Hi mga sis, mag turn 7 years old ang panganay kong anak na babae sa Feb. 16, 2012, medyo anxious na ako, kasi 7 years old na siya, bulol pa din siya magsalita sa ibang words.
Dati kasi, kaya hindi ako masyadong nagaalala, kasi sabi ng husband ko, ganun daw talaga lahi nila, yung kapatid daw niyang babae halos 9 years old na nung magsalita ng diretso, then may pamangkin siya, 8 years old din nakapagsalita ng diretso..
Ganito ang situation ng anak ko:
-she's a kinder 2 student in a private school
-matataas naman ang grades niya, lahat nga excellent, lalo na sa math
-nahihirapan siyang magbasa
-medyo bulol pa sa ibang words, lalo na yung mahahabang words
-nahihirapan pa siya sa spelling
-problem talaga namin reading.. CVC at CVCC pa lang ang nababasa niya
-mahilig siyang magpainting, drawing and coloring
-magaling siya sa computer, she can operate it on her own, surf the web etc.
-nagda-diaper pa din siya sa gabi, kasi naiihi pa din siya sa bed niya
-tagalog and english ang salita namin sa bahay
Matataas ang grades niya sa school, so hindi ako masyadong nagaalala dati, akala ko naka cope up siya sa mga classmates niya, until last dec. 11, na may school activity, doon ko nakita na yung mga classmates niya, could actually read very well, as in letters na ang binabasa. Tapos lahat ng classmates niya, straight na lahat magsalita. Honestly, akala ko noon, kasi excellent grades niya, so akala ko, hindi siya nahuhuli..
Mag grade 1 na si daughter next pasukan, and ang fear ko, ma bully siya because of her current situation..
Wala naman sinasabi sa akin yung teacher na need ng anak ko ng tutorial..
Mga sis, advice naman.. meron bang katulad ko na delayed ang anak? delayed sa ibang bagay, pero sa ibang bagay naman okay naman.. any suggestions? Ipasok ko ba sa Kumon? o sa tutorial centers?
I cannot teach her full time, kasi kapapanganak ko lang sa baby brother niya, plus, hindi niya ako sineseryoso, pag ako kausap niya, nilalaro niya lang palagi...
