watch now

Author Topic: frustrations sa mga kapatid.  (Read 42563 times)

lonelymiss28

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #80 on: August 06, 2012, 03:41:16 am »
korek, inuutusan nila mga anak nilang humingi ng money from me kasi akala ng mga kapatid ko yun ang way para makahingi ng money sa akin. i give my pamnagkin gifts everytime magpapa package ako and yun lang binibigay ko sa kanila, ayoko magbigay ng money sa mga bata. ayoko kasi sanayin sila sa money. saka i'm always telling them that if they want money they should work for it and not ask anybody for it.


hanson15

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #81 on: September 27, 2012, 12:32:56 pm »
Late last year biglang nawalan ng work ang mom ko. And walang choice kundi ako ang maging breadwinner in an instant. Ang problem is ang daming naiwan na utang to the point na lahat ng ipon ko pinambayad ko sa utang matapos lang lahat. Umabot sa point na lumalakad ako sa papuntang work makatipid lang. Here it goes. this year nakagraduate ang sister ko and she able to find a job. Ang problem is ayaw niya magbigay sa house. Kesyo daw wala na raw siyang pangarap, marami siyang gustong bilhin. Yung mga friends niya raw may laptop na, abroad etc. How come in just months nagawa yun ng mga friends niya? Im thinking of nagyayabangan lang sila ng mga friends niya and affected siya kasi ayaw niya magpatalo. Dumatinig pa sa point na mother ko sinasagot sagot niya lang, nagrereklamo sa ulam, nagkakalat ng gamit kung ano ano pang ginagawa. Ang tagal na niyang sinasabi na aalis siya sa bahay para hindi na magbigay pero till now hindi pa rin nakakaalis. Pano kung mag rent siya at gagastusan niya sarili niya magiging double ang magagastos niya kesa sa binibigay niya. Demanding siya na akala mo ang laki laki ng binigay pero para sa sarili niya lang yun. I'm already 28 yrs old and ganito pa rin mahirap. My bf is in abroad just this year at uuwi siya by 2014. After that ikakasal kami at aalis nako ng house. Ewan ko kung pano magiging setup because i give most of my salary sa parents ko. Unlike ng sister kong mareklamo.

Priceless

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #82 on: September 27, 2012, 02:57:30 pm »
^Sis, mahirap nga yang situation mo na ikaw lang ang breadwinner sa family/household nyo. Nag compute ka na ba ng mga household expenses nyo monthly and see kung magkano talaga kumbaga ang operating expenses ninyo?

Suggestion ko is to calculate this and then tipo bang mag-meeting kayo ng family mo. Mag-open up ka sa kanila kung how much ang kinikita mo vs. your expenses, para makita nila (especially your sister) na there are basic household expenses to pay against the monthly household income that you have.

Now, do a mock up of how much she will be paying for kung bumukod siya at mag bedspacer, for example:

Rent = 2,000
Food = 2,000
Transpo = 2,000
Utilities = 500
Plancha, Laba, Toiletries, = 1000

Tapos sabihin mo imbes na sa iba nya ibabayad yung 7,500, magcontribute sya ng 6,500...nakamura pa sya.

As for your long term plans, sad to say na kung nasanay na ang household nyo na nakadepend sayo for the monthly expenses, when you get married, ikaw pa rin ang ieexpect nila sumagot dahil wala naman silang ibang pwedeng takbuhan. Suggestion ko ngayon pa lang subukan mong hanapan ng sideline si mommy (like sari-sari store or buy and sell kaya) at pondohan ang capital ng negosyo para by the time you get married, hopefully may independent income na sina mommy to support them or makatulong man lang sa kanila at sa iyo para naman hindi 100% ng sweldo mo ibibigay mo sa kanila. Not all spouses appreciate the level of help we give to our family kasi, and you don't want that to be the source of ill feelings between you, the future hubby, your family and your future in laws.

hanson15

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #83 on: September 27, 2012, 03:33:41 pm »
Ginawa na namin yan sis ang pagkakaalala ko may matitira sakin na 7k tapos sa sister ko 6k. Pero nagrereklamo pa rin siya. Naincreasan siya ngayon pero ganun pa rin ang attitude. Sabi nga ng friend ko ayaw niya lang mag take ng responsibility na tumulong. Pero ayaw naman niya lumayas at magsolo kahit sinasabi niya palagi na lalayas siya dahil hindi niya rin kaya magsolo at doble ang gastos.

Ayun nga sis need ko sila hanapan ng business kasi mahirap na aasa pa rin sakin at tyak mag cause yan ng awayan namin ng h2b ko. Yung h2b ko naman same ang sitwasyon sakin. Pero he was able to give them business computer shop. Pero the other day nanghihingi ng pera sakin mother niya dahil need ng expense. Porket alam ng mother niya na binibigyan ako ng pera for wedding. By next year gagraduate ang bunso kong kapatid. Pero knowing him madamot din siya baka mas worse pa siya sa sister ko or same lang sila. Hindi madamot ang sister ko dati pero like my mom said lumabas ang tunay niyang kulay.

Thanks sis :) sorry ang haba ng post im just being sad. Need ko nga sila mabigyan ng business pero ang hirap kung paano. We have business bangkok products, chocolate at pinagtraining ko mom ko for cake and cupcake pero wala nagoorder eh hehe

Priceless

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #84 on: September 27, 2012, 04:06:26 pm »
So sis kahit na inexplain nyo na kung magkano ang dapat nyang i contribute, wala pa rin syang inaabot sa inyo kahit magkano? Pwede nyo din ba syang idaan sa threat? Like for example, sabihin mo na since di nyo kayang mag support ng household bills, mag tatanggap kayo ng boarders or bedspacers at sa kwarto/space nya patutulugin (hehe). O kaya sabihin nyo na ipapaputol mo ang internet, phone dahil wala namang gustong umako. Tapos every time kakain kayo sa labas or kakain kayo ng meals, i-itemize ni mommy ang cost of each meal tapos i-charge sya? Yung utilities, toiletries, groceries sa bahay at kung ano ano pang ibang gastusin, i-assign sa kanya, like for example, rice, panlaba at kuryente dapat sagot nya - at kung di nya bayaran, hayaan mong putulan kayo ng kuryente (sorry tiis muna kayo) at nang matuto.

Minsan kasi kailangang kalabugin lalo pa't malakas ang loob lumayas hindi naman magawa at puro salita din lang.

Priceless

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #85 on: September 27, 2012, 04:08:50 pm »
Regarding sa business venture with your parents, tiis tiis nalang and persevere. Siguro hanap ka ng magandang mapapagkakitaan like yun nga, tanggap kayo ng 1 or 2 boarders, mag tayo ng carinderia or sarisari store, mag supply ng baked goodies sa isang malapit na school or office canteen)...

Good luck sis...Mahirap pero malalampasan mo din yan.

JINJIN:*

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #86 on: September 27, 2012, 04:39:51 pm »
STORY OF MY LIFE..

marssie

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #87 on: September 27, 2012, 05:20:52 pm »
Naku ako naman kahit may frustrations sa mga kapatid ko, di pa rin ako tumitigil na magawaan ng paraan na makahanap sila ng maayos na trabaho,minsan nakakapagod at nakakairita na rin, kaso hangat kaya ko pa,sige lang muna ng sige. Good thing lang sa kanila,walang nanghihingi sa akin, alam kasi na tatatadtarin ko ng sermon.  Pero sabi ko nga pag nakahanap na sila ng stable na work, stop muna ako ng maharap ko naman ang pag aalaga sa anak ko at sa parating ko pang baby.

hanson15

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #88 on: September 27, 2012, 05:29:55 pm »
nagcocontribute siya sis ang problema sobra siyang demanding porket nagbibigay siya sinasagot niya mom ko. Tapos hindi siya nagliligpit ng gamit puro kalat tapos lagi niyang inuutusan mom ko. Minsan may masabi lang mom ko sobra kung maginarte madalas pang magwalk out sa kainan. Grabe nga eh. Dapat pinapagalitan din ng mommy hindi porket nagbibigay siya eh ganun ang ugali. Kung lumayas siya eh di layas. kawawa nga mother ko depress na nga dahil walang work, naiwan magisa sa house. Tapos ganun pa kapatid ko sa kanya. Pero nung nagaaral yun sis mabait siya. Napapagod na rin ako kakasermon kung makasagot grabe. So far hindi kami naguussap kahit magkita kami sa bus or jeep walang hi hello. Eto rin mom ko pag nagaway kami ng kapatid ang oa din hahaa anyway pagod nako sa kanya. At sana mauntog siya ng magising

yup sis lahat ng pwedeng gawin businesss subukan kesa walang ginagawa. thanks sis!

honey-ecclaire

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #89 on: September 27, 2012, 05:59:33 pm »
kung ayaw nyang umalis sa house nyo sis,better ikaw muna ang umalis wala eh parehong di nakikinig ang mom mo at kapatid mo...sa inaasal nya di nya lang binabastos mama mo pero pati ikaw,...
magpalamig ka muna,malay mo makaisip ka pa ng magandang business or gagawin para sa mama mo....
aba,imbiyerna yang kapatid mo,nagkatrabaho lang di na naisip ang magulang nya!

hanson15

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #90 on: September 27, 2012, 06:05:48 pm »
uu nga sis sabi ng mom ko parang isinuka niya lahat ng tinulong sa kanya ng mga magulang namin. Aalis ako by 2014 pag kinasal kami. For now tiis to death at hindi ko siya kakausapin hanggang mauntog ata magising  sa katotohanan. Inggetera kasi siya ayaw niya magpababa sa mga kaklase niya na kesyo may laptop daw nakakapagabroad hello in 6months nagawa nila? Feeling ko nagyayabaangan lang sila magkakaibigan. Loosser siya imbyerna talaga!

lonelymiss28

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #91 on: September 28, 2012, 06:49:49 am »
kakaimbiyerna nga ang ganyang kapatid. in fairness naman sa mga kapatid ko noong binata pa sila kahit papaano ay nagbibigay naman sa mama ko, saka never naman sumagot sagot sa mama ko ay nag-iinarte (sabaay mga lalaki sila) kaso noong nagka-asawa ayun saka naging worst ayaw magtrabaho, puro utang, and all then dami pa anak.

kung ako sa iyo sis, kung makakaya mo naman umalis muna....alis ka muna baka sakaling maging way yun para marealize ng kapatid mo yung kawalan mo, at magising sya....hopefully!

hanson15

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #92 on: September 28, 2012, 09:12:58 am »
tinanong ko mom ko bakit pag sinasagot siya ng kapatid ko hindi niya pinapatulan. Sabi sakin ng mom ko sumasakit daw yung dibdib niya pag sinasagot siya kaya pag pinatulan niya baka maatake siya sa puso kasi may hypertension na sakit mom ko may forever maintenaince. Pinagdadasal niya nalang sa simbahan. Thanks mga sis sana magising mga kapatid ko. Sana talaga.  kahit father ko rin nanunumbat pag may kita siya like mag magpapahatid ng sa van 700 yun sinusumbat niya rin sa mom ko samantalang siya dyan ang ama. Kaloka talaga. Kawawa mom ko. Pero ngayon hindi na nagbibigay ang father ko sa mom ko pinangsusugal niya ngayon. Mas gusto niya kasi sa barkada niya kesa pamillya. Kaya pag nagbibigay siya sa mom ko ng pera nagagalit din.

Longhair

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #93 on: September 30, 2012, 05:15:23 am »
Your sister continues to do that since she gets away with it. Huwag ligpitin ang kalat nya, and minsan kelangan patulan especially kung bastos na sa mom mo. Kelangan tough love Sis Hanson.

cocacola

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #94 on: October 05, 2012, 02:19:51 am »
My brother is 32 years old. He just finished his 2year computer course sa STI last year and when he got his certificate, akala namin tuloy-tuloy na. He started working sa BPO as a non-voice agent. Then nung nilipat siya to a voice account, nagalit siya sa boss niya and ayun, AWOL. So sa ngayon, tambay nanaman siya sa bahay. He's addicted to anime, and computer games (ito rin reason bakit sobrang tagal niyang nakapag tapos). He has no social life at kahit yung mga kababata niya, ayaw na sakaniya kasi wala naman daw pinagkaiba. Yung mga kababata niyang yun, married na and may sarili nang buhay.

I don't really care kung gusto lang talaga ni kuya na sirain buhay niya. Ayoko lang na nakikita sila mama na umiiyak kasi kahit 59 na sila, wala paring tumutulong masyado sa bahay. It pains me to see my mom cry habang hindi nakikinig kuya ko. Nakakainis pa, talagang hindi siya nakokonsensiyang gumastos for food and electricity. Hindi nahihiya. Pag naman hindi siya nakakacomputer, he gets mad. Para ngang adik literal. Before nung tinanggal ni papa yung computer, tinaga (oo as in yung itak) niya yung monitor nung computer sa galit. That could have been my dad. Hindi na namin alam ano pa pwede gawin. My two sisters don't give much thought on it kasi hindi nila nakikita si mama na umiiyak. Are we hopeless?  :'(

zee87

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #95 on: October 05, 2012, 04:08:23 am »
sis, ang sagot siguro jan sa problem nyo, tanggalin ang pc...
or kaya sirain nyo ng di nya alam.
at alisin ang monthly connection.
wala naman siyang work, di rin siya makaka-afford magbayad ng internet connection.

lonelymiss28

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #96 on: October 05, 2012, 04:59:58 am »
yung 2nd to the eldest bro ko rin ganyan...ayaw mag work (tapos panaman sya ng law at talagang matalino). kaso ganun talaga....naging way of life na kasi nya ang ganyan na walang trabaho at laging nagco-computer, kahit ngayong may asawa na sya at anak every school year asahan ko na may email sya sa akin na nanghihiram ng pera pang enroll ng mga anak nya...as usual walang pera dahil walang trabaho.

ito namang eldest walang trabaho rin at anputulan ng tubig at ilaw last week dhail walang pambayad (daw)....and by the way di pa dun nagtatapos drama nila...may babae pa sila on the side na di alam ng mga asawa nila..

evilwoman

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #97 on: October 05, 2012, 02:10:24 pm »
^^ sis paano pa sila nakakapambabae kung wala trabaho? di kaya pati pambisyo e sa iyo din kinukuha?

^ nakakatakot ang kapatid mo sis. kala mo may sayad. maganda siguro pag umulit sya e ipabaranggay nyo nang makatikim.

lonelymiss28

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #98 on: October 06, 2012, 08:37:55 am »
^yup, nambababae dahil may video (yuck!) sila ng babae nya. and yung girl may 3 anak tawag sa bro ko daddy. i don't know kung anak nya yun but nakita namin sa video kamukha ng bro ko parang kahawig namin mga kiddies.

mga sis, labas lang ako ng sama ng loob ah... i was very upset kaninang umaga dahil nakausap ko bunso namin na pupunta dito,,,,eto istorya, gusto nya daw mag-work dahil gsuto nya mag-ipon para sa skin peeling dahil wala daw nagkakagsuto sa kanyang girls dahil di sya gwapo at bored daw sya sa bahay...sabi ko naman bro...naghihintay nalang tayo ng visa, it ight take a few weeks, months, wahtever bakit di na lang antin antayin yun kesa mag work ka then gagastos ka sa pag apply then paano kung biglang duamting ang visa mo? e sabi ko pag di pa duamting ang visa nya up till december then mag work sya by january.
 
at  sabi ko pa instead na work ang unahin mo ba't di mo asikasuhin ang board exam mo (he graduated 2 yrs ago.) sabi nya na di daw ganon kadali yun dahil kelangan daw nya ng cases sa school na latest para makakuha ng bpoard so it will take a long time pa para makakuha sya nun...alam nyo eng-eng ako sa ganyan dahil di naman ako nursing grad. so i have no idea, so sabi ko bakit di sya kumuha ng board after grad kai nag work sya eto sabi nya.....after grad gsuto nya mag work para may pang review sya sa board and since kukunin ko sya dito sa canada di na sya nakapag board.

haaaayyyy naku...buhay nga naman oo...sangkatutak na tao gagawin ang lahat, isasanla ang lahat ng meron sila makapag abroad lang. etong mga kapatid ko...hihintayin na lang ang visa linggo na lang ang hihintayin gagawa pa ng issue.

mga sis, mali ba na magsentemyento ako sa ganitong issue sa kapatid ko? i dunno kung mali nararamdaman ko na upset ako or what? siuro pag nag-usap ulit kami ng bro ko i will ask him kung ano ba goal nya sa buhay. kasi parang napapansin ko na wala eh...mahirap sa tao na walang goal dahil anything goes and they have the bahala na habit. i dunno i am very very frustrated.

pinklilac

  • Guest
Re: frustrations sa mga kapatid.
« Reply #99 on: October 06, 2012, 08:54:00 am »
^hi sis, parang nasisi pa ni bunso ang pagkuha mo sa kanya kaya hindi siya nakapag board.
agree naman ako sayo na wait muna ang visa til december then  mag work ng Jan kung hindi pa rin dumating. Di kaya sis parang nagpaparinig  lang sayo na bigyan mo ng pera para sa skin peeling nya?
para sabihin mo na "o sige wag ka na mag work. bigyan na lang kita ng pera para sa skin peeling mo"

sinasayang nila opportunity nila.tama ka. ang daming halos isanlabuong kabuhayan maka alis lang.

dito ko na sagutin reply ko sa pm mo. wala pa siyang MA. yan sana original plan pero hindi na matutuloy. 

have a nice day sis

 

Latest Stories

Load More Stories
Close