We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
Naku ganyan din ako, kasi although may maternity assistance, reinbursement naman yun. So kailangan ko pa din maghanap.. wala ding work hubby ko, sole breadwinner ako, pang 6th baby ko na to.. hehe. Natatakot nga ako kasi nagha Highblood na ako, baka magkaroon complication, sa 5th ko sa fabella ako nanganak, yoko na bumalik dun. Last week ng march ang due ko...
^pagtyagaan mo na ang pagpila sis sa CGH, atleast laking ginhawa din sa bulsa if ever. ako dati CS binudgetan ako ng Lourdes Hosp ng 60k eh kaya umuwi kami dito sa province. Bataan Provincial Hospital ako nanganak, nasa 10k lang inabot tapos may nakuha pa husband ko about 5k sa philhealth wala kasi ako benefits nun. Next year dun ulit ako manganganak kasi wala din kaming sss at philhealth na miss ang isang quarter na payment di na pwede mag avail. Hopefully ganun lang ulit gastos, yung check up ko nga din dun na rin need lang maaga din pumila mga 6am siguro.
nice sis, buti naman nakapasok ka na, ok na yun, pa lab ka na.. malaki ka ba magbuntis sis? Pang ilan ka? Madami ba pumila?
ok na yun, sis, kasi kahit saan naman mahal ang labs.. ano ano ba ang nirequest sayo? ako tuloy nagsisisi.. sana pala bumalik na lang ako dun.. hehe
hi mga sis, ako po sa Justice Abad Santos Mother and Child Hospital sa Binondo nanganak, last 04 Oct...sa Chinese Gen ako nagpapacheck up eh pero pag govt kasi kelangan magpacheck-up ka pa din sa kanila para may record ka dun...ang ginawa ko,, habang nagpapacheck-up sa OB ko sa CGH, nagpapacheck-up din ako sa Mother and Child magmula nun August 2011. para may record na ko...pag taga Manila ka (government issued IDs are needed kasi iinterviewhin ka ng social worker), wala kang babayaran as in zero, pero pag na CS ka, they will ask you to donate 2 bags of blood..., kelangan manila address dun sa IDs mo...ginagawa nila to kasi madaming nanganganak sa kanila na di naman taga manila, nawawalan tuloy ng chance un mga talagang taga manila...pero sobrang maganda talaga dito sa Mother and Child, aircon un rooms at ok un mga doctors at nurses, parang private din cya,.....
Sis pinakabagong hospital ng city of manila, try mo din! sa may sta. ana! i work in a hospital din sa Manila, libre lahat!! bongga! Pero pinaka bago sa list ang Sta. Ana Hospital. Try mo! Kaya lang same protocol, kelangan dun ka sa hospital nagpapa prenatal para tanggapin ka on your delivery date (unless emergency na talaga! hehe) I'm not sure lang about you residing in QC, pwede pa din naman siguro Marami kaming patients samin na kahit hindi taga Manila eh tinatanggap pa din eh!
ay sis, sorry! read mo ulit yung post ko, may dinagdag ako eh! haha... yung Sta. Ana Hospital alam ko malapit sa vicinity ng Trinity Hospital
[textspeak!] sis, kailan mo gusto? kailangan maaga tayo...