watch now

Author Topic: All About WAXING (Part 7)  (Read 170856 times)

gorgeous_me

  • Guest
Re: All About WAXING (Part 7)
« Reply #540 on: October 31, 2013, 11:44:49 am »
^sis hindi naman sila magcocomment ng ganon..work nila yun kaya lam nila yung gagawin..nkikipagkwentuhan na lang ako minsan or nagbabasa.para hindi ko na pansin yung sakit..lol..aside sa naglalagay ako ng pampamanhid :P  try mo na sis..medyo masakit sa una at kapag puyat ka..mas mahina yungvpain tolerance mo

rinapie

  • Guest
Re: All About WAXING (Part 7)
« Reply #541 on: October 31, 2013, 09:14:38 pm »
yes, di naman sila nanlalait o ano pa man...kumbaga professional sila sa gawaing yan.

@megumiii, doon ka ba palagi nagpapagawa or yung technician ba e yung dati pang nagawa sayo? baka pwede rin kasi na depende sa technician, ako kasi laybare katipunan for two years na and napansin ko, meron na after ko magpa-wax e may zits na lumalabas, minsan wala, depende sa technician. or napawisan siguro, di naman kasi naiiwasan.
« Last Edit: November 05, 2013, 10:54:32 am by rinapie »

purple_md

  • Guest
Re: All About WAXING (Part 7)
« Reply #542 on: November 01, 2013, 09:27:40 pm »
^sis ako rin  may mga zits na lumalabas. napapansin ko yan pagka medyo matagal ako di nagpawax

kyuza

  • Guest
Re: All About WAXING (Part 7)
« Reply #543 on: November 01, 2013, 11:25:44 pm »
Has anybody tried aniana (?) waxing lounge in pateros? :)

budzwhiz

  • Guest
Re: All About WAXING (Part 7)
« Reply #544 on: November 02, 2013, 02:11:10 am »
I never thought I'd think of having any part of my body waxed. Lol but here I am...

Gusto ko sana ipa-wax na yung legs ko. Kaso nagkaron ako ng dark marks plus one na sooobrang laki I can't even wear shorts anymore! So siguro pa-lighten muna mga scars tapos saka balakin ang wax. :P I've never shaved din my legs before. Ma-balbon ako and makapal talaga hair ko sa legs, yung iba nagkukulot na parang sa lalaki. :-X kaka-pants kaya to?
Mga sis kung magpapawax ako sa legs, gano kabilis bago ulit tumubo? And kasing kapal pa rin ba tulad ng dati? Sorryyyy total noob here! ;D

Pero na-tempt nyo na ko magpa-wax ng UA. hehe. I've gone from shaving, one session (sobrang tamad lang!) ng laser  tapos ngayon plucking ako. Gano kabilis tumubo dito? hehe. Saka ilang sessions bago numipis talaga? TIA! :)

Milada

  • Guest
Re: All About WAXING (Part 7)
« Reply #545 on: November 04, 2013, 05:40:02 pm »
gorgeous_me and rinapie

Thank you haha. Napaka nega ko talaga eh :p Kasi naman gusto ko itry yan para hindi ako sariling sikap. Buti pa kayo sis may confidence huhu

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About WAXING (Part 7)
« Reply #546 on: November 04, 2013, 06:51:56 pm »
Thank yos sis sima :) First week of December ako magpapa wax sa legs. First time ko kasi.

sima

  • Guest
Re: All About WAXING (Part 7)
« Reply #547 on: November 05, 2013, 12:40:42 am »
You're welcome sis swtgrl_bee.

Ma-balbon ako and makapal talaga hair ko sa legs, yung iba nagkukulot na parang sa lalaki. :-X kaka-pants kaya to?
Mga sis kung magpapawax ako sa legs, gano kabilis bago ulit tumubo? And kasing kapal pa rin ba tulad ng dati? Sorryyyy total noob here! ;D

You may be right na kaya kumakapal ang balbon mo sa legs ay dahil sa pantalon.  Kung magpapawax ka, the hair grows after 4-8 weeks.  Kung parati kang magpapawax, pumipino naman yung hair pero pansin ko, sa akin, may ilang parts pa rin na makapal at merong parts na hindi na siya tumutubo, at merong parts na fine na yung hair :P
« Last Edit: November 05, 2013, 12:43:11 am by sima »

cattleya_simone

  • Guest
Re: All About WAXING (Part 7)
« Reply #548 on: November 05, 2013, 09:51:09 pm »
I've tried UA, full legs, bikini and brazilian waxing, pati na rin eyebrow threading. All these were done by Laybare, except the brazilian. I must say mas tolerable sakin ang brazilian thru hot/ warm wax kesa cold wax na gamit ng Laybare. Na-try ko ang bikini sa Laybare at halos maiyak ako the whole procedure, hindi ko talaga kinaya how much more pag brazilian pa. Na-try ko sa Let's Face It keribels naman kaya dun na ako parati nagpapagawa. Feeling clean and fresh after hehe  ;)

budzwhiz

  • Guest
Re: All About WAXING (Part 7)
« Reply #549 on: November 06, 2013, 11:50:59 pm »
Thanks sis sima! :) Can't wait to have one! Try muna sa ua kung maging okay.  ;D

annd

  • Guest
Re: All About WAXING (Part 7)
« Reply #550 on: November 21, 2013, 01:36:02 am »
Just want to ask users of nanny rose, after spreading it, ilalagay na ba agad yung cloth and then pull? or leave for 1-2 mins then lagyan ng cloth and then pull?
sorry. bago kasi ako sa ganito. i usually shave pero nakakaitim kasi ng underarm.

thanks.

heaven_charm

  • Guest
Re: All About WAXING (Part 7)
« Reply #551 on: November 21, 2013, 06:56:45 am »
I'm planning to have a brazilian wax sa strip. True ba na hindi masakit masyado sa strip kahit medyo pricey? Underarm and legs sa laybare ako nagpapagawa and masakit pag sa legs. Isip ko baka sibra sakit lalo pag brazilian. It will be my first time

Saka sa brazilian ba damay na yun bikini area? 8 months kasi ako hindi nagshave down there kasi ayaw ni bf since nasa abroad siya. Pero dahil pauwi na siya pwede nadaw :D

Medyo adik na sa wax kasi tagal tumubo and may parts na di na talaga tinutubuan ng hair

moonstar_004

  • Guest
Re: All About WAXING (Part 7)
« Reply #552 on: November 21, 2013, 08:19:09 am »
^brazilian is waxing off EVERYTHING down there. even the butt crack.

Pink_Sugar

  • Guest
Re: All About WAXING (Part 7)
« Reply #553 on: November 21, 2013, 11:55:13 am »
hay hindi said yung brazilian wax na ginawa sa akin. :-( may mga parts na putol pa yung hair. tsaka yung sa may butt crack ay hindi ni wax

momentum

  • Guest
Re: All About WAXING (Part 7)
« Reply #554 on: November 21, 2013, 12:14:29 pm »
may nakita ako ng online seller ng wax na ginagamit sa lay bare. has anyone tried this?
may loyalty card ako from laybare hehe BW lagi pinapagawa ko but not ever month..siguro every 2-3 months lang..ineepilate ko minsan yung bikini area ko kapag nagtitipid sa waxing hehe.

rinapie

  • Guest
Re: All About WAXING (Part 7)
« Reply #555 on: November 21, 2013, 12:55:01 pm »
^^saan ka nagpa-wax? sa lay bare kasi hindi ba pinapa-check nila kung okay na? kaya ako kapa-kapa muna.

MrsNocom

  • Guest
Re: All About WAXING (Part 7)
« Reply #556 on: November 21, 2013, 01:29:07 pm »
Nag-try ako magpa-wax sa Lay-bare, Marque Mall Pamp. Once lang un at natgtagal sya hanggang matapos un bakasyon ko sa pinas. Okay na okay sa akin un service nya :)

mischa04

  • Guest
Re: All About WAXING (Part 7)
« Reply #557 on: November 27, 2013, 07:38:35 pm »
Last sunday nagpawax ako sa laybare megamall.. bw, underarm, and eyebrow pinagawa ko. At nakakalungkot dahil di ko pa rin gusto service nila. The last time na dun ako nagpagawa nag-bleed konti yung skin na winax ngayon naman pagdating ko ng house dun ko naramdaman na mahapdi yung skin na nawax both ua and bw.. haay hindi talaga sila maayos gumawa, lagi pang nagmamadali kaya pangit ang nagiging result, untidy ang feeling during and after the session and worse nakakasakit sila. Sa regular branch ko sa market market never ko naexperience ang ganon. Napilitan lang ako na sa mega na magpagawa kasi andun na rin ako kesa naman lumipat pa, pero next time, definitely hinding hindi na ko papagawa sa kanila, mag eeffort and i'll make sure na sa regular branch ko nalang ako lagi.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: All About WAXING (Part 7)
« Reply #558 on: November 27, 2013, 11:30:34 pm »
Korek sis mischa04, saka dapat hindi lang regular branch mo pati regular aesthetician mo. Ako kasi nag maternity leave yung gumagawa sakin, so nagpagawa ako sa iba. Hindi ko gusto, kaya ito lahat sa akin ngayon eh makapal since this week pa siya babalik, sakto nalang na first week of December ako babalik since birth month ko para discounted. Hiyang hiyang din kasi talaga eh.

mischa04

  • Guest
Re: All About WAXING (Part 7)
« Reply #559 on: November 28, 2013, 08:17:29 pm »
oo nga sis swtgrl_bee, hiyangan din talaga.. ako naman yung regular aesthetician ko nalipat na sa pampanga branch kaya iba-iba gumagawa sakin sa regular branch ko, hinahanap ko pa kasi kung sino sa kanila ang hiyang ako..hehe.. Good thing lahat sila ok sakin, maayos at magaling naman lahat..kaya definitely back to my regular branch na ko.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close