watch now

Author Topic: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4  (Read 96580 times)

graceria07

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #420 on: December 02, 2011, 10:11:44 am »
salamat mga sis... hay oo nga eh.. mag bbday pa naman ako next week
at first anniv namin sa 16th.. sana maayos na kami. ayoko ng ganito talaga.
hirap ako pag sya na nagtampo.. ako kasi konting sorry at lambing lang nya ok na eh
yoko nagpapatagal ng sama ng loob, kasi naniniwala ako na maigsi lang ang buhay para
maging malungkot na lang lagi...

naku sis anne_rein.. malapit ka na manganak.. as early as 37 weeks mo.. alam ko pwede na talaga eh.
:) inadvise ka na ba ng OB mo na magtagtag?

jp_jameop

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #421 on: December 02, 2011, 10:14:53 am »
aba at ang haba na agad ng backread ko! hahahha

^sis tingin ko normal kasi ako as early as 28 weeks nararamdaman ko yan.. di nga ako makalkad ng direcho kanina kasi feeling ko lalabas ang wiwi ko.. siksik ng siksik si baby sa bandang baba.. check up namin tomorrow babanggitin ko kay dra...

sis princess- huwaw! galing naman.. hahah ako wala pa ako napapanalunan sa mga raffle baka this xmas party baka sakali di ba? hahahahhah at halata naman sa mommy mo na sya excited sa baby mo! hahah at bakit nga kinalimutan mo ang panty!?? hahahah  :P

si kaice - hahahha ganun ba sis? anong field ba si hubby mo? hehehhe kung gusto ni baby sa medical field, asa ob sono, pedia.. etc. wag yung masyadong stressful! hahah naku sis sobrnag srtress kaya ng accountant din, lalo na pag boss ka. ahhahah

sis betty - tlagang pati pangingitim ha? hahahhaha nakaktuwa nga ang tingan ang mga pinamili..

si grace- naman!!!! grabe na tlaga yang si bf mo ha? sarap iuntog.. di na kaya madali ang sitwasyon natin dahil lumalaki at bumibigat si baby... sana maayos na yan at umayos na sya. peace! :)

im happy kasi mukhang di ako bibili ng bottle.. bibigyan ako ng kumare ko ng pigeon bottles! heheh 5-8 pcs daw.. wait ko na yun para if kulang, yun na alng bilhin ko.. hehhe so thankful... gusto pa nya bilhan ng ralph lauren na dress, nahiya naman ako.. ako na tumanggi! hahahah

dahil cehck up namin bukas at alam kong wala akong diet for the past 2 weeks, nagtimbang ako and voila! buti na alng 4 lbs lang gain ko at within limit ni doc. hehe bp ko is 110/70...

kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #422 on: December 02, 2011, 10:25:39 am »
jp_jameop - ENT doctor ang husband ko pero kahit anong filed pa yan eh mararanasan nya mag 36 hours duty at piliin matulog kesa kumain haha! buti di ako tumuloy ng med kasi baka di na kami nagkikita :)

pain down there - tinanong ko yun last check up ko, sumisiksik na daw kasi si baby, getting ready for delivery. pag ganun daw, lie down para di siya mapressure ng gravity pababa dun kasi masakit talaga.

sis betty - pangarap ko maging engineer pero bahala na si baby kate kung ano man ang gusto nya paglaki nya :) 

ngayon pa lang iniisip na namin ni hubby kung saan mag aaral haha! napaka-long term planning talaga :) kasi kung boy, sure na kami sa ateneo eh girl, ayoko naman ng all girls school hehe! :)

bettyboop1322

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #423 on: December 02, 2011, 10:30:04 am »
^^apir tayo sis, bukas din sched ng check-up ko.  :)

Napanood ko pala sa tv few days ago si Andi Eigenman, cute ng baby girl nya. Nakarobe si Andi kaya naisip kong isama sa bibilhin ko for me naman yung robe kasi pag nasa hospital tayo may mga bumibisita, syempre wala tayong bra kaya ok pag may nakaready na robe, 3 days pa naman ako sa hospital. buy na din ako pajamas, polo blouse & undies for myself. :D

^support lang tayo sis kung ano gusto ng mga baby natin pero syempre advise din natin sila sa mga pros & cons... ;D talagang long term planning tayo sa mga precious little ones natin noh... :D

kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #424 on: December 02, 2011, 10:41:13 am »
^sabi ko nga ganito pala ang feeling apg sariling anak na. i raised my 2 nephews aged 13 and 11 na parehong boys, as in almost adopted ko na from clothes, hospitalization and school pero iba pa din pala pag ikaw ang tunay na mom :) lahat gusto mo maging prepared ka :)

anne_rein76

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #425 on: December 02, 2011, 10:43:29 am »
Thanks mga sis for the quick response. Di pa ko inaadvise ni Ob na magtagtag. Pero starting next week, every week na ang check up ko. I guess malapit na talaga ang Big Day kaya ganun na napifeel ko. Anyway, ask ko si Ob about that.

Thanks again mga sis!  ;)

mommy gwen

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #426 on: December 02, 2011, 10:49:50 am »
hi!  :)

sis anne_rein76 - 34weeks and 2 days na ko...halos sabay tayo...ganyan din feeling ko...sakit ng tailbone and sa may vagina parang may pressure...tapos umbok na siya ng umbok...dalas ko din wiwi siguro every 2hours even at night...kakapuyat...hirap na rin bumangon lalo na kung busog...at nakakahingal

sis bettyboop1322 - ako rin pala magdadala ng robe hehe buti nasabi mo wala pa sa checklist ko hehe  :)

sis graceria07 - hope magkabati na kayo ni bf  ;)

sis princessrio - swerte ah...taya nga rin ako sa lotto  ;)

re binyag - alam ko pwede naman binyagan agad...kaso kung kulang sa requirements like kung nso ang kelangan eh di mo lang agad makukuha yung baptismal certificate...ganun kasi sa san agustin nung bininyagan yung baby ko...pero pwede naman...

izabelle

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #427 on: December 02, 2011, 10:51:10 am »
^^^ sis i think it's normal kasi malaki na baby mo and 2 weeks nalang fullterm ka na..

ganyan din baby ko pero almost 32 weeks palang kami. so far hindi pa ako hirap mag sleep kasi naman ever since antukin talaga ako! hahaha! pero nagigising ako ngayon sa sipa.. grabe kasi lakas.. bumubukol na din sya sa tyan ko. :D


kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #428 on: December 02, 2011, 11:07:43 am »
wow! sis anne_rein, mommy gwen and izabelle - kayo yata ang first batch of mommies here :) nakaka-excite! praying for safe and healthy pregnancy to all of you.

holiday ang birthday ko sa january! Chinese New Year daw kasi! sana full of blessings ang hatid nun :)

trizhee

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #429 on: December 02, 2011, 11:32:14 am »
hi mga sisses na buntis! im on my 34th week na rin.. hirap na rin matulog, bumangon at laging masakit ang pubic bone.. :)

medyo naglalakad lakad na rin kami baby pero few minutes lang ayoko naman kasi mapre-term wala pa kasi advise si OB na magtagtag..

excited na ko for my baby papoy kaso wala pa ko nabibiling gamit kahit isa.. wait pa kasi namin padala ng lola nya baka kasi madoble pag bumili ako ng di pa nakikita yung mga items.. super kainip nga e 2nd week pa daw kasi dating ng box.. kainggit tuloy mga sisses natin na super shopping na.. hehe

january 8 EDD ko pero kinakausap ko lagi si baby na lumabas na sya before new year.. target namin dec 27 e.. natatawa nga si bf pag kinakausap ko si baby kasi everyday ko sya ina-update kung anong date na ngayon.. hahahaha..

check up ulit sa sunday sana ok pa rin and konti lang ang gain weight.. excited na talaga ko kay baby super likot na nya lalo na pag naghaharutan kami ni daddy nya parang nakikisali.. :)

kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #430 on: December 02, 2011, 11:44:21 am »
wow! ang cute naman pag kasama nyo na si baby sa christmas / new year :)



knack

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #431 on: December 02, 2011, 11:48:25 am »
...33 weeks 6 days na ko now..

kalurky ang dream ko last night pumutok na daw yung water ko tapos may blood na kasama hays nakakatakot naman yun pero sa dream ko magkakasama daw kami ng mga sisiters at mama ko...

tapos 3 times ata ako gumising para lang umihi at halos di ko na mabuhat talaga katawan ko mabigat na talaga tummy ko..

kaninang umaga nagpatulong pa talaga ako kay hubby magbihis at nagtataka sya bakit daw ako hinihingal eh sya naman daw nagbihis sakin at wala ako ginawa ewan ko ba parang ang bilis ko mapagod at hingalin..

oo pala mga sis normal lang ba na parang may tumutusok sa pempem na parang galing sa loob parang pressure na tumutusok lalo na pag naglalakad?

bettyboop1322

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #432 on: December 02, 2011, 11:51:18 am »
sis trizhee, ang alam ko sis 37 to 38 weeks inaadvise na magtagtag... sa gamit ni baby mo, di bale malapit na 2nd week ng Dec. :D kainggit ka nga at may hinihintay ka na mga gamit ni baby atleast makakatipid ka, ang mamahal kaya ngayon ng gamit ng baby.
Si baby ko naman pag narinig nya naglalaro or naguusap dad & kuya nya dun sya naglilikot ng husto, gusto na din makisali... ;D

sis kaice, bday mo pala January 23, nagusap pa naman kami ni hubby kanina na kapag pumayag si OB tatapat namin chinese new year sked ko ng CS. Di naman kami chinese pero type ko lang... lol... ;D


izabelle

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #433 on: December 02, 2011, 11:57:30 am »
swerte January 23 :D anniversary namin yan ni hubby :) haha! (talagang nirelate.) lol

kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #434 on: December 02, 2011, 12:00:02 pm »
sis knack - yup normal daw yun  tinanong ko yun last check up ko, sumisiksik na daw kasi si baby, getting ready for delivery. pag ganun daw, lie down para di siya mapressure ng gravity pababa dun kasi masakit talaga.

bettyboop1322 - wow! ka-birthday ko si baby mo :) mataas ang rate ng pagiging successful ng mga ka-birthday ko haha! :) kung kaya ko talaga, preferredk o ang normal delivery pero yung isang ninong namin sa kasal sabi mas ok daw ang CS pag less than 3 ang gustong anak, doctor din siya pero di ko ma-gets yung point nya hehe! :) bukod sa mas mahal eh mas matagal ang recovery pero mas mahaba ang ML ...

sis izabelle - wow double celebration din pala kayo sa date na yan :)

bettyboop1322

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #435 on: December 02, 2011, 12:14:49 pm »
^ganun ba sis kaice. :D kaso monday pala ang jan 23, mas preferred ko thursday or friday manganak kasi kawawa yung panganay ko pag monday may pasok pa sa school, he can't stay with us ng 3 days sa hospital. Di ko maisip if ano yung ok sa CS sinabi ng ninong mo.. lol... kasi ako naisip ko nga mag VBAC kaso kakabasa ko lang kanina sa kabilang thread may nagtry di naging successful C-section din ang bagsak nya matapos syang maglabor.  :-\

jp_jameop

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #436 on: December 02, 2011, 12:17:06 pm »
sis betty - heheh sabay pala check up natin.. :)

sis kaice - hahahha oo nga wala ata tlagang tabaho na di stressful. :) kmi naman eh kung ano ang gusto ni baby yun ang susuportahn namin, i know the feeling na napipilitan ka lang sa gangawa mo. :) wow at may skul na tlaga! lol yah trulalu sis, ako din very maalaga sa mga pamangkin ko at halos paborito ako pero takot din sa akin. hehe may pagmamahal at disiplina, pero di ko alam pagdating kay bay chai.. :)

naeexcite ako bumili ng mga dress! hahaha for her.. :)

di ko pa rin naiisip ano ang isusuot ko sa big day! hehe :)

bettyboop1322

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #437 on: December 02, 2011, 12:20:51 pm »
kanina sa canteen while buying ng food ko for lunch may nakita akong kumakain then may coke sya nasa glass na maraming ice, bigla akong nakaramdam ng uhaw, parang vampire na thirsting for blood... lmao ;D

trizhee

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #438 on: December 02, 2011, 01:12:12 pm »
^ hahaha same tayo sis katabi ko kanina yung friend ni bf kaninang lunch at super coke sya.. dedma na lang ako coke naman baso ko kahit water lang laman.. hehe

kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #439 on: December 02, 2011, 01:33:30 pm »
bettyboop -kulang din sa education ang mommies sa philippines kasi ang understanding once CS eh forever CS, kaya di masyadong well versed ang hospitals with VBAC. though madami namang successful VBAC basta normal ang delivery. konting tiis na lang sa coke :)

jp_jameop - haha! ako nga nakakita na online ng damit pang binyag :)

trizhee - haha! talagang coke ang baso, galimg mcdo ba yan?! haha!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close