we went to Bacolod last Feb 15-17...

DIY lang kami ni bro.
we arrived around 5:30am from PAL flight. nag-diretso sa GoHotels para iwan ang gamit. dahil maaga pa nagbreakfast kami sa 24hrs Jollibee branch sa tabi ng Carmelite Monastery. Take note, naka-3 church kami within that day

hindi nakakaligaw sa city, iisa lang ang daan at sasakyan Bata-Libertad. Kung alin ang Bata at Libertad...yun ang di na namin nalaman

haha...
anyway, we rested sa mga bench sa Lagoon around 7-8am then naglakad na sa may Negros museum but around 10 pa yung open so nagtuloy kami sa San Sebastian church. dahil sa antok, sa church kami nakapikit ng mata

paglabas namin sa public plaza tinamad na kami bumalik sa museum, nagdiretso kami ng Silay. another church din then sa Balay Negrense na. parang hindi city ang Silay kasi wala masyado mga buildings.

Nag-lunch kami sa El Ideal at nag-uwi ng pasalubong.

Tinamad na kami lumabas pagkagaling sa Silay kaya nag-order na lang si bro sa Cafe Bobs at Starbucks. natutuwa nga si bro kasi nakarinig rin siya sa wakas ng nagtagalog sa SB staff lang

anyway, Cafe Bob's lasagna is ok basta wag mamadaliin ang pagkain kasi nakakaumay agad.

kinabukasan, we went to Mambukal resort

naalala ko yung hot springs sa Ardent ng Camiguin. Maliit lang yung dip pool at halos foreigners ang mga kasabay namin. konti lang kami kaya hindi crowded. after Mambukal, we went back to Bacolod para sa late lunch sa Manokan country. Bago bumalik ng hotel, we passed by sa Bongbongs at Negros showroom para sa souvenirs at pasalubong.

Around 5pm, nagpunta kami sa Ruins.

masarap yung carbonarra nila. hindi na kami nag-dinner ni bro pero bumili kami ng mudpie sa Calea at Felicia sa may Robinsons. yung mudpie w/ white capuccino ng Calea para lang siya tartufo ng Candy's sa CDO

meanwhile yung sa Felicia...umabot pa ng Manila bago ko nakain.

ang pinakanagustuhan daw ni bro sa trip namin na ito eh ang PAL flight. may overhead tv at sounds sa upuan (first time kasi!) haha...

oooppsss....mahaba pala...sorry
