i just want to update you girls. aminado ako na di pa rin ako makaget over. its been 5 months already and the pain is still there. ewan ko ba, totoo talaga ata yung kasabihan na "habang tumatagal, lalong sumasakit". birthday kasi ng friend ko, and ang akala ko, di siya darating. so ako naman, pumunta kasi ok lang naman. hindi naman kasi siya darating and my surprise kami sa friend ko, ako kasi nagready lahat since her family is wala na dito. so ako na lang talaga yung tinuturing nya na family dito. ayun, lahat kami, walang idea. 2 cars (1 car for boys and 1 car for girls) kasi kami, papunta subic after dinner, direcho na sa subic. ayun, nung nasa resort na kami, sabi ng mga guy friends ko, may pupuntahan lang daw sila. sabi namin, sige. nagpabili pa ako ng mga toiletries kasi may nakalimutan ako. ayun, pagbalik after 30 mins, BBBOOOOOOOMMMMMMMM!!!! kasama siya. 2 of my guy friends went to me and said na hindi nila alam na pupunta sya. sinundo kasi nila somewhere si ex. ayun, nung nakita ko sya, parang bumalik lahat. bumalik lahat ng sakit. parang ang fresh pa at naiyak talaga ako. pero syempre, di ko pinakita kasi ayoko naman gumawa ng eksena dun, and gentleman naman mga kaibigan ko so yung isa, sinabi nya na wag muna pababain si ex kasi nga naiiyak na talaga ako. so ako ok na. parang wala naman ako choice kasi andun na kami sa subic at di pa naman ako nakapagdala ng sasakyan. naghi naman sya, beso-beso, sinabi pa na "ang payat mo na, at ang ganda mo. kumakain ka pa ba?" sabi ko "oo naman no" ayun nangumusta lang sya pero di ko na ulit tinatanong. kasi ayoko na e, alam mo yun. tapos eto na, nung nag-iinuman na, nakipag apir sya sa mga friends ko. syempre, sakin din. 3x then biglang halik sa kamay. sa isip ko, dafuq??? ano problema mo, pero syempre, di naman ako pikon so sige, happy - happy lang. and then 6am came, lahat lasing na, meron kaming friend na sobrang lasing na (girl ito) inalalayan sya nung friend ko na lalake. pano kasi, sa sobrang kalasingan, nagbreakdown at naglabas ng sama ng loob. tapos pinapunta ako nung guy friend namin (anyway, sa kanya pala nag open up yung ex ko before. at siya yung nagsasabi sakin na i should wait and things are going to be okay for us soon) anyway, to cut the story short kasi medyo mahaba na, sinabi nya sakin and sa friend ko na nagbbreakdown "sorry annd ha, pero gagawin na kitang example. eto nga, si annd, nung nagbreak sila ni *toot*, halos maglupasay yan sa harap ko. hindi pa nakainom yun ah. at mas grabe pa ginawa kesa sayo, pero sya tignan mo sya, ang strong nya. di nya alam na darating dito si *toot*, naiyak siya pero nung pagharap ulit ni *toot* ang saya na ulit ng itsura nya. tignan mo, blooming sya, ang ganda nya, kasi alam nya sa sarili nya na kung mag iiyak sya jan at maglalasing ng katulad ng ginagawa mo, walang mangyayari sa kanya." tapos sabi nung friend ko "kasi iba naman si (ex ko) kay joey" ayun. tapos nung medyo nahimasmasan na yung friend namin, inupo kasi namin. sabi sakin nung guy friend ko habang pinupunasan ko yung friend ko "haba din ng buhok mo no?" sabi ko "bakit?" sabi nya "e kasi, gustong gusto ka nya (ex ko) makita" sabi ko "bakit naman?" sabi nya "miss ka na kasi nya e, tsaka ang saya nya kasi di mo daw pinabayaan sarili mo. ok naman di ba?" sabi ko "oo, ok naman. kailangan maging okay, after all, hindi ko naman birthday party ito." sabi nya "wala nga kami idea na pupunta sya, bigla na lang nagtext samin na andito na daw sya sa olongapo nagpapasundo." sabi ko "ok lang." sabi nya "pareho kayong nangangayayat" sabi ko "ganun talaga e." sabi nya "hindi niyo hiyang ang di magkasama. antay ka lang annd, magiging din lahat sa inyo." sabi ko na lang "if its meant to be, mangyayari mga sinasabi mo. pero kung hindi, god has better plans for me." sabi nya "pero annd, iba ang effort nyang si *toot* (ex ko) biro mo, from manila to olongapo, nagcomute sya just to see you, kahit wala kang sabihin, ok lang. basta makita ka lang nya. ibang effort din yan, kung ayaw ka makita nyan, di magsasayang ng oras yan pumunta dito, alam lahat natin na nagrereview sya and yet, pumunta dito just to see you. kung ako yan at ayaw ko na talaga sa ex ko, di ako mag aaksaya ng oras na makita ka. at kahit barkada ko pa ang andito. e hindi naman kami kumpletong mga lalake." after this, di na ako kumibo kasi naiiyak na ako at ayoko maniwala sa salita ng mga lasing. sabi ko na lang magswimming na ako kasi kailangan ko ng tubig, hay grabe lang. ang dami na naman tuloy sumasagi sa isip ko.
