thanks girls. ok na ko. naglabasan na kami ng sama ng loob. minus mr muscle, dahil wala siya kagabi. sayang, kaya si sil e naka simulcast kay mr muscle. report agad! :-D
sabi nga nila, ako ay pinagtibay na din ng panahon. sa tagal ba naman...
lennie, totoo yung sinabi ni kaye, pag may asawa ka na, hindi ka agad agad makakapagsumbong sa nanay mo o tatay mo. yung feeling na baka mapahiya ako o baka mapahiya ang asawa ko, yun ang iiral e. parang matatakot ka sa sumbat na, o yan kasi nag asawa ka, tiisin mo.
siguro kung walang anak, makakayanan pa ang ldr. pero kung kagaya namin na may mga anak na, isinusumpa namin ang ldr. masakit para sa mag asawa ang magkalayo. lalong mas masakit yung nangungulila sa daddy ang mga anak mo. yung feeling na uuwi siya at magbabakasyon para makasama kami, yun na ang pinakamasayang nangyayari sa buhay namin. yung pag alis niya dahil tapos na ang bakasyon niya sa pinas, parang gusto mo ng mamatay. makikita mo yung mga anak mong nag iiyakan sa airport. hindi ba madudurog ang puso mo o ng kahit sino mang makakita. mahirap.
ivy, siguro bumabawi si mil sakin. alam ko, hindi sila magkasundo nung parents ni f i l, hanggang ngayon. it's either pinapakialaman din sila nun, or siya talaga ang malditang manugang. kasi sa nakikita ko sa parents ni f i l, kahit kay f i l nalang, mukang hindi sila ang tipong nakikialam. instead, si mil ang feeling ko na galit talaga sa kanila.
bigyan kita ng example ha. nasa baguio kami nun, biglang tumawag yung daddy ni f i l, dahil na sa icu ang mommy ni f i l. sabi ni f i l, "daan muna tayo ng la union bago umuwi". siyempre worried, nanay niya yun e. anong sinabi ni mil? "ano ka ba naman! gusto ko ng umuwi! kung dadaan pa dun, magbabus nalang ako pauwi!" sa madaling salita, umuwi kami lahat sa angeles ng hindi nabisita ang nanay ni f i l. life & death situation, sakim pa rin siya.