watch now

Author Topic: 2011 Brides, now 2011 Wives  (Read 76660 times)

kaice

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #100 on: January 23, 2012, 06:30:05 am »
gandang morning! kung hei fat choi!

karmie - keri lang yan hehe! in God's perfect time eh darating din yan...

ima - matinding psychological preps ang kailangan sa pregnancy haha! pero life changing talaga... :)

serendipity - how's the first trimester so far?! enjoy and take care of yourself :)

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #101 on: January 23, 2012, 07:03:18 am »
^^ nacconscious ako sis kasi tumaba na ako after ng wedding lalo na ngayong buntis ako..
natatakot ako na baka hinde na ko bumalik sa 107lbs eh.. ngayon kasi 117 na ako eh..
hinde pa naman ako nasusuka, on my 26th birthday ko maririnig hearbeat nya, as early as now kinakausap na namin ni hubby.. hahaha!

kaice

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #102 on: January 23, 2012, 07:25:08 am »
^ that's perfectly normal. i gained 20 lbs during the first trimester :) now i gained a total of 45 lbs in 35 weeks! i had no morning sickness kasi and i eat whatever i want hehe! just enjoy and try to eat healthy :) don't worry about the weight gain (as of now), baby's health is more important :)

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #103 on: January 23, 2012, 07:47:06 am »
^ yehey may kakampi ako!!! wuhooooo!!!!! hehe.. as of now wala naman akong pinaglilihian..hinde pa antukin..pero mainitin ang katawan ko talaga,gusto ko lumublob sa drum na may yelo hehe.. thanks sis!!!  :-*

ima_821

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #104 on: January 23, 2012, 08:34:37 am »
Uy talaga sis, expemted sa feng shui?! Astigg!! ^_^ pero d ata compatible ang dragon at dog? Haha atyuntalaga ang naisip!!

Sis kaice, gano kaaga ka nag pt? Buti pa si sis seren kahit di padumating period, lumabas na agad result. Ang payo kasi sakin bestt wait for the missed period.. Nakakainip!

Si jp nanunula sa mga kinakain ko. Ang lakas daw haha! I wonder if im eatig for two na? ^_^ waaahh at talagang nakikisali sa kwentuhang buntis e wala pa naman pruweba!! ^_^

 by theway, tuloy ba un meet up ng gtalkers today?

carmichael18

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #105 on: January 23, 2012, 10:04:38 am »
bago ang lahat, HAPPY BIRTHDAY KAICE!!!

ida pareho tayo dati, kahit feeling ko buntis ako sa mga nararamdaman ko hindi ako makapag PT, kasi yung period ko lage maaga, kung kelan magPPT ako, saka nman ako magkakaron.. hehe

fear ko rin yang tumaba ng bongga pag nakapanganak.. nasa lahi kasi namin, lalo na sa side ng mama ko na lumolobo pagkapanganak.. hay goodluck naman...


princessrio

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #106 on: January 23, 2012, 10:22:33 am »
good morning, kung hei fat choi at happy birthday kaice!!!

karmi - alam mo ba, after nating maghiwalay, talagang dumiretso pa ako sa burger king at kumain ng extra long chicken sandwich! ang takaw!  ;D

ima - hindi siguro tuloy yung 23... haha.. basta ako, sa friday pupunta sa Baby Co Sale sa mega; saturday sa new port. Tapos, wala na akong lakad. di na ako pinapayagan ng asawa ko at masyado na daw shang nag-aalala. baka manganak na lang daw ako kung saan saan.

seren - kain lang ng kain pero be careful din sa choices ng food mo ha? ngayon pa lang, medyo maging aware ka sa masyadong matamis at masyadong maalat. buti na yung maaga kesa yung sa huli eh saka ka prenuhan ng OB mo (parang ako lang  ;D) kain ka maraming gulay lagi and fruits.

kaice - pano tayo sa friday pala? 10am siguro ako andon kasi ayaw ko makipagsabayan sa rush hour sa hapon. friday yun. naku! hirap sumakay pauwi.

o kumusta naman ang mga asawa nyo mga sisters?

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #107 on: January 23, 2012, 10:27:27 am »
Happy birthday to the QUEEN OF DIY!!!!

pinipigilan ako ng mom ko sa rice, nakameasure to 2cups lang.. hehe..melon at mangga ang trip ko talaga! ;D

ima_821

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #108 on: January 23, 2012, 10:53:57 am »
parang wala naman akong nararamdaman na usually e nararamdaman ko pag malapit na ko magkaron, except for more sensitive nips.

tungkol sa asawa, si jp, mas mahaba ang panahon sa trabaho... o feeling ko lang kasi araw araw na kami magkasama.. lagi nakasubsob sa laptop, di ko na makausap minsan. ang dami ko tuloy drama sa kanya ngayon.  ;D pero naiintidihan ko naman kung bakit nya ginagawa yun. minsan lang talaga cant help but maging [textspeak!] haha! pero super happy naman kami, sana forever ganto kahappy! ;D

carmichael18

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #109 on: January 23, 2012, 10:36:44 pm »
hay naku... ewan ko ba pressure na naman...

tumwag si MIL, apparently, buntis na daw yung asawa ng pinsan ni hubby na nung november lang kinasal... ang sabi pa, "o buntis na si tessa ha"... parang o kayo bilisan niyo na rin ha...

bad trip tuloy si rj, ayaw umuwi sa kanila this weekend... kasi kami na naman daw pag-uusapan... iyak ako ng iyak kanina... feeling helpless ako.. at si rj din... pano wala pa naman kaming 1 year kasal, grabe na yung pressure sa amin na magka-baby.. ang knowing them, I agree with hubby na kami nga ang pag-uusapan pag umuwi kami dun.. kesyo nauna kaming kinasal kay ganito, pero nauna pa sila mabuntis.. hay lech!!! kaya baka maglamyerda na lang kami sa weekend...

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #110 on: January 24, 2012, 05:52:33 am »
gandang morning!!! ;D  ;D

sis carmi -- hug nga kita!! huwag ka na sad, nov 26 ako kinasal, dec 25, nagttantrums na mga kamag-anak ni hubby sa reunion na hinde pa ko buntis, sa inis ko, sinabat ko, ano yun magic? ano ko noodles na pag nilagyan ng mainit na tubig luto na kagad? nagtawanan lang sila.. at since may period ka ngayon, eto lang maiiaadvise ko, magchurva kayo before, during, and after ovulation, 2x a day.specially in the morning.. make it fun and enjoyable.. tapos pray tayo.. at eto ang dumadagandong na BABY DUST!!!!


mga sis, umiyak ako kagabi, tinawagan na si hubby na aalis na sya sa jan 26 etong thursday na, hinde ako prepared, i was caught off guard, usapan kasi namin feb sya aalis eh.. tinawagan nya yung fleet manager nya na 1st week ng feb na lang sya magrereport, para feb sya aalis..pagkatapos ng ultrasound at ng 1st heartbeat ko sa feb 6. sabi nya gusto nya daw marinig yung heartbeat ng baby bago sya umalis..
nagalit yung fleet manager nya kasi nalaman lang daw ni hubby na puro pinoy kasamahan sa barko eh umayaw sya (pag puro pinoy kasi ang crew sa barko, BURAOT sa overtime)..
oo aminado si hubby na isa din yan sa mga dahilan, katwiran nya nga saken, ayokong umalis ng bugbog katawan ko tapos talo sa overtime, iisipin at aalalahanin pa kita.. sabi ko sa kanya, sya magdecide kasi sya magwwork, saka ayoko rin ng ganon na aalis sya tapos magwworry lang ako sa kanya sa barko sa gantong kalagayan ko..
« Last Edit: January 24, 2012, 06:00:23 am by serendipity02 »

ima_821

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #111 on: January 24, 2012, 07:46:35 am »
Carmi, may reason naman kug bakit wala pa kayo mabuo sa ngayon: kasi pareho kayo busy. Nagwowrk kayo para sa future ninyo, ng magiging pamilya nyo. Bakit pag nabuntis at nanganak ka ba, sila sasagot lahat? Wag mo na lang sila isipin. Ang importante kayo ni rj. Kung kelangan dumistansya muna kayo s kanila e di gawi nyo kesa lalong magkalamat yun relationship nyo with them.

Seren, sorry to hear that. :( wala na bang ibang way para mamove un alis ng hubby mo?

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #112 on: January 24, 2012, 07:52:48 am »
^ sa feb na sya aalis sis.. hinde na sya tutuloy sa thursday  ;D
mas tanggap ko na feb sya aalis kesa sa january  ;D

kaice

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #113 on: January 24, 2012, 07:59:33 am »
karmie - hugs for you! naku wag naman kayo sana i-compare kina tessa. iba iba naman ang mga tao. stay distant kung ayaw mo makarinig ng nega... based from experience haha! :) will pray for you...mwah!


seren - good na di na aalis ng january si hubby...

happy morning!

bleucharmz22

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #114 on: January 24, 2012, 09:13:27 am »
hi mga sis! nakakatuwa naman kayo :) ...lagi kong nababasa yung mga posts nyo at nakakatuwa na parang super close talaga kayong lahat.  :) as in updated kayo sa nangyayari sa isa't isa. sana one time makasama rin ako sa EB nyo, kung ok lang.  :)

sis kaice, belated happy birthday! ka-birthday mo pala ang best friend ko.

sis carmie, don't worry. di ka nag iisa. kami nga ni hubby march pa kinasal and until now wala pa ring baby at gaya mo marami na ring mga ikinasal after namin ang naunahan pa kaming mag-baby. wag mo muna sila intindihin ang importante masaya kayo ni hubby at naenjoy nyo muna ang isa't isa. in God's perfect time, ibibigay rin nya yan.

sis ida, sana positive na yan!

sis serendipity ang sweet naman ni hubby, gusto talaga nyang marinig ang 1st heartbeat ni baby.  :)


princessrio

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #115 on: January 24, 2012, 10:14:43 am »
good morning saaaaaaaaaa inyo!!! masaya ako ngayon kasi may blessing na dumating. hihih..

carmi - teh! baka this weekend na ang pagkakataon nyong magbonding muna ni rj. motmot muna ba.. magprep ka na rin ng dadalhin.. haha.. whip cream, chocolate, etc.. haha..wag na kayo paapekto sa mga naghihintay. darating din yun when everything's ready for you.

seren - taray! so sa feb na lang aalis si hubby mo. buti naman. kami kasi, the day before ng alis ng asawa ko, saka lang nagpacheckup kaya TVS lang ang inabutan nya. bumawi na lang sha sa susunod na anak namin ;D

kaice - happy morning!! kumusta naman ang joyride nyong mag-asawa? kelan naman kami makakasakay sa inyong bagong tsekot?

bleucharmz - dapat magkikita kita nung 14. kaya lang, ang daming hindi pwede. baka talaga hindi pa time na magkita kita ulit. sana nga magkaroon ng isang party pa ulit. miss ko na mga bebot ng 2011 brides/wives eh.  ;D

kaice

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #116 on: January 24, 2012, 11:56:09 am »
rio - naku eh snaay sa manual yung mister ko kaya kinakabahan ako pag nag matic haha! ginagamay pa yung sasakyan :) talagang may advice sa pag mo-motmot haha! pag pwede nga try namin yan... pareho kaming di pa nakakapasok ng ganun... pero parang di papayag ang asawa ko haha! :P

bleucharmzz - sana eh makapagsked pa ng kitakits... baka summer na if ever haha! :)

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #117 on: January 24, 2012, 01:02:40 pm »
good afternoon sa inyo! haba na naman ng backread ko ah!

@carmi sis naku pareho tayo..lagi na lang din akong tinatanong. sabi nga ng ate ko magsayaw na daw ako sa obando e!!! :( tas mama ko pinapainom ako ng green barley hahaha. ewan ko sa kanila, ayaw ko na nga isipin e kasi napapansin na ni hubby na naddepress talaga ko pag biglang dumadating ang period ko.

@ida naku sis sana ay yan na yung hinihintay nyo :D

@seren sis mga 1 week before ng period mo ikaw nagtest? ano ang tatak ng ginamit mo na PT? yung iba kasing PT diba sensitive..advise din kasi sakin ng OB e 1 week after ng missed period bago magtest kaya lang nakakainip talaga :(

bait lang ni hubby nung long weekend. naglinis sya ng bahay at pinagluto pa ako kasi napansin nya na naaaburido ako kasi naaallergy na naman ang mata ko :( sabi ko nga bat di sya tumuloy magbasketball di naman masama ang pakiramdam ko makati lang ang mata ko. sabi nya e syempre ang priority nya e dun sa akin kaya di na sya umalis.  ;D

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #118 on: January 24, 2012, 01:15:23 pm »
sis 4G -- sweet naman ni hubby mo!! nag PT ako nun yung sa watson lang.. faint line yung second line.. pero sabi kahit gano daw ka-faint positive pa rin..nagPT lang ako nun kasi iinom ako ng antibiotic dahil sa ubo..

ima_821

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #119 on: January 24, 2012, 01:17:59 pm »
Awww sis seren! Kinilig naman ako kay hubby mo! How sweet. ;)

Sis, sakin ang recommended ng ob e. Medic na brand. Si doc chris din, yun ang sabi. :)

Si sis bluecharmzz22 nagkita na kamibefore pero di pa kami magkakilala. Sa discovery weekend. ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close