blueflame - sis, isang bonggang congratulations! super happy ako, at naging successful ang wedding nyo. until now, di ako maka getover and super happy ako, feeling ko, kinasal narin ako nung nakita ko yung wedding nyo sa super happy ko. can't stop na ikwento sa officemates ko and kay mama at h2b yung details ng wedding nyo! as in! super super thumbs up!
carmichael - sis, thank you! gusto ko yung sinend mo sakin na menu. i'll compute then check ko kung san ako mas makakasulit ha?

may nag oofer kasi dito sa office namin, 2000 for 15pax. 2 ulam yun. pansit, at picadillo. yung sa corkage, di ko masyado sure yun sis. dodouble check ko ulit sa GEH. baka mamaya, may hidden charges yun. knowing GEH, magaling ata sila sa ganon

mura nga, pero ang daming corkage. kaya nakakapagtaka na mura ang corkage nila dun sa food. hehe
Judessec - ay oo nga, ngayon ko lang na alala sa Cavite ang wedding mo sis
chelle_peachy0524 - same tayo sis, lumobo bigla ang guests namin. haha. from 100 to 210. lol! malaki pareho ang family namin, pero mas marami ang friends ng family namin, kaysa sa friends mismo namin ni h2b.
meandmyhoney - congrats sa prenup sis!
cerenity_18 - sis, penge ako ng BB pin mo. hehe.

makikisingit lang. about sa canonical sis, usually na tinatanong dun yung background nyo ni h2b and tatanungin if someone forced you to marry your h2b. if may kinakatakutan ka ba. actually depende talaga sa church sis, kasi i heard, may ibang churches na nagpaparecite ng 10 commandments, while yung ibang church naman, mroe on practical questions lang talaga. yung sa amin ni h2b, yes or no lang ang sagot and a little bit of background sa relationship namin ni h2b.

and natatandaan ko, may tanong pa dun kung nagtanan ba kami; how long na ang relationship namin and kung pano kami nagkakkilala. as much as possible, dapat pareho kayo ng sagot ni h2b sa mga sagot na tanong ni father.
princeszheng - i see. daan nalang kami dun ni h2b after ng marriage counseling namin on Feb 1. hopefully by that time, tapos na ang pag print sa invitations namin. para makapili na kami ng design. ayaw ko sana ng plain lang na ribbon. gusto ko yung may design. lol.
akin_dc - correct sis, mas convenient talaga sya.

kasi di mo na need pumunta dun, then i deliver nalang nila diba?
kiz_me1109 - sis congrats at tapos na ang canonical interview!

balita ko nga mababait daw talaga ang staff sa malate church. wow, at tapas na kagad ang gown! ang saya naman sis! may nero ka ba sis? parang natatandaan ko dati, dun sa nero na application ko dati, meron pang gawa ng avp dun and ang gaganda ng transition eh. goodluck sa shoe hunt. buti nalang ako di ako mahilig masyado sa shoes, kaya kebs lang kahit anong design nalang yan. basta color pink, go na ako. pero still thinking between pink and blue. hehe

sis, nacurious ako dun sa table numbers nyo, nung nag pictorial na ba kayo, yun na ang posing nyo, or may hanap na talaga kayo na table numbers? or inedit mo nalang? hehe
ez4gotten - you're welcome sis!~ twas nice meeting you ulit and Papa P. di na ako nakapag ba bye dun sa bus, ang dami kasing tao at siksikan. hihi!
lanna_dyan - hhmm, di naman sa di masarap sis, di lang ako masyado kasi mahilig sa mga ganon na food. more on fast food kasi talaga ako at lutong bahay. lol! sana halos lahat ng supplier , naka indicate yan sa contract.

kaso yung sa pv ko kasi, ang hingi sakin, 2k daw for the food. waaah! kaloka lang naman diba. pakainin ko nalang sila! ahahah! usually, ang loose of petals madami yan sis. sa isang tao naman, di naman madaming petals ang ibibigay. so enough na yung isang plastic bag. at 3 kilos? naku madami yun!
Marigie - naku, di na talaga mawawala ang mga ganyan na guests sis. hehe. maging handa na tayo pagdating sa ganyan. and there will be guests na mag si side comments maya't maya sa wedding. lol. patio ang caterer ng wedding ni sis blueflame, and wala akong masabi pero super super ganda ng set up nila, and the food super sarap din!!!

kaya nga naubos namin ang appetizer, na good for 10. agree ako kay sis
carmichael. super love ko ang queensland. we were supposed to book them yung akala namin ni h2b sa intramuros kasi okay ang rates nila. and in terms of set up, maganda rin sila mag ayos.
tboupt27 - refer ko yung caterer ni sis
blueflame. patio de tata roque.
chubbycheeks17 - at finally nag kita tayo! hahaha! super super enjoy ako, lalo na sa moments nating dalawa sa photobooth. lol. at ang wacky shot mo, yun na ba talaga yun? lol! up to now, di ako makagetover sa wedding ni sis blueflame, lalo ako na excite eh! feeling ko ready na ready na kami ni h2b. haha! lol! speaking of SS gowns, pinakita na ni h2b yung pic ng gowns kay FMIL and FSIL. nagandahan din daw sila. naexcite na ako ipasukat sa kanila yun. di pa kasi dinala ni h2b sa bahay nila eh. naiwan pa sa bahay. IMY! ikaw na ang maraming na accomplish sa wedding ni sis
blueflame!

pati si sis
ez4gotten, umariba eh.
cristal28 - sis, regarding your problema about hotel preps, for me ha? di bad yun. kasi kung ako yun, ganon din ang gagawin ko. syempre, gusto ko, yung hotel room for weddign preps maganda. pero syempre, yung sa relatives, siguro kahit di nalang ganon or kapareha. kasi syempre, kayo ang mashoshoulder ng hotel stay nila, and may say kayo dun. besides, maganda din naman sa holiday inn eh. kaya walang masama if dun sila mag stay.paintindi mo nalang kay h2b na iniisip mo yung sa budget syempre. tatlo lang ang choices dyan sis. a. mag stay sila sa ibang hotel na mas mababa ang rate na maganda naman. b. you pay for their hotel rooms and kapareha dun sa hotel na pag stayan nyo. c. mag stay kayo sa pare parehong hotel, but then, i downgrade nyo yung rooms na kukunin ninyo, para magkasya ang budget. hindi biro ang 40k para lang sa wedding preps sis. masyadong malaking amount ang kakainin nun para sa wedding budget nyo.
michiness - sis, happy ako at nakita ko kayo uli ni Papa DM! regarding missalette sis, naku good luck sa pag print sis!

so far yung sakin okay naman. siguro kasi di ko pinalitan yung font? pinalitan mo ba yung font sis? baka ending nyan, parang kay sis blueflame narin. hehe! di na back to back. hihi! actually, di ko rin alam kung ano ang tawag dun. haha! super gusto ko makita ang shoes mo, after non, hiramin ko nalang! hahaha! joke lang. nag cacanvass narin ako ng shoes as early as now eh, hanap ako ng affordable. hihi! may maisuggest ka ba sis kung san maganda bumili ng wedding shoes? (yung mura lang)
so ayun nga, nag attend kami ng wedding ni sis
blueflame, and i am so speechless, kasi ang ganda ng wedding nya!

lalo aketch na pressure. hehe!

iba talaga kapag hands on sa wedding preps, kaya mga sis, tama ang sabi ni sis blueflame, na no matter what happens, dapat wag mag fret, and laging mag pray. kung may major boo=boo's man na manyari on our big day, just smile. nevertheless, super happy ako at major success ang wedding nya!

thank you ulit sis!
wedding updates [/b]naman ulit. hehe! finally, nakuha ko na yung wedding banns ko. next week naman, kay h2b ang kunin nya. nakuha narin ni mama yung copy ng baptismal certificate ko! yey. almost complete na kami sa documents namin.pag nakuha na ang cenomar, apply na kami for marriage license. and super happy ko rin, kasi na approve na ng church namin yung missalette namin. kaya pwede na namin i -print! para less nalang ang iisipin namin pag malapit lapit na ang wedding day.
then share ko lang, dadalhin na daw ng friend ko yung wedding gown na ipapahiram nya sakin para sa prenup namin next week ni h2b. excited ako isukat. hihi!