watch now

Author Topic: paano magpaalam sa parent(s) pag may out of town/the country with bf?  (Read 22329 times)

whatswithjuly

  • Guest
hi all. not sure if i posted it in the right thread.

curious lang ako. anong sinasabi nyo sa parents nyo when you're going out of town or out of the country with your bf for several days? pumapayag ba immediately parents nyo because they trust you or wala lang sila nagagawa? :D do you tell them the truth or sinasabi nyo kasama nyo friends nyo and you're in separate rooms?

justin3

  • Guest
Re: paano magpaalam sa parent(s) pag may out of town/the country with bf?
« Reply #1 on: November 05, 2011, 03:23:51 am »
at 26 with stable job, ano nga ba magagawa ng parents mo kung aalis ka kahit na di man sila pumayag? ;)

but i would like to get in the shoes of your father.
though ganun pa rin, wala pa rin ako magawa, nandyan ring yung iisipin ko ang lots of worries. not just about your safety but yung... ang anak ko, mag overnight, kasama ang bf... alam mo yon?

kahit na sabihin mo pang hiwalay kayo ng room at naka-chastity belt, di mawala na lalaro sa isip ko yung PMS thing... bakit, sa kwarto lang ba nagagawa yon? malay ko ba kung may sampong duplicate keys kayo ng chatity belts nyo. :D

alam mo sis, since magkakagulo kung di matuloy ang trip nyo. WAG KANG MAGPAALAM sa parents mo.

kasama mo si bf? is he serious with you? mahal ka nya? lalaki sya? then MAGPAKALALAKI sya.

let him be the one to ask permission from your parents... need i explain why? ;)

mooncake and leaves

  • Guest
Re: paano magpaalam sa parent(s) pag may out of town/the country with bf?
« Reply #2 on: November 05, 2011, 03:50:00 am »
I tell them straight. "Papa, bf and I are going to blah blah blah". It's a lot more suspicious if you lie and I  don't believe in lying to the parental unit anymore. I'm an adult, for crying out loud. For my family naman kasi, they just want the details, in case of emergency and I feel safer and much better if they know where I am and who I'm with. I used to sneak around when I was younger and it wasn't fun at all. Parang cursed tuloy yung trip nyaha.

:)

edited to add:

'Di ko pala nasagot about room arrangements- my father doesn't ask but he assumes that my boyfriend and I are staying in one room so ang laging banat niya is, "magpapakabait kayo ha. baka kung ano-anong kalokohan gawin niyo". That's it. He's in denial, methinks but what can he do. He really has no other choice but to trust me, trust us. :)
« Last Edit: November 05, 2011, 06:07:12 am by mooncake and leaves »

blooming

  • Guest
Re: paano magpaalam sa parent(s) pag may out of town/the country with bf?
« Reply #3 on: November 05, 2011, 09:30:12 am »
Sa panahon ngayon, kapag nagpaalam ka ng out of town with bf, may parents pa ba na tumatanggi?  Siguro meron, especially kung hindi pa ka graduate ng college.

Sa panahon namin before (90s), this was a big No-no.  Kahit pa nagt-trabaho ka na (in your 20s).  Ako mismo or kahit barkada/friends ko, this is something not nice for a girl to do.  If with friends and bf, ok pa siguro.  Pero kelangan parin magpaalam ng maayos.  Pero kung kayong 2 lang ng bf ninyo - ano kayo magh-honeymoon?  But that was during that time (more than 10 years ago na!). Sharing lang naman.

Pero ngayon, parang accepted nanga na magout of town ang mag-bf.  Minsan may nakita ako nasa boracay - proud na proud pa sila magpakilala na mag-bf sila na magkasama.  Pag hindi nago-out of town yung bf-gf, parang hindi sya normal relationship these days.

Since I was raised from a conservative background, kung ako ang parents mo, hindi ako papayag nang ganun ganun lang. Marami siguro akong itatanong muna bago pumayag.  ;D  Sino sino mga kasama mo (good influence ba).  Responsible ka ba as an adult (graduate ka na ba at kaya mo na pakainin sarili mo).  Responsible ba ang mga friends mo na tipong hindi ka iiwan kung sakaling ma ambush kayo ng abu sayaff or any terrorist?  Kasi for safety reasons din,  di mo maalis ang pag-alala ng parents pag nag-o-out of town esp sa Pinas (road trips - road accidents, kung may swimming, may life guard ba, etc...).




whatswithjuly

  • Guest
Re: paano magpaalam sa parent(s) pag may out of town/the country with bf?
« Reply #4 on: November 05, 2011, 09:37:54 am »
i know pag you're old enough wala na talaga magagawa parents. parang they just have to know where you're going, how long are you gonna be there..  curious ako how other parents react kasi parang given na that you'd be sleeping in one room, how do they handle that kind of situation. alam nyo na dito satin, maraming nangyayari naman sa totoong buhay pero di lang tanggap ng lipunan ;D i personally don't think it's because they trust you.  :P they just probably know hindi ka na nila pwedeng pigilan. :D i think this would answer the question din kung gano na ba ka-open-minded (is this the right term?) ang parents nowadays?

@justin3: sad to say, i just lost my dad 2 mos ago so if you can notice i put parent(s) - pwede namang parents talaga ilagay ko. pero you're correct, mas mahirap kasi magpaalam sa father. ego ng lalaki yun. gawain din kasi nila nung araw  :P well, as for my bf magpapaalam para sakin, i haven't done that. pero my bf would be glad to that.  ;) feel na feel pa nun!

@mooncake and leaves: marami kasing parents na strict talaga. you're lucky na dinadaan ka na lang sa biro ng dad mo.


mooncake and leaves

  • Guest
Re: paano magpaalam sa parent(s) pag may out of town/the country with bf?
« Reply #5 on: November 05, 2011, 11:55:04 am »
^ No hindi biro ni Papa yun. He's very conservative and very strict din, especially growing up. But I maintained a stellar record with him. And I think he knows how important it is for me to be able to travel. Plus, nabayaran na eh, anong magagawa niya nyaha. Seriously though, for me kasi, lying is out of the question na. I'm superstitious in many ways and for me parang bad luck talaga kapag nagsisinungaling. :)

whatswithjuly

  • Guest
Re: paano magpaalam sa parent(s) pag may out of town/the country with bf?
« Reply #6 on: November 06, 2011, 03:43:29 pm »
@blooming: ang corny na kasi talaga nowadays kapag puro movies or dinner. siempre sabi nga, travel generation na ngayon. natural lang na kung may gusto man tayo makasama sa travels, bf ang top sa list.

prille

  • Guest
Re: paano magpaalam sa parent(s) pag may out of town/the country with bf?
« Reply #7 on: November 06, 2011, 03:54:05 pm »
thats my problem too.. pero pag kameng dalawa lang, hindi talaga kame pinapayagan.. dapat may kasamang other friends..

Superjoie

  • Guest
Re: paano magpaalam sa parent(s) pag may out of town/the country with bf?
« Reply #8 on: November 06, 2011, 06:06:23 pm »
that will be my prob next year! hehe wish us luck. :) baka si BF ang mag paalam para saken. may nakaexperience na ba nito? what happened? :)

k_heart

  • Guest
Re: paano magpaalam sa parent(s) pag may out of town/the country with bf?
« Reply #9 on: November 11, 2011, 12:20:49 am »
Ah, nung single ako, ang bf ko ay nag aaral sa  Baguio. Monthly umaakyat ako, ang paalam ko lang either  may ocular ako, may taping ako or  may outing ako dun. Mesyo nagtataka na nga sila kung bakit laging Baguio. Peeo since im working and very much independent,wala syempre silang magawa. The bf is now my hubby.

Pero nung student pa lang ako, never ko itomg ginawa. 

whatswithjuly

  • Guest
Re: paano magpaalam sa parent(s) pag may out of town/the country with bf?
« Reply #10 on: November 19, 2011, 11:49:36 am »
@Superjoie: actually hindi naman ako problemado. cause i know i just have to let my mom know san pupunta. not necessarily to ask permission.  :P mas prob pa ko pano ko magpapaalam sa boss ko. lol.

@k_heart: galing mo naman ;D they don't know your bf was studying in baguio that time? kasi for sure iisipin nila na dun lang talaga ang punta mo.

hisana

  • Guest
Re: paano magpaalam sa parent(s) pag may out of town/the country with bf?
« Reply #11 on: November 22, 2011, 02:07:00 pm »

When I was still in school, kahit anong outing pa yan at kahit sino kasama, I just give it to them straight. Kung hindi ako payagan, I just accept it.

Pero the moment I hit my 20s, then nagkatrabaho na ako and slowly trying to become independent, hindi na. LOL. Kung tinanong lang, though even then I never give out the full details kung hindi naman kailangan. I mean, not to sound mayabang or anything, pero ako na pinakamatino sa family namin, I am the last person they have to worry about na gagawa ng kalokohan or what. I can take care of myself. I know what I'm doing.

KrisKulit

  • Guest
Re: paano magpaalam sa parent(s) pag may out of town/the country with bf?
« Reply #12 on: December 06, 2011, 06:50:10 pm »
di pa namin ni bf naeexperience magout of town na kaming dalawa lang, lagi naming kasama parents nya.. yung parents nya yung nagpapaalam sa parents ko pag mag-oout of town kami.. at dahil parents nya yung nagpapaalam walang problem sa parents ko..  pero syempre sasabihin ko muna sa mom ko bago ako ipagpaalam ng magulang nya.. ;D

and regarding sa room, magkakasama kami sa room (bf's dad, mom & bf) pero kami ni bf magkatabi sa kama..  :P

whitelady17

  • Guest
Re: paano magpaalam sa parent(s) pag may out of town/the country with bf?
« Reply #13 on: December 19, 2011, 04:03:21 pm »
we had an agreement before, linya ng parents, " mga anak, wala kaming perang maipapamana sa inyo, kaya pagbutihin ninyo ang pag-aaral ninyo, iyan lang ang mapapabaon namin sa inyo. After kayo maka graduate, bahala na kayo sa life ninyo, mag-asawa kayo etc.." which pinanindigan ko naman. So now, everytime na may lakad kami, hindi na ako nag ask ng permission talaga, rather, informing them na pupunta ako sa Boracay or sa Cebu or kung saan man, kapag nag ask sino kasama ko, sasabihin ko si bf. Unless na official business, sinasabi ko rin na sa company iyon. No explaination needed na rin kung magkasama ba kami sa room or not. Kasi adults na talaga kami. (28 yr.old)

nicoletta

  • Guest
Re: paano magpaalam sa parent(s) pag may out of town/the country with bf?
« Reply #14 on: December 21, 2011, 12:08:52 am »
Make sure na you will go abroad w/ friends for your own protection din. Kahit modern na Tayo, it still looks bad to go alone somewhere w/ your bf.

rheagirl

  • Guest
Re: paano magpaalam sa parent(s) pag may out of town/the country with bf?
« Reply #15 on: December 21, 2011, 08:38:00 pm »
naku parang ang hirap kasi kahit ako mahihirapan payagan ang anak ko.

emiii

  • Guest
Re: paano magpaalam sa parent(s) pag may out of town/the country with bf?
« Reply #16 on: January 10, 2012, 12:06:42 pm »
uhm... papano naman kung solo traveller lang?...
problema ko kasi 'to. nung sunday, nagpaalam ako sa parents ko na punta akong macau. hindi ako pinayagan. thurs.-sun. sana trip ko. ayun, hindi na tuloy. Pfft... sabi na eh, dapat iba yung ginawa kong dahilan.
ang pinoproblema ko naman ngayon, yung SG trip ko sa Feb. 10-13, tsaka sa march 8-10 sa HK...
yung SG, dapat talaga matuloy may papanoorin kasi akong music festival. gusto ko lahat ng tutugtog, bukod sa music, kukuha din ako photos eh... so ganun ka-importante talaga, masaya (mababaw lang naman kaligayahan ko) na ako xD

iniisip ko na ngayon kung paanong paalam gagawin ko. mas naghigpit sila ngayon. kahapon, lumabas ako kasi may in-attendan akong foreign language class. ang daming tanong ng nanay ko, saan daw [textspeak!] skul, saan banda sa makati, anong pangalan, anong oras, blah blah blah...
tapos kagabi, nag-overnight ako sa friend ko, tineks ko yung papa ko. tumawag sa akin, tapos saan daw ako, anong pangalan ng kaibigan ko, ano address. hindi pa nakuntento, kausapin daw niya kaibigan ko, ayun, daming tanong din sa kaibigan ko... grabe....


so pag pinagpaalam ko [textspeak!] sa SG, ang balak ko sabihin ko punta kaming zambales o ilocos kasama ko si ganito. nako, baka hingin pa yung no. nung kaibigan ko, tapos tawagan. tapos habang nasa trip kami, tawagan siya tsaka ako. paano na yan?????

nung nov. din kasi, nung nasa bacolod ako kasama isang friend, 3 days lang kami dun pero araw araw nagteteks mama ko.. grabe talaga.

may balak pa naman ako umalis ng pinas. ngayon pa lang nag papahiwatig na ako, nagpaparinig na ako na apply ako sa abroad. ayaw nila. pero sabi ko, pag na-approve yung application ko job/visa, maski ayaw nila tutuloy ko talaga. MASYADO na kasing OA.

sakit ng ulo.

- 24 y.o filipina

blooming

  • Guest
Re: paano magpaalam sa parent(s) pag may out of town/the country with bf?
« Reply #17 on: January 10, 2012, 08:48:56 pm »
sis, Sg ba?  sabihin mo imeet mo ako, frend mo. hehe  andito lang sa Sg nakabase. :D  patawagin mo dito, oks lang. hehe

ambisyosang babae

  • Guest
Re: paano magpaalam sa parent(s) pag may out of town/the country with bf?
« Reply #18 on: January 10, 2012, 09:07:30 pm »
at 23, 200% di ako papayagan talaga ng tatay ko.. kelangan lage may dahilang may kasamang kaibigan... kabanas, napipilitan talaga ako magsinungaling.... daig pa ata ng kopong kopong yung ugali ng tatay ko.. nasa conservative stage..

rhumbafrapp

  • Guest
Re: paano magpaalam sa parent(s) pag may out of town/the country with bf?
« Reply #19 on: January 10, 2012, 09:30:49 pm »
Feeling ko, dapat truthful lang. Mahirap kasi mag lie e, once mabisto ka, nako, never ka na pagkakatiwalaan
and syempre, assure your parents na wala kang gagawin na kalokohan (lalo na if still studying ka pa, nakatira ka pa sa bahay ng parents mo, dependent ka pa sakanila)

Ako naman, 14 years old palang ako ng oout of town na kami ng mga friends ko. May 1 adult kami na kasama. relatively, di kami sakal sa parents e. Kaya siguro din, alam namin limits namin. Like kahit kasama namin mga lalaki  naman na friends and may inuman, di naman sumagi sa isip namin ang alam nyo na :) hehe

Pag nag aabroad with friends (no bf) simple paalam na. Wala naman na magagawa e, una nabooked na, tapos di naman ako humihingi ng pera, ako lahat ng shoulder, so no reason na denied ang travel  :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close