watch now

Author Topic: Alam mong tumatanda ka na dahil...  (Read 108546 times)

av

  • Guest
Re: Alam mong tumatanda ka na dahil...
« Reply #220 on: June 20, 2012, 07:50:23 pm »
^wow! thanks for sharing the link. I like it. :)

1. KJ na ako sa mga party. Dati ako pasimuno. Now, tahimik na lang ako and I always go home early.
2. Ayoko sa mga batang maiingay. Pampam.
3. Nirarayuma na ata ako. Flanax! :D
4. Everytime na I tell stories to my pamangkins, lagi kong nasasabi 'Alam mo noong panahon ko."

By the way, I'm just 26. Haha! :P

sarsingkit

  • Guest
Re: Alam mong tumatanda ka na dahil...
« Reply #221 on: June 21, 2012, 09:18:48 am »
na kay Liz Uy na nakikinig ng classic music, habang nagkakape...she always stay's at home

oh shoot. i listen to french, italian and portuguesse songs habang nagluluto and kumakain. and i store red wine na sa bahay.

i realized i choose what to drink now. nung HS/College, kahit anong alcohol ang meron, go lang. ngayon, kailangan ko ng isipin kung magkakahangover ba ako. and i limit myself.

mai jung lee

  • Guest
Re: Alam mong tumatanda ka na dahil...
« Reply #222 on: June 21, 2012, 10:12:21 am »
to all the single ladies who's getting old...mas iba na ba yung tipo nyong guy ngayon compare noon...diba nung mas bata pa mahilig tayo sa cute,bad boy,hottie...now kasi pag may nanliligaw saken na ganun turn off na agad ako kung wala naman direction sa buhay...

geekybride

  • Guest
Re: Alam mong tumatanda ka na dahil...
« Reply #223 on: June 21, 2012, 01:28:42 pm »
1. ayoko na ng loud music
2. ayoko na ng mga seductive na damit
3. pag nag pi fill up ako online nahihirapan ako hanapin yung birth year ko..lol
4. pag nakakakita ako ng mga teenager na hiphop ang porma naiinis na ako
5. low energy
6. maaga na gumising
7. di na ko nanonod ng mga teen show



sis rae, perfect score ako!!! hanubayan!



gorgeous_me

  • Guest
Re: Alam mong tumatanda ka na dahil...
« Reply #224 on: June 21, 2012, 05:03:56 pm »
hindi ko na na-eenjoy ang bar at gusto ko ng magtravel mag-isa, hehe
namimiss ko na ang ten twenty, wahahaha

swt_fem

  • Guest
Re: Alam mong tumatanda ka na dahil...
« Reply #225 on: June 21, 2012, 07:59:59 pm »
Hindi ko na naeenjoy ang mga inuman. Hindi ko pa nga napupuntahan yung mga sikat na bars ngayon sa Makati/Taguig. Feeling ko hindi nako bagay at ano naman isusuot ko sa ganun?? Eh ang napapansin ko super sexy ng mga sinusuot ng mga nagpupunta don.

Nung minsan yung officemate ko pumasok na naka salamin na pang geek style tapos may clip sa buhok. Sabi ko, "kamukha mo si Cynthia Patag!" Sabi nila, "Sino yun???" Hindi nila alam ang Palibhasa Lalake! OMG!!

rae

  • Guest
Re: Alam mong tumatanda ka na dahil...
« Reply #226 on: June 21, 2012, 08:14:16 pm »
@geekybride, ok lang yan, parang good habits naman na yung naadopt natin ngayon.

Lalo na yung number 7. Sumasakit na ang ulo ko teenybopper drama at movies, lalo na yung mga tagalog na napapanood ko kapag umuuwi ako sa in-laws or sa parents.

Umiiwas na din ako sa mga teen flicks like mean girls, and yung mga drama queen type. But I still watch Legally Blonde over and over.

geekybride

  • Guest
Re: Alam mong tumatanda ka na dahil...
« Reply #227 on: June 21, 2012, 08:53:00 pm »
@sis rae, isa na lang ang teen flicks na di ko ma-outgrow...The Vampire Diaries!!! hehe. but other than that zilch ako.

@swt_fem, OMG!  kilala ko pa si Cynthia Patag!  and the likes of Carmi Martin! at pamilyar ako sa mga palabas na Ober da Bakod, Tropang Trumpo at, yes, Palibhasa Lalaki!  nako, ibig sabihin, batchmates tayo!!! hahaha


swt_fem

  • Guest
Re: Alam mong tumatanda ka na dahil...
« Reply #228 on: June 21, 2012, 09:39:39 pm »
@geekybride - Batchmates nga tayo, sis! Haha!

Grabe we're getting old pero minsan I feel like I just turned 18. Parang nami-miss ko maging highschool. Yung pinaka mabigat mo nang problema e kapag nag away/break kayo ng BF mo. LOL!

mishyewarians

  • Guest
Re: Alam mong tumatanda ka na dahil...
« Reply #229 on: June 21, 2012, 09:49:39 pm »
halos lahat, ate na tawag sa akin. :(

rae

  • Guest
Re: Alam mong tumatanda ka na dahil...
« Reply #230 on: June 21, 2012, 10:22:22 pm »
Nararamdaman nyo din ba ito?

Namimili kayo sa bazaar or somewhere, or kapag nagpapa-assist kayo... Tapos yung pag-"ate" or pag-"ma'am" sa inyo nung mga attendant or yung mga receptionist, iba na. Parang kinoconsider ka na talaga na mas matanda.

Tipong kasama ka na sa mga semi-older citizen na ginagalang ng lipunan.

Unlike nung kaka-start ko pa lang magwork, tapos magtatanong ako kung nasan CR, sasabihin "diretso ka lang tapos kaliwa." ngayon "diretso po kayo, tapos kaliwa po kayo."

geekybride

  • Guest
Re: Alam mong tumatanda ka na dahil...
« Reply #231 on: June 21, 2012, 10:32:08 pm »
dami kong tawa dito!  ;D  ;D  ;D

dehmn!  oo!

tapos pag napasabay ka sa isang familiar song, bibigyan ka  ng isang horrified (as in horrified) look ng bagets na katabi mo, saying, "what the....!  alam mo yang kantang yan?!!!"

rae

  • Guest
Re: Alam mong tumatanda ka na dahil...
« Reply #232 on: June 21, 2012, 10:35:34 pm »
^ Exactly.

Ang pinaka-nakakatawa is yung kapag may re-make ng song tapos alam mo. Tapos may HS or college ka na pinsan na magtataka bakit alam mo yung song. Yun pala, hindi nila alam na song pa yun nung unang panahon at ginawan lang ng cover.

Tapos sasabihin sayo, ay, dati na pala yung kanta na yan.

geekybride

  • Guest
Re: Alam mong tumatanda ka na dahil...
« Reply #233 on: June 21, 2012, 10:46:12 pm »
sis rae, parang yung movie na Rock of Ages! akala nila, hinugot yung songs sa Glee, yun pala mas nauna pa yun. hehe.

sarsingkit

  • Guest
Re: Alam mong tumatanda ka na dahil...
« Reply #234 on: June 22, 2012, 10:33:22 am »
Nung minsan yung officemate ko pumasok na naka salamin na pang geek style tapos may clip sa buhok. Sabi ko, "kamukha mo si Cynthia Patag!" Sabi nila, "Sino yun???" Hindi nila alam ang Palibhasa Lalake! OMG!!

panalo si Cynthia Patag!

plus yes, yung mga cover ng songs. akala nila ngayon lang sumikat yun. hehe

phurple0515

  • Guest
Re: Alam mong tumatanda ka na dahil...
« Reply #235 on: June 22, 2012, 11:15:00 am »
- malalaki na mga pinsan na inalagaan ko non
- ang daling tumaba, ang hirap magpapayat
- halos lahat na ng mga ka-batch ko me anak na
- marami na ko inaanak at pamangkin
- pag namimili, lahat iniisip ko kung kelangan o hindi kahit gusto ko na bilhin, dati bili lang ng bili with matching laging audit at the end of the day
- ate na rin tawag sa akin kahit feeling ko mas matanda ang kausap ko sa akin :P

geekybride

  • Guest
Re: Alam mong tumatanda ka na dahil...
« Reply #236 on: June 23, 2012, 10:38:43 am »
- ang daling tumaba, ang hirap magpapayat

sis phurple0515, so true ito! parang dati,isang jogging lang, solve na. ngayon, tumititig pa lang ako sa pagkain, parang nagbobloat na ako.  :o

geekybride

  • Guest
Re: Alam mong tumatanda ka na dahil...
« Reply #237 on: June 23, 2012, 08:15:29 pm »
isa pa: alam mong tumatanda ka na dahil ang ikli na ng attention span mo.  ngayon, mapa-movie, trabaho o conversation, nag-tutune-out na ang isip mo after 9 minutes. (inorasan ko talaga). hehe.

crazy_krizsa

  • Guest
Re: Alam mong tumatanda ka na dahil...
« Reply #238 on: June 25, 2012, 04:01:27 am »
Naiirita na ako sa mga maiingay na teenagers.
I don't enjoy clubbing anymore, parang ang ingay na sobra
I drink red wine while watching tv at home.
Dumadami na white hair ko.

Kaloka!

buzzhang

  • Guest
Re: Alam mong tumatanda ka na dahil...
« Reply #239 on: June 25, 2012, 11:07:55 am »
I know I'm getting older already because my nephews and nieces are graduating from school. They're just kids before, playing hide and seek with me. :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close