watch now

Author Topic: LOTTO BETTORS  (Read 25858 times)

larogavin

  • Guest
LOTTO BETTORS
« on: November 29, 2011, 10:26:56 pm »
hello there! let's share opinions/ideas here sa mga lotto bettors out there. i've been trying my luck for almost half a year now. gusto ko na makaahon sa hirap ng buhay.

kayo ba? nanalo na ba kayo or may kilala na ba kayo na nanalo dito? may iba nagsasabi, parang di na totoo ang lotto, na parang sila-sila sa loob ng pcso ang nagwawagi.

any inputs sisses!

mitchmitch

  • Guest
Re: LOTTO BETTORS
« Reply #1 on: November 30, 2011, 10:08:12 pm »
sana manalo din ako dito sa lotto. daily ako tumataya. baka sakali swertehin para sakin at sa family ko.

yanmae

  • Guest
Re: LOTTO BETTORS
« Reply #2 on: December 11, 2011, 09:50:01 am »
Yung mga tita ko din as in di pinapalagpas yung draw sa pagtaya. Yung mayaman kong tita as in lahat ng 6/55 at iba pa tinatayaan nya yun.. tapos yung mama and ate ko before ganun din sila kaso laging balik taya lang panalo nila kaya ayun bihira nalang sila tumataya. Grabe sana manalo din sila :D

Regarding sa kung may kakilala na bang nanalo, yung pinsan ng friend ng pinsan ko (magulo ba? hehe) nanalo sa lotto mga 30M daw. Pag nanalo ka daw ng million papagawan ka daw ng account sa landbank and tatanungin kung ilan gusto mong ideposit at iuwi ng cash. Tingin ko naman totoo pa din dahil nga doon sa kinwento ng pinsan ko. 


Yung isa ko namang tita nanalo din dun sa ez2 lotto pero mababa lang yung prize nya.

sana manalo sila, balato palang kasi okay na ako sa kanila.. hehe..

sinichi

  • Guest
Re: LOTTO BETTORS
« Reply #3 on: December 13, 2011, 09:52:53 pm »
Nakalakihan ko to, naalala ko nung nag uumpisa tong mga 6/42..6/45..6/49 eh avid fan ang father ko nito as in gumagastos siya ng 500-1k per day for 3yrs tapos nun pa 200-300 na lang, unfortunately isang beses lang siya tumama at 20k lang kaya natuto ako at ayaw ko ipagsapalaran ang buhay ko sa lotto. siguro kung ininvest yun ng father ko sa ibang bagay or ikinuha nya na lang ng insurance yung pera eh sana may naiwan man lang sa amin nung nawala siya. kaya ayaw ko ng lotto, hehe

shiori

  • Guest
Re: LOTTO BETTORS
« Reply #4 on: December 17, 2011, 12:30:59 pm »
mama ko nananalo ez 2 lotto at 5 digits sa 6/42 , yun palang yung pinakamalaki. minsan kasi nasa kanya yung 6 numbers kaso ibang numbers [textspeak!] kahalo kaya wala rin.

di ako nanghihinayang sa ginagastos ng mama ko minsan ako pa nagbibigay ng pantaya, tutal 10-30 pesos lang naman parang nagpaload ka lang.
mas nakakahinayang yung nakikita kong tumataya ng 1000 pesos sa ez 2 sabay talo. pangkain na sana yun. 

larraine

  • Guest
Re: LOTTO BETTORS
« Reply #5 on: December 20, 2011, 03:32:30 pm »
I used to bet in lotto pero napagod na ako hehe

miss understood

  • Guest
Re: LOTTO BETTORS
« Reply #6 on: May 12, 2012, 11:39:07 pm »
Sana may online buying ng lotto tickets. nakakatamad kasing pumila and minsan nakakaubos ng oras. bakit kaya di nag-ooffer ng ganito ang PCSO?

marienmarien

  • Guest
Re: LOTTO BETTORS
« Reply #7 on: May 13, 2012, 08:18:02 am »
I still buy lotto tickets upto now pero once a week lang 6/49, 20 pesos lang budget ko a week.

Lei_Glee

  • Guest
Re: LOTTO BETTORS
« Reply #8 on: May 15, 2012, 02:07:28 am »
Minsan lang din ako nagbebet sa lotto.
I have never won nor nakabalik taya talk about unlucky.

killbill

  • Guest
Re: LOTTO BETTORS
« Reply #9 on: May 15, 2012, 04:36:01 am »
Yung brother in law ko nung time na mag bibirthday yung baby nila tinayaan yung birtHday tatlong beses nanalo ng 4k sa loob ng isang linggo.

Tapos mommy ko naman palit taya lang kadalasan

Yung tito ko 5 out of 6 nakuha yung price niya nasa 20k

Tumataya lang ako pag malaki ang jackpot sinusubukan ko yung law of attraction hehe

bb

  • Guest
Re: LOTTO BETTORS
« Reply #10 on: May 16, 2012, 11:25:16 am »
gusto ko din manalo sa lotto para sa future ni baby! kaya lang tamad ako tumaya. feeling ko.  kasi hindi ako maswerte sa mga ganyan. kasi 2times pa lang ako nanalo sa mga draw sa buong buhay ko. parehas pa consolation prize. sa company yung tipong Christmas basket hehe..

thess

  • Guest
Re: LOTTO BETTORS
« Reply #11 on: May 19, 2012, 06:10:46 pm »
I also play lotto pero paminsan minsan lang kaso di ko naman na checheck yung winning numbers kaya la din kwenta. Kaya ang nilalaro ko nalang is yung scratch card first na panalo ko 200 pesos then paminsan balik taya na lang. Mas gusto ko na scratch card kasi malalaman mo agad kung panalo ka - kasi nga pag tumaya na ko lotto basta nilalagay ko na sa wallet ko yung card tas di ko na nachecheck kung talo o panalo.

tiririt

  • Guest
Re: LOTTO BETTORS
« Reply #12 on: May 20, 2012, 07:22:27 pm »
Sis you can have it check by lotto tellers for validation kung win ka.  I read sa news na dami winning tickets na di naclaclaim.  Baka isa ka na dun sis. sayang naman

miss understood

  • Guest
Re: LOTTO BETTORS
« Reply #13 on: May 22, 2012, 01:40:37 pm »
Sana may online buying ng lotto tickets. nakakatamad kasing pumila and minsan nakakaubos ng oras. bakit kaya di nag-ooffer ng ganito ang PCSO?

candy_tone

  • Guest
Re: LOTTO BETTORS
« Reply #14 on: June 10, 2012, 09:39:51 pm »
Minsan lang ako tumaya basta pag malaki na yung jackpot prize.

biedog

  • Guest
Re: LOTTO BETTORS
« Reply #15 on: June 16, 2012, 10:02:09 am »
1. Meron dito sa amin nanalo sya ng 50M+ after 5 years he died of cancer. Tapos 'yung mga anak nya nilustay lang ang pera, naging drug addict pa.

2. Yung classmate ko rin nanalo siya not sure pero parang 50M+ din, lahat ng business nya nalugi. Ang tanda na ng itsura nya ngayon.

Parang nakakatakot manalo sa lotto?

lilstar

  • Guest
Re: LOTTO BETTORS
« Reply #16 on: October 03, 2012, 07:46:28 am »
Tumataya din kami sa lotto,1month na din na walang palys. 80 pesos din yun per bet. nakakapagod din pala umasa na mananalo ka., kaya parang ayaw ko na tumaya. :(

prettychestnut

  • Guest
Re: LOTTO BETTORS
« Reply #17 on: October 03, 2012, 07:00:27 pm »
actually may mga taong hindi marunong humawak ng pera pag nananalo na sa lotto.

ang ending ubos agad ang pera. oo totoo, nakakatakot manalo lalo na kung ikaw sa sarili mo, hindi mo alam kung saan ka maguumpisa.

lol

=)

j27

  • Guest
Re: LOTTO BETTORS
« Reply #18 on: October 03, 2012, 07:27:05 pm »
nung nasa pinas ako palagi din ako tumataya sa lotto. madalas din ako makatama ng 4numbers, tuwang tuwa ako mag claim ng P1000. minsan naman 3numbers lang, P100. pero mas madalas yung walang tama.

yung lola ng hubby ko, nanalo din sa lotto pero 5numbers lang. P50k+ yata yung ganun.

Alucard

  • Guest
Re: LOTTO BETTORS
« Reply #19 on: October 08, 2012, 09:25:50 pm »
paminsan minsan lang din ako tumataya ng lotto. para kasing ang malas ko sa ganito. sa 60 pesos ko each box na yun halos 1 or 2 lang ang lumalabas. hahaha!!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close