mommy, kaya nga, alam naman niya yung feeling tapos gagawin pa niya sakin. kung isumpa niya yung parents ni f i l. ay akala niya ata e bingi si f i l. kahit nakaharap e kung anoanong sinasabi ni mil. kahit sino ang kaharap.
ako naman, may nasasabi din ako kay jay tungkol kay mil at kay sil, na pakialamera sila. totoo naman e. alam ko masakit sa kanya yun pero dapat ko sabihin sa kanya dahil kung hindi ako magsasalita, e pagtutulungan talaga ako ng dalawang bruha.
naikwento ko ba sa inyo yung nangyari samin nun ni sil. may pasalubong sila f i l at mil sakin nung nag saudi sila, 2 gold bangle. siyempre meron din sila sil, mga year2000 pa siguro yun. nung 2006, hinihiram ni sil yung sakin kasi kinukuha daw ni mil yung sa kanya e hindi na niya mahanap (tignan niyo magdahilan, burara pa din, alahas yun e). kailangan daw ng pera (jusko, sa laki ng sweldo ni f i l, nauubusan pa din ng pera? kashashopping nilang mag ina). alam ko, kasi ako taga widraw nila nun sa bank, kabago bago ko palang e ginawa na ko utusan noh? kapal talaga. ako pa taga bayad ng bills nun. pero si sil hindi mautusan, makakera lamung adwa. ang tamad na sil, pag sa kanya pala inuutos, pinapasa sakin, kesyo hindi siya makakadaan, etc. akala niya diko alam yun. tapos ang sasabihin niya kay mil, nabayaran na niya.
mahilig kasi sila magsangla ng alahas. tapos interest lang binabayaran. alam ko ulit, dahil ako din ang nagpupunta sa pawnshop buwan buwan. gusto pamo ni mil e sa malayo ako magpark dahil baka daw makilala sasakyan, nakakahiya. ahaha. pati nga mga alahas ko e hinihiram sakin ni mil nun, para nga naman hindi yung alahas niya ang nasa pawnshop, mautak talaga. nagpalusot nalang ako na pag umuuwi ako samin gusto ng lola ko suot ko mga yun. sabi sakin, ah ganun ba. (nuko! :-) )
o eto na yung kadugtong ng kwento ko, nung tinext sakin ni sil yun pinakita ko muna kay jay, gusto ko kasi alam ni jay lahat.
text ni sil (march2006, tinandaan ko talaga): joyce, pwede pahiram muna ng gold bangle mo, yung kamuka ng sakin. hinihiram kasi ni mommy yung sakin e hindi ko mahanap. hindi pa ako nakabili ng kamuka. para hindi nalang sumakit ulo niya. tutubusin ko din next month. thanks. (alam niyo ang totoo, naisangla na din niya yung sa kanya at naremata, nakita kaya namin pakalat kalat yung resibo niya. hehe)
sabi ni jay, "sige pahiramin mo ng isa."
nagreply ako, "sige pahiram ko sayo yung isa".
nagtext ulit: "diba dalawa yun?" (ay gusto pa dalawa?

demanding. haha)
sabi ni jay, "sabihin mo isa lang, nawawala din kamo yung isa"
nagreply ako, "nawala din yung isa e."
edi ok na, naibigay ko na sa kanya, kunwari walang nangyari. dumating ang april, naghihintay ako, walang naibalik sakin. pero nagrerenew pa din sa pawnshop. hanggang sa nakalimutan ko na.
eto na po, AUGUST2007, buntis na ko kay jade dyan. sila mil at jing, nasa kwarto nila sil. kwentuhan sila. e kung bakit naman ang naging topic e alahas.
pumasok si jing sa kwarto, "mommy, patingin daw ng bangle mo yung binigay ni mama".
sabi ko this is it, hehe. "sabihin mo kay mama, nasa kanya na. kasama dun sa sinangla nila nun". haha.
mayamaya si mil na kumakatok sa kwarto.
mil: anak anong bangle yung kinuha ko? may kinuha ba ako sayo?
me: si sil po, kinuha niya yung sakin nun dahil isasangla niyo daw.
mil (buntung hininga na may kasamang kunot at panlalaki ng mata): "mekeni na "SIL"!!!!
sil: nanu?
mil:kingwa me kanu ing bangle ng joyce?
sil: ali ku.
me: uy, diba hiniram mo sakin yun nun, sabi mo isasangla ni mommy dahil nawawala yung sayo. (buking)
sil: oy kelan yan. wala akong hinihiram sayo ha!
me: wag mo nga ako gawing sinungaling, alam ni jay yan. sabi mo pa tutubusin mo din after 1 month pero wala ka naman binalik sakin.
mil: nanung tutu!!! (with boses na gigil, manampaling ne kanyan yan, mulayi tana hehe)
jay: peparam ng joyce itang kaya dahil ala yang abye keka ing nimal (SIL). peburen neng maremata ing kaya, sinangla ne. ikit mi ya itang resibo na. ayne itang kapares ng bangle ng joyce. metung mu ing peparam ku.
walkout queen si sil. tinuki pu i mil, guligulisakan la keng kwartu. haha. metampaling ya ampo gunut.
pero alam naman nating lahat na palabas lang nilang mag ina yun. sasaktan ba niya ang favorite niya?
nung araw din na yun, pinatubos yung bangle ko at binalik sakin. to the rescue po si mr muscle dahil super sumbong daw si sil sa phone. balamu naman me api i sil. sabi pa daw ni mr muscle sa tita ni jay, galit daw siya samin dahil bakit daw ginanun namin si sil. bolang ya neh! ako pang gagawin niyang sinungaling, siya na nga ginawan ng pabor. ayan nabuking pa tuloy siya.
kaya hindi ko makalimutan yung nangyari na yan samin e. siya pa may ganang magalit.