Author Topic: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?  (Read 42706 times)

candy_corner

  • Guest
Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« on: December 22, 2011, 05:19:15 pm »
Hello!

Gusto ko lang malaman ang opinion nyo tungkol sa paghahandle ng budget. Sino ba dapat ang gumagawa nun - si hubby o tayo?

Married na kami for almost one year, hubby is employed with a good position at ako naman ay may sariling negosyo. Sa case kasi namin, husband ko ang naghahandle ng sweldo at budget nya. Ang nangyayari every sweldo, aabutan lang nya ako ng budget para sa expenses sa bahay at allowance ko. Nung una bale wala lang sakin yun na sya ang gumagawa ng pagbubudget since line ng trabaho nya ang magbudget, pero habang tumatagal, parang narerealize ko na medyo parang nakakainsulto pala yung ganung set-up kasi yung ibang married friends ko, sila talaga ang naghahawak at nagbubudget ng sweldo ng mga asawa nila at binibigyan lang nila ng allowance.

Hindi ko yun iniintindi kasi parang naseselanan ako sa issue kapag may pera nang involved so ako parang agree na lang ako agad sa set-up na gusto nya, parang ayokong mag-assume na ako dapat ang gagawa nun. Hindi rin sakin nirereport ng husband ko yung sweldo nya, kung hindi lang ako nagligpit ng bag nya at nakita ko yung pay slip nya eh hindi ko pa malalaman kung magkano kinikita nya.

Nalulungkot lang ako at naiinsulto kasi parang walang tiwala sakin yung husband ko pagdating sa pagbubudget at sa kita nya. Hindi naman ako mukhang pera na sa sarili ko lang gagastusin yung kinikita nya. Parang ako very open ako sa cash flow ng business ko (siya rin naman kasi nagmomonitor ng sales nun) tapos ako parang hinuhulaan ko lang yung figures ng sweldo nya, Never nya inopen sa akin yung totoong kinikita nya. Sa akin naman kasi hindi ako after sa kinikita nya or sa pera nya, ang gusto ko lang maramdaman eh yung pinagkakatiwalaan nya akopagdating sa paghahandle ng finances. Alam ko forte nya yun pero hindi ko alam kung paano ko i-oopen sa kanya na bilang respect sa akin as  his wife sana ipakita nya sa akin na may tiwala sya sakin pagdating sa ganung bagay. Medyo sensitive kasi yun kaya ang hirap tiempuhan, tendency tuloy, kinikimkim ko na lang.  :( Naiinsulto na kasi yata ako.  :(

Anong opinion nyo sa ganun? Dapat ba ipaubaya ko na lang sa kanya? Paano ko i-oopen?
Thanks in advance.   

yaskulet

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #1 on: December 22, 2011, 05:35:26 pm »
^sis kausapin mo siya ng heart to heart. i air out mo sakanya saloobin mo para at least ma realize nya and hear his side as well. baka nga naman mas okay sanyo ang ganyang set-up wag ka na lang muna mahili sa situation ng mga friends mo. kasi minsan ang applicable sayo, di applicable sa iba and vice versa.

kami ni hubby, nung mag bf/gf pa lang kami parang di siya comfortable na bigay nya saken sweldo nya (tama lang din naman kasi di pa naman kami kasal) pero napag usapan namen yan before hand and as per him, pag kasal na kami ibibigay nya na saken ang sweldo nya. nung sinundan ko siya sa abroad, siya na nag initiate na nag sulit saken ng pera nya ayaw ko pa nga din tanggapin e. pero now na married na kami, lahat ng earnings nya sa online job nya nasaken. pinagkatiwala nya saken lahat dahil alam nya ang capacity nya when it comes to budgeting. tiwala siya saken na di ko wawaldasin ang pera nya sa walang katuturan. true enough sis, before kami mag pakasal nagpagawa kami bahay and all. doon namen lahat kinuha sa pera namen ang gastos sa wedding, sa house construction etc and till now may natira pa samen. di kami zero out :)

So i weigh nyo din sis ang bagay bagay. :) Wag mo compare ang sarili mo sa ibang tao. Wag ka na ma sad. :)

princessrio

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #2 on: December 22, 2011, 05:44:10 pm »
i do not see anything wrong kung asawa mo ang naghahawak ng pera. i don't think it's insulting either. as long as it is in good hands, why worry? mas magastos ba sha or hindi ba kayo nakakaipon? if that is the case, that's another story.

do not try to compare yourself with others. their situation might not be applicable to you. baka naman kasi gastador mga asawa nila or napupunta sa wala at hindi sila nakakaipon. now, kung talagang gusto mo na ikaw na ang humawak ng pera nyo, then just talk to him.

ako kasi husband is working abroad. 75% of his salary ay nasa akin. why? dahil mas magaling ako magbudget kesa sa kanya. just as simple as that. pero kung mas mawaldas ako, i doubt na ako ang paghawakin nya ng pera.

itcha123

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #3 on: December 22, 2011, 05:51:10 pm »
sis, in my case my hubby handle the budgeting, because I'm SAHM with 3 kids all students and no househelp, kaya di ko na kakayanin pa ang mga additional work, tapos online transaction pa sa bangko, baka makalimutan ko pa magbayad sa mga credit card.  My hubby just inform me kung magkano na naiipon namin, so it's up to him kung may dukot siya, mahusay naman akong magkalkal sa pitaka niya hehe. ;D

k_heart

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #4 on: December 23, 2011, 12:53:07 am »
We'll case to case basis, pero usually its the wife. Pero syempre kung yung hubby ang masa magaling maghandle ng finances,why not di ba.
Sa case namin, ako, since laging na aassign sa ibang lugar ang hubby ko. So logical lang na ako ang maghawak since ako ang nasa house although working mom din ako.

binggay

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #5 on: December 23, 2011, 01:11:16 am »
 Wag na dapat sumama loob mo, hindi na uso ngayon yung binibigay lahat ng pera sa babae para mag-budget. Kami ng asawa ko, hiwalay ang paghawak ng pera. Bilang pareho naman kami may trabaho na matino ang kinikita.

We split the expenses sa bahay, may toka siya, may toka ako. Di naman kami minimum wage earner na kelangan ibigay sakin lahat ng pera para mapagkasya sa budget. Kung pareho naman kayong kumikita, bakit pa kelangan ibigay sayo yung pera niya di ba?

Ako kasi, sa tingin ko, yung practice of turning over the money earned by the husband to the wife stemmed from the "noong unang panahon" thing na ang babae nasa bahay lang at nagaasikaso ng pamilya. Eh ngayon, lahat naman halos ng babae nagta-trabaho na so para sakin no need na sa mga ganyan. At least you have the freedom to control the spending of the money that YOU work hard for. Honestly, nawi-weirdohan ako sa mga lalaking nagta-trabaho, tapos may trabaho din ang wife, ibibgay lahat ng pera niya sa wife niya, tapos pag may gustong bilhin, makikiusap sa babae at magpapabili. Eh may pera naman talaga siya na pinagtrabahuan niya to begin with.

Pero still, to each his own. Ang sakin lang, kung maayos niya naman nahahawakan pera niya at hindi naman waldas, nakakapagbigay naman ng dapat niya i-contribute sa bahay, ok na yon.


rianne_mallows

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #6 on: December 23, 2011, 01:42:55 am »
hi candy_corner :) .. i recommend reading secrets of fascinating womanhood.. swak na swak sa problem mo...

im married too... hubby handles our finances and its ok with me... actually, im happy because HE's the one doing it and not me ;D  although i must admit, this set-up doesn't work for everyone, but it sure is working for me

first,- no stress ... i dont worry about money at all... i let him worry about it so no wrinkles, no pimples and all that for me.. i can focus on more demanding and important things like chores and my baby

second, hubby can spoil me... if im the one handling the finances, savings, etc and he's left with just some allowance, how can he spoil me? how can he make surprise trips, gifts etc if he's not in control of the money ;D

third reason, since he's the one handling the money, he'll know if the money he brings home is still enough or it's time to look for another job/business,  or do more overtime..

as opposed to someone who asks and ask .. "bakit ubos na yung pera? saan mo ginastos? bakit wala na natira? nasayo na lang buong sahod ko, kulang pa ba binibigay ko? bakit ang liit ng savings natin?"

bottom line.. i love the man i married and i trust him... i trust him with our future the same way he trusts me on how to raise our baby... i do my part in our partnership as i let him do his..  ;)



« Last Edit: December 23, 2011, 01:53:17 am by rianne_mallows »

swt_fem

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #7 on: December 23, 2011, 06:19:43 am »
Pa-join! I like this topic. I handle the budgeting & finances. Hindi pa kami married pero may usapan kami na every pay out dapat gantong amount ang ibigay nya sakin. Mas OK kung mas malaki ibigay nya. LOL.

I think it doesn't matter naman who will handle the finances, kung sino sa inyo ang willing at mas marunong mag hawak ng pera, sya nalang. For me, ayoko talaga si hubs ang mag handle ng money kasi sobrang gastador nya, walang control.

Periwinkle25

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #8 on: December 23, 2011, 06:26:03 am »
yup sis candy_corner, i also recommend secrets of fascinating womanhood for the same reasons as what sis rianne_mallows cited and more.
Prior to accepting your situation, you have to open up to your hubby about how you feel. He may have some valid or let's say understandable reasons for doing that. I,myself, prefer that my husband handles his money so that he would become financially matured if I may say. I want him to realize the value of having to provide for the family as early as now that we aren't having children yet. And for him to also enjoy the fruit of his labor. Actually, I am earning more because I am based here in abroad (but half of my salary goes to my family and he's aware of it). But even if we are in an LDR, he lets me know how much he makes and where he spends his money. He even gave me his acct no. and pin for me to check his salary. Every vacation, he offers me to take his salary but I settle with the budget for the household. I think, he is also happy with it cause he gets to decide on how to spend HIS hard-earned money.

tinkerpot

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #9 on: December 23, 2011, 06:29:06 am »
ako hubby ko nagbabayad lahat ng bills. he earns 3x more than i do. sabi niya, what i earn is for savings na lang or my personal expenses. :) di naman ako naiinsulto. pabor nga sakin kasi atleast i can focus on our children rather than mamoblema pa sa bills.

and plus, i have access to his account naman (and vice versa) so if i need anything, i can transfer money instantly.

FoxyPhoenix

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #10 on: December 23, 2011, 04:48:27 pm »
ilike the reply of rianne_mallows :) in my case kasi I trust him in handling our finances (more on accounting kasi work nya hehe). as long na wala syang tinatago sa akin, im good. pag kasi nagbubudget kami, nakaspread lahat ng current and incoming finances namin. pinapakita din nya payslip nya. so im ok with that. ako pa nga nagsusubi ng patago from him for emergency purposes lang.

jesrora

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #11 on: December 24, 2011, 02:11:39 am »
for me, its the one who best handles money, but definitely it should be with both husband and wife's decision kung sino maghahandle. sa amin kasi, ako ang may hawak ng lahat, my income + his income + extra income, all bank accounts and assets are listed also in my name. ayoko talaga ng ganun, but my husband, dahil galante at gastador daw sya ayaw nyang humahawak ng money or assets. gusto ko sana same kami or hiwalay, kaya lang ayun. so far naman namamanage ko yun lang nakakastress kapag underbudget tapos kailangan pagkasyahin :( ako lang ang may alam at namomoblema.

ecnarfoj

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #12 on: December 24, 2011, 10:54:09 am »
Naku sis... iba na talaga ang panahon ngayon. You shouldn't compare how your married friends handle their finances or anything else kasi iba-iba naman yung situation.

Lahat dito may point sa kung ano ang dapat mong isipin at dapat gawin.
Basta hindi nagkukulang ang asawa mo sa pagpro-provide sa inyo at hindi ka ginigipit, be thankful.
Yung ibang mga asawa hirap na hirap mag-handle (im not saying na mahihirapan ka) kasi nagiging matanong yung asawa kung saan nila dinadala yung pera. Mas mahirap gumawa ng excel sheet para i-detalye ang lahat ng gastos ninyo. Mabuti ka pa nga may allowance ka eh. Yung ibang mga asawa, hindi nakakatanggap ng allowance, puro pambahay at anak lang.

I don't think na hindi ka pinagkakatiwalaan ng asawa mo just because hindi niya dini-disclose yung sahod niya. Kami ng asawa ko, hindi naman namen openly dini-discuss how much we have as long as hindi kami kinukulang at na-pro-provide naman namen yung kanya-kanyang budget sa bahay.pag nagka-bonus siya, eh di go. pag may raket, eh di go. Basta ako, naghihintay na lang ako ng regalo. :)
Lately sinabi niya yung komisyon niya, pero siya pa rin naman mag-de-decide how he'll spend it kasi siya naman yung naghirap.

Bottom line is, be thankful na hindi kayo nagugutom. Be thankful nahindi ninyo pinag-aawayan kung sino dapat ang magbayad, sino dapat ang magbigay, or kanino uutang. If handling the finances makes him feel like the man of the house, then allow him to be the king of the house.

Ang ang important, stop comparing. Mukhang diyan nagsimula lahat ng mga iniisip mo eh. :)

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #13 on: December 27, 2011, 09:03:03 pm »
Hi candy. Have you talked about this with your husband? In my opinion kase, dapat both of you should have a say on money matters.

Kame ni hubby hati din with budget. Every payday, we set aside money for expenses, savings, bills, and miscellaneous. May mga envelopes pa kame para organized talaga. Both of us are working kaya parehas kame may contribution sa lahat.


Msfi

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #14 on: December 28, 2011, 10:03:36 am »
Ideally the wife, but this is the old ways when the wife only stays at home therefore has more time for that,  pero ngayon kasi whatever works should be fine.  Syempre dapat napag-usapan, and since it is bothering you kausapin mo ang husband mo about it. 

Sa amin namin kahit we are both working, I'm the one handling everything about finances since bf/gf, he gives me all his money at bahala na ako.  I give him an allowance, he reimburse everything he pays for, and he has a separate account na dinedepositan ko for his personal use, no questions asked.  Although nalalaman ko din kasi kahit magwithdraw sa atm tinatamad so ako pa din. I don't worry kahit magtanong sya kung saan napupunta ang mga pera namin kasi may worksheet ako for that, up to the last peso kaya kong sabihin saan napunta.

Sa pag bili nya ng gift for me, he charges it sa cc na ako din ang nagbabayad.  Effort na lang tinitingnan ko dun, late ko naman nakikita yung amount ng gift nya sa akin pagdating pa ng billing statement. :)

izabelle

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #15 on: December 29, 2011, 12:32:10 pm »
samen ever since mag bf/gf palang kami (planning and saving for our wedding) ako na talaga may hawak ng budget.. all money sa bank account ko diretso. never naging issue samin to.. my husband knows na obsess ako  pagdating sa budgeting, gusto ko planado lahat and may direction, may naka set na goals. may budget for everything kaya hinahayaan lang nya..

but i make sure na updated sya sa laman ng bank account :D kasi hubby ko puro work lang ginagawa walang pakielam magkano na laman ng account. lol

Viridian

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #16 on: December 30, 2011, 11:20:53 am »
thank you sisses sa mga ideas kasi we just got married last wednesday and i have no idea kung sino ang paghahandle-in namin ng pera and all that kasi for now kanya kanya muna then binibigyan niya ko money, parang nung bf-gf pa rin. :p

kiz_me1109

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #17 on: January 02, 2012, 10:03:30 pm »
From now on, we agreed na ako na talaga ang hahawak ng lahat ng atm namin and pera. I'm sick and tied of his atitude. Nakakainis. Hindi ko alam bakit parang absent minded siya lagi. Kaya hindi ko siya mapagkatiwalaan na maghawak ng business namin kasi parang wala sa sarili. Nakakainis talaga.

Last year, nagpalipat ako ng pera sa kabilang account namin. Naku, sa hindi ko maintindihan na dahilan e nawala niya yung passbook. Grrr... Hirap tuloy akong i monitor yung pera sa account na yun.

Then just last week, after 5 days ko na nalaman na winala din niya yung isang ATM ko. Nagpa withdraw din ako ng pera sa kanya para ilipat naman sa isang account namin. Then, nung tinawagan niya yung bank, naku, naiwan niya pala ang atm sa machine., Grrrrrrrr...

So, sa inis ko kanina e lahat ng ATMs namin kinuha ko na. Bahala siya. Allowance everyday lang ang mabibigay ko sa kanya. Naiinis na ako. Burara talaga!

lenierose928

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #18 on: January 05, 2012, 12:20:13 pm »
from the 3rd year of our bf-gf relationship hanggang ngaun magasawa na kami, ako ang nagbubudget ng para sa finances namin. di kasi talaga marunong mag budget si hubby. pag me pera na, bili dito bili doon. pag binigyan mu ng sobrang allowance, mawawala lang so laging sakto lang ang binibigay ko sa kanya ngaun. pero pag me nagustuhan naman syang bilhin di mu din pwede hindian kasi parang nakakaawa ang itsura ng face nya  ;D

serendipity02

  • Guest
Re: Sino ang dapat naghahandle ng pagbudget?
« Reply #19 on: January 05, 2012, 12:45:45 pm »
sabi ni father sa seminar ng kasal at ng pari during the misa.. babae daw talaga dapat naghahawak ng pera.. we both do the math.. we both have our own money naman kasi eh.. pero hirap talaga magbudget.. haaayyy!!

pupunta ko sa grocery, may list naman ako sakto for 2k lang tapos magugulat ako, pagdating sa counter 3k++++ na ganyan ang eksena pag kasama ko si hubby maggrocery!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close