watch now

Author Topic: all about contracts (kiddie parties)  (Read 4980 times)

rianne_mallows

  • Guest
all about contracts (kiddie parties)
« on: December 15, 2011, 02:09:20 pm »
hi sissies... sa mga contracts sa kiddie parties like p/v, decor, cake etc,
what if hindi nasunod yung nasa contract? or kulang,? or naiba?

it could be simple glitches like for example, caterer, iba yung menu sa nasa contract...
 or pwede din major issues like hindi sumipot sa event day etc...

 meron ba sa inyong talagang umabot sa legal/court charges?

parang ang laking hassle diba kapag umabot pa dun? so most moms just move on and charge it to experience.. lalo na kung hindi naman ganoong kalaking amount yung involve..
sadly, with this in mind, some suppliers tend to abuse this..

have you personally had an experience about something like this?
what did you do about it?
what's the best way to go about it?
if anyone of you did push through about filing charges, was it worth the effort and money? lalo na kung maliit na amount lang yung involve


rules:
1. no name dropping... baka masara/lock na naman itong thread.. sayang
2. no attacking ..
3. please be objective
« Last Edit: December 15, 2011, 02:12:08 pm by rianne_mallows »

marose17

  • Guest
Re: all about contracts (kiddie parties)
« Reply #1 on: December 16, 2011, 11:48:21 pm »
Sa akin it is not worth pursuing a case in court a mga ganitong bagay, kahit may written contract pa.  Abala na, mas  malaki pa gastos mo sa lawyers' fees.  Kaya dapat kilatisin muna natin ang supplier.  Kung sa una pa lang, matagal mag-reply or mahirap kausap, huwag nang kunin, kahit gaano kamura or dami ng freebies or kasikat ang supplier.

The best way to go about it is to make sure your expectations are clear to the supplier before you sign up and pay the downpayment.  Huwag din magpauto sa supplier.  Tarayan ninyo kung kailangan.  At kung napapansin ninyong absent siya or matagal mag-reply pagkabigay ng dp, eh, cut your losses and get another one.  Kahit sabihing non-refundable pa iyan.  Kung more than 50% ang hinihinging dp gaya ng isang notorious par planner dito, magduda na.  You can always negotiate for the return of your dp.

rianne_mallows

  • Guest
Re: all about contracts (kiddie parties)
« Reply #2 on: December 17, 2011, 08:03:04 pm »
^yun na nga sis..diba? parang lugi yung mga clients? 

i've read some instances  about these kind of things kapag weddings... may umaabot talaga sa court.. kaso wala pa talaga ako nabalitaan or nabasa na ganito kapag kiddie parties..

kasi IMO unlike weddings na talagang on average eh 300 -1m ang budget, kiddie parties eh nasa 50 -100k lang..  hindi talaga practical kung iisipin na umabot pa sa ganun..

how about sa contracts? hindi ba pwede automatic na yun? can certain phrases/clauses be included sa contract pa lang para automatic na ang refunds? kasi personally, sa mga naging supplier ko nung bday ng anak ko walang clause about refunds...

hindi ako magaling sa legalities eh,... sana may magshare... kawawa naman kasi yung mga natatapat sa abusong supplier ..and for supplier, para mapabuti yung service nila sa clients nila.. 

stormy

  • Guest
Re: all about contracts (kiddie parties)
« Reply #3 on: January 17, 2012, 05:34:22 pm »
^hindi naman kasi customer oriented sa bansa natin sis kaya mahirap humanap ng may refund policy. Sa malalaking establishments nga pag d ka pahirapan sa pag return ng items e nire-rave na kasi mas exception kaysa rule ang magandang serbisyo.

Tama si marose, wag magpapauto lalo na pag as if ang bait pag kausap. Dun sa naniniwala na mas ok yun may magandang relasyon (friendly suppliers) sa suppliers, dapat bukas din ang isip na bonus na lang yun. Mas importante na reliable ang supplier na d manloloko gaya nung mga nabasa natin last year.

Tama si marose, kung nararamdaman na na may off dun sa supplier e cut your losses na. Wag ng manghinayang sa DP (kaya dapat 30% lang ang DP, nagtataka ako sa mga party suppliers 50% ang gusto minsan promo2x pa para 100% e sa malakihan kontrata nga d nag eexpect ng 50% mga reliable na kumpanya yan. E ibang suppliers e kahit sikat pa pwede maging fly-by-night) kuha na ng iba kapalit para kampante ang loob unless paranoid :)

Kasi d mababayaran yung sama ng loob na ibibigay ng isang palpak, what more if manggagantso, na supplier.

Sa pagkuha naman ng party planner, kung kaya naman na tayo na magbook sa mga importanteng elemento ng party wag na isama sa kontrata.

May nangyayari lang na may ibang party planners na pwedeng makatulong sa pagbook ng isang venue lalo na pag kailangan ng sponsorship. So iconsider ito na ilagay sa kontrata.

Unlike marose (sya nga abogado na kaya better maglisten sa kanya haha), ako kahit magsayang ako ng pera I'll make sure na may hakbang akong legal if ever mangyari yun ginawa sa ibang mommies. Kasi sigurado ako na may mabibiktima pa na iba pag d magawan ng aksyon agad.


@rianne, yung paglock ng thread kasi nagkakapersonalan na kaya dapat talaga itigil na. Pero dahil naisara yun thread may mga nabiktima pa na iba.

mistiqshannen

  • Guest
Re: all about contracts (kiddie parties)
« Reply #4 on: January 17, 2012, 07:33:15 pm »
Mahirap kasi sabihin na porket sikat ang isang supplier, mahal o mura ang rate, matagal o bago na sa business e hindi na magiging palpak. Minsan OK naman sila sa iba clients bakit sakin hindi? e Bakit nga ba me ganun. Kasi tingin ko meron kasi talagang mga supplier na hala accept ng accept ng clients di na pala kayang ihandle. As a result, kasi sa isang araw dalawa event nila me tatlo pa. takbo dito takbo dun puyat pa mga tao nya from yesterday event pagod na so namimiss na yun mga contents ng contract. Nakakalimutan mga pinag usapan. Minsan if ang kausap mo staff  na inefficient e wala na nun isang araw OO ang sagot ngayon HINDI na at di pa yan aamin.

Kaya bilang client dapat din na we also make sure na yun mga pinag uusapan na hindi na kasulat sa contract e lahat naka note at both party me copy at nakapirma. If kailangan obligahin mo na pumirma the better. Kasi sa huli yun lang ang pinanghahawakan natin e. Atleast we can ask for refund sa damage.

Pero yan refund sa reservation ay never talaga nakukuha yan. Though me ibang supplier sinosoli. Bakit nga ba non refundable ang mga reservation fee?

Kasi yan fee nayan can be liquidated sa damages na incur when you cancel the contract. Yan yun fee. So let it go if talaga you think the supplier wont deliver any good in the end wag nalang hanap na ng iba.

I had once a designer nun kinasal ako. Though hindi naman porket ang dami naunang kasal sakin ang pumalpak kasi I also dont know the real true story on both side 100% pero nagdecide nako na mag pull out. I paid a DP of 15k already nun. Good thing pumayag sya na consume ko yun 15k para sa 3 gowns. moms and maid of honor ko. And i look for a better kahit mas mahal na designer nag go padin ko. Kasi I feel na baka mangyari sakin yun nangyari sa kanila. Mas mahal pa yun package nila ha kesa sakin. So ending masaya ako sa gown ko, nakuha ko yun DP ko pero not so nice sa amount na binyaran ko ang result sa gowns ng moms and MOH ko.

Atleast masaya padin.

Minsan me mga suppliers hala oo ng oo sa mga freebies kala natin nakamura na tayo di pala kasi kung ano yun binayad natin yun lang ang nakukuha natin. Because para sakin if I want quality I have pay for it! Unless yun freebies nila e mga investments na matagal na nila nabawi ang kita OK lang like free bubble machine, party poppers na mura lang naman.. etc etc..

Tsaka kung wala din contrata na supplier lagi ko pinapanote dun sa resibo nila or ako mismo nagsusulat nun mga pinag usapan namin at pinapapirma ko.

In the end, wala kasi talaga tayo magagawa at di maiwasan me mga manlolokong suppliers. Binubuhay nila ang negosyo nila sa maling paraan. Charge it to Karma nalang and Sayo din naman babalik lahat ng mabuti ginawa mo.

Kaya if kaya naman palagpasin, palagpasin nalang. Iblog mo nalang. responsible blogging din dapat. truth and nothing but truth lang ang ibloblog and syempre me ebedensya ka.

And pang huli... Sakin kasi, sige magdemanda ka sa halagang what? 10k? 20K?
oo nga pwede maparusan ang supplier. Di na nga ba sila uli makakabiktima? If gawain na nila yun? Nasa Values na nila? Yun na yun nakasanayan? I dont know kanya kanya naman tayo take on this e.

Mas gusto ko wag nalang stress ang sarili ko sa maliliit na bagay. I've been hosting few events nadin sa buhay ko. Wedding ko, party ng anak ko, party uli nya on his 2nd birthday, this year party naman ni bunso.. Of all those events me palpak pero keber! Kung nagawan naman nila ng paraan, kung overall naman ng party ay maganda padin, masaya ang mga guests. OK na.

Unless siguro worst case di ka siputin ng caterer mo! hahaha baka magdemanda talaga ako.. hehe..


stormy

  • Guest
Re: all about contracts (kiddie parties)
« Reply #5 on: January 17, 2012, 08:21:20 pm »
^yup kanya2x tayo ng take. Siguro dahil may resources ako kaya hindi monetary value ang tinitingnan ko kundi yun panloloko. If palpak hindi ko pag aaksayahan ng panahon kahit malaking halaga pa yan kasi ako ang mali, mali ako ng decision sa pag-assess ng kakayahan ng isang supplier. Pag manggagantso ibang usapan yan.

Tama i-blog, kaso may mga suppliers talaga na nakakapangbiktima pa rin kasi members ng forum at panay promote sa sarili kaya nakakabiktima pa rin.

Kung walang magagawa ang clients, para que may kontrata pa?


Para pag d makabayad ang client may hawak ang supplier?


Parang ang kontrata tuloy one-sided.


Pinoprotektahan lang yun monetary value na magsasalin kamay.

Again, kasi d customer oriented kultura karamihan ng pinoy.


Edited to add: karamihan, hindi lahat ng pinoy.
« Last Edit: January 17, 2012, 08:28:46 pm by stormy »

mistiqshannen

  • Guest
Re: all about contracts (kiddie parties)
« Reply #6 on: January 18, 2012, 09:03:50 pm »
wala e ganun talaga. make sure lang lage me ebedensya na kulang yun nadeliver na service or palpak para if dadalhin sa court me patutunguhan.

Natatawa ako hehe kasi nasa isang forum naman din ako for suppliers naman. though about wedding ito. They are talking naman about libel cases against clients naman na nagrarant ng walang ebidensya hehe..

erikkjoy

  • Guest
Re: all about contracts (kiddie parties)
« Reply #7 on: January 18, 2012, 09:56:10 pm »
Thanks sis marose :)

actually nabasa ko tong thread na ito before and tumatak sa isip ko yung "cut your losses" a.k.a lessen the damage :) Sorry OT ito, but then nai-apply ko agad ito eventhough my baby's party isn't over yet. I hired this videographer dahil sikat sa forums and mura. I was scrimping on the video part since I got a good photographer naman and pricey na on my part :) So I paid DP agad, 55% of total. Later on, the teaser uploaded on the site is not satisfying my palate anymore. I heard issues of this and that. Finally, because of the "cut your losses" phrase, I decided to let the DP go (since for sure non refundable, even though wala sa contract ha) and hired a new one kahit super out of budget na, at least kampante ako. I exerted so much effort and money on my baby's party, and the last thing I can take home is her photos and video. It's the only thing that she could also appreciate when she's a bit older. I can earn back the money but I cannot return her first  birthday party na. So thanks to this thread, truly life saver :)

stormy

  • Guest
Re: all about contracts (kiddie parties)
« Reply #8 on: January 20, 2012, 04:10:21 pm »
Let's hope kaunti nagbabasa na suppliers na may masamang ugali at balak haha kasi gaganahan manloko :)

rianne_mallows

  • Guest
Re: all about contracts (kiddie parties)
« Reply #9 on: January 20, 2012, 06:18:15 pm »
had a chat with an online friend.. supplier siya... nag-iisip siya kung anong magandang arrangement sa payment kasi hindi siya nagpapaDP..  kwento ko lang muna..yung latest "supposed" client niya nagbackout the day before the event.. eh siyempre nabili na niya yung materials niya diba? solugi na siya... sad nga eh.. mabait pa naman si supplier..

ok lang kaya if 20% non-refundable deposit upon reservation...
then 50% a week before the event - kasi siyempre mamimili siya materials
then the rest on the day of the party..

okay kaya yung ganito? may mas maganda pa kaya na hindi naman lugi client and supplier?

ethan11

  • Guest
Re: all about contracts (kiddie parties)
« Reply #10 on: June 12, 2012, 04:47:19 pm »
patulong naman mga sis...

nag-book ako ng supplier thru ensogo, ok naman lahat, walang naging problema sa transactions ko with ensogo at kay supplier... then, a month before the party, nagcancel si supplier sa booking ko, may sarili syang dahilan, so nagpanic ako, pero ok na, nakahanap din ako agad ng kapalit, salamat sa gt!

ang problema ko ngayon ay kung papano mababawi ang perang binayad ko sa ensogo? the voucher is non-refundable, pwede i-transfer pero walang gusto kumuha sa mga kakilala ko na may upcoming events kasi natatakot sila na baka mag-cancel din sa kanila yung supplier.

nag-offer naman yung supplier na sila magbebenta ng voucher ko, since sila naman may pagkukulang... pero 5mos na since kinancel nila yung booking, until now ang sabi nila wala pa rin daw buyer, pero makikita mo sa fb nila na ang dami nila clients, sunod-sunod ha! naiinis ako kasi parang balewala sa kanila... dahil ba mura ko lang nakuha yung package kasi promo lang eh dedma na sa kanila??? pinaghirapang pera yun, maliit pero pinaghirapan yun! sabi pa ni supplier hindi naman daw nila makukuha ng buo yung pera, konti lang daw ibibigay sa kanila ng ensogo, eh bakit sumasali pa sila sa ensogo?!?

ano ba gagawin ko mga sis? problema ko pa ba na maghanap ng buyer ng voucher ko??? sila nag-cancel eh bakit ako ang na-stress, nakakaiyak sila...  :'(

rianne_mallows

  • Guest
Re: all about contracts (kiddie parties)
« Reply #11 on: June 12, 2012, 07:04:04 pm »
na-contact mo na ba ensogo sis? diba nila pwede gawan ng paraan? sa DTI kaya? pwede kasiguro dun magcomplain

 i haven't had any experience sa vouchers kasi. non refundable siguro if ikaw gusto magcancel. ano ba type of service niya? baka pwede mo pa magamit kahit paano

ethan11

  • Guest
Re: all about contracts (kiddie parties)
« Reply #12 on: June 12, 2012, 08:58:13 pm »
hindi ko pa na-contact ensogo, kasi si supplier nag-offer naman noon na sila magbebenta ng voucher ko sa iba nilang clients, pero 5mos na, parang di naman nakakapaniwalang wala pang client ang bumili, eh promo yun, mura lang talaga.

i tried selling the voucher sa iba kong kakilala pero takot sila sa nangyari sa akin.

yun na nga, alam ko na non-refundable, sigurado naman ako sa pagbook sa ensogo, wala naman ako balak mag-cancel, kaso yung supplier naman ang nag-cancel at biglaan, 4mos before the party booked ko na sila, then hindi pala a month before the party sila nag-cancel, 10 days before the party sila nag-cancel, grabeng stress ko nun, buti come to the rescue isang sis natin dito sa gt! kasalanan ko ba na nag-cancel sila? sabi ni supplier di daw sila magrerefund kasi di ako sa kanila nagbayad, eh sino hahabulin ko, eh wala naman kasalanan ang ensogo???

huhuhu talaga, sayang ang pera... :'(

rianne_mallows

  • Guest
Re: all about contracts (kiddie parties)
« Reply #13 on: June 12, 2012, 09:32:24 pm »
^i still suggest to contact ensogo. present evidence such as emails, confirmations, pictures that you were not the one who cancelled and you're the aggrieved party. you can also contact DTI because i think they are in the best position to do action regarding your situation. if all else fails.. sumbong mo kay tulfo

ethan11

  • Guest
Re: all about contracts (kiddie parties)
« Reply #14 on: June 12, 2012, 10:28:17 pm »
hahaha! kay tulfo talaga, pwede, hahaha! :D ;D

tatawagan ko na ang ensogo, di ko pa erase mga emails at text ni supplier sa akin. thanks sis rianne! :)

m@m@

  • Guest
Re: all about contracts (kiddie parties)
« Reply #15 on: June 13, 2012, 09:14:51 pm »
yes sis, inform ensogo about it para they will be the one who will take action on it.. but i think on this, fault na ng supplier yan.. nakabook ka na and sila ang nagcancel.. dapat nga the moment na nagcancel sila, sila ang dapat na namroblema to find replacement.. btw sis sinong merchant ito?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close