watch now

Author Topic: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4  (Read 96395 times)

lawlib24

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #140 on: November 23, 2011, 11:55:03 am »
entering to 3rd trimester na rin ako, i also feel nauseous. stay lang ako sa house kahapon.   :)

kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #141 on: November 23, 2011, 11:56:04 am »
yhinglill - welcome sis!  weight the pros and cons of each hospital, sa our lady of lourdes eh private patient ka, sa makatimed, charity, magkaiba talaga yun. in terms of cost eh depende rin sa patient type syempre mas mahal pag private patient ka. pero both are run by metro pacific group of companies though iba pa rin ang quality ng makatimed compared to lourdes though bagong renovate sila. i have no idea with mission hospital :)

yhinglill

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #142 on: November 23, 2011, 12:18:12 pm »
salamat kaice.. taga bicol kasi kami mag asawa, kaso dito na kami nag work. kaya walang alam sa hospitals dito... madami bang tao sa makati med? kahit charity siya pwede ba kong maging private patient? nakakaworry kasi baka hindi asikasuhin pag mura yung ibayad hehe...

simplyshao

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #143 on: November 23, 2011, 12:48:06 pm »
hello sali din ako, due date ko is march 8, 2012 - baby boy..

tanong ko na rin kung san mas ok manganak? sa our lady of lourdes o makati med o sa mission hospital? sabi kasi ng ob ko sa lourdes daw maaadvice nya sakin, 60k yung pinapahanda nya for normal delivery. kaso sabi ng nanay ko baka madaming tao dun kasi dati dun siya nanganak..

sa makati med naman sabi nun friend ko 20k [textspeak!] daw ang package ng normal delivery basta may greencard ka. kaso [textspeak!] baka sobrang daming tao at baka hindi ako asikasuhin kasi mura lang...

sa mission hospital eh nasa harap [textspeak!] ng barangay namin, kaso wala pa kong naririnig na feedback about sakanya.. help naman po... salamat!

Hi Sis! Magkalapit tayo ng EDD - ako March 10. Sinong OB mo sis? My OB kasi is from Our Lady of Lourdes. Mukhang dun n din ako manganganak. Since, 2 of my cousins give birth there okay naman. Tig-4 n anak pa sila. About sa kung magkakano ang magagastos depende din dw kasi type of room na makukuha mo. Siguro sa next visit ko sa OB ko I will ask her kung magkano ang estimate n gastos for NSD and for CS.

knack

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #144 on: November 23, 2011, 01:01:38 pm »

good afternoon mga buntis....

may kwento ako sainyo about samin ni hubby
last week galit na galit si hubby kasi ayaw mag print nung printer namin sabi ko may na jammed lang na paper jan kaya ayaw mag print since yun ang nakalagay na error message sabi nya tinanggal daw nya yung papel ngayon nag try ako magscan ayaw din so sabi ko or pinipilit ko sakanya na may nag jammed na something sa loob ayaw maniwala sakin walang kwenta daw yung canon printer namin na kabibili lang 1 month palang nakalipas sabi ko sakanya punta kami moa para paayos ayun pinaayos namin kagabi at alam nyo kung [textspeak!] nangyari? ayun tama ako may nakasiksik at ito pa matindi ang naka ipit eh y0si sigarilyo nya!!!! eh di yun sabi ko sakanya minsan kasi maniwala sya sakin sabi ba nman eh wag mo kasi pinapatong yung yosi ko sa printer para di nahuhulog dun
aba ako ba naman sisihin ulit naku babatukan ko na sana pero halatang guilty na si hubby kaya yun at ito pa talagang effort sya na bumili ng ulam ko since pagkauwi namin at pagkahain ng pagkain tinakbo ng pusa nya yung ulam ko na isda na halos iyakan ko na ng sobra sobra ayun binilhan akong daing na isda ulit hehe

kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #145 on: November 23, 2011, 01:27:52 pm »
salamat kaice.. taga bicol kasi kami mag asawa, kaso dito na kami nag work. kaya walang alam sa hospitals dito... madami bang tao sa makati med? kahit charity siya pwede ba kong maging private patient? nakakaworry kasi baka hindi asikasuhin pag mura yung ibayad hehe...

same naman ang patient care sa makatimed kung private or charity since isang delivery rom lang naman yun pero pagpunta nyo sa room, yun ang difference, kasi pag private, kayo lang and yung vistors mo pag ward or semi-private, may kasama sa sa room. syempre kung bagong panganak ka pwedeng gusto mong magpahiga eh paano pag umiiyak yung baby sa ka-share mong room,etc. yun ang mga dapat mong i-consider.

kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #146 on: November 23, 2011, 01:30:58 pm »
im so happy... may pediatrician na si baby :) nakausap ko na yung doctor na siya ang kukunin kong pedia ni baby while going to our other hospital :) magkatabi kasi kami sa shuttle and close naman kami. she gave me a lot of tips na during the 45 minutes ride namin :) pagbalik ko naman, yung OB ko naman yung nakasabay ko :) so kahit saang site namin ako manganak eh pwede kasi pareho silang accredtied. yung anesthesiologist na lang ang kakausapin ko, may options na ko pero di pa ko nakakapagsabi :)

geekchiq

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #147 on: November 23, 2011, 01:38:32 pm »
hay ako naman pinulikat kaninang morning. ang sakit! napasigaw talaga ako. nag-away pa nga kami ng mom ko kasi bakit daw ang bata-bata ko pa pinupulikat na ako, eh ang sabi ko nasabihan ko na ako ni OB na pwede nga akong makaexperience nun. e bakit ko raw siya kinokontra, tatlo na ang anak niya, mas alam niya raw kung anong gagawin nniya. hay...hay naku naman!

blouie11

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #148 on: November 23, 2011, 01:50:40 pm »
congrats sis kaice.. Kami din ni baby my Pedia na since day 1. Actually yung bago kong OB at yung Pedia namin magkapatid. hehe

Share lang... may insomnia yata ako, di ako makatulog sa gabi laging 3 or 4am na tapos until 12nn nakahiga lang naman ako nakapikit na mata pero wala pa din.. naiinis na nga ako e nagwoworry din for baby kasi baka may effect sa kanya yun.

Tapos last night mega iyak ako.. waaaa as in emotional panay sorry ko nga kay baby and sabi ko don't worry baby emotional lang si mommy nagtatampo kay daddy. Pano ba naman si bf masama na nga pakiramdam e gumala pa 2:30 am na umuwi ang iyak ko talaga feeling ko pinapabayaan nya kami which is hindi naman talaga. Tapos lumipat ako ng room nung wala pa cya pagdating nya di man lang nya kami pinuntahan sa kabilang room iyak ulet ako nung nalaman ko na nakauwi na cya tapos di man lang cya sumilip sa amin. Balik ako dun sa room niyakap ko si bf sabi nya wag daw ako dumikit masyado kasi baka daw mahawa ako ng sipon nya. Sabi ko lang hindi ako makatulog e gusto ko ng yakap mo.. Ewan ko ba mga sis parang hinahanap ko kasi yung warmth ng katawan ni bf dun lang ako nakakatulog. Sabi nga ng ate ko mukhang si bf daw ang pinaglilihian ko. waaaa

Kanina naman morning before pumasok si bf nagsorry naman cya and sabi nya hindi na daw nya kami pinuntahan sa other room kasi baka daw magising pa ako at ayaw nya nga na mahawa ako sa sipon nya...

Pag mga ganong instances parang gusto ko bumalik sa bahay namin. hahaha maglayas ba!

hay.... bakit kasi napaka emotional ko ngayon.

iristacey

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #149 on: November 23, 2011, 02:08:29 pm »
ako din nagpahug kagabi kay hubby kasi hindi makatulog. ewan ko ba, pagka madaling araw talaga nagigising talaga ako kaya ayun, hanap hanap ng magandang pwesto hanggang makatulog.

trizhee

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #150 on: November 23, 2011, 02:22:58 pm »
naku pareho tayo sis usual sleep ko 2 or 3 am pinakamaaga ko na 1:30 am.. super likot din kasi si baby.. gising lang ako ng 7am to eat breakfast then sleep ulit.. ayun kaya minsan 12 nn na tulog pa din kame..

geekchiq

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #151 on: November 23, 2011, 02:29:36 pm »
ako rin..ganyan lately, hirap makatulog. ang Dali ko ring magising, basta hindi mahimbinh tulog ko. mga 2 or 3 am na ata ako nakatulog kagabi tapos bumangon ako ng mga 8 para magsimba sa baclaran. akala ko nga kagabi madali Lang ako makakatulog kasi the night before, 3 hours Lang tulog ko. takot nga ako kasi nahirapan akong huminga kagabi bago matulog kahit na left side ako matulog. tapos parang nanigas pa yung kamay ko habang natutulog..:(

blouie11

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #152 on: November 23, 2011, 02:33:29 pm »
ewan ko kung tama ba tong sasabihin ko "good to know na hindi lang din pala ako ang nakakaexperience nito" hehe.. normal na siguro yun mga sis no? sa gabi kasi madalas maglikot si baby hindi mo naman pwede dedmahin lang. Sana naman hindi napupuyat mga baby natin.

Hindi na nga ako natutulog ng hapon para maaga makatulog sa gabi pero wala ganun pa din. hays! Inom kaya ako ng milk sa gabi may effect pa kaya yun?

princessrio

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #153 on: November 23, 2011, 03:57:43 pm »
i'm back!!!! actually, sidetrip lang talaga yung malling ko. hubby asked me to canvass for avent stuff.. yung sterilizer at yung bottles. so eto na.. yung sterilizer dito at doon, almost the same price lang.. pero yung starter kit dito eh 3100, at dun kina hubby eh tumataginting na 1700! sobrang laki ng diperensya di ba? so might as well dun na lang ako pabili sa kanya tutal magpapadala naman sha ng package talaga for the baby.

regarding pedia, yung OB ko na rin ang magiging pedia ko since family med naman sha talaga.

regarding paglalambing sa significant other.. hay naku!! eh kung andito lang asawa ko, malamang ganyan din ako. tuwing maguusap nga kami, lagi ko sinasabi na sana andito sha sa tabi ko.

regarding pagtulog, kagabi lang ako nahirapan matulog ulit. hindi lang ako makatulog. ang nakakaloka nito, wala pa ako sa 3rd tri eh parang bumabalik ang pagiging antukin ko. ayos lang naman yung pagiging antukin since dito lang naman ako sa house.

next week ako papacheckup., monday. sa umaga, punta ako sa philhealth kasi may asikasuhin ako. tapos sa hapon ang checkup. ewan kung anong gagawin sa akin. siguro request for blood tests na.

kuwento lang.. yung sister ng SIL ko, sa perpetual manganganak tomorrow. sabi ko dadaan ako dun sa friday para icheck sha. at least meron akong makukuhang first hand and latest experience at feedback (aside from sa pinsan ni hubby who referred us there). o yun lang.

princessrio

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #154 on: November 23, 2011, 04:25:37 pm »
at dahil wala akong magawa, nag-inquire ako ng binyag dun sa church near MOA. haha.. excited talaga! special baptism, 2500 kasama na dyan yung one pair ng ninong ninang. in excess ng 1 pair of ninong ninang eh 100 per head. ininquire ko rin yung venue sa ilalim ng simbahan kaya lang namahalan ako kaya di na ako nakinig masyado  ;D anyway, they're tied up with Hizon's and VS&F and Tamayo's.

blouie11

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #155 on: November 23, 2011, 05:47:48 pm »
wow sis aga nyan ah.. binyag na agad iniisip mo? ilang months si baby plan mo magpabinyag?

ako sana mga 5 months si baby so march ako manganganak so mga August.. di ko lang sure pero ayoko naman itapat sa 1st death anniv ng dad ni bf.

tigaM

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #156 on: November 23, 2011, 07:16:34 pm »
naku mga sis, ganyan din ako, hirap na hirap ako matulog for various reasons - minsan init na init ako, minsan, di ako mapakali sa pwesto ng pagtulog ko, ngalay na ngalay na yung left side ko, kaya palipat lipat ako ng side, minsan naman kung ano-ano lang naiisip ko, makatulog man ako, super babaw... haay, kung dati na di ako preggy, may insomnia na ko, ngayon na preggy ako, mas lumala pa... palagi tuloy ako late, halfday or absent, halos wala na ko sinusweldo :(  sis princessrio, saan sa perpetual magnganganak yung sis ng SIL mo? perpetual las piƱas ba? dun kasi ko manganganak... give us feedback ha like rates, services, etc... thanks sis! ingats mga preggy sis...

arielle

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #157 on: November 23, 2011, 07:17:03 pm »
hello mga sis! meron na ba sa inyo nakaattend ng childbirth class?  first time mom kasi  and third trimester na, baka meron kayo alam and magkano kaya.

izabelle

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #158 on: November 23, 2011, 07:24:02 pm »
hindi na advisable sa akin mag lakad ng matagal sa mall ngayon.. 2 hours lang ako naglibot kanina sobrang sakit ng legs ko.. as in.. nagpahinga ako pagdating ng house but still painful pa din.  :'( hindi na yata ako sanay sa walking.. kasi araw araw nasa bahay lang ako. :P

anyways, i bought a dress for my baby girl sa periwinkle :D so cutie, color pink sya :) sabi ko quota na ako sa damit nya kasi ang dami na talaga pero hindi ko napigilan sarili ko.. the dress is just so cute..

sugarpop

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 4
« Reply #159 on: November 23, 2011, 08:49:48 pm »
hello mga sis! meron na ba sa inyo nakaattend ng childbirth class?  first time mom kasi  and third trimester na, baka meron kayo alam and magkano kaya.

Sis...check this one out: www.childbirthteacher.com. Most of my preggy friends went here...planning to enrol din.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close