may truck na kaya si Ts?
Wag muna bumili ng truck as of this date, pinapaliit ni chairman tolentino ang mundo ng truck owners and truck drivers all over metro manila. Due to TOTAL DAYTIME TRUCKBAN. 8hrs na takbuhan ng truck mula pier hanggang bodega, luge na kami. iyon pang buong araw nilang ibaban? Milyong empleyado ng truckers ang magugutom. MARAMI KAMI!!90% ang risk ng trucking. di mo makokontrol ang mga driver at pahinante basta basta hangga't di sila nakakakuha ng respeto syo. Ibang empleyado ang mga tao sa pier kaysa sa mga regular na empleyado sa mga multi national.
Semi - boss sila.
ang mahal naman ng bigay sa checker nun, as much as possible dumirekta sa customs broker o kaya mas mainam kung tayo tumambay sa pier maghapon. I'm sure makakakuha ka ng client, lalo na't half of the year na. dumadagsa na ang biyahe. checker na lalapit sa mga truckers kapag peak season na. you don't need to post for an advertising(mas delikado pa yan, di mo nakikita sa pier kausap mo) at magtatawag sa customs broker, maraming truckers, pero hindi mo alam kung hanggang saan ka nila susuportahan bilang hauler nila. Gentleman's agreement.
Wag bibili sa ahente ng truck, malaki sila magpatong. Marami na pong naluging truckers due to mismanagement, every year may bagong pasok sa pier na trucking, every year din po may bumabagsak dahil sa kunsumisyon sa mga ta
o at natakbuhan ng mga nangungutang na broker at checker. Wag po kayo umasa sa mga contract ng broker or importer, kakadenahan lang nila kayo sa leeg, inutang mo ang pang negosyo mo at uutangin lang nila ng 90days(madami pang cut ang gagawin nila bago mo makuha, masaklap pa kung takbuhan ka). Wag po kayo matakot ma-zero or mawalan ng biyahe sa isang araw kaysa mawalan kayo ng hanap buhay, baon pa kayo sa utang sira pa kayo sa bangko. Mag Cash basis lang lagi or dated checks up to maximum of 7days.Hindi po makwekwenta ang wear and tear ng gulong, ng makina, ng baterya at iba pang piyesa ng truck basta basta. Pero merong nag kwenta nuon na ginawa pa sa UP. lumalabas minimum na bayad dapat sa truck ng 500 metro lang ang layo, P12,000 noon pang dekada 80 para magkaroon ka ng tubo kahit papano.
Bago po kayo makapasok kailangan nyo po munang magparehistro sa mga trucking organizations: Alliance of Concerned Trucking Owners and Organization(ACTOO) or CTAP sa Int'l Container Terminal services,inc.(ICTSI) or Asian Terminal, Inc.(ATI). Depende po sa inyo kung saan kayo magbabase pwedeng isa o sa dalawang port kayo mag ooperate.
I'm talking about the import/export here, iba pa po ang domestic port na located sa North harbor na may ibang organization na required kayo magparehistro bago kayo makapag operate.
sa tractorhead na may hatak na 20, 40, 45 skeletal/flatbed trailer or low bed(for special handling), mahirap maka 2 trips per day ngayon unless malapit lang ang biyahe mo dahil super traffic na sa pier sa papasok sa loob at palabas palang(may kotong cops din po sa loob sa bawat port, yung mga
guard, sila nagpapatraffic para magkaroon ng sariling kita).
Habang lumalaki o humahaba ang hatak ng truck lalong bumabagal ang galaw.
Lahat ng city sa metro manila may iba't ibang permit na kailangan para makadaan ka sa kanikanilang siyudad, iba't ibang oras din ang truckban ng bawat city. (what's the use of Lto and Ltfrb anyway?)
Mahirap kwentahin ang kita sa transport service kaysa sa ibang negosyo. Baka madiscourage lang kung kukuwentahin mo lagi. Wag mo na ituloy ang negosyo na ito kung mahina loob mo. 90% stressful din ito para kang doktor na on-call, maski tulog ka mag aalala ka pa rin dahil milyones ang dala ng driver at pahinante mo, truck mo, kargamento ng client mo, container na inupahan ng importer at customs broker na kausap mo.
14/8% po karaniwang pasahod sa straight cargo truck at 13/7% sa prime mover. If you are the owner na kukuha ng biyahe, mas malaya mong maitataas ang presyo kaysa umasa ka sa dispatcher na mag papabiyahe ng truck mo. I-hands on mo na lang, nariyan manggagaling lahat ang income mo. Maraming dispatcher na ang nanunog ng pera sa pier, para kang babaeng nililigawan duon kapag bagong pasok ka sa pier, wag magpa uto sa matatamis na dila. wala pong regulatory board ang hauler sa pier.