watch now

Author Topic: I don't want this happening. What should I do?  (Read 4029 times)

green-aholic

  • Guest
I don't want this happening. What should I do?
« on: November 28, 2011, 08:13:15 pm »
Right now, I'm in a very difficult situation I must say. Nakakapanghina pag may hindi nagkakasundo sa pamilya. Nakakaiyak dahil walang may gustong mangyari ito sa pamilya nila.

In our family, yung papa ko tahimik lang, cool at mabiro and because of that minsan naabuso na yung ganung ugali nya at pati kabaitan. hindi sya palaimik eh at madalas ang sagot oo na lang. ang nanay ko naman, sobrang bilib sa kapatid nya na halos ipagkatiwala dun ang lahat. ako, madalas ang taga salo ng stress dahil pag me problema, sakin nila pinadadaan ang mga gusto nila ipasabi sa kung sino ang di kasundo. ang kapatid ko na hate na hate ang kapatid ng mama ko dahil nga overtrusting ang mama namen sa kapatid nya to the point hindi nya kame kinoconsider for opinions/suggestions and dahil yung kapatid ng mama namin na yon ay isang "commissioner." i forgot to say na yung papa namen hindi marunong magalet parang ako na mahaba ang pasensya.

the issue was not deep para di maresolve. ngayon kase, nagpapa-landscape kame. dala sya ng tito ko samin, yung kapatid ng mama namin. bale sunday nila nakausap yung naglalandscape, monday nakadecide na agad na simulan ang project. this was the issue. yung bro ko tinext nya mama ko na maganda yung ginagawan ngayon ng landscape na gumagawa sa amen. tapos na yung samen wala pang 1 week. ang point lang ng bro ko, hindi kame pinakikinggan ng mama ko at puro yung tito ko na lang alam nyang konsultahin. pumayag naman papa ko na magpalandscape and willing na maghanap na minsan lang mangyare at mag offer ng ganon kase kuripot yon pero tumanggi mama ko dahil yung tito ko daw me kilala na. so yun, medyo matamlay papa ko after a week of seeing the project landscape. it was nice naman but what we didn't like is hindi dinungkal yung lupa. dun sinabi ng bro ko sa mama ko na mukang tinipid yung gawa samen. nabanggit pa ng owner na sabi daw ng tito ko sa kanya na wag damihan ang halaman na hindi sinunod ni owner dahil hindi naman daw magandang tingnan.

my brother's point is hindi nya kame kinoconsult when she know we are her family. another thing is, my bro wouldn't want to hurt mama pero sabi nya mas lalong ayaw naman nyang pinagtatawanan sila pag di naging maganda result non dahil samen andaming nakatingin samen na gusto kaming pabagsakin at hintayin kaming bumagsak which is concern din namen. in the end ayaw naman naming sabihin ng mga taong yon na pagawa ng pagawa ang pangit naman pala ng kalalabasan or pagtawanan kame. i know, people's opinion of us shouldn't matter but pano ang pinaghirapan nila di ba?

ang mama ko naman todo react sa texts when she know hindi naman para sa kanya yon? lagi na lang masama agad ang iniisip nya. for her, this destroys her, not construct her. haay..

as of this time asa manila sila, kame ni bro asa province. maybe hindi kame nagkakasundo kase we never spent time na matagal talaga. when we were younger, we grew up with our lolo and lolas kase that time nagwowork sila sa manila pero umuuwi naman every weekend. isa ba ito sa tingin nyo na effect na hindi nagkasama ng matagal? as for me, i wanted to be with them pero mas feel ko dito sa province with my lolo and lola. gusto ko din sila kasama kung dito sa province. would it be ok kaya if i tell my mama na dito na sila magwork so we could catch up and stay together were home really is, and start business here? would it be the right time? would it convince her kung sabihin kong dito na lang sila para magkasama sama na kame sa sarili naming bahay, dito na sila magnegosyo at baka sa way na yon makilala namin isat isa at maging masaya na kame dahil sama sama na kame bago pa mahuli ang lahat in a sense na humiwalay na kame ni bro para magkapamilya? anung gagawin ko?

pls help mga sis. sorry kung sobrang haba. i badly need help. :'(

justin3

  • Guest
Re: I don't want this happening. What should I do?
« Reply #1 on: December 03, 2011, 03:39:08 am »
mmm, i think you know your folks better than anyone of us here.
feeling ko lang, whatever advice you'll get from us here regarding this matter, mag-aastang diktador lang kami.

suggestion ko lang, ganung malayo kayo sa isa't isa, open all means of communication and utilize it no less than 3x a day, plus in-between meals, to include before and after you go to bed. :D

pag nega-react si mommy, wag patulan at sabayan.

green-aholic

  • Guest
Re: I don't want this happening. What should I do?
« Reply #2 on: December 03, 2011, 11:46:50 am »
tama ka! :) i'm happy we're now okay. thank God for it! :)

ysa.belle

  • Guest
Re: I don't want this happening. What should I do?
« Reply #3 on: December 16, 2011, 07:30:55 pm »
@sis ts, isa lang ang masasabi ko:

mahirap katransaction ang mga kamaag anak dahil in one way or another may vested interest ang mga yan.

masakit but true... kaya protect your mom sa mga kapatid niya...

green-aholic

  • Guest
Re: I don't want this happening. What should I do?
« Reply #4 on: December 16, 2011, 07:45:46 pm »
^i know sis. sana lang matuto na mama ko sa mga bagay na alam at aware sya pero dinedeny nya. i hope and pray that she learn from her past experiences with his brother. it started long ago na. bata pa ako, bibinyagan pa lang ako ng magsimula daw mangomisyon itong tito ko. haay.. andami pang nangyari na parang ganun din. i know how she felt about his brother but she must know how to teach him his lessons which is for the benefit din naman ng kapatid nya.

ysa.belle

  • Guest
Re: I don't want this happening. What should I do?
« Reply #5 on: December 16, 2011, 08:16:53 pm »
ako naman kase, si dad ang matiwala sa bunsong bro niya na palamunin.

he has 3kids and college lahat but yung isa kong auntie ang bumubuhay sa kanila.

nagpagawa kami ng house and kakilala niya yung architect, yun ang kinuha ni dad. wala kami nagawa ng sister and hubby ko.

natapos din ang house pero over gastos at may mga mali. hindi nasunod lahat.

kaya pag naiinis ako sinasabi ko talaga na si uncle --- ang daming nakupit sa pagpapagawa ng house namin. my dad knows naman na true iyon.

bastos nako if bastos but one time he was here and nagmamayabang na may kilalang ganito and ganyan, sabi ko mas maganda na na kumuha ng professional and maganda yung referral kesa sa friend ng kung sino lang na puro mali at nakikikomisyon lang. my dad was looking at me na ng masama, malas niya my sister was there and she agreed with me and she said pa na mahirap kase pag madaming nagmamagaling pero wala naman binatbat.

asar lang Talaga ako sa tiyo ko na yun.

sorry... nashare ko lang.

green-aholic

  • Guest
Re: I don't want this happening. What should I do?
« Reply #6 on: December 16, 2011, 08:50:18 pm »
naku sis! parehong pareho tayo! ganyan din tito ko. bunsong bro din sya ng mama ko. sya halos lahat me dala ng mga manggagawa para sa bahay namen. all of them, palpak lahat. me mga di natapos at di na namin mahagilap ang contractor. grabe! mas nagastusan pa kame malamang. the only difference we have, umamin yung head nung gumagawa samin na nangongomisyon nga tito ko, iba pa sa kanya at 100 per manggagawa. grabe. bahala na si Lord sa kanya! good luck naman.

ysa.belle

  • Guest
Re: I don't want this happening. What should I do?
« Reply #7 on: December 16, 2011, 09:00:18 pm »
yung tiyo ko never umamin, mega deny pa at hugas-kamay pag may palpak. siguro na-fe-feel niya na alam na namin gawain niya.

so kapal. palamunin na tapos sugarol at babaero pa.

green-aholic

  • Guest
Re: I don't want this happening. What should I do?
« Reply #8 on: December 17, 2011, 08:25:51 pm »
^ganyan na ganyan din tito ko! except for babaero kase gay tito ko. but they have the same attitude. yung umamin sa amin is yung manggagawa mismo, hindi sya pero alam namin ginagawa nya. habit na nya yon and it won't change anymore. kaya siguro pumapalpak dahil din sa kanila. imbes na ipampagawa pa yung buong bayad eh, di magawa ng maayos dahil yun na komisyon ng mga tito naten kaya pumapalpak.

ysa.belle

  • Guest
Re: I don't want this happening. What should I do?
« Reply #9 on: December 17, 2011, 09:23:48 pm »
^yiii! nakakainis ang mga taong ganyan. take care of your mother sis... baka mag take advantage ang tito mo and paramdam mo sa tito mo na awake ka sa mga kalokohan na pinag gagagawa niya.

green-aholic

  • Guest
Re: I don't want this happening. What should I do?
« Reply #10 on: December 18, 2011, 07:09:30 pm »
aysos sis, alam ng tito ko na alam ko mga pinagagagawa nya. deadma lang sya kase ako lang mabaet sa kanya. yun yun. haha. mabait ng konti actually. konti lang. etong tito ko na toh nagtext saken this week saying balita daw nya pinagagalitan ako ng mama ko, he asked why. ako naman, iniimikan ng mama ko so, i asked back who said it and i told him hindi naman ako pagagalitan. di na sya reply. tapos, etong papa ko tinawagan ko saying what my tito said. sabi ng papa ko bat magagalit sakin mama ko eh kami nga lagi magkausap. sabi ng papa ko naninira lang daw ang tito ko. baka sa kanya may galit at wala sa akin at wala talaga reason para sakin magalit. sabi pa, kahit madami job order samen ngayung december, hindi na daw sya matagal na tinetext ng mama ko para pabalikin. i'm happy kase mukhang natatauhan na sya. nako, i hope naman. sana mas sa amin na sya kesa sa kapatid nya. kung tutuusin, sobra sobrang chance na binigay nya dun.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close