watch now

Author Topic: 2012 Brides *Part 11*  (Read 106449 times)

Marigie

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #180 on: January 13, 2012, 01:47:17 pm »
Ang haba ng thread na diko nabasa ;D.

@ Sis dianeloraine - Oo sis sa bridal fair maganda mag-book sayang ang freebies and discount ;)

@ Sis chelle_peachy0524 - Problema ko din yang marriage license na yan :(. Sana nga magawan ng paraan yun sa munisipyo namin yung date kailangan lang ma-date ng September kasi August ang uwe ko balik ko then December na :(

@ Sis akin_dc - Gusto ko ni nga kasi as much as possible konti lang ang guest para di magulo. Ang problema malaki ang family ni h2b sa kanya pa lang 30+ na ako naman yung mga relatives ko ang malaki sa father side :(. Ang problema ko kasi sa Rosemont 120 lang kasya sa indoor ayoko na sana magdagdag ng tao sa baba kasi maglalagay pa ng tent.

@ Sis chubbycheeks17 - Food tasting ni h2b ng 17 sa shagrilla hotel sa makati yata at may bayad ha 1k for 2. Honestly sis ok ang food nila sa tingin ko di ordinary ang dismaya ako sa set-up sis as in :(. Parang yung discount na ibibigay if ever mapupunta lang sa styling namin :(. May nakita pa akong isa Aramicos ok ang set up ang question naman ang food. Kasi naman sis nagtanong ako ng kay serge igonia at love bloom 25k ang styling for 150 pax :(. Sino back-up photographer mo si JR Salonga ;)

@ Sis cerenity_18 - regarding flowers try mo kay serge igonia kaya niya mag-work sa budget daw and love bloom maganda mag-arrange ;). San ang wedding mo sis? :)

@ Sis lucky_m+d - choice ko din yang dxc's dati kaya lang mas madaming bad feedbacks sa kanila sa google sa supplier's rating kaya diko na talaga tinuloy pero matagal na yung mga yun  ;)

@ Sis faye-tea - natawa naman ako dun kasi parehas sila ng sagot ng h2b ko ;D. Siguro kasi tayong mga babae more on sa details alam mo yung mga lalaki wala yang pakialam lolz! Yung h2b ko nga sabi nya ok na yan ako nga kahit puti lang lahat yan ok na ako  :'( syempre naman tayong mga bride papayag ba tayo ng pangit wedding natin ;)

@ Sis michiness - food tasting si h2b ng 17th  ;). Sis, feeling ko naman ok ang food nila ang problema ko naman yung ayos naman ang problem ko diko gusto  :(. Diko alam kung lumang pictures yung pinadala nya sa akin :( parang yung discount mapupunta sa styling lang  :(. Thank you sis gusto ko na lang talaga magkaron ng caterer  :(

@ Sis ylronchar - welcome sis ;). Ang alam ko ok lang mag-fit ng gown pero dapat [textspeak!] daw di nakikita ng groom kung bakit diko alam  ;D.

@ Sis carmichael18 - regarding crew meal kailangan ba talaga sis packed meal kasi ang plan namin we will set up a buffet sa isang area for them lang kaso like photographers di talaga sila makakain only after ng party. Ang concern ko lang kawawa din naman sila if ever malamig na yung food kapag kumain sila ok lang ba yun :-\ kasi tagaytay bride ako syempre like beef sebo na yun dba? :(

UPDATE :  - food tasting si h2b sa purple dish sa 17th sana lang ok ang food nila. Regarding set-up sana nga luma yung pics na nakita ko kasi if ever mapipilitan talaga ako kumuha ng stylist nanaman additional gastos :'(. Honestly sis malaki talaga yung discount nila kaya lang nanghihinayang naman ako sa 25k na gastos sa styling. Regarding flowers pwede ko i-haggle si yho-an dun if ever ;).May pina-quote akong flower arrangement ng PC na gusto ipagaya 1,200 per table  :'( wala lang nag-iinarte lang ako. May nakita pa ako Aramicos ang ganda ng set-up yung 700++ nila per head may styling na ang ganda parang gusto ko sya i-try kaya lang yung usual na food lang eh pero ang daming kasama. Haay.... confused na talaga ako :(

lucky_m+d

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #181 on: January 13, 2012, 01:55:29 pm »
Sis cristal, talaga? Honga! Saya!  ;D When ka exactly?and where? Ako 16 sa st.michael ako, venue ko dun sa PAOCH inside camp.  Oo 300k lang, pipilitin ko hahaha pero excluding ring na yun pati mga gowns ng ento. Sabi ko sa kanila mula ulo hanggang paa bahala sila total sila naman rarampa kung ok lang sa kanila na mukha silang panget fine hahaha ;D  pero based nga sa computation, parang hindi nga kaya hanggang 350k siguro  :D di ko din sure ilan copies, sabi ng officemate ko na kinasal isa lang daw  :)

tboupt27

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #182 on: January 13, 2012, 01:56:47 pm »
ylronchar – hindi kasi ako makakapunta sa bridal fair this weekend, overseas bride here. Sayang nga di ko man lang mararanasang makaattend ng mga ganyan. Siguro pag uwi ko kahit kasal na ko kakaririn ko yan hehe. re marryme, alam nyo site nila? Lumalabas kasi sa search e puro abroad hehe. bulacan din ba sila?

May nabasa nga ako dito na yung couple (limot ko na kung sino satin dito lol) sila na mismo yung bibili ng diamond saka ibibigay dun sa gagawa. Mas makakamura ba kapag ganun? Around how much naman kaya isang bato? Gusto ko kasi may bato yung akin kahit mga 4 lang. sabi naman ni WC about sa meicel, baka nipisan na lang daw nang kaunti yung ring para maipasok sa budget, tama na yung 25k. sabi ko nga ke h2b magtungsten muna kami e para di na madagdagan gastos tapos kapag nakaluwag na saka bumili ng bongga. Ayaw nya at gusto daw nya totoo na daw hehe. mapride ang lolo mo lols.
Re crew meals, di ko pa nababanggit kay MIL yung plano. Siguro pag uwi na lang namin pag uusapan. Kung hindi makaya ni MIL na magluto (shempre magbeauty rest pa yun lols), order kami sa may Bermuda ng pancit canton, sweet and sour fish etc. dun kasi sila madalas umorder pag may celebration, masarap na mura pa. :D

Chubbycheeks, excited na din ako sa magiging report ni WC sa mga meet up nya. Basta 3 na pagpipilian ko; PC, Bizu at KbyC. Ipapatanong ko na din sa MC yung dress code, nako baka di din pede ang tube dun a, yun pa naman gusto ko sa upper bodice ko hehe.

Re hiphop dance with bro, nako baka pumayag din yun. Dancer din kasi yun hehe. matanong nga kuya ko hehe.

lucky_m+d – uu lately nagging iyakin na ko. seryoso napapaluha talaga ako kapag naiisip ko na naglalakad na ko sa aisle hay. Re meicel, di ko trip mga designs nila sa website nila, o dahil lang kaya sa pictures lang yun at iba pag personal? Bahala na si WC makipagnegotiate kasi naging supplier din nila yun nung kasal nila. Re myphotato, I grabbed their 50k promo. Di naman ako nagsisisi so far hehe, wala pa kami sked, theme and location for pre nup. Siguro by March ko na pag iisipan kapag malapit na kong umuwi.

Re pre nup na yan, I have a bunch of friends na photographer, naisip ko nga mag group pre nup tayong lahat e hehe. ang saya siguro nun. 8)

cristal28

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #183 on: January 13, 2012, 02:13:10 pm »
^^ june 9 ako, yun date ana ayw ng oldies hehe. sa greenhills ako and then reception sa QC. ako around 150 guests lang pero parang abot kami ng 300k kasi kami lahat pay eh pero limited lang ang entou ko yun need lang talaga so far ayaw ko nga ng bridesmaids eh [textspeak!] naman sila talaga role. haha

lanna_dyan

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #184 on: January 13, 2012, 02:32:02 pm »
daan lang muna. share ko lang ang happiness ko! we were able to get one more slot with K by C. Thanks to my WC. I'm so happy :D

Repost ko lang yung post ko sa isang thread:

"I am really happy right now and I would like to share to everyone my gratitude to my WC, Ms Chi Hernandez-Abarquez of Once A Bride Weddings for helping me out get a slot with K by Cunanan.

Last Wednesday kasi, I've found out that they are fully booked on my wedding day (after I've waited for their rate for like 15 days). Then, I asked Ms Chi to help me out with them.

And yun, through her contacts and charm, nakakuha pa kami ng isang slot and I am so happy.  ;D   :D

Hindi talaga ako nagkamali in getting her. Actually Big Day OTD lang ang package ko sa kanya pero tinulungan nya ako with this one, and super thankful talaga ako. Not to mention ang mga overseas SMS nya to me."

Share ko lang. maya na backread :D

cerenity_18

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #185 on: January 13, 2012, 02:53:38 pm »
Awww mga sis at bro super back read na agad ang beauty ko ang daming active overnight

Lannadyan- yes sis kasama rin mga asawa sa PS table..wow I like your hiphop dance kahit di ako marunong sumayaw….magkukulong na lang ako sa kwarto para gawin yun hahaha. Sis actually di din ako naniniwala dun sa pagsukat ng gown kase nung first wedding naming sa barko nakailang sukat ako haha…though dress lang naman sya
KatrinaC –kalurkey ka sis 2010 pa???over sa aga haha…no wonder why you’re almost done with all the suppliers…nung time na yan naghahanap pa ako ng magiging asawa…jiji re:sukob:kebs na nga yun,pero yung sa patay alam ko naniniwala family ko dun kase yung dad ng cous ko namatay few months before her wedding, ini adjust pa nila for another one year…sis..re:kumpil-try ko mag inquire ng ganon sis baka pwede thanks much
Bro ynlorchar- bet ko yang ginawa ng fiancée mo…hihi gusto ko rin surprise…kulit kulit
Princesszheng-good thing busy ka kaya di masyadong emote sa pag alis ni h2b… ok sis wait ko nalang pm mo ha..thanks much
Chubbycheeks-sis nagreply na rin si chichi sakin tee hee….kaso since diko pa talaga na sabi sa kanya yung peg ko isesend ko pa sa kanya para me basis sya sa price…excited na rin ako…re:BKS baka ganon na rin gagawin ko sis sana,50% na agad?…yun nga lang bka mapapare-quote ako magbabawas ako ng Bridesmaid di kase sure yung 3 na kasama sa ento if papayag si tito boy i-add ko nalang yung suit ni hubby pag binawasan ko yung 3 ento dress for the 70k quote nya for me tapos yung sa guy ento try kong mag inquire dun kay mang pons sabi ko kasi kay hubby ganon nalang para dina sya bibili sa US ng suit nya at nakavest nalang yung male ento para mas mura ang patahi….medyo naaalarma na kase ako sis sa budget lumalaki na …want ko kasing max 400k lang ang magastos naming sa budget nyang $15000 for our wedding including honeymoon …plano ko kase i-add na lang yun sa puhunan namin sa want kong ifranchise na business dito..yay keri kaya…Nagpapaquote na ako sa PC kaso di pa uli nagreply si Maja..sis how much mo nakuha yung sa flowers??kase kung PC ang kukunin ko na caterer yung sa ento at church nalang kukunin kong flowers...yung mura lang haha malalanta din naman… :P  re:kumpil-sis san yng san Miguel church?sige mag inquire ako…re:sukod-di naman ako naniniwala kaya kebs na..Thanks for the infos sis ha….btw pagaling ka ng ayos huh….good thing mas ok ka na ngayon..stay healthy por favor bella.
Luckymd haha asar talaga sis….kya nga sis deadma nay un…wiz naman kami magpaplit ng plans dahil dun sayang naman ang mga effort ko while on vacay…thanks
Marigie-thanks sis check ko rin yan…sa batangas yung wedding ko sis….keri kaya OOT


akin_dc

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #186 on: January 13, 2012, 04:24:25 pm »
@ lanna_dyan congrats! finally may caterer ka na! :)

@ Marigie sa h2b family side din ang madami eh.. sakin ang friends ang madami. haha! :P Yun lang ang prob kapag restricted lang ang kaya iaccommodate ng venue, hindi rin naman maganda na magkahiwalay pa yung recep kasi hindi magkikita mga guests agad.. try nyo nalang mag cut down sa guests list, tapos yung iba pwede naman after wedding sa house nalang or something. ganun kasi sabi ng parents ko sakin, yung mga neighbors daw namin, pwede sa bahay nalang makicelebrate after.. :)

@ tboupt27 same tayo sis, hindi rin ako makakapunta sa mga bridal fair.. sayang.. pangarap ko yun, kaso lahat ng sked nila, sablay sa sked ng uwi namin..

@ cristal_28 parang 2 each yata? or depends, kasi kung okay lang naman na photocopy nalang ang submit sa city hall (for marriage license) pwede siguro isang copy nalang.. sa church kasi magsubmit din.. :) nakakalito ang mga documents na kelangan at validity, kung san issubmit.. :o

@ lucky_m+d hmm hindi naman siguro hassle sa kanila yun.. kung kaya naman nila bumili ng food :D hehe, pero nabanggit kasi ng WC namin, na if ever wala pang food na nakaready, iprovide lang daw yung pera, then sila na daw ang bibili.. :) pero sa tingin ko, mas naappreciate nila ang homemade meals kesa sa fastfood.. kaya as much as possible gusto namin na apartment type yung prep venue para dun makapag prepare ng food for all! :D re emcee, same tayo mas gusto namin yung kalog saka makulit.. pero hindi naman jologs ha.. hihi, ayaw naman namin mashado formal. kahit sa mga suppliers, pag nakakausap namin, nahihirapan kami pag mashado formal saka hindi nakikipagbiruan. ;D

@ cerenity_18 hala, kasama ba mga spouses ng PS sa VIP table? :o hindi ba pwede sa guest table nalang yung spouses with their friends/family?  :-\

@ chubbycheeks17 oo sis, namamamahalan na rin tuloy ako dun sa styling namin. wahh.. kaso hindi ko naman alam pano ko magscout ng florist sa dangwa.. :-\ kung pwede lang mag DIY nalang din ako, gagawin ko talaga.. haha! ;D hindi ko rin alam kasi sa Hizon's dahil sabi nila mga 1-2 months prior daw saka namin imeet ang planner nila.. eh pano naman namin malalaman kung kaya nila yung styling na gusto namin.. at kung hindi nila kaya, baka yung stylist na gusto namin eh booked na by that time.. ay kaguluhan.. bahala na si batman, pag isipan ko nga ulit pano magandang diskarte. ;D

re CENOMAR, may nakatry na ba sa inyo mag request nito via e-census? :) yun na kasi ang plan ko gawin before umuwi ng March, so pagdating namin, nandun na yung documents.. Papatulong na ko sa cousin ko for the Marriage license.. bahala na si batman, magkakaalaman sa Marso.. ;)

heard from my WC again, kalmado na ko ulit.. hehe :D still waiting for the sketch ng couture ko.. hindi pa naman tapos ang araw.. hehe.. :D

cristal28

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #187 on: January 13, 2012, 04:40:37 pm »
kasama ba dapat sa VIP table yung spoude ng ninong and ninang? kala ko hiwalay. hala!

re: number of copies na kailangan, for those who got married sa SSJ and will get their license sa manila ilan ba need ko? pag 2 tapos sobra lagot ako kay h2b sabihin sayang pera pag naman 1 tapos 2 ang need lagot din kasi ang tagal pala b4 makuha eh sa sm lang kami mag apply eh. ang gulo! :)

faye-tea

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #188 on: January 13, 2012, 05:09:15 pm »
wow sis! sweet naman!! atleast ikaw ang nasusunod hehe


@ Sis faye-tea - natawa naman ako dun kasi parehas sila ng sagot ng h2b ko ;D. Siguro kasi tayong mga babae more on sa details alam mo yung mga lalaki wala yang pakialam lolz! Yung h2b ko nga sabi nya ok na yan ako nga kahit puti lang lahat yan ok na ako  :'( syempre naman tayong mga bride papayag ba tayo ng pangit wedding natin ;)

Oo nga sis! Yun na nga lang din pa-consuelo niya sa akin. lol! Sabi niya lang firmly, PLEASE (kulang na lang magtawag ng santo sa pag-plead) stick to the budget! I have this thing daw kasi na whenever I say, "Ay ang ganda nito, ay ok 'to, ay I want this for us" sure daw, kahit hindi pa nakikita tag price, whopping agad ang price ceiling.


chubbycheeks17

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #189 on: January 13, 2012, 05:34:17 pm »
lucky m+d -  sis, si kiz_me, caterer nya is quido’s and she seems very satisfied naman. ang ma del’s naman, may package sila na a little over 400. if wala nga lang issue sa time mgt. si ate magda, i prolly stayed with her pero madali ako mapanic. kung sa quality naman ng gowns, her creations are just lovely. kung kaya mo naman kulitin sis, go ka na kay ate magda. btw, if ur near ate magda, saan ka? from tagig lang ako. to each his own naman talaga pagdating sa wedding. i mean, hindi talaga ideal na magloan but if there are a lot of considerations the couple have, then go di ba? it’s their choice, their wedding.  ;) nako sis, wag ka na pa-affect sa mga ganun. yun iba naman sken before, ang aga naman daw ng preps at yun iba naman, friends ko pa man din, wala naman pakialam and since ganun sila, hindi ko iinvite sa wedding ko. wahahaha. :D ayun mabuti okie naman na ang docs nyo. mga 2nd quarter pa ako magstart matoxic about it. re venue, ah may plan b naman pala so safe na. yun sa myphotato, may concept video din kami. wish ko lang makapagemote kami ng tama. sa smx kami tomorrow. hindi ko pa sure kung punta ng picc on sunday.

faye-tea – awwww. ang sweet naman! nakakatuwa talaga ang mga h2bs. si h2b ko naman puro lang “go chubz. kung ano ang heart’s desire, go.” kaya ayun, nawili ako kaka-go nya sa mga gusto kong suppliers. hahahaha. :D

cristal – natawa naman ako sa sinabi mo na buzzer-beater si ate magda, which i heard nga from sis sexy_07’s wedding. :-\  sis, yun sa VIP table, for us, itatabi namin sa mga PS namin para hindi naman sila op. paano ba ang plan nyo?

Marigie – awww. may bayad ang ft! sis, i’d rather go for good foodie then hanap na lang ng stylist na mura. meron naman mga florists that can work on your budget para mapabongga ang venue. nacheck mo na angel of hearts? i read dito rin sa GT that everlasting flowers quoted 30K for entou + church + styling. i think that’s a real steal. :D ay may florist ka na pala. 1,200 per table with pc? ilan tables ba? baka mas makamura ka kung ganun ang strategy then konting design na lang sa gilid gilid. back-up photog is nez cruz. :)

tboupt27 – sis, hindi ba scary yun na magbibigay ka na lang ng diamond sa gagawa? hahaha. mapride si h2b. ganun talaga. he only wants the best for you. update ka sis kung what happened sa ft. for sure, ma-e-enjoy yun ni wc. yupz, yun sa dress, sayang naman kung lalagyan ka ng white cloth as bolero para lang makalakad sa aisle. my mom or my aunt attended a wedding na ganun ang ngyari. hindi sa MC yun church though but still, kawawa yun bride. oh well, di rin naman kasi siya nagfollow ng rules. :( hahaha. if maghiphop kayo ng bro mo, may change outfit ka pa para bongga pero make sure lang na hindi masyado matagal ang outfit change para swak pa rin sa haba ng program nyo. ;)

lanna_dyan – so happy for you, sis! congrats! finally settled na! :D

cerenity – yey! sabi ko kay chichi, magpay-in-full na lang ako para hindi na need na sa bank pa. malayo ang bank nya dito sa house namin. mas malapit kung lbc or ml kwarta padala. re Tito Boy, i think okie lang yun sa kanya. nagtext na nga ako na magmeet na kami para mabigay ko na dp ko for our entou’s gowns. intay ko pa reply nya. wow! parang gusto ko ang vests for male entou. makahanap nga ng peg nyan. mas mura yun for sure. hahahaha. :D my wc shared with me na may onesimus sa may pioneer, ortigas when i asked her about our male entou’s outfits. baka puntahan ko yun soon to check it out personally. gusto ko nga rin si mang pons after reading a very good feedback pero isip pa ako. shempre, mas magastos pa rin magpatahi over rent and saan pa ba gagamitin yun ng male entou namin afterwards. 16,500 ang package ko with everlasting flowers + 1K gas allowance. dami kasi namin entou, halos 24 heads including PS na pati mga kiddos. ;) sis, yun san miguel church sa may malacanang. mabilis lang dun so dun na lang si hubby. call ka na lang for reqts. yes, sis, feeling better na. grazie! :)

akin_dc – hindi na ako nag-scout sa dangwa sis. dami rin kasing tao dun and ayaw ako papuntahin ni h2b (pati sa divi!)   ::) so email email lang ako then review sino ang lowest quote. ang gulo naman sis, nung stylist ng hizon. parang nakadepend dun ang move nyo. better to have plan b.  ;)re cenomar, sabi ko nga via e-census na lang since ganun din ako nagrequest ng birth certificate ko before pero sabi ng bro ko mas madali sa nso so punta na lang kami ng pasig city hall to request it from there.

ciao sissies!  :-*

akin_dc

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #190 on: January 13, 2012, 05:48:39 pm »
^ sis, si h2b din tamaditis ng bongga maghanap ng suppliers.. haha, kung ako lang, lalakad talaga ako para maghanap eh.. ;D

btw, tanong ni h2b, kasi naginquire ako sa Ysabela Florist, ask nya kung okay lang daw ba yun na INC sila and mostly na cater nilang wedding is INC weddings.. okay lang daw ba yun mag cater sila ng Catholic wedding?.. Sabi ko kasi kay h2b eh flowers lang naman ang issupply nila noh.. haha! kulit lang eh.. ;D

cerenity_18

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #191 on: January 13, 2012, 06:27:32 pm »
cristal and akin dc actually depende sayo and  sa mga guest mo if super close lang naman lahat sila sa madlang pipol keribels lang na nakahiwalay ang mga asawa.

fayeteamarigiechubbycheeksbuti na lang go lang ng go ang mga h2b's natin  ;) mas masarap mag plan diba....

chubbycheeks sis how much quote sayo ni chichi??buti na lang di naman pala ganon kamahal...ang problem ko ay ang peg na ipapakita ko sa kanyang inspiration hehe... re:BKS sana nga ok lang kay tito boy..mukhang busy sya these passed few days in fairness..re:vest-oo nga sis ok yung kesa suit talaga...me nabasa ako ang pagawa kay mang pons parang P700 kasama tela pero parang tumaas na ata im not sure...pero ok na yun for us buy nalang kami ng tie na kacolor ng motif namin or bow tie keribels na yun.. ;) kya pashare ng mga pegs mo if nakahanap ka na in person talaga ha>>>hehe final na babawasan ko na ang ento ko jiji tipid mode...re:WC-sis nag email sa akin ang kiss the girl ni refer mo na ba ako??diko pa nireplyan sabi ko ask muna kita haha...sabi nga pala ni hubby mukhang OTD na lang kelangan namin since adik naman ako sa preps..re:caterer-dipa sumagot ang PC pero try ko si juan carlo rin para walang OOT charge re:flowers-sis ano contact ng everlasting mag inquire ako kase nag inquire na ko sa ysabela icompare ko kung alin ang mas mura yung want ko kase na flowers ko e mga imported daw,tas gusto ko pa me cacti haha kya nga mexican diba??!!!kya yun 6k na sakin palang haha...parang diko feel yng mga packages nya mas want ko sundin yung peg ko :p arte lol re:church-ah ok,sis thanks talaga sa napakaraming infos re:concept video-gee....meron din kami nya kay stephen naman,excited na ako kahit malayo pa..we will shoot it in puerto galera :P

akindcsis tanong ko rin sana yan sa ysabela kanina kaso parang off....kachat ko sya kanina sa fb ....sana ok lang naman kahit catholic kase nkita ko rin puro INC mga asa photos.. :)

akin_dc

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #192 on: January 13, 2012, 06:30:34 pm »
^ sis cerenity actually tinanong ko, haha! kachat ko rin sila kanina sa FB. :D pero hindi naman nasagot.. :-\ pero mukhang okay naman yata.. hindi ko na inulit tanungin eh, nahiya na ko.. nagpost ako dun sa thread nila dito.. tinatanong ko sa mga sis kung okay lang ba.. :) sana may makuha tayo feedback..

cerenity_18

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #193 on: January 13, 2012, 06:40:30 pm »
akin dc sis talaga?hesitant ako magtnong eh,siguro naman ok lang..ok din naman syang kausap,nabasa ko nag style na rin sila ng reception with the theme..ok kya??hehe balitaan mo ko if ever me sumagot ha TIA :-*

akin_dc

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #194 on: January 13, 2012, 06:51:48 pm »
^ sige sis cerenity, I'll let you know.. nagpaquote na ako eh, sabi nga may 1st themed styling daw sila na gagawin.. after 1 week daw mag email sila sakin.. balitaan kita.. :)

faye-tea

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #195 on: January 13, 2012, 06:54:34 pm »
cerenity Oo nga masarap kapag go lang ng go ang mga fiance. Hahaha! Naawa naman ako sa kanya, so sige, magbe-behave ako sa pagshoshortlist. ;)

Marigie

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #196 on: January 13, 2012, 07:53:06 pm »
@ Sis akin_dc - believe it or not meron pa yang handa sa bahay as in yung 150 pax pili na yun talaga nag-compute ako kanina ng guest namin sa entourage, family ko at common friend namin 117 na :'( kaya sabi ko 30 na lang idadagdag mo :(. Try ko pa din bawasan  ;D

@ Sis chubbycheeks17 - Sis magkano rate ni nez sayo as back up? Di ko makita ang website ng everlasting flowers na yan  :( Feeling ko nga maghahanap n alang ako mas cheaper kasi naman para naman yung natipid namin dun din napunta :(.

*** Sumagot email ko ang 78 design concept sana mura lang nya ibigay  ;D. Serge Igonia and Love in Bloom 25k daw dpa complete yun  :(. Anyone na may contact nos ng Everlasting flowers para makahingi ng quote  ;D

lucky_m+d

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #197 on: January 13, 2012, 08:19:00 pm »
Sis lanna_dyan – congrats sis at nakuha mo [textspeak!] gusto mo   ;) happy for u  :D

Sis cerenity – tama! Ipaglaban nga ang gusto, kase it’s our day! Kung hindi lang ako pinakiusapan ni H2B hindi rin ako magmomove hehe

Sis akin_dc-  when and saan wedding mo? Pasensya na hindi na nakakapagbackread.. haba na mashado eh ..diba dati may nagroroll call? Hehe tama ayaw naming pormal kase parang sosyalan! Eh hindi talaga kami sosyalang tao basta tama ka wag lang jologs! hehe singit ako sa PS sa VIP table, yun din ang plan ko mag-asawa sa VIP kase ilang beses na ko nakaka-attend na yung isang asawa katable naming tapos hindi naman namin close so parang OP lang sya, kawawa. E ngayon nagdadalawang isip ako kase una konti lang ninong ang ninang, noong una ask ko parents sino gusto nila kumara..bahala daw kami..ngaun dami naman sinussugest..hay kaloka parents!! ::)

Sis faye tea – hehe naiimagine ko kayong 2 habang nagyayari yun, nakakatuwa na nakakatawa… kase nakakarelate  ;D

Sis chubbycheeks – yup gusto ko sana sa madels kaso hindi accredited sa venue eh.  :( Taga west rembo ako hehe sa pateros kase ko naghighschool kaya baka mahunting ko si aling magda  :) kung ako lang talaga, lalayo ako at sa tagong lugar magpapakasal hehe kaso kinoconsider ko din si parents naming kase alam naming na excited sila na ipangalandakan na kakasal kami kase ako na last ikakasal sa amin while si h2b 1st naman…meaning sandamakmak na guest..hay fiesta!  ::)


kiz_me1109

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #198 on: January 13, 2012, 10:25:10 pm »
princeszheng

- Minsan kasi nag e enjoy ako mag edit ng pics sis. Meron naman tutorials sa youtube e. :-) Naku, natulog ulit ako ng matagal kanina. Restday ni hubby so it's his turn sa wedding preps. hehe

chubbycheeks17

- Nakuha ko na yung cheke sis. hehe ANg bilis. And ang bilis din ma encash. Friday the 13th is really a lucky day for me. hehe And nabuo ko pa ang tulog ko. hehe Nagreply narin sa wakas sister ko. Sunday na kami punta sa mananahi for the last batch ng magpapasukat. :-)

lucky_m+d

- Sis, when ang wedding mo? Regarding Ms Magda, punta kami sa house niya monday morning for my fitting and papasukat na si MIL. :-) I can ask her if she's still available on your wedding day. :-)


carmichael18

- Sis, than you sa information about crew meals. Pano kaya yung sa P/V? Dapat yata madami talaga yung ipapakain sa kanila no? Kasi from church to reception e tuloy tuloy silang magtatrabaho. So malamang after na ng last pictorial after the reception sila makakain? Kawawa naman. SIla na kaya bahala mag diskarte ng kain nila?


UPDATES:

Bukas na ang Canonical INterview namin. :-) Sana lang hindi na traffic dun kasi nakita ko sa news na sa Malate yung shooting ng Burne Lagacy kahapon. hehe Excited na ako na kinakabahan. Sana mabilis lang. hehe




chelle_peachy0524

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 11*
« Reply #199 on: January 13, 2012, 10:39:20 pm »
Hi Sisses,

papromote lang ng p/v ko hehhee sensya...
sa mga wala pang photographer, me 10% discount na offer ang photographer ko si JR Salonga sa mga GT/Femalenetwork members :)

anyway, kelangan ba latest ang birth certificate? meron na kasi akong NSO copy pero matagal na yun...


will be busy next week super hectic na! excited pero naiisip ko pa lang eh kinakabahan na ako :)


enjoy preps! lapit na si sis blueflame :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close