ysa, nakakamiss yung 3day sale ng sm, tapos wala naman ako halos mabili. hehe. gusto ko lang nasa loob ng sm.
mommy, oo nga, kakadodo daw masisira talaga yung ngipin. anyway, masisira at masisira din naman kasi yan kahit anong ingat. hehe. si jing din nun e parang shark. ang tutulis ng pangil, parang lagare din yung taas. itong si jade ganun din.
kapilan la muli pilipinas? May?
hay nako, alamo ba mommy, nagsearch ako ng courier ng balikbayan box sa internet. sabi nila LBC hanapin ko. edi kinuha ko lahat ng number ng LBC na nakita ko, iisa naman kasi yung address. ang tinawagan ko yung may 04, hindi yung toll free. binigyan ako ng schedule para sa pickup ng box kasi may nakaready na ako ng box.
nung pipickup-in na nung april9 tawag ng tawag yung driver kasi hindi alam puntahan yung address ko. binigay ko ulit yung directions tapos sabi ko, aabangan ko sila, LBC naman kako yung service nila kaya makikita ko agad. sabay sabi, "ay hindi kami LBC, smart cargo kami. naku, nabigla ako. sabi ko sige na tumawag nalang siya ulit.
pagbaba ko sa phone tinawagan ko nga agad yung office, tinanong ko kung LBC sila. sabi smart cargo daw sila. e bakit sa internet LBC mabuhay ang name ng company niyo, dun ko nakuha contact number niyo. sabi ba naman sakin e, dati daw silang LBC mabuhay, ngayon daw smart cargo na.
ay nako, pina cancel ko nga agad kahit on the way na yung driver dito sa bahay at baka kung san pa makarating yung box ko. diba ang daming nababalita na ganyan dito satin. kahit sa MAKATI express daw sabi nung kaibigan ko, binuksan daw yung box nila. e buti puro pagkain lang yun. diba nagpadala ka na din sa MAKATI?
kaya ayun, tawa ng tawa si jay kasi pati siya tinatawagan nung driver dahil hindi ko maexplain ng mabuti yung directions. nagkaligaw ligaw pa daw yung driver tapos pinacancel ko nung malapit na. haha. e sabi ko nga, akala ko LBC sila dahil yun ang nakalagay sa internet. ginamit lang pala yung name ng LBC.
eto na, tinawagan ko yung totoong LBC dun sa toll free. april9 yan pagkacancel ko dun sa isa. kinuha na details ko, name address number, size ng box, san delivery. binigyan ako ng schedule ng pickup, wednesday daw april11.
april 11 ng hapon tawag ulit ako sa hotline ng LBC, wait ko lang daw call ng driver until 11pm naman daw kasi yung pickup. aysus, napuyat ako walang tumawag at dumating.
thursday april 12, nag followup ako. sabi ko naka schedule ako e wala naman dumating. tinanong nanaman details ko kasi wala naman daw sa system nila. hinanap yung booking id e wala naman kako binigay sakin. basta ang sabi lang e wednesday pickup at hintayin ko nalang tawag. edi no choice, binigyan nanaman ako ng schedule. april15 daw.
april 15, nagconfirm ako sa LBC kung talagang naka schedule ako. oo daw, wait ko daw until 11pm. 10pm na wala pa din tumatawag. tawag nanaman ako. sabi nakaschedule daw ako ng pickup until 9pm. e anong oras naba kako? pakihintay nalang daw. madaling araw nagising ako wala man lang missed call.josko kasakit!
kaninang umaga tumawag ako, nagreklamo ko, nagsend na daw sila ng report. wait ko nalang daw kung may tatawag sakin today kung mapipickup ngayon. pero hindi daw 100% sure yan kaya ni reschedule nanaman daw nila ako sa friday april20. sure naba kako yan? kasi ang tagal ng nakaready ng box ko, bigay sila ng bigay ng schedule na wala naman pumupunta. sayang yung mga araw na lumipas. kundi lang may importanteng laman yung box ipapadala ko na yun kahit sa ibang courier e. kaya lang ang mahal kasi nung baby carseat na pinabili ng kuya ko. ferrari na carseat tsaka mga diaper bag at cariier bag na ferrari din. kaya takot din ako. first time ko pa naman magpapadala. e LBC na daw kasi pinakamabilis, 30days. sa iba kasi 40-60days.
mabilis nga sila magdeliver, pahirapan naman pag pickup. parang nag 60 days din ako. kainis talaga. ipopost ko ulit dito ang susunod na kabanata.