watch now

Author Topic: 2011 Brides, now 2011 Wives  (Read 76692 times)

princessrio

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #20 on: January 09, 2012, 12:14:54 pm »
naku kaice! mabait talaga si nanay saka mga kapatid nya sa akin. nung bumisita nga ako sa laguna, para pa rin akong bisita eh. ayaw ako papaghugasin ng plato. nakakahiya minsan pero tumutulong ako kahit sa anong paraan..like yung paglagay ng tubig sa ref saka paglinis ng sala. yung pawalis walis man lang.

tapos pag si SIL naman ang bumibisita sa akin, lagi akong may pasalubong na food. kahit yung tyahin ni hubby, ganon din sa akin. excited na sila lahat na lumabas si baby.

mafiapenguins

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #21 on: January 09, 2012, 12:33:36 pm »
wala naman kaming issues nila nanay kahit naman noon pa. actually mas makulit pa nga ngayon lalo na nung first week kasi lahat sila nangangantyaw na bagunu na rin ako finally. mas lumaki pa yung family kasi pati inlaws ni kuya kasama na rin. define super extendend family diba.

dito kami sa mom ko nagsstay kasi hindi ko naman sila maisan ng sis ko, pero paminsan minsan pumupunta kami sa makati kila nanay, lalo na nung na nung nandito pa sa manila yung twins. aliw lang kasi kahit papaano, may voice na ako pag may mga family meetings.

bleucharmz22

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #22 on: January 09, 2012, 12:59:59 pm »
Wow!!! dito na pala tayo! medyo matagal tagal din akong hindi nag-post. Busy sa paghahanap ng bahay, pero until now dito pa rin kami sa house nila hubby nakatira.

inlaws: mabait naman sila sa akin yun nga lang until now di pa ako sanay tawagin sila na papa at mama..tapos there are times na napapraning ako...naiisip ko kung ano kayang iniisip nila sa akin. yung feeling na parang lahat ng ginagawa mo eh may mga matang nakatingin sa iyo...i really wanted to move out, but ang gusto ko yung initiative manggagaling kay hubby. kahit nga mangupahan susunggaban ko na eh.

transition: akala ko nung una ako lang gagawa ng mga household chores like paglalaba at pagpaplantsa, pero nagulat ako ng mas magaling pa si hubby maglaba kesa sa akin at mas mabilis pa. super duper ok naman ang samahan namin (parang bf/gf pa rin since wala pang baby) except for petty things na pinagtatalunan namin, like yung hindi nya pagsusuot ng tsinelas sa kwarto tapos bigla na lang sasampa sa kama. tapos pag sinasaway ko siya, lalo pa niyang ginagawa para mainis ako.

baby: i don't know if this is our choice..hindi naman sa ayaw pa namin magka-baby kaya lang kasi ang priority namin is makahanap muna ng bahay before dumating si baby..gusto namin settled muna kami. nakakatawa lang kasi last saturday nagkikita kita kami ng relatives ko at ang paulit ulit na tanong ay "ano, may laman na ba?" sabay banat pa sa nanay ko na "gusto mo ipahilot na natin siya kay ano ____" , minsan tinatawanan ko na lang eh. naisip ko na lang.."bakit, kayo ba magpapagatas sa baby ko pag lumabas na?" don't get me wrong mga sis ha,,,gusto ko na rin magka-baby kaya lang ayokong mahirapan siya lalo na ngayon na palipat lipat kami ng bahay..(umuuwi kasi ako sa mommy ko pag weekends)

honeymoon: wala rin kami nito dahil after ng wedding bigla akong dinatnan at na-unsyami ang pinagplanuhan naming bakasyon. pero baka sa 1st anniversary namin matuloy na. baka biglang magbago ang isip ko na bahay muna bago baby... :D

o sya, mahaba haba na ang post ko...next time ulit.. ;D

Prunella

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #23 on: January 09, 2012, 01:35:30 pm »
Morning, sisses.

Normal na yata ang walang honeymoon because of our busy lives, no?

Like what sis Mafia said, feeling ko mag boyfriend pa lang kami. I often find myself referring to my husband as boyfie.

Anyway, about my inlaws... they're awesome. They've always treated me as their baby/princess and nothing has changed. I feel blessed.

Congrats sis Kaice. :)

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #24 on: January 09, 2012, 01:45:24 pm »
@prunella thanks sis!
@carmi naku sis kaya natin to! hahah aja!!!

usapang in-laws:
ok naman ang in-laws ko..mababait naman sila hehe, minsan naiilang pa rin ako na tawagin na mama at papa kasi yun din ang tawag ko sa parents ko e. Ayun nga mukhang excited na rin sa apo. Ang medyo talagang try ko makasundo e yung sister ni hubby haha, magkaiba kasi kami siguro talaga e kaya ganun. Oh well, baka konting bonding pa e maging ok na  ;D

blushydamsel

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #25 on: January 09, 2012, 03:02:27 pm »
pa-attendance po :)


mafiapenguins

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #26 on: January 09, 2012, 03:12:42 pm »
ever since naman nanay and tatay ang tawag ko sa parent ni hubby, and mommy naman tawag nya sa mom ko. so no change din dun, pati sa mga sis and bro ni hubby, ganun din. i cant deny though na minsan naiilang lang ako magstay sa house nila nanay pagwala si hubby dun, kaya dun na lang ako sa room ng isang sis nya tumatambay minsan. di rin naman siguro maiiwasan na mailang, lalo na pag nakatambay lang ako while waiting for hubby pag dun kami magmimit pag gabi na. other than that, okay naman kami, lalo na kung may kemeng salo salo kahit saan.

kaice

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #27 on: January 09, 2012, 05:24:35 pm »
ako lang yata ang may di masyadong magandang experience hehe! pero i can be civil with them naman pero naiilang pa rin ako lalo na pag may uncalled for actions and comments  :( dati kasi di naman ganun pero when we decided to get married eh parang nag iba talaga. kahit i reach to them, nagbigay ng gifts for christmas pati sa families ng aunts and uncles ni hubby, wala kaming natanggap na thank you kahit merry christmas or text  :( samantalang yung relatives ko na binigyan namin eh todo pasasalamat basta makikita kami. siguro may differences talaga with the way the family is brought up. di lang talaga siguro ako sanay kasi in my family, conversation time ang meal times, sabay nagsisimba pag Sunday, etc. sad lang na i really don't feel welcome. di nga nila ko kinakamusta kung how is my pregnancy kung di pa magkwekwento si hubby sa kanila. if ever manganak ako, di ko rin alam kung pupunta sila sa hospital or gugustuhin kong nandun sila kasi baka mas ma-stress lang ako at kailangan ko sila asikasuhin.

in time i hope i will fully understand. baka nga when baby kate is out eh mas maging ok, pero i'm not sure pa din kasi siguro once every two months lang kami makakadalaw kasi di naman sila pumupunta sa amin kasi malayo daw. ayoko naman mag exert ng effort na magpunta sa kanila tapos  di ka naman papansinin or aasikasuhin. :(

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #28 on: January 09, 2012, 05:47:10 pm »
@kaice haaay sis, hanggang ngayon pala ganyan pa rin...kala ko naman iba na once may baby na kasi diba usually natutuwa and excited ang mga lolo/lola sa mga apo? *hugs* wag mo na lang ipagkastress yan, hayaan mo na lang sila kung ganun trip nila basta you know you're doing your part para magreach-out sa kanila.

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #29 on: January 10, 2012, 07:22:35 am »
...♪ ♫ good morning sa inyooooooooo ♪ ♫ 2011 wives ang kasama mooooooooooo ♪ ♫ ♪.....

isang pak na pak na magandang araw sa inyo!! (taas ng energy eh noh? ;D)

nakakatuwa naman ang bagong thread na ito, hinde lang ako sa kasal may katuwang sa buhay kundi sa buhay may asawa rin.. naks!

wedding (nov 26 2011) :  it was more than perfect than we can ever imagine, everything went well naman, may mga konting aberya pero hinde naman yun maiiwasan diba? yung mga indyanera, wit ko pinansin sa FB, napikon ako eh.. isang beses lang ako ikakasal at hinde na yun mauulit tapos ganyan pa..

honeymoon (dec 30-nov3) : PALAWAN!!!! ang danda dun sobraaaa!!

lipat bahay (dec 5) : ayun nag-aadjust, nagtuturuan kami kung sino maghuhugas, haha! parang nagbabahay bahayan lang.. hinahatid ako ni hubby sa work then sya na ang dakilang house husband..

re bebe: naku, laging tinatanong sa akin yan, ipressure daw ba ako? sabi ko nga, palagay nyo naman saken? instant noodles na pag nabuhusan ng tubig eh luto kagad? tseh! ineenjoy lang namin ni hubby ang bawat sandali, ibibigay yun ni Papa God at the right time, we tried once but we failed, ayaw namin karirin.. gusto lang ni hubby, bago sya umalis at sumampa ulit eh buntis na ako para 9months sya dun, 9months on the way din ako.. with God's help sana nga makabuo bago sya umalis ulit..
kesyo yung MIL ko like ako ipahilot kasi daw sya 3 months after ng kasal sya nabuntis, nagpahilot lang daw sya nabuntis na sya kay hubby, baka ganon din daw ako..
yung side ni hubby ang nagmamadali sa apo, parents ko naman hinde eh..







carmichael18

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #30 on: January 10, 2012, 07:33:54 am »
good morning!!!

seren!!! nabuhay ka, namiss ko yang greeting mong pak na pak ha.. hehe..at napatawa mo ako ng bongga sa instant noodles.. oo nga naman kala yata nila madali gawin yun.. hehe.. tita ko rin gusto ako ipahilot, sabi ko sa OB ako pupunta.. sabi sa akin, hindi neng sabayan mo ng hilot, tapos vitamin e, saka c.. tapos ganito... guess what, yung tita ko na yun walang anak... 15 years na sila married nung nagdecide sila mag-ampon... kasi mhaba yung fallopian tube niya, ay may kulang sa sperm churva ng asawa  niya.. kaya ayun..

dito sa amin, natutulungan at nauutusan ko naman si hubby... kaso siya rin lakas mag-utos.. haha! ganon yata talaga sila.. pero happy naman so far.. madalas kami harutan, as in harutang bata na minsan nagkakasakitan.. kumusta nman ako pag nadaganan, or napisat ni rj di ba? hehe.. petty quarrels land din, wala pang major major eksena..


mafiapenguins

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #31 on: January 10, 2012, 09:22:25 am »
good morning mga chicas. maaga ako sa opis at maaga rin akong naimbey dahil napostponed ang call namin at 6am... bad trip lang talaga. oh well, ibig sabihin na lang eh maaga akong uuwi, sakto lang dahil may client meeting kami mamayang gabi after ng exam sa shaw at 330pm.

mukhang buhay na naman ang bahay... ah, at ang topic for today: bebe pa rin at hubbies sa bahay :)

ever since naman, man of the house na si papa k, as in sya lang ang nag-iisang guy sa bahay namin, at sya rin ang taga luto. wala naman masyadong chores kasi si mommy na ang nagawa nun. ayaw paawat eh, pero minsan, si hubby na rin ang naghuhugas, and naglalaba, lalo na pag malalaki yung lalaban. kinikidnap kasi ni mommy yung mga labahin namin pag tulog kami.

kendicute

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #32 on: January 10, 2012, 09:36:26 am »
hello mga sis :D

kami naman ni husband after wedding ng stay pa sa hotel overnight then after ilang days nagpunta kami sa hk.. buti nagstop yung period ko kung hindi nagtinginan nalang kami sa hk hahaha :)

lumipat at napabless na namin ang bahay bahayan kahapon :) isa nalang ang ultimate wish namin magka baby!! haha yun nalang at masaya na masaya na kami.. konting try pa hehe.. nakakaloka na nga lang lagi nga may nagtatanong kung may laman na kung kay karmie yun sagot mo sis ako naman.. eto pinapalaki ko mga bulate hahaha

usapang inlaws, mabait naman talaga sila sakin siguro yung mga misunderstanding before wedding eh dahil naeexcite sila kaya ang kukulit hehe..

princessrio

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #33 on: January 10, 2012, 10:10:55 am »
sabi ng asawa ko, ang lakas ko magbigay ng baby dust.. 2 friends of mine got preggy at ngayon, 5 weeks na SIL ko!!! super happy ako for SIL kasi masusundan na rin yung pamangkin namin na nag-iisa lang. medyo sad lang kasi konting panahon lang na magiging bunso ang baby gean ko.. parang 7 or 8 months lang. sana boy maging anak ni SIL para magkasing-idad sila ni gean ko at buddy buddy sila paglaki.

baby dust sa inyo! haha..  ;D

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #34 on: January 10, 2012, 10:24:40 am »
uy ako unang nakakuha oh!!

magdilang anghel ka sis rio  ;)

gogreengorgeous

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #35 on: January 10, 2012, 10:26:41 am »
@rio sabuyan mo nga kami ng bongga nyan baby dust na yan!! LOL

Oh well, iniisip ko na lang e baka para sa ikabubuti rin namin to, para di magsabaysabay ang gastos sa pagpapatayo ng bahay..pero excited na kame talaga e! Haha sana bago magbirthday si hubby meron na para bday gift teehee!

@kendi congrats sis sa house blessing! :D

kaice

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #36 on: January 10, 2012, 04:26:44 pm »
babydust to all! hehe!

congrats sa house blessing kendi :)

gawaing bahay-  never yata magiging house husband ang mster ko pero ako pangarap ko maging fulltime housewife. ako pa rin gumagawa ng laundry namin, iron, cook, etc. kasi 2 lang naman kami sa house. pag duty si neil. kumakain muna ko sa unit ng parents ko para di na mo magluto :)


baby ready - we are almost baby ready! nakakakaba na nakaka-excite!

kendicute

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #37 on: January 10, 2012, 04:51:08 pm »
Thanks mga sis :)

Sis rio bigyan mo naman kami ngbaby dust haha

Prunella

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #38 on: January 10, 2012, 06:31:53 pm »
Pahingi din ng baby dust, sis Rio.... next year. :)

serendipity02

  • Guest
Re: 2011 Brides, now 2011 Wives
« Reply #39 on: January 11, 2012, 06:11:31 am »
gandang pak na pak morning 2011 brides turn to 2011 pretty wives!!!

ask ko lang, kamusta na ang mga status changes nyo? nakakaloka noh?
nakakatatlong page na ako ng notebook kakapractice ng bago kong hehe!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close