share ko din yung experience ko
last january nadiscover din namin na may dermoid cyst ako sa may left ovary. (13cm)
natakot din kami kasi preggy din ako. buti kamo ay 5weeks palang ako ay nalaman na.
sa sobrang kaba namin ni hubby 4 na ob ang pinuntahan namin..
first ay yung sa may sm centerpoint ba yun at naasar ako kasi ang sabi niya need na daw tanggalin kagad
kasi kapag pinatagal ay umiikot daw yun at puputok. ( kapag lumaki na si baby)
so natakot kami at sinabi kagad kela mama at papa.
sa may 2nd and 3rd ob na pinuntahan namin pre has lang sila ng sinabi sa my MCU.
kaso yung 2nd iba siya magexplain kaya naisipan namin mag 3rd opinion
with the 3rd ob nalala nila mama yung ob ni mama at yun yung pinuntahan namin
inexplain niya ng maayos na need magintay ng 14 or 15 weeks bago maoperhan (di kona maalala)
para ma save ang baby. yung ngsabi daw na operahan kagad ganun daw ang mga batang ob ngayon
so nagintay kami ng ilang weeks. semana santa nung inoperahan ako kaya kabado ako. pero ok naman
pinalabas kagad ako ni ob sa hospital pagkaopera kinabukasan pinaglakad at pinatayo nako.
kasi ganun daw talaga para gumaling kagad wag na maginarte sabi ni ob para kay baby. so ginawa ko naman
kaso hirap lang kasi di ka makatawa at makaiyak at makasuka. eh yun yung time din na my morning sickness
pako so ang hirap hirap.
after ko maoperahan nasa recovery room ako nasukahan ko sa muka yung nurse so hiyang hiya ako
kasi pinipigil ko sumuka dahil masakit ayun sakto may pinulot siya sa lapag at pag angat niya sakto suka ko
sobrang nakakahiya .
ngayon ok nako actually yung tahi ko lumapad siya.pero ok naman masakit lang nung ilang months palang
yung left ko kasi sariwa pa nga yung loob .
tinanggal din ang left ovary ko kasi masiado ng malaki
at buti kako yung cord na ngsususport kay baby ay nasa kanan
una di mahanap ng ob ko baka daw paikot yung cord or nasa likod yun yung sabi niya
pero thank God kasi nasa kanan
dati tatakot din ako kasi ang pain reliever ko lang ay biogesic 8 times a day. bawat inom 2 tablets
so tatakot ako di ko sinunod yun at kng kelan lang sumasakit dun lang ako umiinom alam ko
ok ang biogesic sa preggy pero yung 8times kawawa naman baby ko

4th prehas lang din ( ob ng sis ni hubby) ngtry lang pero ng stick n kasi sa 3rd ob
pero sabi ng ob ko ang dermoid cyst nga ay since birth yun yung dumi ng mother mo na hindi nailabas
habang pabuo kapang lang. ang laman ng dermoid cyst ay ngipin, balat at buhok (mga dumi)
at ang dermoid cyst ay hindi ng cacause ng cancer . kasi dumi lang talaga siya kaso bumabalik siya like sa
friend ng mama ko ngkaron nun nung tinanggal ang left ovary niya 3yrs lang bumalik sa right naman
so wala na siya ovary kasi npabayaan na kaya sabi ng ob ko once a year dapat magpapaultrasound ka
at wala pang gamot sa dermoid cyst para mawala siya need lang talaga operation.
sna makatulong to sorry sa long story
