Author Topic: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?  (Read 208305 times)

marssie

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #300 on: September 19, 2013, 01:27:26 pm »
^Yup may anak dalawa :) sobra kasi ang galit ng friend ko sis, kaya talagang gusto niya magdemand ng  malaking sustento since kaya naman daw ng hubby niya, katwiran kasi niya, yung kabitera na raw ang tinuturing na asawa at pamilya ng hubby niya, pati ba naman daw ang para sa mga anak niya dun pa rin maibibigay, actually sabi naman niya pang blackmail lang niya sa hubby niya :D Kasi di naman daw maniniwala ang hubby niya kung siya ang ipapatangal sa work, kasi lahat sila walang mapapakinabangan unlike yung kabit ang ipatangal niya, baka sakali mas tumalab daw pananakot niya..

evilwoman

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #301 on: September 19, 2013, 05:58:56 pm »
^ang alam ko sis kung sa government nagwwork possible pero kung private,malabo siguro unless masampahan ng criminal case.bat di na lang idaan sa demanda ang hingi ng sustento para may court order?or..mas ok pa panakot ang idemanda ng adultery or concubinage ang 2 maliban na lang kung may proof na pinayagan na ni mister si misis or may bf na si misis.

donzski_doinks

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #302 on: September 19, 2013, 09:15:50 pm »
dapat b talaga tayo maniwala kapag sinabi sa atin ng mga husband natin na: "i will never cheat on you"?
my husband keeps telling me this. sabi nya, ayaw nya maranasan ng mga magiging anak namin yung mga naranasan nya. his father kasi, babaero. anim sila magkakapatid and yung tatlo, anak ng tatay nya sa iba.. umabot pa sa point na iniwan sila ng tatay nya para sumama dun sa kabit pero nung nabaliw yung girl, bumalik din sa kanila father nila bitbit yung tatlong anak. my husband told me na kung di ganun tatay nya, mas maganda siguro buhay nila. mahilig kasi mag beer house yun at gumagastos ng 5k every night sa beer house. sabi nga ni hubby, yun daw sama ng loob nya sa father nya. gumagastos ng ganun sa bisyo pero di manlang sila nagawang patuntungin ng college. di daw nya ipapadanas yung ganun sa pamilya nya kaya wag ko daw isipin na darating ang araw na lolokohin nya ako. we are one year married and never ko pa naman naramdaman na nagloloko si hubby. but i dont wanna put my guard down. it's too early to tell pa kasi. di naman natin hawak ang bukas e..

maye2k

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #303 on: September 20, 2013, 09:41:02 am »
dapat b talaga tayo maniwala kapag sinabi sa atin ng mga husband natin na: "i will never cheat on you"?

depende talaga sis, we have to remember that we're all human and we can never be perfect. Anybody can make promises but not all can keep their promise. Tama ka maging cautious na lang lagi without losing your trust towards him. Sa part din sa mga asawa natin struggle din nila yong na malayo sila sa temptation so basically sila din deserve to be trusted by their wives.

AnJelatine

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #304 on: September 20, 2013, 10:01:35 am »
Sis donzski_doinks - Sa pinagdaanan ng Husband mo, para sa akin, hindi niya uulitin yung ginagawa ng Daddy niya. Kapag ikaw kase mismo yung dumaan sa ganung klase ng situation, hindi mo gugustuhin na mangyare yun sa anak mo or sa sarili mong pamilya. Parang ako, broken family. Hinding-hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira ng pamilyang binuo ko. Kase alam ko kung gaano kasakit, kalungkot, at yung galit na naramdaman ko - ayoko yun maranasan ng anak ko.

Pero syempre, wag tayo maging kampante. Be a good Partner pa din tayo para hindi madala sa temptation. Gawin ang mga Husband na 100% satisfied sa pagmamahal, asikaso, alaga, appreciation, acceptance, etc. para hindi mag hanap ng iba. Kase yun naman talaga ang role ng Wife diba?

Ang paniniwala ko kase kaya naghahanap ng iba ang Husband, kase nakukulangan. Meron siya nakukuha doon sa kabitch, na hindi niya nakukuha sa Wife.

kumikosan_9

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #305 on: September 20, 2013, 03:19:43 pm »
Wag naman sana mangyari, pero kung ganun nga ang sitwasyon, hihiwalay talaga kami ng anak ko. My hubby knows na kayang kaya ko dalhin ang sarili ko. Modesty aside, i earn more than he does kahit professionals kaming pareho. Sa pagpapatakbo ng household sakin din lahat nakasalalay. Mula sa ulam hanggang sa sweldo ng helpers maging sa appliances na bibilhin ako lahat nagdedecide. Alam din ni hubby na tinotolerate ko lang ang inlaws ko who live nearby for his sake. So, kahit mahal na mahal.ko ang asawa ko, bye bye talaga if this happens.

timetraveller

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #306 on: September 21, 2013, 06:34:49 pm »
Wag naman sanang mangyari kapag naging mag-asawa na kami ni BF. Pero if ever? Hiwalay na agad. Ayoko magpaka-t**ga.  :-X Hindi naman ako pangit and alam ko naman na I'm capable of being successful in terms of career. So bakit magtitiis? lol

Naalala ko lang yung hilaw kong BIL na may kabit. Ayaw pang tinatawag na "kabit" yung babae nya e kasal sya dun sa mother ng anak nya. ??? Porke't nasa Pampanga yung wife and kid ni BIL at nandito sa Metro Manila si BIL, feeling legal wife itong si kabit. As in post pa ng post sa wall ng Facebook ni BIL. Wapakels kung makita man ng pamilya ni BIL at pamilya ng wife ni BIL. And just recently, gusto pang pumunta sa bahay ng parents ni BIL at BF para daw makilala sya as girlfriend. Hashtag medyo kapalmuks. Hahahaha

goddessjem

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #307 on: September 22, 2013, 12:15:19 am »
Korek, huwag naman sana mangyari. pero kapag nagkataon, hihiwalayan ko siya kahit mahal ko pa siya. kase kung nirerespeto at mahal niya ako, hindi niya yun magagawa sa akin.

aquacharly

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #308 on: September 22, 2013, 02:03:00 am »


He had 1 before.

My thoughts on that now:

IF he does it again, that's it. No more talking, except to say:

         My lawyer will be getting in touch with you & your lawyer.
          It's you, not me that is diminished by your weak character, and  lack of honesty & integrity.
          Get outta my sight, forever. I do not want to  ever see your face again.

Not that I can't forgive again, but nakakapagod!

Men who are repeat philanderers are incapable of being happy for long, nor of making anyone they bring into their lives happy. IMO.
Sooner or later, they make the one they choose live in hell on earth. 

I almost forgot: I will pray to ask God and the entire Universe -- I do not want to see this person in any lifetimes henceforth.  I have learned The Lesson here:   Not to suffer Sh1t.

Bow
       


ysa_38

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #309 on: September 25, 2013, 01:27:31 pm »
Hindi totoo na kapag naranasan ng guy sa father niya yung pambababae, hindi niya magagawa sa asawa niya. Isa ako sa biktima. :'(

donzski_doinks

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #310 on: September 25, 2013, 02:39:35 pm »
Hindi totoo na kapag naranasan ng guy sa father niya yung pambababae, hindi niya magagawa sa asawa niya. Isa ako sa biktima. :'(
^korek ka din dyan. kasi yung tito ko (RIP) babaero yun super. kawawa nga wife nun e nagpapakahirap abroad pero sa kab1tch naman napupunta yung pinaghirapan. ngayon yung anak nila na lalaki, sobrang pabling. girlfriend dito, girlfriend doon. motmot dito, motmot doon. different girls ha? tapos nabuntis yung isa, ipinalaglag nung pinsan ko. adik lang. ngayon nakabuntis nanaman. ewan ko kung anong plano.

AnJelatine

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #311 on: September 25, 2013, 02:46:28 pm »
^ and ^^ ~ Aw. Mali ako. Wala pala sa situation, nasa tao talaga. Nasa pag-iisip, may saltik :P

Dito ko natutunan sa GT, "When another woman steals your man, the best revenge - Let her keep him."

scornedwife2001

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #312 on: September 26, 2013, 01:08:53 pm »
dapat b talaga tayo maniwala kapag sinabi sa atin ng mga husband natin na: "i will never cheat on you"?
my husband keeps telling me this. sabi nya, ayaw nya maranasan ng mga magiging anak namin yung mga naranasan nya. his father kasi, babaero. anim sila magkakapatid and yung tatlo, anak ng tatay nya sa iba.. umabot pa sa point na iniwan sila ng tatay nya para sumama dun sa kabit pero nung nabaliw yung girl, bumalik din sa kanila father nila bitbit yung tatlong anak. my husband told me na kung di ganun tatay nya, mas maganda siguro buhay nila. mahilig kasi mag beer house yun at gumagastos ng 5k every night sa beer house. sabi nga ni hubby, yun daw sama ng loob nya sa father nya. gumagastos ng ganun sa bisyo pero di manlang sila nagawang patuntungin ng college. di daw nya ipapadanas yung ganun sa pamilya nya kaya wag ko daw isipin na darating ang araw na lolokohin nya ako. we are one year married and never ko pa naman naramdaman na nagloloko si hubby. but i dont wanna put my guard down. it's too early to tell pa kasi. di naman natin hawak ang bukas e..

Sis ganyang ganyan ang asawa ko, never daw nya gagawin ang ginawa ng tatay nya kasi nakita nya gaano nasaktan ang nanay nya, at gaano kahirap sa kanila ang lumaki sa isang dysfunctional na pamilya.

Ayun... Nangabit din sya kabikabila pa all forms,colors and sizes and worse nag anak pa sa labas. At feeling pa nya sa kanya ipinasa ng tatay nya ang sumpa hehe...

donzski_doinks

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #313 on: September 26, 2013, 11:34:30 pm »
Dito ko natutunan sa GT, "When another woman steals your man, the best revenge - Let her keep him."
^super like! ma-post nga yan sis sa fb! haha.
ako i always tell my hubby na pag nambabae sya, wag na sya umasa na may babalikan pa sya. i do hope and pray na hindi sya matukso.

ForeverDreamer

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #314 on: September 27, 2013, 12:16:16 pm »

"When another woman steals your man, the best revenge - Let her keep him."

like!haha...pahiram sis,mailagay sa FB  ;)

seven82

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #315 on: September 27, 2013, 02:10:16 pm »
i have an employee na may pinagdadaanan na ganito. weeks ago nagbirthday yung husband niya and may dumating na babae. may hunch na si wife na may kabit asawa niya but wala pa daw siyang matinding evidence. then nung nag cr si wife, sinundan siya ng husband and sinabihan siya na wag daw aanuhin yung babaeng dumating kasi matagal na daw silang wala. (sabi ko nga sa kanya ano pang evidence and hinahanap niya e nanggaling na nga sa bibig ng husband niya) si wife nagulat at hindi nakareact properly. sa sarili niyang bahay siya pa yung nagkulong at hindi humarap sa mga bisita. then sinabihan pa siya ng husband niya na sabi ng mga friends e ano ba naman daw klaseng asawa si wife hindi manlang daw sila inentertain.

rewind tayo sa before. unang nagkahinala si wife na may kabit asawa niya nung naaksidente si husband. ang huling nakaalam at nakarating sa hospital yung wife. kung hindi pa siya tinawagan ng father in law hindi pa niya malalaman. for some reasons ang tinawagan ng pulis e yung babae. tapos nung nanotify na yung parents nung guy nagtaka sila sino yung babae kasi hindi naman yun ang asawa. tapos itong pulis e pahaging pang nagpatama sa wife. parang sinabi sa kanya na ikaw pala asawa. sino si pangga sabay turo doon sa babae. tapos sabi pa daw kabit na kabit ang itsura.

and may lumalabas na balita na may anak itong husband doon sa kabit. childless pa kasi sila magasawa. at ang masaklap. kapag may mga outing pala sa company itong si husband since madalas hindi sumasama si wife yung babae ang sinasama niya. tapos minsan nung may dumalaw daw sa bahay nila nung pinakilala si wife sabi daw bakit parang ang itim niya hindi naman maitim yung pinakilala mo sa amin dati! my gulay!

sabi ko nga ang dami na palang instances bakit nagpipikit mata pa siya. kung ako yun kako tutungtong sila sa pamamahay ko, sige kumain kayo ng kumain walang sisihan kung malason sila! dessert gusto pa nila!  ::) mga ibang employees ko ang nagagalit for her. dapat daw tinext sila at sila pa sasabunot at kakaladkad doon sa babae. sabi pa ni wife mukhang nahiya daw yung babae kasi after siyang makita nagshades na daw hangang sa umalis. may hiya pa pala ng lagay!

para hindi ot bago pa kami kinasal ng husband ko sinabihan ko na siya na kapag nambabae siya wala ng usap usap. lalayasan ko siya at isasama ko daughter namin. wag na siya magsayang ng laway sa pagpapaliwanag.

AnJelatine

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #316 on: September 28, 2013, 09:16:44 pm »
NW: No Other Woman. Haha! ;D

Maganda yung ginawa ni Christine Reyes. Nag-ayos and may class niya hinarap yung mistress :P

budzwhiz

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #317 on: September 28, 2013, 10:08:46 pm »
^ Korek ka jan sis! Haha. Pero okay rin sakin yung ginawa ni Anne sa Secret Affair, yung sinabuyan ng calamine lotion si Andi sa party. wahaha ;D
Okay rin yung ginawa ni Lally sa MHL, sinumbong sa boss yung pinaggagawa nila Erik, ayan tuloy sira sa co-workers and pahiya sa company... tsk tsk. :> lol

mariebiscuit

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #318 on: September 30, 2013, 12:16:33 pm »
dahil kasal kami,,,im gonna communicate w/him,heart to heart ,i need to know everything...and if i feel na honest and kami talaga ang mahal nya,and sincere sya sa kasalanang nagawa nya,,ill forgive him ,but i will make my self more beautiful inside and out,at ipapakita ko sa kabit nya na ako ang pinili at sya basura lang kaya tumabi sya kung ayaw niyang masuntok hehe....pero if si kabit ang pinili,well magsama sila....kaya kong buhayin mga anak ko,,,mahalaga nasa akin mga anak ko,hindi ko ipagpipilitan sarili ko..... o kaya bago kami maghiwalay yayain ko si mister mag love making muna kami,pagtulog na,inject ko ng kcl ang pag aari nya,,tingnan ko lang kung tatayo pa,,hahaha....but im praying na huwag mangyari iyon

sima

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #319 on: October 11, 2013, 02:20:43 am »
Baka mapatay ko sila ng kabit niya! Or ipapatay ko na lang siguro silang dalawa para hindi ako makulong pero dapat pulido ang pagkakagawa :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close