watch now

Author Topic: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5  (Read 110724 times)

princessrio

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #460 on: January 02, 2012, 06:41:25 pm »
just came back. sinamahan ako ng papa ko sa Paco to look for cabinet. kaya lang, hindi ko talaga feel yung kahoy. bumagsak ako sa jolly plastic cabinet na 5 layers with locks, vanity mirror and picture frame.  ;D bought it for 1100 php.

kuliglig - wag paapekto sa ramgen-janelle. ganyan din ako non nung kay arroyo. as in bad trip to the highest level.

mommygwen - sarap naman ng pagsalubong sa bagong taon.

jp - ganyan din nararamdaman ko, pero i think nagmomove lang si baby kasi tumitigil din. pero ang pinakamasakit sa akin talaga eh yung right wrist ko. parang nadidislocate yung bone na ewan. di naman pwede magpa-xray. will wait na lang ako pag lumabas si baby. baka kasi because of the pregnancy pa rin ito e.

simplyshao - tetanus toxoid vaccine. for protection against tetanus.

jp_jameop

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #461 on: January 03, 2012, 08:55:56 am »
[jp - ganyan din nararamdaman ko, pero i think nagmomove lang si baby kasi tumitigil din. pero ang pinakamasakit sa akin talaga eh yung right wrist ko. parang nadidislocate yung bone na ewan. di naman pwede magpa-xray. will wait na lang ako pag lumabas si baby. baka kasi because of the pregnancy pa rin ito e.

sumasakit din ba balakang nyo? simula kasi kahapon naramdaman ko na sumasakit balakang ko.. normal ba yun? parang di na ako makawait ng sat at gusto ko na pacheck up...

good morning preggossss... naiyak naman ako sa story ni sis two zero.. sana lahat tayo safe sa pagdedeliver ni baby and sana full term tyo lahat...

ingat mommies... kinakausap ko nga si chai na konting tiis na lang at full term na... ayoko manganak ng pre-mature... ingat ingat mga sis...

icee_star

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #462 on: January 03, 2012, 09:52:34 am »
Hello mga sis, di pa rin ako nanganganak. Pero I'm in labor now. Nasa hospital na ako, iba na talaga panahon ngayon nakakapag internet pa ako. Samantalang nung una kong anak halos mabaliw ako sa sakit tapos wala ako magawa. :D :D bearable pa naman kaya nakukuha ko pa magpost.

Goodluck sa ating lahat at mamaya magkikita na kami ni baby. :)

anne_rein76

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #463 on: January 03, 2012, 05:04:11 pm »
Hello mga sis, di pa rin ako nanganganak. Pero I'm in labor now. Nasa hospital na ako, iba na talaga panahon ngayon nakakapag internet pa ako. Samantalang nung una kong anak halos mabaliw ako sa sakit tapos wala ako magawa. :D :D bearable pa naman kaya nakukuha ko pa magpost.

Goodluck sa ating lahat at mamaya magkikita na kami ni baby. :)
 

Buti ka pa sis icee_star sooner makikita mo na si baby mo.  Ako, just an update, I had a mucus plug this morning. Pero sticky white pa lang. Hay... akala ko sign na yun na any moment pwede ng lumabas si baby. Pero pwede pa lang hours,days or even weeks pa. Haaay... inip na akong makita si baby. Malapit na ang due date ko pero di pa lumalabas si baby. Baka maoverdue pa ako if nagkataon. Wag naman sana. Kasi ayoko sanang maCS.  :(

jp_jameop

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #464 on: January 03, 2012, 05:23:01 pm »
 

Buti ka pa sis icee_star sooner makikita mo na si baby mo.  Ako, just an update, I had a mucus plug this morning. Pero sticky white pa lang. Hay... akala ko sign na yun na any moment pwede ng lumabas si baby. Pero pwede pa lang hours,days or even weeks pa. Haaay... inip na akong makita si baby. Malapit na ang due date ko pero di pa lumalabas si baby. Baka maoverdue pa ako if nagkataon. Wag naman sana. Kasi ayoko sanang maCS.  :(

ang bilis ng panahon no sis? malapit na due mo.. pray and pray and kausapin mo si baby...

ako nga nakakramdam ng sakit ng balakang at di ako makatulog, di ako makakuha ng magandang puwesto tpos lagi pa naninigas ang tyan ko.. medyo masakit yung galaw ni baby...

bakit ang hirap magpost dito ngayon dahil sa DMCI na ito? kung d mo iqoqoute yung post di ka makakpost... attention MODS....

kuliglig^^

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #465 on: January 03, 2012, 05:35:39 pm »
Sis princessrio, hehe. Sinusubukan ko na lang wag magbasa ng news about sa kanila. Pero okay nako. :)

Sis anne_rein, talaga? Akala ko rin pag may mucus plug na, malapit na rin...

Sis jp_jameop, ako rin hirap na humanap ng magandang pwesto. Tigas na rin ng tummy ko. And yeah, I also have the same problem when it comes to posting. Sa Google Chrome lumalabas yung DMCI, pero pag IE gamit ko, hindi naman... Sana magawan na ng paraan ng mga moderators.. :)

Haallllaaaa... I just checked my weight last night.. 142 lbs na kami ni baby! Overall, 22 lbs na nagain ko since I got pregnant...tas 39in na tummy ko.... Eeeep, di ako sanay! Hahaha. Kaya pala parang ambigat bigat ko na talaga.  ;D

jp_jameop

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #466 on: January 03, 2012, 06:27:50 pm »
^hay sis IE ang gamit ko pero lumalabas pa rin yung DMCI...

naku sis paano pa kaya ako na 173 lbs? :( sobrang hirap ko kumilos.. asa 130lbs lang ako nun before mapreggy. pero di bale konting tiis na alng.. para kay baby! AJA!!!!

lawlib24

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #467 on: January 04, 2012, 10:33:02 am »
goodmorning! ako feeling ko madalas na rin sumakit tyan ko, pero naalala ko pa nung 1st baby ko, nung malapit na akong manganak, masakit na rin pati balakang. mukhang hindi na ako kami aabot ng february.

jp_jameop

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #468 on: January 04, 2012, 11:55:21 am »
^GANUN BA SIS? Naku wag naman, kasi 2 days na sumasakit balakang ko.. im praying na full term muna kami...

asan na mga sisses natin?

icee_star

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #469 on: January 04, 2012, 12:38:11 pm »
Hello mga sis, just gave birth to my 2nd daughter via NSD yesterday at 231 PM. Bilis lang ng labor salamat sa Diyos 5 hrs lang at hindi ganun kasakit siguro dahil na-anticipate ko na dahil dun sa una ko worst talaga. Induced labor pala ako kasi supposedly 30th ang due ko. Buti na lang talaga smooth ang naging paglabas ni baby.

lawlib24

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #470 on: January 04, 2012, 01:00:43 pm »
nag error kasi ngaun ang forums natin, exact ba [textspeak!] calculations mo sa LMP at ultrasound? ako kasi if based kami sa LMP, next week pwede na akong manganak, but sa ultrasound, january 31 pa kami 37 weeks, (full term).

lawlib24

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #471 on: January 04, 2012, 01:03:11 pm »
congrats icee_star, 2nd baby ko na rin to, sana smooth and less painful rin ako if dumating ang delivery time namin. :)

jp_jameop

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #472 on: January 04, 2012, 01:15:32 pm »
^oo nga sis.. ako tinatyaga ko na makapost. heheh di rin sis eh... if based sa LMP ko, next week full term na kmi pero sa jan 25 palang kmi 36 weeks. :)

sis icee- congrats! bilis ha? sana ganyan din ako kabilis. hehehhe

myles_away

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #473 on: January 05, 2012, 06:32:57 am »
Congrats mga sis! Pajoin po, im due on feb 14. Meron ba senyo who were diagnosed with gdm? I have yet to visit a dietician and was advised to monitor my blood sugar for a week tapos diet. Im on my 34th week. Thanks.

jp_jameop

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #474 on: January 05, 2012, 08:35:04 am »
^welcome dito sis.. :) feb din due date ko. :)

naku sis im praying na normal ang blood sugar test ko sa sat... im praying tlaga dahil di ako naging disiplinado sa diet ko.. sana normal pa rin sya... huhuhuhuh

asan na ba mga ibang sister natin? wala ako access sa fb kaya di ako makapost dun lagi...

iristacey

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #475 on: January 05, 2012, 09:28:19 am »
mahirap nga din magpost kasi nakakairita yung dmci. yun ang priority ng hover, imbes na reply.

ako din walang fb access sis jp. :) basa basa lang ako lately.

sa mga may kulang pang baby things, may sale sa megamall:

http://megatrade.com.ph/megatradehall/?p=1849&m=01&y=2012]SM%20Baby%20Co.%20Grand%20Baby%20Fair

jp_jameop

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #476 on: January 05, 2012, 09:37:36 am »
^sis may technique ako natuklasan, heheh sa gilid ng box mo iclick para makareply ka. :) heheh

waaahhh bkit sa megamall lang ba yan? feeling ko toiletries and bottles na lang kulang ko.. kasi yung mga crib and stroller pwede naman bilhin yun paglabas ni baby. :) complete ko muna yung basic necessities para maready na yung hospital bag. :) lapit na tyo sis. :)

iristacey

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #477 on: January 05, 2012, 10:25:47 am »
^ayaw gumana sa akin yun sis. kelangan di pa totally nagloload yung background image ng dmci para ma-click ko yung reply button. :)

ako din mostly toiletries na lang kulang. may mangilan ngilan na parang gusto ko pero nagdadalawang isip ako kasi baka hindi naman magamit. :)

jp_jameop

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #478 on: January 05, 2012, 11:33:39 am »
^hahahha ako din, naghihinayang.. gusto ko bumili ng frog suit. heheh gusto ko visit hello baby pero malayo daw lalakarin, parang di ko na kaya. hehhehe

den.nica

  • Guest
Re: Baby Due in January, February, & March 2012 - Part 5
« Reply #479 on: January 05, 2012, 11:40:23 am »
congrats sa mga nakapanganak na! :D

sisses nag aayos na ba kayo ng SSS and philhealth?

inaayos ko na kase yung sakin. hanggang next week na lang ako sa office then mag work from home na hanggang manganak then dun pa lang start ng ML ko :D

binigyan ako ng HR ng CF1 and then baka next week yung MDR. Yun lang ba yung mga need? may nasaba ako na need ng CF2 kasama ng CF1. pano yung processing ng philhealth pag in-admit ka na? para masabihan ko si hubby ano gagawin pagdinala na ako sa hospital. Feb 6 to 23 due ko.

thanks!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close