 on: January 19, 2012, 08:05:01 am »
Good morning pretty pregos!!!  :D

Congrats sis gorgeousdiva!  :D

Pag nakaupo ako, nafefeel ko movements ni baby sa singit na... Kaya i know mababa na talaga si baby... Wala pa bang bagong nanganak, wala pa tayong update sa list natin... Ang cucute ng mga babies ng mga sisters natin na nakapost sa fb, kakainip tuloy parang like ko na din makita si baby at magpasched ng CS, anyway 38 weeks na kami ni baby sa Monday... :D


kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #311 on: January 19, 2012, 08:53:01 am »
gandang morning!

congrats gorgeousdiva! cute naman ng dimples at cleft chin :) at least BF ka from the start :)

den.nica - address ng ESEMCO - 2568 Lamayan St. Sta Ana Manila Contact no: 5627153
i think pwede namang ganun lang ang bilin. pero pag nakita mo kasi yung cute stuff, dapat may self control ka na :)

khrisseee - some people are just like that. i was thinking nga when i was not pregnant, i'm not used to commenting on other people's pregnancy naman. usually i ask lang when the baby is due, no comments on physical changes...

izabelle

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #312 on: January 19, 2012, 08:57:20 am »
^ same here.. kasi alam ko preggies are very emotional people.. isa pa hindi ko alam pinagdadanan nila nung time na yun (nung hindi pa ako buntis) kaya wala akong right mag comment ng hindi maganda. and even with hindi preggy na tao hindi lang talaga ako pala comment or pakielamera.. lalo na kapag wala akong alam.

khriseeee

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #313 on: January 19, 2012, 11:44:45 am »
That's my point too! I never commented on a pregnant women's physical changes before I was pregnant so I don't understand why people do this. I feel like I've been put under a microscope each time I go out whether it's dinner with family, relatives, friends or going to the office  :( And yes, they should know how sensitive pregnant women are!!

simplyshao

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #314 on: January 19, 2012, 11:57:27 am »
goodmorning!!! :)

congrats sis  gorgeous diva !

sis jeny, content currently unavailable  daw pagclick ko sa link.

sis den.nica - tama si sis kaice ... need mo ng matinding self-control pag nakita mo n ang cute baby stuffs sa ensemco. 

I have the same sentiments, sis khriseee, sis izabelle and sis kaice.

Anyways, on the brighter side mga sis...madami din namang perks ang pagiging preggy.  ;)  Like, nung asa BDO ako to make a deposit hindi na ako pinapila ng guard dun sa mahabang pila...instead he asked me to go to the priority lane nila n mas maikli at pwede akong umupo.  2nd,  madaling humingi ng tawad sa mga tiangge. (Swerte daw kasi ang buntis)  3rd, hindi n din ako pumipila sa van (commute kasi ako from Marikina-Ortigas & vice versa). Automatic pagdating ko kahit gaanu kahaba ang pila at dumating n ang van...papaunahin ako agad ng dispatcher.  Minsan nahihiya ako, pumipila p din ako pero pinapagalitan ako nung dispatcher sabi nya "mam, wag n po kayo pipila ah." I will definitely miss these priveleges pag tapus na ang pagbubuntis.  :D

graceria07

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #315 on: January 19, 2012, 12:13:11 pm »
mas malupet yung close friend ko, sabi saken nung nalaman nyang preggy ako
she was very excited daw and can't wait daw to see my changes.. that is, paglapad ng ilong at pangingitim ng leeg at mga singit singit.. pero nabigo sya kasi di lumapad ilong ko at di nangitim ang
leeg ko at singit just because boy ang baby ko :P pero hinayaan ko lang sya nun.

blouie11

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #316 on: January 19, 2012, 12:35:57 pm »
good morning preggos and mommies na!

hahaha natatawa na lang ako sa mga comments ng mga tao sa paligid natin.. feeling yata nila excuse yun kasi we're pregnant naman and normal lang ang body changes kaya ok lang magcomment ng nega. So far wala naman ako na experience na ganyang comment parang wait lang nila kung kelan lalapad ilong ko at mangingitim ang leeg ko! haha.. sorry na lang sila buti na lang si bf pag sinasabi ko na ang panget ko na supportive naman cya at sinasabi na hindi naman ah.. LOL

Pinaka comment lang sa akin laki daw ng baby bump ko parang kabwanan na! hehe kahit yung OB sono na nag 3d sa akin kahapon nagulat na 31weeks pa lang ako. Wait din nga pala nila mag manas ang paa ko.. kaya super elevate ako sa gabi para mawala yung pamamanas kasi minsan pag maghapon nakaupo at pagod nagmamanas talaga.

sis jeny hindi maview pics ng baby mo.


blouie11

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #317 on: January 19, 2012, 12:44:55 pm »
share ko lang din..

nag pa 3d/4d utz kami yesterday afternoon sa marquinton marikina ang mura lang! 1,500 with 5 print outs and CD kasama na dun ang fetal biometry!

pagkahiga ko for utz hindi muna pinapasok si bf kasi magsusukat daw muna si OB sono, pero hindi nakatiis pagkakita sa face ni baby pinapasok din agad si bf. e hindi cya nakatingin kay bf dun lang sa monitor paglingon ni OB sono kay bf nagulat! hahaha.. sabi ni OB sono dapat pala ikaw na humiga dito or di kaya nagdala ka na ng baby pics susukatin ko na lang baby mo! super kamukha ng bf as in! walang nakuha sa akin.. :(

cephalic naman si baby everything is ok naman.. mas malaki nga lang ng 1 week! haha.. e pano laki ng tatay! ask nga ni OB sono if GDM ako sabi ko hindi po.. malaki nga daw kasi si baby!

according to our latest utz EDC: March 12, 2012 from my LMP EDC March 20, 2012! hindi naman masyadong malaki ang tinalon nya diba.. hays ayoko manganak ng end ng february! leap year pa naman ngayon!!!

check up ko sa monday pa.. pero tuesday na ako punta kasi chinese new year yun. Baka iadvise ako ni OB na magdiet. Feeling ko kasi nasisikipan na si baby sa tummy ko kaya small frequent feeding na din ako.

Nakakatuwa kasi every time na ipaparinig ko sa kanya yung baby mozart nagrereact cya!

Nakabuy na din pala kami ng plastic cabinet for baby Andrei at wall sticker ulet! haha.. buti na lang hindi ko pa nadikit [textspeak!] mga una kong nabili.

Mga sis when is the best time to use a baby sling? type ko kasi yung sa Next9 e. may nakita ako sa mall 1k lang.

princessrio

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #318 on: January 19, 2012, 01:01:07 pm »
32 weeks na ako.. ganon ba talaga ang baby? parang hindi na nagpapahinga ang gean ko! kahapon, parang maghapon shang sumisipa. di ko alam kung effect yun ng pinapple juice na ininom ko in the morning. tapos ngayon, ganon na naman. eh wala naman akong kinain for breakfast kundi oatmeal saka isang pirasong pandesal. tapos lunch. pero parang di sha tumitigil kakagalaw. parang sikip na sikip na sha sa loob.

ano ba gagawin ko? natatakot ako baka mapaaga ako ng panganganak nito. may ganong kaso ba?

ladylucille

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 6
« Reply #319 on: January 19, 2012, 01:33:27 pm »
ang dami na agad page ng new house!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close