watch now

Author Topic: Canada Family Class Visa: Timelines and Stories  (Read 45599 times)

shairabum

  • Guest
Re: Canada Family Class Visa: Timelines and Stories
« Reply #120 on: February 03, 2014, 08:44:48 pm »
^thanks sis.paano mo siya pinapick up sis?nag email ba sa iyo embassy na ok na passport u?we've been waiting pa din kasi for the passport mag three months na din kasi.thanks for the reply.

sarsingkit

  • Guest
Re: Canada Family Class Visa: Timelines and Stories
« Reply #121 on: February 04, 2014, 02:55:26 am »
^may update sis sa ECAS. ang lumabas na status sakin is "decision made" so ayun sinabihan ko na yung dhl guy na kuhanin the following day. ako din around 3-4 months ang waiting time from submission of passport to delivery. so normal lang yung sayo sis. sa cic kasi, as of today, 14 mos ang nakaindicate na waiting time sa manila office. although bihira naman ang umaabot sa processing times na indicated sa cic. once lumagpas ka dyan, you can follow up.

test of patience talaga sis and approval ng visa. if you think you submitted everything naman and filled out your application acording to instructions, then there is nothing much that you can do anymore. It is beyond your control na, so wait na lang ang pray.

iska-hazel

  • Guest
Re: Canada Family Class Visa: Timelines and Stories
« Reply #122 on: February 04, 2014, 06:52:11 am »
hello!

we paid for evp consultancy's services back in 2012 so they could help us with our application to CA, kaso d na kami tumuloy kasi bigla akong nagbuntis hehe (thankful na rin kasi 7 years age gap hehe)

I am not sure kung ppuwede pa si hubby as currently he's in saudi arabia working as rn. siya kasi ang magiging primary applicant originally sa FSW program nun. is it better ba kung dun sya maglodge ng application online sa MPNP or dito na lang sa pinas?

target namin MPNP tho friend ko at kamaganak ang magsponsor, ganun din ba ang procedure? gusto kasi ni hubby sabay sabay kami but problem is iipunin ko pa mga docs namin including our 5 month old baby's records pala

IamDindin

  • Guest
Re: Canada Family Class Visa: Timelines and Stories
« Reply #123 on: February 04, 2014, 11:18:35 am »
Question lang mga sis, yun bang IELTS result and nomination ipapadala yung original sa CIC? Medyo nalilito lang ako, kasi based on their checklist copy lang daw. Based naman dun sa instruction nung na receive ko yung nomination, original daw ang ipapadala. :-|  TIA :)

shairabum

  • Guest
Re: Canada Family Class Visa: Timelines and Stories
« Reply #124 on: February 04, 2014, 05:02:26 pm »
^^thanks a lot sis sarsingkit.hope dumating na din ang passport.thanks again

sarsingkit

  • Guest
Re: Canada Family Class Visa: Timelines and Stories
« Reply #125 on: February 05, 2014, 05:40:44 am »
^no problem sis. Just keep your cool all the time. habang naghihitay ka, i-enjoy mo na yung mga meron dyan sa pinas na wala sa canada, like mga pinoy food, your family and friends, etc.

meron kasi ako nakilala sa forum ng canadavisa, naghiwalay sila mag asawa while on the process. so ni-retract nung nasa canada yung sponsorship. nakakalungkot na may mga ganun, maybe because the pressure is just too much for them to handle.

hintay ako ng hintay noon, tapos nung dumating parang bigla akong nalungkot. i realized all the things, places and people that i will be leaving behind. tapos nung nagpapack ako, parang "eto na yung 28 years of my life nasa 2 luggage lang" hehe. Aug 30 pa ang last day ko tapos Sept 7, flight ko na. Parang ang bilis ng mga pangyayari.

sorry napahaba, nakatuwa lang magreminisce.

Lexi

  • Guest
Re: Canada Family Class Visa: Timelines and Stories
« Reply #126 on: April 02, 2015, 07:31:57 pm »
hello mga sis. patulong naman po. nagstart na po ako mag fill up ng application for spouse visa. my husband is canadian citizen and i'm filipina. yung sa mga document na proof of relationship. kailangan po ba na original na mga greeting cards ang ipapadala? pwede po ba na scan copy ng mga greeting cards?

tsaka po yung medical kailangan na ba kumuha or hihintayin muna advise ng embassy?
Yung NBI clearance kailangan pa ba ipa-red rebond sa DFA?

Patulong naman po tsaka pahingi na rin ng advise.

Thank you po :

sarsingkit

  • Guest
Re: Canada Family Class Visa: Timelines and Stories
« Reply #127 on: April 02, 2015, 11:09:38 pm »
^Hi sis! Lahat dapat original, isosoli din naman yun. Pati mga documents na yung asawa ko ang nagsubmit from Canada, sa akin din sa Pinas sinoli. Lahat ng pwede na proof na pwede mo isubmit, isubmit mo na. Yung sakin kasi, nag email pa yung CIC nanghihingi ng additional proof of communication namin. So nagsubmit pa ako emails, chats at kunag ano ano pa.

Yung medical, and suggestion ko sayo is magpamedical ka na para maisama mo na ang medical application mo para tuloy-tuloy na ang application. Kesa hintayin mo pa ang CIC na irequest ka para magpamedical.

Yung NBI clearance, hindi ko na pina red bond sa DFA.


Lexi

  • Guest
Re: Canada Family Class Visa: Timelines and Stories
« Reply #128 on: April 03, 2015, 03:40:21 am »
pwede ba lagyan ng staple wire per form. or naka-paperclip lang?

tsaka paano po ba process ng medical. sa st. lukes po ba ang medical? tsaka how much po yung magpamedical?

thank po sa pagsagot. :)
« Last Edit: April 03, 2015, 03:55:34 am by Lexi »

sarsingkit

  • Guest
Re: Canada Family Class Visa: Timelines and Stories
« Reply #129 on: April 03, 2015, 12:37:29 pm »
Eto sis yung fees sa St Lukes Extension

http://www.slec.ph/canada-visa-applicants.shtml#medical-fees

Pwede sis ipaper clip. Eto example ng pag organize. Actually "batchmate" ko sya sa spouse visa. She is super organized kaya magandang example. Hindi ka naman dapat ganito ka but good to follow mga steps and tips nya.

http://www.canadavisa.com/canada-immigration-discussion-board/how-i-organized-our-applcation-and-a-summary-of-all-helpful-tips-i-have-learned-t92449.0.html

Lexi

  • Guest
Re: Canada Family Class Visa: Timelines and Stories
« Reply #130 on: April 03, 2015, 03:13:21 pm »
Thank you so much sis. Very helpful po sakin ito! :)

lyn cheema

  • Guest
Re: Canada Family Class Visa: Timelines and Stories
« Reply #131 on: April 28, 2015, 11:52:03 am »
hindi ko alam kung tama bang dito ako mag post ng story .. ;D
sorry po.. pero paki basa nalang po

si BIL 1-  na petition sa canada with his son, umalis sila sept. 2014.

si MIL ang lakas ng press released sa province na susunod na kami, kukunin kami ni BIL tutulungan kami.. pati sila  hipag (sis of BIL) and BIL 2 ( brother of BIL) ganun din ang press released.. together with their own family kasi " ANDUN NA C KUYA "

 well maganda naman talaga kung mag katotoo sino bang ayaw pumunta ng canada? madami daw trabaho dun, maganda education benefits ng mga bata

pero naiisip ko panong mangyayari yun? or panong magiging madali? panong magiging process? bakit parang easy pissy ang lipad ng mga to dahil ba " ANDUN NA C KUYA? ", BAHALA NA C KUYA? MAY USAPAN NA KAMI NI KUYA?

1st--- napunta doon si BIL 1 tru the effort of his wife. (documents, money, & even plane ticket) hindi ko kayang specify pero it's his wife effort lahat... kadadarating lang dun ni BIL pano kami na ang next?

2nd--- si wifey nag established ng sarili nya dun from home care giver, part time job sa kung saan saan, then nag study cya, tas nag apply, kung [textspeak!]-ano inantay nyang document pero yung pinaka inantay nya Yung permanent residency... ilang taon cyang nag tiis dun, ilang taon cyang nag process ng docs, ilang taon cyang nag aral. Bakit sa mga INLAWS KO madali lang, guarantee ba na pag andun na yung isang family member makakarating ka na dun?

3rd. kung tama ang intindi ko if family sponsorship kelangan  spouse, common law partner, son/ daughter, parents ---- saan kami mga in-laws lang kami?  :-\

ewan kung alam ni wifey yung pangarap ng buong clan ni hubby nya sumunod ASAP sa kanila
sabi GAWAN NG PARAAN NI KUYA PARA MAGING MADALI..

sorry po sana ma intindihan nyo po kung ano meaning ng reply ko... PERO THRU READING LANG PO KO NG CANADIAN WEBSITE ALAM KO HINDI GANUN KADALI. PERO SINCE KAYO PO YUNG MAY EXPERIENCE POSSIBLE PO BA?



ri-anne

  • Guest
Re: Canada Family Class Visa: Timelines and Stories
« Reply #132 on: April 28, 2015, 02:26:56 pm »
Saang province si BIL?  If sa Manitoba kasi there is Manitoba Provincial Nominee Program na kapag family or kamag-anak pwede ata.. I just don't know kung ganun lang kadali.

sarsingkit

  • Guest
Re: Canada Family Class Visa: Timelines and Stories
« Reply #133 on: April 28, 2015, 11:41:35 pm »
Tama ka, Family Sponsorship is for Spose/Common Law, dependent children and parents.

Kung Manitoba, may Provicial Nominee Program kasi. In terms of eligibility, PWEDE kayo kasi may friend or relative kayo sa Manitoba. May edge kayo sa points system but there is more to it. Ang tagal na din ng processing ng MPNP. Nag sponsor kami ng pinsan, early last year, hanggang nayon wala pa din progress. May parang file number lang sila.

Paano ba idedefine ang salitang madali? mag aasikaso pa din naman ng papers, may English requirements pa, proof of funds, etc.

Pero kung in terms of possibility, pwede naman, maraming paraan pero yun nga lang hindi madali iyon.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Canada Family Class Visa: Timelines and Stories
« Reply #134 on: May 01, 2015, 02:41:54 pm »
Hello mga sisses anyone here na canadian ang asawa? Mas madali ba ang processing ng spousal sponsorship. Lalo na kung sa Pinas kinasal? Sana may makasagot. Parang konti lang kasi na taga gt na foreigner ang asawa. Anyway TIA.

sarsingkit

  • Guest
Re: Canada Family Class Visa: Timelines and Stories
« Reply #135 on: May 01, 2015, 11:24:29 pm »
Being Canadian does not have an edge at all. Any Permament Resident and Canadian Citizen can sponsor his/her spouse/common law partner as long as pasok sa eligibility. Pareho lang naman din ang requirements and processing time so hindi necessary na mas mabilis pag Canadian ang asawa. Yung sa Pilipinas kinasal, halos lahat naman sa Pilipinas kinasal if applying at Manila Visa Office. Actually, irerequire ka of Marriage Contract and Cenomar so dapat talaga na may papers kayo from the NSO.


Shadow Angel

  • Guest
Re: Canada Family Class Visa: Timelines and Stories
« Reply #136 on: May 02, 2015, 05:48:38 pm »
Nakadepende ba eto sa tagal ng kasal o bf/gf ng mag asawa?

sarsingkit

  • Guest
Re: Canada Family Class Visa: Timelines and Stories
« Reply #137 on: May 03, 2015, 02:55:49 am »
^i think it helps pero hindi rin kasi masabi talaga kung ano ang basis eh. Basta submit all evidences of the relationship na meron ka.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Canada Family Class Visa: Timelines and Stories
« Reply #138 on: May 03, 2015, 03:46:00 am »
^thanks sis. sabi ko nga dito na lang kami sa ngayon ayaw muna nya in due time kapag stable na kami
« Last Edit: May 04, 2015, 07:26:53 pm by Shadow Angel »

sarsingkit

  • Guest
Re: Canada Family Class Visa: Timelines and Stories
« Reply #139 on: May 04, 2015, 02:58:25 am »
Saan kayo currently nakareside sis? Kasi wala naman income requirement if mag sponsor ng spouse.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close