watch now

Author Topic: Rebellious Nephew  (Read 3687 times)

jhandee

  • Guest
Rebellious Nephew
« on: December 15, 2011, 01:28:56 pm »
i dont know if ok lang mag create ng new topic since wala po ako makita na pwede ko i relate sa concern ko, if may ganito na pong thread mods pa delete na lang po. thanks

I have a nephew whose 13 yrs old. yung Mother nya is my sister and currently in canada. shes a single mom. and pag vacation minsan ate ko ang umuuwi dito minsan naman ang nephew ko ang pumupunta dun. Nung una ok naman ang nephew ko mabait at hindi pala sagot lalo sa parents namin na both 62 yrs old.My youngest sister halos kasabayan nyang lumaki,at halos nag alaga na sa kanya.May anak na din ang youngest sister ko na 1 yr old. Nasa province silang lahat ako nandito sa manila. Minsan lang din ako umuwi samin. Lately nagsusumbong ang youngest sister ko at parents ko na nagiging violent na ang nephew ko. Pag pinapagalitan sumasagot at nananakit. Tapos mahilig na mag threat, pag nagagalit sya sinasabi nya na "papatayin ko kayong lahat" and minsan sinakal nya youngest sister ko. Pag nagagalit sya sa Lolo nya (father ko) sinasabi nyang sasaksakin daw nya sa dibdib. Yung nephew ko walang barkada sa village namin. Yung school nya malayo sa lugar namin. Makakasama lang nya mga friends nya pag weekdays sa school.The other day naman nung pinapagalitan sya ng youngest sister ko, sinisipa nya tapos humarang ang Lola nya at tinulak nya yung matanda. Sinabi na namin to sa Mother nya pero ang sabi lang nya baka mainit lang daw ang ulo.
Nahihirapan ako pano sya didisplinahin kinausap ko sya kagabi sa phone I asked him bakit sya nagiging ganon ang sabi nya galit daw sya sa lolo at lola nya pati sa youngest sister ko, tinanong ko sya kung bakit sya nagagalit at nananakit, sabi nya ginagalit daw kasi sya.Ang isa pang pino problema namin is yung lahi nung father ng nephew ko is may history ng may schizo may uncle sya na kapatid ng father nya na baliw , 4 na ang "baliw " sa father side nya.Natatakot kami kung isa na ba yun sa manifestation pero sana wag naman sya kasi sobrang mahal na mahal ko nephew ko. Spoiled sya sakin kasi tagal ko din sya inalagaan. hindi ko alam kung kailangan ko ba syang i pa consult sa psychiatrist para malaman namin kung anong tulong ang kailangan nya. Iniisip din namin kung part lang ba to ng adolescent period nya.Yung father ko din kasi pag nagagalit sya lagi nya sinasabi sa nephew ko na "wala kang pagkakaiba sa tatay mo,manang mana ka sa tatay mo"kaya yung nephew ko hindi rin malapit sa lolo nya.Sana may maka pag advice sakin whats the best thing to do sa kanya.Hindi ko talaga kasi alam ano ang dapat gawin.

dimplesgon

  • Guest
Re: Rebellious Nephew
« Reply #1 on: December 15, 2011, 04:01:06 pm »
Baka naghahanap ang nephew mo ng direct attention, love and affection.
Kasi although kasama nya ang lolo at lola nya - may edad na din kasi kaya baka hindi nya masyado ka close.
Then yung youngest sister mo naman may sarili na ring anak na iniintindi.

So baka ang hinahanap nya is yung talagang magiging parang bestfriend or somebody na alam nyang masasabihan nya ng mga kuwento nya, problema or ano pa man.

Sabi mo din kasi dati, ikaw ang nag aalaga sa kanya, eh now nasa manila ka na.

Hindi kaya dapat kunin na sya ng mother nya at dalhin sa canada para magkasama sila, at least yun Nanay nya - talagang no doubt na mabibigyan sya ng more attention.

tsaka kasi ang talagang may higit na karapatan na mag disiplina sa kanya is yung Mom nya.

iamgold

  • Guest
Re: Rebellious Nephew
« Reply #2 on: December 15, 2011, 04:10:43 pm »
sis i suggest dalhin mo siya sa psychiatrist..lalo na 4 na ang mentally disturbed sa side nang dad niya. i strongly suggest na dalhin mo siya dun,,at least di mo sisisihin sarili mo sa huli na i shlould have done this..walang mawawala sis kung dadalhin mo siya sa psychiatrist.And sis ipag novena mo siya sa sta clara yung church sa may katipunan,right a letter then yung mga madre dun binabasa nila yung prayer mo,nothing and  no one is mightier than the healing power of God.

ysa.belle

  • Guest
Re: Rebellious Nephew
« Reply #3 on: December 16, 2011, 07:22:20 pm »
@ts, technically may lahing baliw ang pamilya ng father ng bata. kadugo padin niya ang mga yun at baka schizo (hopefully not) din ang nephew mo. pa-check up mo na.

jhandee

  • Guest
Re: Rebellious Nephew
« Reply #4 on: December 19, 2011, 08:48:39 am »
mga sis thanks po sa reply, I talked to him again last saturday and umiiyak sya sabi nya sakin kaya sya nagkakaganon dahil pag pinapagalitan sya lagi dinadamay ang daddy nya sa usapan, lagi sinasabi na baliw ang side ng father nya, kinausap ko parents ko sa phone kung bakit ganun sila, pero since matatanda na sila ayaw na tumanggap ng katwiran at paliwanag, yung youngest sister ko na lang ang kinausap ko na dapat hindi ganun ang approach sa nephew namin, dito sya magbabakasyon this xmas sakin, so maraming time na makausap ko sya, nanalo nga sya ng sa school nila na 1st runner up yung mister and miss na pageant nila, yung nanay ko imbes na i congratulate sinabihan pa na buti nanalo kahit matigas ang ulo, ako nasasaktan para sa nephew ko kasi ang bait nun ngayon nagkakakaganun na sya dahil na rin sa kasama nya sa house, yung ate ko din kasi hindi in good terms sa parents namin, siguro na impluwensyahan na din, lagi kasi sinisisi ng ate ko parents ko kung bakit di sila nagkatuluyan ng ex nya, pati sa nephew ko sinabi nya yun kaya pag nag aaway sila sa house namin yun ang naririnig na sumbat ng parents ko from my nephew, i am also looking for child psychiatrist, baka meron kayo sis kakilala na pwede nyo ako i refer thanks po

mariasans

  • Guest
Re: Rebellious Nephew
« Reply #5 on: December 19, 2011, 02:16:35 pm »
agree ako sis sa lahat ng mga ng comment din na much better if ipacheck mo nephew mo para matulungan din siya para din sakanya din yun.

dimplesgon

  • Guest
Re: Rebellious Nephew
« Reply #6 on: December 20, 2011, 04:59:39 pm »
Ummm. But I think you better ask the permission or go signal muna sa mommy nya before mo ipa-check up or something, syempre since yun ang nanay, dapat may consent sya para whatever happens or maging effect sa nephew - hindi ikaw ang masisisi in the end.

sabi ko nga sa previous post ko, IMO yung mommy nya ang mas dapat magdecide what to do - kasi nanay nya yun

jhandee

  • Guest
Re: Rebellious Nephew
« Reply #7 on: December 21, 2011, 08:22:52 am »
i appreciate all your suggestions mga sis, tonight dun na sya sa apartment ko,ang hirap lang pano ko i open sa mommy nya ayaw kasi nun na pag may nangyayari sa anak nya ang iniisip nya OA lang kami sa pagsasabi sa kanya,i am praying talaga na sana hindi sya maging bad boy at madaan pa sa paalala

chinkywinky

  • Guest
Re: Rebellious Nephew
« Reply #8 on: December 21, 2011, 11:39:23 pm »
sis lagi mong kausapin nephew mo, mukang sayo sya nakikinig. Give her the love and affection na hindi nya nakukuha sa iba. Mahalaga sa bata, may kinakatakutan at pinakapakinggan kahit isa. Wag mo syang pagalitan dahil tendency, lalo syang magrebelde.

May nephew akong nagrerebelde din pero ibang story. Galit sya sa father nya (na kapatid ko) kasi nambababae. Tapos yung mother nya nasa ibang bansa working for them. So technically, walang parents na nag aalaga sa kanya, lumaki sya sa nanay ko at mga kapatid ko. Napapagalitan sya lagi sa province kasi nga matigas ang ulo, pero takot sya sakin saka sa isang sis ko kasi maayos namin sya kinakausap, nakikinig naman saka puro "opo, hindi na mauulit" ang sagot pag ako ang kumakausap. Yun lang, pag luwas ko ng Manila, babalik na naman sa tigas ng ulo. Pero mahalaga, may takot pa rin sya.

jhandee

  • Guest
Re: Rebellious Nephew
« Reply #9 on: December 22, 2011, 08:57:42 am »
tama ka sis dapat talaga may kinatatakutan sya, hindi ko pinapagalitan, kagabi nga dun sya sa room ko natulog, hindi sya tumabi sa youngest sis ko,nag psp kami magdamag  :D, pero inu unti unti ko sya ng kausap tsaka isang sabi ko lang kumikilos sya agad

 

Latest Stories

Load More Stories
Close