Update:
- Nagpunta kami kanina sa Tagaytay, 7am nasa Nuvali na kami, nag breakfast sa Conti's tapos fish feeding lang at picture 2x.
- 9am dumating kami sa Residence Inn zoo, okay naman, super happy ang kids ko, lalo na doon sa Zipline nila, lahat kami nag go, at cable car.
- 11am kami dumating ng Hawaiian Bar-b-que sa The Boutique, hmm... masarap yung bulalo nila.. pero yung baby back ribs, hindi ko nagustuhan, parang ilado na yung baboy..
nakakainis.. pero yung fisherman's catch, masarap din. Mabait din yung staff so okay na rin, pero hindi na kami babalik.. Try na lang iba.
- 12:30 pm nagpunta kami sa Sky Ranch, tried the sky eye.. hmm, hindi worth it yung 150 pesos, tapos wala man lang
silang ride all ticket, hassle kung pila ka ng pila sa ticket booth. Maliit lang siya, at hindi pa tapos. Konti lang rides.
- 3pm nagpunta kaming picnic grove, picture 2x lang ulit.
- Tapos umuwi na kami, dumaan kaming Rowena's for buko pie at buko tarts, masarap pala in fairness... Nagustuhan ko siya
kasi hindi masyadong matamis.
Had fun at Nuvali and Tagaytay, thank you for this thread and to all contributors.

and nakita kong sikat na kainan na madaming tao:
1. leslie's
2. RSM
3. Bag of beans
siguro masarap? sa Hawaiian Bar be que kami lang kumakain hahaha.
@Purpleish - thank you so much sis sa directions mo, saktong sakto.. mwahmwah

-------
Little WARNING: Residence INN Zoo Zipline- Mga sis, share ko na din ang nangyari sa amin kahapon, wala naman akong issue sa safety ng zipline sa residence inn, naging safe naman kami at naging masaya naman.
- Naging problem lang namin, diba pagsasakay sa zipline, naka cable car ka pabalik, so siyempre, picture picture yun doon ng may photo booth sila, lahat siyempre gusto eh solo lang sila sa cable car.
- Nung turn na namin ng anak ko, yung sumunod sa amin na mag ina din, nakisabay na/isinabay na, kasi madaming tao, so dahil hindi ako bratinella hindi naman ako nag ala la greta doon na "get them out of my cable car"

, nagpaubaya na lang ako, thinking, okay lang naman picture lang naman yun na makakasama namin sila, no harm naman.
- Eto na, nung andun na sa photo booth, laking gulat ko yung asawa nung sumabay sa amin, siya pa mega reklamo doon sa photo booth, Lalaking tao ha, grabe mga sis, sobrang dakdak, as in ganito mga sinabi:
"bakit ka kasi pumayag na may sumabay sa inyo, tignan ninyo kasama ninyo sila sa picture"
" ang sagwa tignan mo, may picture kayo nila!!"
"nakita mo ka eng eng mo? Bakit ka kasi pumayag?

?"
- akala ko naman yung asawang babae eh aamin na sila lang ang nakisabay, aba ang lola mo, naglitanya na din na "sinabi ko naman sa kanila eh, ewan ko ba bakit isinabay sa amin". tapos sabi pa niya "ano ba? wala man lang ba kaming solo picture?"
---> kaloka mga sis, timping timpi ako kahapon at ayaw ko masira wedding anniv namin, pero sobra sila, ang dating pa pala eh kami ng anak ko nanira ng picture nila samantalang TURN namin yun, sila ang nakisabay, sila ang sumira ng picture namin na dapat eh solo naming mag ina!!. Nag iingay sila dun while nasa tabi lang nila kami, talking about respeto?
Naka sama pa pala na pumayag ako at hindi naging brat, kami pa lumabas na panira

sa susunod magiging brat na talaga ako

_kaya warning na lang mga sis, sa mga mag zipline doon, huwag na kayong papayag na may sumabay sa inyo, baka kayo pa din ang mapasama sa mga walang modo at pakikipag kapwa tao.
