Author Topic: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?  (Read 208036 times)

cindy1211

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #60 on: April 16, 2012, 10:03:25 pm »
katakot naman ang topic na ito..but anyway honestly I really dont know what  will I do..siguro unang una talaga iiyak at iiyak ako..sa hubby at sa girl, di ko masabi pero talagang gaganti ako sa kanila.

silentgale

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #61 on: April 17, 2012, 12:17:29 am »
"kabit" sila pa tong matapang. Maybe because,  hindi maghahanap si hubby ng iba if satisfied kay wife.
Tulad ng sinabi ng other sister natin, self realization. Baka may kulang.

@topic
Di ko din alam whats the first thing to do. Siguro ang unang sisi ay sa sarili.
Kung todo deny, investigate! Plus digicam.  :) iba na ang may evidence.
Kakausapin ko si kabit, kung alam ba nya may pamilya ang karelasyon nya. Ano bat pumayag sya, babae sya at ina din sya magagawa ba nyang kuhanan ng ama ang isang bata? Ipinangako ba sakanya na iiwan ang pamilya ng lalake para lang sa kanya? And ill make it clear sa babae, ako ang legal. Ako pa din ang uuwian.

As long as kaya isave ang marriage d ako susuko. Ipapaalala ko kay hubby mga happy moments namin, paano kami nagsimula. Kung paano kami bumuo ng pangarap na hindi kasama ang kabit. At ipapaunawa ko sakanya na sa bandang huli asawa mu padin ang nasa tabi mo.


..masyado ba seryoso??? Hehe . I just cant take it magkaroon ng kabit si hubby. Hmp

sk8rboyswife

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #62 on: April 17, 2012, 01:02:09 pm »
As long as kaya isave ang marriage d ako susuko. Ipapaalala ko kay hubby mga happy moments namin, paano kami nagsimula. Kung paano kami bumuo ng pangarap na hindi kasama ang kabit. At ipapaunawa ko sakanya na sa bandang huli asawa mu padin ang nasa tabi mo.

Aww! gusto ko to sis, tama yan. Kaso sa sobrang fierce ng ugali ko feeling ko mawawala pinag aralan ko eh. Thou nasabi naman na ni hubby na sa bandang huli ako pa din nasa tabi nya sa kahit anong mangyari.

princess_angel

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #63 on: April 17, 2012, 04:57:33 pm »
sabi ko kay hubby na pag ginawa nya yun, hindi nya makikita yung anak nya.

jenybasti

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #64 on: April 17, 2012, 05:43:50 pm »
recently lang nalaman kong may kabit si partner.nasa abroad sya.kawork nya yung kabit nya.eto na mga nagawa ko:
pinagmumura ko sya sa text,sa messages pati nung tinawagan ko sya
minessage ko yung babae sa fb,sinabihan ko sya makapal mukha nya
pati nanay nya minessage ko din
hinack ko yung email add na ginawa nya (t**** kasi sya nalaman ko tuloy pw)
napasok ko ym fb at skype nya.eh di nabasa ko mga kalokohan nya
ngayon npapraning sya kakaisip kung bakit ko nalaman yung mga usapan nila ng kabit nya (sabi ko kasi buti my kasamahan sila dun na nagmamalasakit sakin)
hintayin ko lang araw ng pag uwi nya at makakatikim sya sakin ng di lang sampal,pati sipa sa balls nya :)

jojo2978

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #65 on: April 17, 2012, 06:26:45 pm »
I won't get married na lang, if sa palagay ko magkakaroon ako ng kabit. Sorry sisses, off topic. :)

yrrageline96

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #66 on: April 18, 2012, 12:27:56 am »
hay....iniisip ko pa lang gusto ko nang himatayin ...... :'( :'( :'( :'(

cristyles

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #67 on: April 18, 2012, 09:08:27 am »
Mahirap nang gumanti or revenge on the other woman. For me i believe it's not her fault, it's my hubby. Kung ayaw ni hubby hindi siya magpapakita ng motibo or flirtatious sa other woman. And i believe in karma. So i will let the Karma do the work.

Plus i will leave an EVIL message to them: "Sana maging abnormal anak niyo".

Let's see if bubuo sila ng family >:( . I know it's bad but it's just a message to mess up their minds. I don't mean it naman.

jenybasti

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #68 on: April 18, 2012, 09:11:43 am »
^ i love it....
:)

tanya1109

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #69 on: April 18, 2012, 03:20:07 pm »

question: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?

answer: DI KO ALAM. Hindi ko kasi ma-imagine na gagawin nya saken yun. At kung gawin man nya hindi ko alam kung pano marereact. Napag-usapan na rin namin yan before, yung mga "What If's" na pwede mangyari in the future. At ang sabi ko lang sa kanya, mas takot ako sa sarili ko, kasi kapag galit ako, yung galit na galit talaga, may tendency na humiwalay yung utak at puso ko sa katawang lupa ko. hahaha!  Honestly, hindi ko alam ang gagawin. Ipagpapasa- Dyos ko siguro.



mauinhibitors08

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #70 on: April 19, 2012, 12:27:02 am »
pag nalaman kong may kabit ang husband ko, aalis siguro ako..na hindi nya kami mapupuntahan.. bibitbitin ko mga kids ko ng hindi nya alam, dadalin ko lahat ng money na kaya kong dalin, para makapagstart kami ng new life na wala sya... hindi ko na pipilitin pa bumalik sakin yung umayaw sakin..

FayeP

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #71 on: April 21, 2012, 03:11:17 pm »
iniisip ko talaga ano gagawin ko pag nalaman ko...I guess talagang legal action gagawin ko... my dad kasi iniwan nya mom ko nun maliit pa kami magkakapatid at sumama sa kabit nya, officemate nya din un girl at un girl mismo ang humimok sa tatay ko na iwan kami...alam ng girl simula pa lang na may asawa at anak ang tatay ko..kasi every saturday sinasama pa kami ng tatay ko sa office nila...

but my mom did not take any action against them kasi sabi nya "wala ako pakialam sa kanila, baka isipin ng tatay nyo, hinahabol ko cya"...


tashasabs

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #72 on: April 22, 2012, 07:10:17 am »
Kapag nangyari yun, baka legal action din ang gagawin ko gaya ng kay sis @FayeP. Mauunahan ako malamang ng galit at saka hurt kaya mahirap ako kausapin. And ganyan din kasi ang ginagawa ng tatay ko sa nanay ko, nakakailang kabit na siya up to now, the latest is ilang taon lang ang tanda sa akin. (WTF?!) My mom's contemplating on filing a case against him/them lalo na't ginigipit sila sa financial support, pero siyempre iisipin mo din ang gastos at saka baka lalo silang ipitin, younger sister ko ang kawawa kasi she's still in HS.

We have actually discussed this before, after one year of marriage yata. 19 ako noon, 21 siya. He knows my stand: I'll be very very hurt. And I don't forget easily. Nangyari five years ago tandang-tanda ko pa rin. What more kapag ginanyan niya ko? Sabi ko nga sa kanya, "Alam mo na ang ginawa sa 'min ng tatay ko. 'Wag na 'wag mo sana maisipan gawin sa pamilya natin."

FayeP

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #73 on: April 22, 2012, 07:45:33 pm »
sis tasha, yup legal action....kasi yan ang di ginawa ng mom ko eh ayun di kami sinustentuhan ng dad ko...buti na lang kahit papano magaling si nanay...plain housewife cya nun at 33 years old cya nun maghiwalay sila. so nun mga unang taon kun ano ano tininda nya sa harap ng house namin para lang may food kami, baon, pambayad sa bills etc etc. kasi di cya agad nagwork dahil maliit pa un brother ko nun 2 years old pa lang at un sister ko na 4 years old...nagkaron lang cya ng work talaga nun lahat kami nasa elementary na...

nakita ko un sobrang hirap nya nun raising us kids..kasi she is too proud to ask help from my dad...although un family ng dad ko, sometimes they would volunteer to buy our school things, uniform, shoes...mga ganun...

kaya pag sakin nangyari, maghalo ang balat sa tinalupan talaga, sisiguraduhin kong mawawalan sila ng future pareho!!!

Nuriko

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #74 on: April 23, 2012, 10:57:25 am »
di ko alam... walk-out siguro. lalayas ako. for sure sariling katalentaduhan nya yun. mabuting asawa ako at alam nya yon. kung magloko sya, sya ang may problema hindi ako...altho ako yung magiging problemado sa lagay na yun. naku wag naman po.

reesemae90

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #75 on: April 23, 2012, 01:33:18 pm »
Mahirap nang gumanti or revenge on the other woman. For me i believe it's not her fault, it's my hubby. Kung ayaw ni hubby hindi siya magpapakita ng motibo or flirtatious sa other woman. And i believe in karma. So i will let the Karma do the work.

Plus i will leave an EVIL message to them: "Sana maging abnormal anak niyo".

Let's see if bubuo sila ng family >:( . I know it's bad but it's just a message to mess up their minds. I don't mean it naman.
  Sis ganyan din sabihin ko na maging abnormal anak nila.(hindi ko naman totohanin)heheh buti nlang kahit medyo loko2x hubby ko hindi ko pa naman nahuling may kabit simula ng ngpakasal kami..

tashasabs

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #76 on: April 24, 2012, 05:54:30 am »
@FayeP Naku, pareho tayo sis. Magaling din si Mama kaya kahit papaano nairaraos niya ang gastusin nila. Nagpapadala pa naman yung tatay namin pero parang every year binabawasan niya. Tapos kapag may kailangan ang kapatid ko sa school, laging sagot "Sa padala ko dapat nakakabili ka na ng gamit mo." Di man lang i-consider yung sa kuryente/tubig/monthly dues sa subdivision, pagkain, pamasahe. Kapag sasabihin ng kapatid ko na kulang parating ang sisisihin si Mama. Kesyo "swapang" daw ang nanay namin, dapat daw maghanap siya ng trabaho. My mom's over 50 years old na, ayaw na rin niya mag-call center kasi sinubukan niya yan, siyempre pagod na siya. Nakakagigil kapag naiisip ko paano niya ginigipit yung nanay ko at kapatid ko.

Sabi ko nga kay Mama kaming mag-asawa na ang bahala sa kanya pagtanda niya. At kung pwede lang na ako mismo ang mag-file ng kaso dun sa lokong yun.

kaya pag sakin nangyari, maghalo ang balat sa tinalupan talaga, sisiguraduhin kong mawawalan sila ng future pareho!!!

Ito ang pinakagusto kong part. Haha! Baka ganitong-ganito ang linya ko sa kanya kapag ginawa niya sa akin yan!  ::)

bleucharmz22

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #77 on: April 24, 2012, 08:42:17 am »
Kapag napatunayan ko na totoo....di ko siya iiwan! Magdusa na ang magdudusa! Kung di rin lang siya magiging masaya sa akin, hindi ko rin hahayaang sumaya sa piling ng kabit niya! (hahaha..galit?)

nursingsexymom

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #78 on: April 24, 2012, 10:47:11 am »
kung mapatunayan ko na may kabit si mister (as in may evidence na), siguro mag-didisappear muna ako ng 1 week to pull myself together. kapag decided na ako sa gagawin ko - which is more likely to leave him and take my son, go go go na. mahirap kasi na makipag-usap ka pa dahil magsisinungaling lang naman yan. at syempre dahil mahal mo, baka maconvince ka pa na huwag siyang iwanan. Kapag nasa situation ka na, napakahirap i-execute ang mga plano.. lalo na kung maiinvolve ang emotions.

so for me = hibernate muna, gawa ng concrete plans, take baby, leave hubby. bow.

FayeP

  • Guest
Re: anong gagawin mo pag nalaman mong may kabit ang husband mo?
« Reply #79 on: April 24, 2012, 03:10:45 pm »
sis tashasabs, may nagsabi samin dati na isang kamag anak ng dad ko, na kami na lang daw magkakapatid ang magsampa ng kaso, tutulungan nya kami (kasi ayaw naman talaga nila un ginawa ng dad ko eh), close kasi siya sa isang gov't official nun time na un (highschool na ako nun eh), kaso ayaw talaga ni nanay....


ayun...ganun nangyari...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close