watch now

Author Topic: How to deal with babies na nasanay sa karga  (Read 55403 times)

violinist

  • Guest
How to deal with babies na nasanay sa karga
« on: December 17, 2011, 07:12:33 pm »
Hi sisses,

Pls share your experiences how do you with with your babies na nasanay sa karga.
My 2 months old baby kasi laging nagigising agad pag nilalapag, maiksi lang yung tulog nya, unlike kung nakadapa siya sa chest ko, 3-4hrs kung matulog, kaso lang di na ko makatayo once na andun na siya.
Baka you had the same experience, share naman how did you deal with it. TIA :)

rianne_mallows

  • Guest
Re: How to deal with babies na nasanay sa karga
« Reply #1 on: December 17, 2011, 07:33:37 pm »
baby ko ganyan before... kaya bumili ako duyan.. hindi yung tela/kumot type.. yung ratan ata tawag dun.. 

sa experience ko naman, at 4 months old, nag stop na yung pagkahilig niya sa karga kasi nagstart na siya dumapa... then gumapang etc...i think nag enjoy si baby with her new found independence

Grayce

  • Guest
Re: How to deal with babies na nasanay sa karga
« Reply #2 on: December 18, 2011, 02:56:00 am »
for me ha, it's VERY normal for newborn babies to demand for karga or to be cuddled at least specially by moms. after reading online articles about

ika nga sa kabilang thread, you can NEVER spoil a baby.

http://www.psychologytoday.com/blog/moral-landscapes/201112/dangers-crying-it-out

kaiz

  • Guest
Re: How to deal with babies na nasanay sa karga
« Reply #3 on: December 18, 2011, 05:48:46 am »
Ganyan din baby ko. Actually pati panganay ko ganyan din before. Yung tipong after mo isayaw, paglapag mo sa bed, hala gising na naman. Kaya sa gabi we sleep together na nakayakap ako. Nakakatulog siya ng mahimbing.

imeego

  • Guest
Re: How to deal with babies na nasanay sa karga
« Reply #4 on: December 18, 2011, 09:21:52 am »
my 14 mo. old baby is sanay din sa karga pero for me ok lang, ine-enjoy ko na lang now na baby pa sya kasi baka paglaki nya baka ayaw na magpa-hug :P naexperience ko din before na nagigising sya pag nilapag sa bed, so ginagawa ko nakadapa din sa chest ko para mas mahaba sleep nya, tiis nga lang kasi sobrang nakakangawit..but after few mos ok na sya pag nilapag sa bed basta magkatabi kami, kaya di din sya nasanay sa crib matulog ....til now na 14 mos old na di sya matutulog pag di sinayaw/hinele, ok lang kasi sahm naman ako and kahit may yaya kami, gusto ko ako pa din nagpapatulog kay baby :) share ko lang last night, iniwan namin sa inlaws ko si baby for 2 hrs, sobrang tamlay at iyak daw...nung pinatulog ko na ayaw na naman magpalapag sa bed, gusto ko naka-embrace lang sa akin (parang nagka-trauma ata baka iwan sya uli lol)..so ayun natulog kami nakadapa sya sa chest ko, ang hirap huminga kasi medyo mabigat na sya ::)

gab54

  • Guest
Re: How to deal with babies na nasanay sa karga
« Reply #5 on: December 18, 2011, 10:23:15 am »
i tried diff techiniques sa mga anak ko nung baby pa sila:
- hayaan umiyak, wag i-spoil, yun ang nabasa ko, in the end, ako ang bumigay, nakakaawa kasi
- karga kargahin tapos uupo sa rocking chair, at least hindi ako nakatayo at sumasayaw
- kargahin muna, tapos pag tulog na siya ako naman ang hihiga sa bed, in the end nakadapa na siya sa dibdib ko tulog kaming 2
- mag hire ng yaya who sleeps in our bedroom, alternate kami sa parkarga at pagsayaw, pati si hubby join din, hehe
- bigyan ng pacifyer, effective naman nung medyo 5months onwards na

2 months palang baby mo, mahirap man pero lilipas din, 4yo at 9yo na ngayon ang mga kids ko  :)

daisy.battistella

  • Guest
Re: How to deal with babies na nasanay sa karga
« Reply #6 on: December 18, 2011, 07:48:57 pm »
I actually had the same experience with my baby...I don't cuddle her that much but some people around...mga kamag anak na excited and kapit-bahay...they were the main culprit...usually, pinapadapa ko siya pag natutulog and nahihimbing naman siya...sis, iwas sa kasasayaw..oo kakatuwa si baby pero ikaw din mahihirapan...pag iiyak siya, hayaan mo lang...just as long as busog siya...it would have helped if I swaddled her from the start kaso lang pawisin kasi siya...ang ginagawa ko nalang is tinatabihan ko siya then tinatapik tapik ko and she goes back to sleep [textspeak!].

violinist

  • Guest
Re: How to deal with babies na nasanay sa karga
« Reply #7 on: December 18, 2011, 08:20:03 pm »
I see..thank you mga sis, andami kasi mga nagsasabi na wag daw sanayin sa karga blahblah..kaya ako tuloy feeling ko im not doing a good job na sinasanay ko siya kargahin, kakaawa din kasi yung paudlot-udlot yung tulog nya pag nilapag eh..buti nga ang baby ko not necessarily kailangan ihele, basta naka latch lang siya sa akin hanggang makatulog siya ok na siya, kaya kahit nakaupo/nakahiga ako di hirap magbuhat sa kanya..thank you sa mga advices nyo sis! :)

Grayce

  • Guest
Re: How to deal with babies na nasanay sa karga
« Reply #8 on: December 19, 2011, 03:19:40 am »
^breastfeed baby mo? do take note that pacifier isn't recommended ha kasi this will cause nipple confusion. tiis lang muna. i think most babies really go through that phase. be happy na ikaw ang hinahanap ng baby mo and hindi ibang tao :)

janelle0826

  • Guest
Re: How to deal with babies na nasanay sa karga
« Reply #9 on: December 20, 2011, 12:33:12 am »
baby ko first 2 months ganito then she outgrew it ng 3 months.  less than a minute of karga and sayaw asleep na siya sa mga naps niya ng umaga at hapon. sa gabi tulog siya kasabay namin. we practice co-sleeping. bigay lang ng pacifier, konting tapik then okay na. gising siya ng 9 or 10 AM. almost 12 hours of sleep.  :)

cheskacruz

  • Guest
Re: How to deal with babies na nasanay sa karga
« Reply #10 on: December 20, 2011, 02:30:34 am »
My youngest sanay sa karga... Sinanay ng yaya kasi... kaya everytime na sa akin siya - konting iyak gusto karga agad... Pinagagalitan ko yaya before - pag nasa office ako... wala rin karga niya rin pala...

kerolie

  • Guest
Re: How to deal with babies na nasanay sa karga
« Reply #11 on: December 21, 2011, 01:19:43 am »
im a spoiler.. kung gusto ng baby ko ng karga kina-karga ko.. its just for the first year lang naman ng life nya after nun independent na cya.. during sleeping time..since breastfeeding ako, what i do is breastfeed while lying down para kung asleep na sila i can detach and get off the bed.. so hindi sila nasanay sa paghele kung ako pagpapatulog.. pero if your baby is bottled fed hindi advisable to feed while laying down, ha

janelle0826

  • Guest
Re: How to deal with babies na nasanay sa karga
« Reply #12 on: December 21, 2011, 06:30:50 am »
^ agree ako. sabagay, a year or less lang naman. after that, naisip ko nga baka mamiss ko din na nagpapaasikaso pa talaga siya saakin para makatulog.  :)

kaiz

  • Guest
Re: How to deal with babies na nasanay sa karga
« Reply #13 on: December 21, 2011, 12:09:25 pm »
ine-enjoy ko nalang yung pagkarga kay baby. masarap din naman kargahin diba? iba yung feeling. sa gabi na super nakakaantok tapos need siya isayaw sayaw ng matagal, minsan naiiyak na ako pero iniisip ko nalang na 'this too shall pass'. hehe. hindi ko naman gagawin yan forever eh. yan kasi natutunan ko with my panganay, hindi ko naisip na lilipas din yung mga puyatan kaya siguro super stressed ako.

imeego

  • Guest
Re: How to deal with babies na nasanay sa karga
« Reply #14 on: December 21, 2011, 02:08:50 pm »
ganyan din ang thinking ko..di naman sila forever na baby so enjoy na lang the moment, yup mahirap at nakakapagod, madalas nga parang makakalas na yung shoulder at braso ko sa sakit :P but still gusto ko ako gagawa ng paghele at hindi yaya ni baby, pero sa gabi since nandito na si hubby, sya naman naghehele, bonding time nila but if ever nagigising ng madaling araw ako pa din kasi may pasok pa si hubby... ;)

symmetry

  • Guest
Re: How to deal with babies na nasanay sa karga
« Reply #15 on: December 21, 2011, 08:10:49 pm »
most newborns ganon talaga, gusto ng karga. and like most of you, sa akin ok lang kasi maikli lang yung time na pwede ko kargahin yung baby girl ko hehe. lalo na working mom ako. but if you want a good night's sleep for you and your baby, you might want to try swaddling. or nursing while lying down. both worked for me  :)

snowflakes

  • Guest
Re: How to deal with babies na nasanay sa karga
« Reply #16 on: December 23, 2011, 08:35:03 am »
Hi sisses,

Pls share your experiences how do you with with your babies na nasanay sa karga.
My 2 months old baby kasi laging nagigising agad pag nilalapag, maiksi lang yung tulog nya, unlike kung nakadapa siya sa chest ko, 3-4hrs kung matulog, kaso lang di na ko makatayo once na andun na siya.
Baka you had the same experience, share naman how did you deal with it. TIA :)

sis baby pa yang anak mo kaya pwede mo pa train yan. ako talagang hinde ko pinag hele anak ko hinahayaan ko sha makatulog mag isa. kahit umiyak sha sis pabayaan mo kase mapapagod din yan at makakatulog basta sa tabi ka lang nya tapikin mo or himasin mo buhok. pero wag mo kalungin. sanayin mo sis ikaw din mahihirapan.

jhenbreak

  • Guest
Re: How to deal with babies na nasanay sa karga
« Reply #17 on: December 28, 2011, 05:29:55 pm »
Sabi ng pedia, most babies want to sleep sa chest kasi yung heartbeat na naririnig inila when they were inside our womb, naririnig nila pag nakadapa sila sa iyo. 5 months na baby ko nung slowly binababa ko siya sa side ko, pero nakahug pa rin siya sa akin, minsan dinadaya ko, unan na nilalagay ko kaya lang minsan alam niya kapag hindi ako eh, lakas pakiramdam.
Good thing na-outgrow niya yung pag-sleep sa chest, now at 11 months, siya na mismo ang nagpapababa sa bed para makahiga siya nang maayos, yun nga lang, hindi talaga siya puwedeng ibaba sa crib kasi nararamdaman niya at umiiyak siya kahit gaano siya katulog na tulog; kaya pag early morning kailangan namin siyang gisingin dahil may lakad kami, ayun nilalapag namin siya sa crib pata magising, baligtad noh.
Unti-untiin mo na lang sis para hindi niya makasanayan na sa chest na-sleep. Kasi yung nephew ko, sinanay nang husto, until now at 1year and 7 months sa chest pa rin nag-sleep, ambigat! Pero ako, dumating pa ako sa point na ako ang hindi naman makatlog kapag hindi sa chest ko natutulog si baby. Siya mahimbing na sa pagkakatulog beside me, ako gising na gising kasi hindi ako sanay na hindi ko siya akap, kakamiss din. Those were he things na hindi mo na magagawa paglaki nila kaya enjoy it now but at the same time, train them para hindi kayo pareho mahirapan.

Gythien

  • Guest
Re: How to deal with babies na nasanay sa karga
« Reply #18 on: January 02, 2012, 05:24:57 pm »
i have the same experience with my 2 month old. siyempre like all mommies, we want our babies to grow up as independent, confident and well adjusted individuals.  after reading the responses sa thread, im getting the idea na when my baby wants to be carried, he should be carried, di bale na masanay kasi eventually it's a stage that would pass.  this is easy for SAHM but Im a graduate student and I need to finish my thesis sana by March. Any tips on how to get some work done if baby wants to be carried all the time.

FYI, minsan nababa naman si baby, pero he sleeps shorter. does this mean we should stop trying na ibaba siya sa crib? TIA

rianne_mallows

  • Guest
Re: How to deal with babies na nasanay sa karga
« Reply #19 on: January 02, 2012, 07:03:23 pm »
^i a sahm pero walang yaya.. so its hard cause there are chores to be done... kung umiiyak si baby natural syempre kailangan buhatin at icheck kung ano kailangan niya...  pero kung tulog na naman, pwede na ilagay sa duyan para feeling niya karga pa din siya

 

Latest Stories

Load More Stories
Close