watch now

Author Topic: frustrations sa mga kapatid.  (Read 42577 times)

lonelymiss28

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #100 on: October 06, 2012, 09:53:49 am »
i dunno sis kung nagpaaprinig...baka rin, pero i don't give in to those kind of luho nila. if that is needed i will give it to him. pero skin peeling ? i don't think so.
just last week yung isa ko naman na kapatid yun nga gusto magbakasyon silang pamilya kaso walang pera and di ko pina utang so di na nya ako kinakausap.

alam mo sis, pagka may ganitong issue nakakadala eh, biruin mo pang apat na papel na ito 3 inayawan nila...kaya madali na ako mag-worry, pero pinapasa diyos ko na lang din kung di matutuloy e di talagang hindi kaso nakakapagod na, nakakapnghina, nakakapang hinayang ang panahon, pera (kahit sabihing pera lang yan, pinag paguran ko rin yun...ilang oras ko ring pinag trabaho yun...na napunta sa wala).

i am just hoping na makuha na ni bro yung visa nya at di na ma praning at kung ano2 iniisip.

lonelymiss28

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #101 on: October 06, 2012, 09:54:50 am »
ah akala ko may MA sya so kung wala sis ang equivalent nya ay 3rd yr college, so need pa nya mag-aral dito ng 1 year.

Priceless

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #102 on: October 06, 2012, 02:10:33 pm »
^Sis, matanong ko lang, gusto ba ng kapatid mo na mag-migrate? Interesado ba talaga sya, or more on dahil curious, nandyan na or nakukuha ng enthusiasm mo? Kasi baka naman in the back of his mind, subliminally, ayaw nyang umalis. Oo, marami sa Pilipinas na magpapaputol ng paa o kamay, magsasangla ng bahay, magbebenta ng atay para lang makapag abroad, pero marami pa rin ang ayaw umalis o kaya takot makipagsapalaran abroad. I-assess mo nalang mabuti, para wag ka nang madisappoint masyado.

Nakatulong ka na ng sobra sobra, based sa mga kwento mo, it's about time na tulungan naman nila sarili nila at humanap ng sarili nilang diskarte. Ngayon, kung ang diskarte nila is different from your own hopes and plans, ganyan lang talaga - ang mahalaga, tumulong ka kahit papano. They need to learn how to be responsible for their own lives, their own destinies kumbaga.

Tungkol naman dun sa isa mong kapatid na nagpapasponsor ng bakasyon for his family, saludo ako sayo dahil you stood your ground. Sometimes teaching others to be responsible is a bitter pill to swallow, pero mas mabuti nang alam nila na they need to live their lives within their means. Kung hindi naman emergency, matter of life or death, then dapat they help themselves and do things na kaya nilang suportahan. Hindi yung pati holiday ipapasponsor sa ibang tao - as if wala kang sariling needs at responsibilities na kailangan mong gastusan.

lonelymiss28

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #103 on: October 07, 2012, 08:23:52 am »
^about your question kung gusto ng bro ko ang pumunta dito, i would say yes sis kasi sya naman ang nagsabi na gsuto na nyang pumnta here. actually kung ako kasi ang masusunod 18 pa lang sya and 2nd year college ay kinuha ko na sya at dito ko na lang sya pinag-aral kaso at that time ayaw pa nya at ayaw din ng mmom ko dahil masyado pa raw bata to go abroad. so ang natuloy yung friend ko ang kinuha ko. kasi wala sa pamilya ko umalis.

mga sis nakakasama kasi ng loob na hindi mo man alng makitaan ng interest na makaalis. sa nakakararami kasi like visa na lang hinihintay malamang may mga plano na mga dadalhin baka nga yung iba nakabili na ng mga dami na dadalhin utol ko kung di ko pa kulitin na bili ka ng makapal na medyas, makapal na long sleeves or kahit magtingin-tingin man lang wala,,,,alam mo yun. samantalang pwedeng dumating visa nya anytime, ni hindi nga nya alam san makakabili ng lugagge to bring as in wala. di ba nakakaasar yung ganon.

yung brother ko i have no idea ano nakain nya at gustong magbakasyon wala naman panggastos, alam naman nyang ang laki ng gagastusin ko sa yb ko (plane ticket, mga gamit nya, pasalubong dito syempre lahat ako sagot dun).

last summer kasi gsuto daw nyang mag swimming sila ng family ko lahat daw isasama nya sa bahay, so he ask me kung pwede ako gumastos, so ok na idea naman yun dahil lahat kasama so sabi ko ayus yun. it turns out 3 pamngkin ko lang sinama nya at family nya at wala ng balita ni ha ni ho...o eto nag enjoy kami as in wala na...alam nyo yun? i am messaging him about it no reply, ni walang pic ang pic lang na nakita ko yung sa niece ko na 3 lang sila na kids kasama.

but inspite of all naman na ganon sa family ko sa pinas, nagpapasalamat pa rin ako kay Lord dahil bumawi naman ako sa pamilya ko dito sa canada. napakabait ng asawa ko, at ng mga kiidies ko dito. at kaya ko rin naman kahit papaano nakakayang gastusan sa pinas dahil dito wala talaga akong gastos, yung asawa at anak ko ang gumagastos sa akin, if ever may gusto ako sila bumibili alam kasi nila na kurips ako eh. mga simpleng bagay lang naman like kakikayan, damit...mga ganon lang.

harlet

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #104 on: October 07, 2012, 09:57:49 am »
^sis, napakaswerte nila sa 'yo...too bad di nila nakikita yun......kung lahat naman eh nabibili ng pamilya mo dito sa pinas, lahat ng gustuhin nila nakukuha nila without working so hard......eh bakit pa nga pupunta diyan para mag-work?  me mga tao talagang ang gusto eh, easy money.....

ako nga wala sa abroad eh inaasahan.....pag di mo napagbigyan masama ka, kung ano ano na sinasabi.....hayz....

lonelymiss28

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #105 on: October 07, 2012, 10:23:50 am »
i really don't think na na-aapreciate nila yun. paano ako pa sinisisi na bakit daw pinipilit ko sila mag -abroad...like hello ak pa namilit, sino ba ako para mamilit sa kanila...nanay! mas matanda nga sila sa akin ako pa mamimilit. alam mo yun?

dito lang naman ako nagsasabi ng mga ganito pero sa kanila ayoko kasi ayoko rin naman magkasamaan kami ng loob except sa kuya ko di ko na napigilan sarili ko kasi puro lies sinasabi manong sabihin na lang na ayaw na nyang mag-abroad, nag-iba isip nya...tapos di ba ano magagawa ko kung ayaw di ba? kaso magsisinungaling na nga lang mali pa, sabi ko nga next time try to research yang sinasabi mo para at least man lang hehe!!!

saka kaya ko sila tinutulungan kasi talagang walang-wala rin kami sa pinas, nakikitira nga lang sila sa apartment ng parents ko ng libre eh, kuryente at tubig saka syempre pagkain na l ang iisipin nila, tapos ngayon putol pa...biruin mo yun. mga anak pumapasok ng school na walang pagkain, isang noodles lang kinakain nila buong araw...san ka pa!

lagi ko kasi iniisip na kung sakaling ako ang nasa kalagayan nila alam ko na tutulungan ako ng kapatid ko dahil mababait naman sila kahit ganon sila, kaso mukhang hindi eh. or hindi talaga!


Longhair

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #106 on: October 07, 2012, 10:40:55 am »
Tingin ko lang sis, kelangan talaga tough love. Kelangan ipakita nila na deserving silang tulungan. Minsan kasi mga families natin magaling sa emotional blackmail.  Alam nila na konting drama lang, bibigay ka. 

Ako pinanindigan ko na putulin yung communication sa kanila nung niloko na ko. Sabi ko kung miserable man ang buhay nila ay dahil kagagawan nila. Sinayang nila yung opportunity na tinulungan ko sila. Hindi yata kapatid ang turing sa akin ng mga yun. Hindi ko kasi maisip kung paano nila nagawa sa kin yung lokohin yung taong todo malasakit at tulong sa kanila.


lonelymiss28

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #107 on: October 07, 2012, 10:53:03 am »
oo sis, never na ako tutulong sa bros ko at itong si bunso na lang ang huli kong tutulungan sa kanila. mabuti pa yung sis in law ko na asawa ng kuya ko nakikita kong gsuto nyang gumanda buhay nila, biruin mo naglalabada sa mga kapatid nya para lang pautangin sya para pambili ng pagkain. dahil kuya ko walang trabaho at laging nagre-resign.


Longhair

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #108 on: October 07, 2012, 11:27:01 am »
Ay, lalo ng mawawalan ng motivation si kuya mo maghanap ng trabaho. Iaasa na lang nya sa sis in law mo. Minsan kasi may mga guys na inaabuso din yung kabaitan ng wife. Swerte sya kasi kung domineering yung sis in law mo, your kuya will never dare resign from his work ng wala pang malilipatan. Anyway, try not to get involved para kumilos and matutong dumiskarte kuya mo.

caprice

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #109 on: October 07, 2012, 09:41:34 pm »
^ i agree, hayaan mo brothers mo kumilos. bago ka maawa sa kanila, sila muna dapat maawa sa mga sarili at pamilya nila. kahit mga SIL as much as possible tiisin mo kasi dapat rin lang naman talagang gumawa sila ng paraan para sa families nila. sa pagtulong mo sa kanila nang pasikreto (kung tama pagkakatanda ko), tinuturuan mo na rin sila kahit papaano na maging dependent sa yo.

kay bunso naman, in my opinion, parang dapat siguro hayaan mo rin siya kumilos at magtrabaho habang wala pa yung visa. madali naman mag-resign. pero yung wala syang gagawin habang wala pa yung visa, parang tinuturuan mo na rin sya maging dependent sa yo. let him work nang ma-realize nya kung gaano kahirap magtrabaho dito sa Pilipinas at mamotivate syang pumunta dyan. para rin naman magka-experience sya para di sya mabigla sa work pagdating dyan.

matatanda na mga kapatid mo. mga lalaki pa. hayaan mo sila. bakit mo sila tutulungan kung sila mismo ayaw tulungan mga sarili nya?

Longhair

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #110 on: October 07, 2012, 11:58:05 pm »
Tumpak Sis Caprice! Mukang ayaw na magsipagbanat ng buto at ang gusto na lang ay sustento!

lonelymiss28

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #111 on: October 08, 2012, 05:16:11 am »
longhair: nakakaawa talaga SIL ko sa kuya ko. Kasi makikita mo sa knaya na masikap syang tao at talagang gagawa ng paraan for her kids. Kaso kuya ko talaga pasaway to the highest level, sabi ko nga sa SIL ko, if ever dumating ang araw na gsuto nya hiwalayan kapatid ko di ko sya masisisi dahil sa ugali nya.

Caprice: Alam mo sis, di na ako naaawa sa mga kapatid ko eh. Pero naaawa ako sa mga pamngkin ko, mga bata pa sila naranasan na nila magutom, walang baon sa school, etc. di ko aakalainin na mangyayari yun sa pamilya ko pamngkin ko pa.
about sa SIL, i actually help her nga to put up a small business, sabi ko kung ano sa tingin mo ang papatok pero hwagn na hwag ipaalam sa bro ko kasi naku wala na bukod sa kukunin nun pera di pa magwo-work (grabeh mga utol ko worst nightmare ng isang misis). kasi kuya ko may work isang buwan or 2 weeks then walang work 3-5 buwan.

Si bunso naman kaya hindi ko pinag work dahil anytime pwede duamting visa nya at di yun ibibigay pag wala sya sa bahay. so hassle pa, but pag wala pa yun till christmas then next year work na sya.

caprice

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #112 on: October 08, 2012, 08:00:29 am »
just curious. hindi ko alam kung nasabi mo na kasi hindi ako nakapag-backread nang mabuti. so wala ka na talagang tulong in any form na binibigay sa mga kapatid mo maliban dun sa bunso at dun sa SIL na binigyan mo ng pang-business? as in zero na?

si SIL, nakapag-business naman? hinay-hinay rin sa pagtulong. kung ako SIL mo at sinabihan mo akong hindi mo ako masisisi pag hiniwalayan ko kapatid mo, iisipin ko na i have your sympathy. na pag nag-decide nga ako makipaghiwalay e alam kong pwede kitang takbuhan.

yes, kawawa mga pamangkin pero kung you will provide for them, bakit pa kelangan magtrabaho ng mga kapatid mo, di ba? tiisin mo as much as possible kasi baka mamaya lumaki rin sila tulad ng mga kapatid mo na aasa lang sa yo.

bilib rin naman talaga ako sa kapatid mo. outing ulit? tapos hindi ka na naman ulit babalitaan? at bakit kelangan nya mag-bakasayon? araw-araw naman syang naka-bakasyon di ba? keep it up, wag kang bibigay. maraming taong nagtratrabaho at kumakayod pero hindi makapag-bakasyon kasi may mga mas importanteng bagay na kelangan unahin.

I suggest gayahin mo si Longhair. Cut or minimize mo na ang communication unless it's a matter of life and death. You've done your part, let them do theirs. May sariling family ka na. Sila na lang ang intindihin mo.

 :)

zidane

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #113 on: October 08, 2012, 08:11:48 am »
Sa totoo lang mga sis gusto ko din mg share dito pero parang sa sobrang dami at haba ng hinanAkit ko sa mga kapatid ko di ko alAm san ako mg uumpisa..
Minsan iniisip ko na lang ganon ba talaga mag isip tao pag wAlang pera...
Saka napansin ko puro kapatid n lalake me problema.. Natatakot tuloy ako puro lalake pa naman mga anak ko... Hay

lonelymiss28

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #114 on: October 08, 2012, 10:27:26 am »
Caprice: wala akong binibigay na tulong sa mga kapatid ko maliban sa kung gusto nila mag-abroad. and di ko na rin kinakausap kuya ko, yung sil ko na lang na asawa nya. at saka syempre si bunso lagi ko kinakausap.

si sil naman, oo may business sya na lending. sabi nya every month ay kumikita sya ng 1-4k. i am very happy at sana magtuloy-tuloy. i trust her more than my own bro.

kaya ko nasabi about sa paghihiwalay dahil parang feeling ko na mas gaganda pa buhay nila na di kasama bro ko, dahil imbis na makatulong bro ko pa nagpapabigat sa buhay nila. babae rin ako and naiintindihan ko pinag dadaanan nila although di ko naranasan pero nakakaaawa bilang isang babae na maranasan nila yun sa sarili nilang asawa.

Zidane: alam mo sis, nakakagaan ng loob na may mapaglalabasan ka ng prob kahit di natin kilala isa't-isa masarap sa feeling yung may nakakaintindi sa iyo.

caprice

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #115 on: October 08, 2012, 11:36:14 am »
^ good to know na limited na talaga pagtulong mo. :) ang ganda-ganda ng intentions mo for them kaso hindi nila pinahalagahan. ikaw ang sagot sa dasal ng mga gusto mag-abroad e. at very good naman pala si SIL. sana nga tuloy-tuloy na.  :)

^^ zidane, share ka lang. minsan lang talaga nag-iiba tono namin pero dahil naha-highblood kami sa mga kwento. ;)

lonelymiss28

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #116 on: October 08, 2012, 09:51:20 pm »
^tama ka sis, hindi lahat ng pagtulong ay nakakatulongminsan nakakasama din ito at depende sa taong tutulungan mo kung tutulungan din nila sarili nila. about sa SIL ko, i really admire her dahil inspite of pinagdaanan nya di sya nawalan ng pag-asa, di ko kasi nakikita yun sa iba kong SIL, very dependent sila sa asawa, it's not wrong naman  dahil babae sila pero as a woman they need to empower themselves para sa sarili nila. Like one time yung 2nd to the ledest bro ko walang trabaho and he told his wife bakit di ikaw ang magtrabaho tutal tapos naman sya ng law ang sabi ng SIL ko..."ano AKO pagta-trabahuhin mo???"

ang sa akin lang kung may 3 kang anak na maliliit  at walang makain at mainom na gatas bilang ina gagawa ka ng paraan.


Priceless

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #117 on: October 09, 2012, 10:45:22 am »
Lonelymiss - I think kahit saang embassy, kung wala ka sa bahay pag dumating ang visa, bibigyan ka lang ng notice to claim it in person either sa embassy mismo or sa releasing agent at a later date. So kung nagkataon na wala si brother sa bahay, okay lang - hindi naman yata practical na nakapako sya sa bahay 24-7 kakaintay ng messenger. Besides, kung mag apply man sya ng trabaho, depende sa skillset at experience nya at sa trabaho na aapplyan nya na kinabukasan start agad! Syempre hahanap pa yan, interview at kung ano ano pang proseso bago mag start ng trabaho. Mabuti na rin at maka experience sya ng ganun dahil at least pag dating nya dyan sa inyo, may idea na sya kung ano ang dapat i-expect. Besides, dyan mo makikita kung gano talaga sya ka pursigido magbanat ng buto, kumita and also na makapunta dyan. Tapos, kung makahanap man sya ng work at dumating yung visa, at least pwede na syang mag-resign, at meron pa syang konting maisusulat sa Resume nya na job experience pag nagapply sya ng trabaho dyan.

BTW, kamusta na pala ang father mo? Di ko matandaan dun sa previous post mo kung he's still around, pero if he is, do you still communicate and help him out kahit pasikreto? Kasi kung nakatira sa apartment ng parents mo yung brothers mo, sila din ba nag-aalaga kay tatay?

lonelymiss28

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #118 on: October 09, 2012, 09:13:54 pm »
thanks sis, actually you have a point.

about my dad, he's doing good. kaso syempre matanda na rin so may mga issues na rin sya sa katawan. i still communivate with him di nga lang madalas kasi si dad ko di naman sy ayung tipong mahilig tawagan or kumausap ng hehe. weird ba but i always gets to communicate naman sa kanya. about sa pagpapadala, no hindi ako nagpapadala kay pops dahil may monthly syang nakukuha sa apartment nya and si yb ang nag-aalaga sa kanya. saka mula ng malawa si mom ay naging chikcboy si dad....sabi ko sa mga kapatid ko, pabayaan na lang kasi matanda naman na so might as well enjoy his life di ba? bumabalik sa pagiging bagets eh. so pag pumunta si yb here ay si eldest ko ang titingin kay pops at si 3rd bro naman ang maghahawak ng money from his apartment.

gil12

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #119 on: November 20, 2012, 07:06:53 pm »
pa-post na rin ako dito kasi tungkol din naman sa mga kapatid ko prob ko and ayoko ng gumawa ng bagong thread. ganto kasi yun, my mother is in the US and father ko andito lang sa Pinas. early this year nakatira 2 younger siblings ko with my older sister, bigla iniwan ng ate ko kaya ginawa ko kinuhaan ko silang unit para may matuluyan. di naman kalakihan sweldo ko, halos half of my pay napupunta mabayaran lang rent nila, early next year matatapos na contract sa unit and di ko na yata kakayanin pa i-shoulder yun. ang sakin lang kasi syempre dba magkakaron na rin ako sarili kong pamilya, ni wala nga ako maipon kakatulong sa mga kapatid ko. baka i-let go ko na rin work ko kasi di man lang ako makakapagfile ng maternity leave kasi freelance work yun. hindi naman siguro pagdadamot na hindi ko matutulungan o ma-shoulder tutuluyan nila? kasi lipat na rin kami bandang south after I give birth di naman pwede makitira samin mga kapatid ko kasi nag-aaral pa sila and makikitira lang ako sa in laws ko. naiinis lang ako kasi responsibility naman yan ng mga magulang namin ako pa tuloy namomroblema.. kainis talaga!!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close