Author Topic: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?  (Read 42763 times)

ayee10_cha

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #80 on: June 30, 2012, 12:34:33 am »
Before nung may work pa ako, ako yung nag handle nag budget namin pero simula nung nag stop akong mag work si hubby na nag handle nun hindi ko na pinapakialaman yung money niya. Pero minsan tinatanong pa din niya ako kasi money daw namin yun kaya parang ako pa din may last say.  :D

JazzJewel

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #81 on: July 03, 2012, 05:07:51 am »
Ever since ayaw magwallet ni hubby, until now tsk...meaning ayaw nya humawak ng pera, dagdag isipin lang daw nya, at dapat daw si wifey ang nahawak...he is not a materialistic person ever...hindi bibili ng T-shirt or anything na kailangan nya kung hindi pa ako ang bibili hehe...ultimo CC nya ako padin humawak toink  :) :) :) :)

phatgirl

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #82 on: July 03, 2012, 08:27:47 pm »
ako naman hindi issue sa akin kung sino mag handle ng money..basta pag humingi ako kay hubby,alam ko naman mag bibgay siya eh..saka basta may naka save na dito sa bahay,okay na sakin kung nasa kanya yung atm..tiwala naman ako sa asawa ko..saka wala naman siya bisyo,yung mga toy collections lang pero di na siya bumibili ngayon..or magpapa alam naman yun sa akin lalo na pag mahal yung bibilin niya.

weweng20

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #83 on: July 05, 2012, 05:46:05 pm »
yung wife pa rin dapat yong maghahawak nang budget ! ang mga husband dapat trabahu lang nang trabahu :)) hehe

jenie0519

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #84 on: August 09, 2012, 10:44:22 am »
Dilemma ko to ngayon... 3 yrs na kaming married, for the 1st few months of being married, ako ang nagba-budget, but then naiinis ako pag lagi niya ko tinatanong kung san napupunta ang sahod niya, so nagdecide kami na kanya kanyang hawak na lang ng sweldo. Basta babayadan niya ang bahay, utilities at cc niya, at bibili ng gatas at diaper ni baby pag may sumobra diretso sa savings, na hawak ko ang atm, then ako ang bahala sa cc ko, at bayad sa maid...

Ok naman, kaya lang nalaman ng nanay ko, nagtanong kasi siya, sinabi ko ang totoo na di ko hinahawakan sahod ng asawa ko, nagalit na siya... Dapat daw ako naghahawak ng sahod ng asawa ko, pano daw kung mambabae eh di kawawa ako, pano daw kung me pinagkakagastusan na iba? Sagot ko eh, di gagawin sa kin ng asawa ko yun at kung gawin man niya problema na niya yun, basta yung responsibilidad niya sa min ng anak niya wag niya kalimutan... Til now tinatalakan pa din ako ng nanay ko.. btw, nakikitira kami ngayon sa parents ko since yung house namin eh need pa ipaggawa... Ang dami kong rants about sa nanay ko, hay hirap!
« Last Edit: August 15, 2012, 09:00:16 am by jenie0519 »

beatrize zuri

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #85 on: August 11, 2012, 09:54:17 pm »
i leave it to my husband.  ;D , mas magaling siyang magbudget compare to me so siya na lang. pero im still involve pa din naman sa mga expenses and all para were on track medyo makakalimutin kasi husband ko.  :)

panda_princess

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #86 on: August 18, 2012, 06:10:42 pm »
hi mga sis...pa join...

share ko lang po...for some reasons nakita ko un bank statement ni hubby a few months after namin kinasal at nalaman ko na may na chacharge sa bank account ng hubby ko na hindi nman dpat kaya pinaclose ko na account nya...(for 2 years kc chinarge siya ng dalawang internet service providers na hindi na nya gnagamit...ang laki halaga nawala sakanya)...then pinagsama nlang namin sahod namin sa isang account...

hanggang ngaun 2.5 years na kami kasal...hindi na ako nagwowork...ako parin nag hahandle ng finances namin...(magastos kasi si hubby...magastos din ako pero mas marunong magcontrol...haha)...ako nagbubudget kasama na dun allowance nya hehe...pag my gusto siya bilhin na big items nagsasabi siya sa akin at ganun din ako nagsasabi sa kanya para makapag plan at maisingit sa budget hehe...never kami nagka problem between the 2 of us financially or nag away dahil sa pera...siguro dahil narin yun sa open kami sa isa't isa and im happy about that...at happy rin siya sa pag handle ko ng pera nya...hehe...

i guess depende yun kung sino mas marunong magbudget at kung sino ang less magastos siya dapat mag handle ng pag bubudget may it be hubby or wifey... :D

yukishih

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #87 on: August 19, 2012, 07:21:53 pm »
This is not an issue with us. Nagtuturuan kami actually. Hahaha. Ayoko hawakan ang ATM nya kasi kanya yun and Im not used sa ganon na set up. Basta he provides what we need yun ang pinaka importante and hindi naman sya nagkukulang. Hinawakan ko din atm nya for a while im not comfortable na ako yung magbibigay ng allowance nya and hindi ko rin nagagamit. Ayoko kasi na kapag nasa ibang lugar sya for work na hindi nya dala ang ATM.

smiley327

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #88 on: August 19, 2012, 09:28:16 pm »
Para sa akin din kung sino ang mas marunong maghandle ng budget yun dapat. Not necessarily the wife but on our case, ako ang naghahawak kasi magastos si hubby....as in  ;D.  I also have a list of our monthly expenses para kung magkaron man ng question and answer portion about our budget may proof ako ng mga gastos  ;D

jhenpretty

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #89 on: August 25, 2012, 02:21:41 pm »
In my opinion, it depends on who is really good in handling and budgeting money. Pero sa case namin, I do the budgetting although both me and my hubby are working and we discussed budgetting together. I made an excel template for our home budget plans. Before/after receiving our salary, I update it sa excel template and we plan for the weekly/monthly budget. Kung ano yung mga priorities na mapupuntahan ng pera namin at kung ano yung mga possible expenses weekly nakaestimate na yun. Then ilalagay ko at iuupdate daily yung mga expenses namin. Through this masnamomonitor namin kung magkano na lang ang natitira at savings namin. Through this also masOpen kami sa isa't isa with regards to our income and savings and we reach out and discuss everything with regards to our budget..  ^_^

edskie1974

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #90 on: August 30, 2012, 08:44:41 pm »
hello mga sis,kahit ako meron ganun problema...pera nang asawa ko cya lang humahawak at cya din nag grocery,lahat ng kelangan ko kunin ko lang pag nag grocery kami pero never nya ako binibigyan nang pera,kakajoin ko lang sa kanya dito sa australia,nahihirapan talaga ako sa sitwasyon ko,nang ngreklamo ako sinabihan lang nya ako na ano gagawin ko sa pera na andito lang naman ako sa bahay?kung papasok nga ako sa school, bus card lang talaga dala ko never din nya ako bigyan nang pera kasi me bus card naman daw...umiiyak nalang ako minsan sa inis,parang wala talaga sa plano niya na pahawakin ako kahit 1dollar lang! sa school sinasabihan ako ng mga kaklase ko na dapat ko na cya isumbong kasi alam ko form of abuse yung ginawa nya pero naawa din ako maapektuhan pagsasama namin,ano ba gagawin ko mga sis sa sitwasyon kong ito...please help!

juliaroberts

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #91 on: August 31, 2012, 11:55:47 pm »
Ako ang in charge sa mga finances namin. According to hubby, stress na raw sya sa work. Ayaw na raw nya ng dagdag problema, tutal mas magaling naman daw ako pagdating sa money.

lonelymiss28

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #92 on: September 02, 2012, 10:43:16 am »
asawa ko nag ha-handle ng budget sya kasi may work and i am very very thankful kasi dati akong shopaholic lahat ngmaganda gsuto kong bilhin kahit di ko kelangan. ngayon opposite na ako but still ayoko mag handle ng money.

edskie1974

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #93 on: September 02, 2012, 01:22:11 pm »
@design21 questions...pilipino ba asawa mo sis? d naman makatarungan na wala ka pera nung kinasal ka ba yan na usapan niyo or fixed marriage ka? alam ba ng family mo yan?                                                                                                                                               >hello sis design21,thanks for asking aussie po asawa ko,nung andun pa ako pinas nagpapadala naman siya regularly pero nung andito na ako sobra na siyang tipid kahit sa mga ginogrocery namin,well naintindihan ko naman siya kasi dami nga gastusin pero ang di ko maintindihan sa kanya ay yung bakit d siya namimigay nang pera sa akin...me gusto sana ako bilhin hanggang tingin na lang ako kasi sabi niya kung di daw importante huwag na daw isali sa grocery namin.hindi ko pinaalam sa pamilya ko sa pinas sis kasi ayaw ko mag alala sila sa akin,pero alam na nang kapatid ko nasa U.S din kaya padalhan na [textspeak!] dw nya ako pera.

eekai

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #94 on: September 22, 2012, 02:00:03 am »
i let hubby do it.  i suck at managing our finances.  i lack the discipline in budgeting so he gets to take care of our moolah.

when we were newlyweds, my parents noticed that hubby was the one managing the money.  my mom pulled me aside and told me that it should always be the woman handling the budget.  i had to explain to her that if we ever wanted to have money saved then hubby is the right person to take care of it all. 

jenie0519

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #95 on: September 27, 2012, 10:02:12 am »
Hi sis eekai, pareho mga nanay natin, naintindihan ka ba ng mom mo? Napanatag na ba ang loob niya? ang nanay ko kasi hindi pa din kahit paulit ulit ko na iexplain sa kanya... hay!

kuliglig^^

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #96 on: September 27, 2012, 05:31:19 pm »
Si hubby. :) Pero sabay kami mag-audit. Magastos kasi ako eh. :P Hahaha!

eekai

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #97 on: October 04, 2012, 01:32:53 am »
Hi sis eekai, pareho mga nanay natin, naintindihan ka ba ng mom mo? Napanatag na ba ang loob niya? ang nanay ko kasi hindi pa din kahit paulit ulit ko na iexplain sa kanya... hay!

Yes sis she understands. And she knows naman na she can only give suggestions and advice but hubby and i have the final say when it comes to anything marriage-related.

Also our savings lahat under my name :)

cinderella_322

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #98 on: October 04, 2012, 08:22:23 am »
sa case naman namin, eversince is kanya kanya kaming handle ng sahod namin. Pareho kaming nagwowork abroad (magkasama po kami sa hauz). And after wedding, we are still supporting our families sa pinas. pareho kamin breadwinner.

So far di naman issue samin ang pera, share kami sa mga monthly bills, mas madami lang syang toka kesa sakin hehe. Binibigyan niya ko ng budget for household and ako na nagmamanage nun, pag kulang eh di hingi ako ulit sa kanya  ;D. We're very transparent sa mga accounts and current money namin, whether cash or in the bank and kung may gusto kami bilhin na mejo mahal eh pinaguusapan at pinagpplanuhan namin together, I also have an excel sheet ng mga dapat bayaran pati budgeting ng mga sahod namin. kasi tamad ang hubby ko magcompute compute, gusto nya babasahin nalang nya kung magkano need nya bayaran at magkano matitira sa kanya.

Di ako comfortable sa set up na sakin lahat tapos bibigyan ko lang sya ng allowance. For me dapat pareho kaming may freedom sa paggastos ng pinaghirapan naming pera. As long as transparent kami sa figures ng isa't isa. Tsaka pareho lang naman kaming impulsive buyer haha. We're planning to have a savings na din and sasabihin ko sa kanya na ako ng hahawak like nung sa budgeting sa wedding, ako lahat ang naghandle. I believe na mas effective samin ang ganung set up.

Antigone

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #99 on: October 04, 2012, 08:54:46 am »
When I get married, I'd let my future husband handle the money. Mas magaling siya eh. Pero dapat may transparency. '-)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close