^naiisip ko nga, in time magkakaroon din ako ng mga malinaw na sagot. tinanong kasi sya ng friend ko. eto yung conversation nila.
friend: pare, mali naman ata yung ginawa mo.
exbf: eto gusto ko ngayon, kailangan ko ito ngayon.
friend: kamusta ka naman?
exbf: eto, ok naman. nagpapakasaya kahit papano. pero minsan, natututulala ako sa klase. naiisip ko din kasi siya.
friend: e bakit mo kasi iniwan?
exbf: gusto ko muna magconcentrate sa pag-aaral ko. sa totoo lang, di ko pa alam kung anong gusto ko. siguro, pagnatapos ako sa bar, malalaman ko na kung ano gusto ko. tsaka minsan kasi, may pagkabrat siya. moody rin..
friend: pare, alam mo naman na normal yun sa babae. at saka, ano ka ba, ang tagal na ni annd na ganyan. sa 10 years nating pagkakaibigan, ganyan talaga sya. di mo ba tanggap?
exbf: basta sa ngayon, gusto ko muna magconcentrate sa pag aaral ko. may guilt feeling kasi sakin na lahat binibigay nya sakin, pero ako, walang time. wala ako maibigay. ayoko maging unfair sa kanya.
friend: hindi naman nya iniisip na unfair yun. ikaw lang nag-iisip.
exbf: ayoko lang ng may guilt feeling.
friend: mahal mo ba?
exbf: mahal ko siya, pero di ako mabuti sa kanya ngayon..
friend: paano na, kung makahanap siya ng iba?
exbf: choice ko ito, kung makakahanap siya ng iba, kasalanan ko yun.
friend: kung hihintayin ka ba nya, sa tingin mo may pag-asa ba?
exbf: im not closing my doors, pero hanggat di ko napapasa yung bar, di ko malalaman kung ano gusto ko..
friend: sige, ikaw bahala dyan pero sana di ka nagsisisi sa mga nangyari..
exbf: sana wag naman at totoo, pag - aaral ko ang focus ko ngayon.
i asked my friend, bakit di nya tinanong kung may ibang babae, sabi nya "hindi nature ng ex mo ang mangbabae. kaya di ko na sya tinanong." oh well, kahit naman nung tinanong ko sya, wala daw talaga siyang babae. he even said "mamatay na buong pamilya ko at bumagsak na ako sa bar, wala akong babae."
so sa isip ko, medyo mababaw ang break up. kaya sa tingin ko, there's still hope for us. every day, i thank god na dumadaan ang isang araw at nakakaya ko. and in time, parang wala na lang itong pain ko. masasanay din ako..

thank you friends.