watch now

Author Topic: 2011 Brides, now 2011 Wives  (Read 77082 times)

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #440 on: February 20, 2012, 07:42:34 pm »
kamusta na mga sis!

galing lang ako sa OB kanina, ang sabi ng OB (si Dr. Viduya) pelvic endometriosis nga...grabe ang tests ha, parang i feel violated!  :o hahaha niresitahan na rin ako ng folic acid ni doc, sabi nya kasi ang gamot daw sa sakit ko e magbuntis ako. sabi ko nga nagttry na kami since november pero wala pa rin e.

ni-papsmear ako and TVU..di ko naman naiintindihan ang result ng TVU pero may nabasa akong nabothian cysts ba yun..oh well  :-\

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #441 on: February 22, 2012, 06:23:12 am »
gandang morning beautiful, wives and mommies!!!

sis ima -- ikaw literal na morning sickness, ako afternoon inaatake.. pag pasok ng 1pm, ayan na.. ang hilig ko pati sa mainit na sabaw.. saken wala pang bawal eh.. ako lang nagbabawal sa sarili ko, mukha na kasi akong butanding sa katabaan..

sis 4G -- babasahin ng OB mo yung TVS result, ieexplain nya yan sayo.. chill ka lang sis.. gawa lang ng gawa.. sarap naman diba? hehe!  ;)

ask ko lang mga sis, normal delivery ba si sis kaice?

carmichael18

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #442 on: February 22, 2012, 09:07:23 am »
good morning!

CS si kaice seren... kmusta naman ang boobelya mo teh kung ang hilig mo sa sabaw, lalo ka ng nagong gifted.. hehe

ako kaya kelan makakapunta ng OB...

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #443 on: February 22, 2012, 01:03:13 pm »
uu nga sis eh.. lakiiiiiii na talaga, naku, grabe talaga ang sakit pa..

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #444 on: February 22, 2012, 01:09:25 pm »
@carmi sis pacheck ka na, dapat may oras tayo para sa health natin :D

sabi nga ni hubby sakin, wag na akong malungkot, at least ngayon alam na namin kung bakit may sumasakit sakin at pwede na namin magawan ng paraan at magamot kung sakali :)

teka nakakalaki ba ng boobs ang sabaw? haha makahigop nga lagi!

@seren hirap naman ng afternoon sickness at kahit morning sickness! kung ako siguro yan di na ko papasok haha tamad tamad mode lang  ;D

princessrio

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #445 on: February 22, 2012, 04:40:39 pm »
sisters!! 2 cm na ako.  ;D

o yun lang.

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #446 on: February 22, 2012, 04:45:17 pm »
waaaaa lalabas ni si gean!! aja sis rio!! :D

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #447 on: February 22, 2012, 04:46:42 pm »
go go go bff! si papa jun nandito na ba?

princessrio

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #448 on: February 22, 2012, 04:50:07 pm »
^ay! no na bff.  medyo complicated kasi.

una, we really don't know kung kelan ako manganganak. eh 10 days lang yung emergency leave nya. tapos need nya magpresent ng something something from the hospital. eh what if kung hindi makuha agad yung papers na need nya to prove ang aking panganganak?..

second, kailangan andun na ulit sha ng first week of March for renewal ng visa nya.

so yun.. sadly, ako lang and my parents. ok lang. no choice na eh. i know naman na suportado pa rin nya ako kahit nasa malayo sha ;D

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #449 on: February 22, 2012, 04:59:27 pm »
op chors bff... for all you know hindi na mapakali yun ngayon... alam na ba nya?

nagccheer na yun for you. :)

princessrio

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #450 on: February 22, 2012, 05:08:12 pm »
^haha.. eto nga at ka-skype ko ngayon. eggsayted na!  ;D

kaice

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #451 on: February 22, 2012, 07:06:08 pm »
first im a bride, next im a wife and finally  a mom! after 8 hrs of labor, i ended cs pero buti na lang kasi nakacord coil sh kate. super happy ng feeling! kaya kong maghapong nakatitig lang sa cute kong baby!

God bless rio! worth it lahat ng pain!
4g-keri yan! ako eh tinanggalan pa ng tubal cyst nung ni cs, parang ang dami nakikita sa kin pero successful pregnancy naman.

babsbridda

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #452 on: February 22, 2012, 07:09:13 pm »
Ano ba yang mga cm cm na yan sa buntis, di ko maintindihan, si kaice banggit ng banggit kung ilang cm na nung naglalabor dibko nman nagegets. tee hee!.

***hello warning. Namiss kita.

princessrio

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #453 on: February 22, 2012, 07:16:40 pm »
yung cm cm eh kung ilang cm na bukas na yung cervix. pag open na yung cervix, lalabas na si baby. pag 4 cm, dapat ready ka na (or dapat nga nasa ospital ka na ang naglalakad ng bongga don). pag 8 to 10 cm na.. ire galore ka na.. tapos lalabas na ang baby.

ima_821

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #454 on: February 22, 2012, 08:59:22 pm »
Wala ka pa rin sa ospital rio? Naglelabor ka na ba?

Ay naku nakakaexcite naman yan! 7months pa ang bubunuin namin bago namin makita ang chikiting namin. Super mega todo na pagdarasal ang ginagawa namin para healthy at safe lagi si baby sa loob :) ang hirap ng di mo nakikita o nararamdaman na may buhay sa loob mo! Nakakapraning talaga! Kung pwede lang sya masilip araw araw to make sure komportable sya sa loob haha! Gusto ko bigyan ng kumot at unan para laging mahimbing ang tulog nya haha!

princessrio

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #455 on: February 22, 2012, 09:09:31 pm »
^wala pa sis. eh kung pagpapalain ba ako bukas na bumaba agad sha, eh di to ospital we will go. wala pa yung labor pains eh. sana lang di na to umabot ng 1 week kasi masakit na talaga. halatang hirap na hirap na ako paglalakad. my gahd! kala ko nga hindi na ako makakauwi kanina kalalakad ko. basta dapat before feb 27, lumabas na sya.

wag ka mainip. in few weeks' time, mararamdaman mo ding may buhay sa loob ng tummy mo.

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #456 on: February 23, 2012, 06:09:20 am »
prayers and good luck to you sis rio!!

same here sis ida.. minsan nappraning ako pag nakakalimutan ko buntis ako kasi i still do heavy stuff sometimes, hahaha!

4G -- kung pwede lang umuwi at umabsent pag umaatake ang afternoon sickness ay matagal ko ng ginawa, kaya lang ayoko naman kasing gawing excuse na preggy ako kaya kelangan ko ng special treatment from them.. pero nattouch ako sa mga ka-oficemates ko, concern sila, they watch what i eat and giving me lots of advise!

mga sis.. ang fear ko lang now ay, maging kasing laki ni regine v.. natatakot ako..

kaice

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #457 on: February 23, 2012, 09:16:56 am »
nakakamiss din yung may gumagalaw na malikot sa tummy :) pero masaya pag nakita mong healthy yung inalagaan mong life for 9 months. ingat mga preggy sisses! sa mga TTC, prayers and positivity will help a lot :)

sobrang nae-enjoy ko maging domestiKATEd, kung pwede lang di bumalik after 70+ days hehe! di pa talaga pwede maging fulltime housewife eh... pero i'll make most of my time na kasama ko si baby :)

good luck rio!

princessrio

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #458 on: February 23, 2012, 10:22:04 am »
naku kaice! di ba sabi ko sa yo noon, yan din yung mamimiss ko..yung may something sa tummy. eto, may blood pa rin yung wiwi ko. parang bigla akong nagkaroon ng mens.. hahaha.

seren - ayaw ko din maging katulad ni regine!!! kaloka ang katabaan nya.. as in all over!

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #459 on: February 23, 2012, 10:42:52 am »
^hinde kaya spotting na yan sis??
sabi nga ng ka-officemates ko mukha daw bapor si regine eh, pero si juday ang payat na eh noh.. ang bilis..
pipilitin at ippursue ko talaga magbreastfeed para mabilis pumayat at healthy si baby, para din mapakinabangan yung malaki kong asset..hahaha!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close