eto na!
kahapon kasi, umaga palang pinainom ko na ng gamot sa sipon si jade kasi tulo ng tulo sipon. ginaya na nga yung style ko na nagshoot ng tissue sa loob ng ilong e. nagsawa kasi siya kakapunas.
as usual, hindi ko feel maglabas pasok ng kwarto kahapon dahil kumpleto ang pamilya. andun si mil, si sil at si mr muscle.
oh, well! lunch time, kumuha ako ng pagkain namin ni jade, pagpasok ko ng kusina, tambak ang pinagkainan nila, sino kaya ang magmamagandang loob na maghugas ng mga yun? abangan... :-)
pagkatapos namin kumain, diretso ako sa kusina, hinugasan ko mga pinagkainan namin ni jay jade. naabutan ako ni mil.
mil: ay anak wag mo na hugasan yan, ako nalang mamaya.
me: (as if naman haha, kadami kaya nun) ah e yung pinagkainan lang po namin ni jade to.
mil: gang pa...
me: ako nalang po (baka idagdag mo pa sa utang na loob namin sayo yan, hehe).
at dahil sabi niya siya maghuhugas nun, hindi ko hinugasan kahit alam kong pinagmamasdan niya ginagawa ko. len kumu nung e megbusit. ayta na po, kulang namo sulapo deng pinggan ampo kutsara tinidor. keber. ayaw pala niya natatambakan ng hugasin, ayaw din naman niyang pagsabihan yung mga favorite niya.
pagdating ng hapon, bukas na ang pinto ng kwarto namin dahil dumating na si jay at jing. ito namang si jade dahil sa sinisipon nga, gumawa ng sumpong. parang naglilihi, nagpapahanap pilit ng paperbag na pink. e wala akong maibigay.
dito na po umepal si sil.
sil: lika, bili kayo ni "mr muscle" sa baba.
sabi ko naman,
me: wag mo na pasasamahin sa baba yan at sinisipon.
jay: a sinisipon ka pala jade e, dito ka nalang.
pumasok lang ako sandali sa banyo, nakasingit nanaman ang epal. nadidinig ko, sige bili kayo ni "mr muscle". (kahit nadinig naman niya yung sinabi ko na hindi pwede bumaba si jade)
edi ako naman habang nasa loob ng banyo, nanggigigil na sa bwisit dahil sa nadidinig ko. sumigaw ako,
me: hon, wag mo na pabababain yan ha! jade, wag matigas ulo mo.
nako edi inartehan sila ni jade ng iyak. (pero kung andun ako, hindi aarte yan)
paglabas ko ng banyo palabas na din ng pinto si mr muscle at jade, hinabol ko nga. isasara na sana ni sil, hinarang ko nga pinto.
me: e diba sabi ko wag ka na sasama?
mr muscle na makapal ang muka: pinayagan siya ng daddy niya! (exclamation point??? kapal mo, loko!)
me: ay ba! kayo ba magpupuyat dyan pag hindi nakatulog sa sipon niya? kayo ba nanay?
sa bwisit ko pinagbagsakan ko nga ng pinto mga alte! pati tuloy si jade napagbusitan ko. pati si jay.
lintik na mga yun, hindi talaga ako tatantanan. sinabi ko nga kay jay, sa lahat ng ayoko, yung pinakekealaman ako sa mga anak ko. gustong gusto ko sabihin kay sil na mag anak na nga sila ni mr muscle para hindi sila nakikialam sa pagpapalaki ko sa mga bata, but still, hindi ko pa rin masabi dahil alam ko masakit yun.
kaya ayan, umpisa nanaman ng world war.