We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
Do they still check the invitation format? Ang na-receive ko na invitation from INC couple e same invitation format i get from catholic couples eh.
Pano sis kung hindi naman parehong kapatid mga magulang namin? Mga magulang na kapatid lang ba nun ang gagawa? Pasend po ng copy.Hi sis Beng01. pahingi din po ng copy.
No, sis vhanya, they dont check it. Same lang naman talaga ang format ng INC wedding invitation to catholic eh, after all they are all wedding invitations Except of course, wala tayong, "Candles to light our Path" or "Cord to tie us as one".
hi mga sisses, now lang uli ako nakabalik dito sa thread natin. happy INC bride here. just want to share our experiences and how blessed we are for being wed on a very special day. two months before our wedding, nagka-problema kami sa lokal ng makati (MM south) on reserving December 8 as our wedding date, tumapat kasi ng pasalamat ng kabataan. iyak ako ng iyak that week kasi naka-set na ang lahat, except sa church. tinawagan ko yung manggagawa namin dati sa lokal ng caloocan (MM north), na nasa sacramento (MM south) na, para humingi ng payo. ang sama-sama kasi talaga ng loob ko nun. nagkataon na kasama nya nung time na yun yung dati rin naming pastor na nasa upper bicutan (MM south) na. pinagpayuhan nila ako na anuman ang maging pasya ng tagapangasiwa, kailangan namin tanggapin.that week, kahit kulang pa sa mga patotoo at requirements, naglakas loob kami na pumunta ng distrito. ewan ko, pero parang inadya, na pagpasok namin ng gate, yung dati naming pastor ang nakita ko agad. parang "ano ba 'to, good signs na?!". hinuli kaming kausapin ng tagapangasiwa kasi nga maselan daw yung kahilingan namin. so yun, medyo kabado na malungkot talaga ako. mukhang malabo na talaga kami na makasal on our preferred date. buti nga that week, ang texto rin ay ang pagpapasakop sa Pamamahala. pero naging napakabait ng Ama sa amin. may ilang tanong lang sa amin ang tagapangasiwa at yun, pinirmahan nya yung kahilingan namin na makasal on Dec. 8. hiniling na rin namin na ang dati naming pastor ang magkasal sa amin. parang blessings in disguise talaga yung mga nangyari. kasi malaking parte rin talaga ng buhay ko yung dati naming pastor. seven years ago, nung nag-take ako ng CPA board exams, sya rin ang hiningan ko ng panalagin (i passed the board and was part of the top 20). imagine, for how many years, wala na kaming communication tapos biglang sya magkakasal sa amin. so nung kasal namin, sobrang saya kasi nagkita-kita uli kami mga dati taga-lokal ng caloocan. yung pastor namin, dati naming manggagawa, mga in-invite ko na dating ka-MT ko sa PNK, at mga relatives ko.you might be asking why December 8 is a very special date for us. 8th kasi yung monthsary namin (that's our 58th monthsary) and ika-fifth year since we first met.
sis SymPRG, sure I will send you the soft copy format para magka idea ka. PM me lang your email address para ma send ko.Re your question, isa talaga sa requirement ang salaysay ng parents ng groom and bride. Patotoo iyon na ikaw ay masiglang kaanib at maytungkulin sa Iglesia, dalaga, walang anak sa kahit kaninong lalake at walang pananagutan sa kahit kaninong lalaki, na ikaw ay may __ taong gulang na pinahihintulutan ka nilang makasal kay kapatid na (name ni bf). Normally ganyan ang nakasulat, sobrang busisi sis no? Ganyan talaga kasi para sure ng Ministrong magkakasal na wala kang sabit.
^ sis magpapadoktrina palang kasi d natapos yun sa bulacan dahil lumipat kami. Tingin namin tiwalag na sya kasi d na sya sumasamba eh. Yun panganay ko di niya anak 3 yun anak naman namin eh 1 po
Congratulations sis! Ang bait talaga ni Ama December 8 this year naman namin balak pakasal. Sana lang hindi mataon na may okasyon un para hindi na mamove..hmmn..
sis, Sunday ang Dec. 8 this year. wala ata kinakasal pag Sunday (& Thursday), correct me if i'm wrong sisses lenie & bheng. saan mo po plan magpakasal sis?