Hi TS,
Roman Catholic din ang foundation ko pero nung elementary ako nagsimula akong sumama sa mga pinsan ko na Methodist every school break kasali ako sa DVCS (daily vacation church school), nung nag highschool naman sumama na ako sa sunday service. Pero nung nag college na ako nahinto, sa catholic church na ako umaattend with my family.
Lumipas ang maraming taon, nakapag work ako local at abroad ganun parin. Sunday Catholic Mass.
Ok naman (feeling ko safe lang)
Mas iniisip ko yung carrer ko over spiritual growth nag decide ulit ako mag abroad.
Nagpunta ako ng SG naging napaka dali para sa akin ng lahat work, accomodation, friends, money.
Until sa
MRT biglang may kumalabit sa akin.
sabi nya Advertising ka right? OO, sabi ko.
then nagpakilala na sya ewan ko biglang na recall ko sya kahit 1 subject ko lang sya naging classmate nung college.
At nag invite na nga sya na baka daw gusto kong dumalo ng care group.
ewan ko ulit, bigla nalang akong napa OO, tutal free naman ako.
Ganun na nga umattend ako, praise and worship, praying, sharing etc.
medyo hesitant pa ako tinanong ko ang sarili ko kung kaya ko bang seryosohin?
ang sagot NO! mas feel ko mag swimming, mag jogging at mag mall tour after work kaysa umattend parang nakakapagod kasi.
Sa makatuwid after that 1st appearance sa care group hindi na ako nagpakita.
Sa kabila ng lahat, itong si College schoolmate ay tuloy lang sa pag send ng morning prayers at Bible verses sa akin.
Hanggang, after a year bigla kong naramdaman yung tinatawag na
SPIRITUAL THIRST.
At doon na ako nag decide na umattend ng care group every Thurs.
though yung sunday service, never ko pa napuntahan kasi Catholic church ako pag sunday.
At heto pa prior to that sa dinami-dami naman ng mapapasukan na co. dito e akalain mong ang boss ko ay Christian to the serious level, tipong most of the co's earning ni do-donate, at yung amo keri lang na hindi sya pumasok for the service of God. Bongga din ang bonus 3x salary at
every meeting Prayer pati ending.
At naramdaman kong God really really loves me and he wants me to take Him seriously.
Kaya ngayon Im joyful na nahanap ko na Sya at hinding hindi ko na Sya tatalikuran kahit kailan, although ang lakas ng pwersa ng kalaban ngayon.
at ngayon pinagpe-pray ko na pumayag na si hubby na mag sunday service kami sa hindi Catholic Church. Dahil gusto ko na talaga mag attend ng service nila.
the point is.... God really loves us and He will do everything for us to be saved
para kay TS, kagaya ko gusto ni God na mas mapalapit ka sa Kanya nasasaiyo nalang kung papaunlakan mo Sya, if you did maloloka ka nalang sa dami ng blessings na darating.
kakasabi lang ni boss share ko lang :
A prayer shouldnt be a burden but a joyful experience with God.
sorry napahaba, pasensya na kung magulo ako magkwento.
Matthew 4:19