watch now

Author Topic: san makakabili ng murang toys & party needs sa baclaran  (Read 28663 times)

mamagwyn

  • Guest
san makakabili ng murang toys & party needs sa baclaran
« on: November 06, 2011, 04:52:50 pm »
hi sis, may alam ba kayo kung san makakabili ng murang toys and party needs sa baclaran?

may mga kulang pa kasi ako eh, kaso alangan na ako na pumunta pa sa divisoria. baka may alam kayo. thanks

dyann***

  • Guest
Re: san makakabili ng murang toys & party needs sa baclaran
« Reply #1 on: November 14, 2011, 09:42:33 pm »
sis meron sa baclaran na tinatawag na bagsakan sa may ilalim ng LRT, lakad ka lang papunta sa may LRT tapos tanong mo na lang kung saan yung bagsakan, presyong divi daw dun kasi yung mom and mga tita ko dun namili ng mga prizes nung family reunion namin nung August.

mamagwyn

  • Guest
Re: san makakabili ng murang toys & party needs sa baclaran
« Reply #2 on: November 14, 2011, 10:25:48 pm »
meron din kaya mga balloons dun sis? para hindi na ako magpunta ng divi.

dyann***

  • Guest
Re: san makakabili ng murang toys & party needs sa baclaran
« Reply #3 on: November 14, 2011, 11:08:40 pm »
^anong klaseng balloons sis?

mistiqshannen

  • Guest
Re: san makakabili ng murang toys & party needs sa baclaran
« Reply #4 on: November 15, 2011, 12:20:49 am »
sa MOA sis meron lollipop same price lang din sa divi.

mamagwyn

  • Guest
Re: san makakabili ng murang toys & party needs sa baclaran
« Reply #5 on: November 15, 2011, 07:54:25 am »
ayun pala mga balloons sa may moa..

pero meron din po kaya sa may baclaran yun mga foil balloons? di ba mura lang yun sa divi..

dyann***

  • Guest
Re: san makakabili ng murang toys & party needs sa baclaran
« Reply #6 on: November 18, 2011, 07:21:18 pm »
^parang wala yata sa baclaran ng foil na foil balloons

nicegirl05

  • Guest
Re: san makakabili ng murang toys & party needs sa baclaran
« Reply #7 on: November 28, 2011, 03:05:56 pm »
salamat at may ganitong thread..
sis ask ko lang meron din bang mga plastic candy jars sa baclaran at san po? for candy station sana para sa party ng anak ko baka kasi mabasag if glass ang gamitin ko. thanks

dyann***

  • Guest
Re: san makakabili ng murang toys & party needs sa baclaran
« Reply #8 on: November 28, 2011, 03:58:11 pm »
^maraming tindahan ng mga kitchenwares sa baclaran ikot ka lang sis, baka merong mga plastic jars...

mariasans

  • Guest
Re: san makakabili ng murang toys & party needs sa baclaran
« Reply #9 on: November 29, 2011, 12:19:36 pm »
sa ilalim ng lrt sis , sobrang dami dun :)

nicegirl05

  • Guest
Re: san makakabili ng murang toys & party needs sa baclaran
« Reply #10 on: November 29, 2011, 12:31:53 pm »
mga sis thanks, it will help me a lot. :D

Supermom Juls

  • Guest
Re: san makakabili ng murang toys & party needs sa baclaran
« Reply #11 on: December 03, 2011, 09:39:47 am »
Marami nga sa ilalim ng LRT. Minsan pag tinatamad ako mag punta sa divisoria dun lang ako nag pupunta.

euqihn18

  • Guest
Re: san makakabili ng murang toys & party needs sa baclaran
« Reply #12 on: December 08, 2011, 05:12:34 pm »
@ sis nicegirl05, mga plastic jars nandun po sa dulo ng lrt pagtawid ng rotonda if galing ng lrt station.
 
if galing po ng sucat via quirino, dun po yun mismo sa mga nililikuan ng mga jeep but minsan sa sobrang traffic di na naderetso ang mga jeep hanggang simbahan kaya lakad pa po hanggang makalagpas ng palengke.

if galing naman po ng simbahan/roxas blvd, lakad lang po deretso paputang lrt, pagdating sa dulo/rotonda..tawid po sa kabila. kahilera po siya ng chowking

@ sis mamagwyn, for party needs, medyo madalang po sa baclaran pero meron din po kaya lang medyo tago po yung place at nagiisa lang siyang store dun. if alam mo po yung gate sa likod ng simbahan, labas ka po duon, lakad deretso pag labas ng gate, yung papunta ng quirino palengke. unang kanto po kanan, nandun po yung nagtitinda ng mga pang party needs. kaya lang if foil balloon parang walang choices dun...better parin po ang divisoria for party favors. mas maraming choices  :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close