watch now

Author Topic: need your help- discipline your tod  (Read 2101 times)

vanillamist

  • Guest
need your help- discipline your tod
« on: November 21, 2011, 10:24:52 am »
hello sisses,

gusto ko lang malaman kung paano ninyo nadidisiplina ang mga anak ninyo. si bebe ko kase, mag 1 1/2 yr. old pa lang naman sya, pero may pagkamaldita na talaga. nahihirapan ako kase may work ako and most of the time yung taga alaga ang kasama nya.

sa pagiging maldita:

mahilig sya manakit eh. pag hindi nasunod gusto nya, umiiyak sya talaga. tapos nagagalit, nagwawala. napansin ko rin lately, na pag wala yung yaya nya, at iba nagalaga, parang ang bait naman nya. pero pag anjan na ang yaya, nananapok, nananakit, nananabunot, naninigaw..napakabata pa nya. minsan napapaiyak na lang ako. kase pakiramdam ko wala akong kwentang ina. kung pwede lang akong wag magtrabaho. pero alam ko hindi pa naman huli ang lahat.

any book na pwede kong basahin  or suggestions naman para maalis namin yung ganon nyang ugali. pag naman sinasabihan namin sya ng mahinahon, ok naman sya, nakikinig.

salamat sa tulong nyo mga kapatid. ;)

salamat.

carlsant

  • Guest
Re: need your help- discipline your tod
« Reply #1 on: November 21, 2011, 01:39:05 pm »
try to visit this link..sna maktulong tung link na to.
http://www.askdrsears.com/topics/discipline-behavior/8-tools-toddler-discipline

babymom20

  • Guest
Re: need your help- discipline your tod
« Reply #2 on: November 21, 2011, 02:09:17 pm »
^^ matagal na ba yung yaya na nag-aalaga sa kanya? may iba silang kasama sa bahay?

vanillamist

  • Guest
Re: need your help- discipline your tod
« Reply #3 on: November 21, 2011, 02:20:18 pm »
thanks sis carl.

yup sis babymom, matagal na rin, may kasama naman sa bahay pag naiiwan si bebe. yung nag aalaga sa kanya, kaibigan ng mother in law ko, kaya sya ang kinuha namin. medyo matapang nga ang ugali. yung anak ko palagi syang sinusungitan. pag wala sya, yung isa din namin katulong sa shop sya ang nag-aalaga.. behave naman sya pag ganun. papalitan na rin namin yung yaya kase hindi na nya kaya yung anak namin, masyadong masungit sa kanya, at nagiging sutil na rin kase. sabi ng lola, baka daw nahawa sa nag-aalaga.. nahawa man or hindi, dapat talaga maturuan na sya ngayong bata pa lang. ayaw kong maging siga ang anak ko. hays.

stormy_princess

  • Guest
Re: need your help- discipline your tod
« Reply #4 on: November 24, 2011, 05:57:23 pm »
naku sis halos ganyan din yung bebe ko. she will be turning 2yrs old sa january. sya naman she wants to do things on her own. siguro nga nature ng toodler yun. orient your yaya sis. i believe pa rin that toodlers imitates the adults talaga kaya dapat ingat sa actions.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close