^mommy, ganyan din sila jay, f i l at papsy (dad ko), isama mo pa ang mga tito, nagpaparinig palagi kay jing na kapag may nakita daw silang lalaki na lumapit kay jing, puputulan daw nila ng leeg, o kaya daw bubugbugin din nila yung boy. hehe.
ang sabi ko kay jing, okay lang ang crush pero wag muna bf. tignan mo naman ang isip. baby pa din. may nakita kasi akong "dec14, im excited!" nakalagay sa notebook niya. ano ba kako yun, christmas party? hindi daw, dun daw siya liligawan nung crush niya. nakpating! may date pa ang ligaw. haha! akala ko naman e dec14 sasagutin niya yung crush niya. nako kako, hindi muna pwede ang ligaw. crush lang ang pwede. sabihin mo kako sa crush mo kung gusto talaga niya manligaw, pumunta siya dito sa bahay. haha! baka magdodoorbell palang yun, nasakal na yung boy. hehe.
sige mommy, sabihin ko kay jay puntahan ka namin before or after christmas. basta ngayong december. :-)
^ate joyz, pilan ne ba itang dalaga mu? mas matanda ba kay jing? naku sana e mas mautak sakin si jing. hehe. yung mommy ko kasi 15yo nag asawa, ako naman 17, yung sumunod sakin na babae 18. sana si jing mag enjoy muna sa pagkadalaga niya, kahit mga 25yo pwede na siya mag asawa. hehe.
haha! totoo yan, natatakot tayo sa gawa natin (isasali ko kayo ha hehe). kami kasi nung bata pa, sa sobrang higpit samin nun, talagang nagsisinungaling pa kami para lang makalabas pag saturday. kunwari may project o practice, para lang makalibot sa mall. kaya ngayon si jing pag nagpapaalam na may practice o project iba naiisip ko. hehe. pero hindi, kung ano naman yung pinagpaalam niya, yun naman talaga ginagawa. sinasabi naman kung maglilibot sila sa mall, pinapayagan naman at sinusundo ng daddy na kunsintidor. :-) baka sa susunod na paalam nun e, "mommy may date kami ng crush ko". haha! honest kung honest!
naku todo bantay din samin nun si kuya sa school. 1yr older siya samin. kaya nung nag college siya, 4th year ako, 3rd year yung isang sis ko, haha! dun kami nakakilos ng maayos kasi sa baguio siya nag college. :-) pero kahit ganun, school-bahay pa rin kami kasi naka service kami nun. takas pa rin pag saturday. hehe. si jay nga nakilala lang nila nung buntis na ako. sinugod kami ni daddy sa baguio nun, ako naman nagtago. e natuntun pa din ako. pinuntahan namin si jay, akala ko babarilin na si jay e. hehe. ayun, dun na nakipag deal or no deal si jay kay daddy. hehe.