Author Topic: anong mafifeel niyo kapag wala kayo kahit isang picture ng bf mo sa FB niya?  (Read 46337 times)

prettykhae

  • Guest
isha17: sis mag status ka ng sweet then tag mo sya.. :D tignan mo nga ano magiging reaxn nya.. or better, mag check in ka rin sa place na pinupuntahan mo na may iba pa kayo kasama then sya lang dimo tag... :D

IronLady

  • Guest
kami din ni bf parehong walang status sa fb. di rin ako mahilig maglagay ng pics namen nd tipong swit-switan moments kasi feeling ko mababati yung relationship. lol. ang superstitious. haha! pero pag mga out of town nagpopost naman ako. edi kung hindi sya naguupload ng pics nyo, i-tag mo na lang sya. kami ni bf walang pics sa fb nya, di rin ako yung type ng girl na maguupload ng pics para sa kanya. e tamad yun magupload, mga 8 lang ata pics nya lahat na, tapos nakatago pa yung tagged photos. hehe. but im not bothered kasi kilala ako ng mga frends nya and family so ok lang kahit wala ko pic o tinatago nya man ako. hehe. at tska advantage ko din ito kasi ayoko na nagpopost sya ng mga pics na di ko sinala. dapat kagandahan ako bago ipost. hehe! 
oh and add ko din, si bf mejo private talagang tao. pagdating sa lovelife di sya makwento kasi its private daw. kahit nga makita text nya ng iba skin parang private daw yun. che! hehe! and mejo nakakaramdam din ako na pagnagpost sya ng pics namen dami maguusisa o comment. ayaw nya ng ganun. nalaman ko dati yan nung pinalitan ko status nya, in 2 secs. may nagcomment agad. lol. pinalitan ko tuloy ulit!
« Last Edit: October 28, 2011, 10:28:49 pm by IronLady »

smoothie

  • Guest
not that I'm scaring you but something is way off.

my friend and her ex-boyfriend. her ex-boyfriend has an friendster account and he did not put any pictures of them together, his status was single. my friend did not have a friendster account. tapos yun pala, he was seeing other girls on the side, as in a lot of girls!

katrinac

  • Guest
sis, nakakasad naman nung ganyan. kahit isang picture lang naman siguro enough na yun. pero nung wala, tapos di  ka pa ma i-tag sa places, parang kakaiba naman. ayaw ko dagdagan yang prob sis, pero nasasad ako. nakakapagtaka nga naman talaga.
tsaka kung alam ni bf mo na gusto mo ng may pics nyo together, then lalagay na ako noh. unless i am doing something wrong (and wag naman sana) actually, pareho kayo sis, si h2b ko, parang ganyan din. ang gusto nya, nung account ko, as much as possible puro pics namin nakalagay. even the primary pic. nag tatampo sya kapag di kami ang primary pic. pero going back, ayun nga, isipin mo nalang din sis, ang sinabi ng ibang sis natin. it could be na si bf mo is not into facebook din naman. meron naman talaga na ganon eh.
tsaka, teka, ano pala ang mga pics sa account nya? baka naman pala kaunti lang din? or madami din syang nakaposts na pic dun?

ldrwifey

  • Guest
And I don't recommend the tagging of your pics on his wall, especially if your reason is for other people to see you and to declare you are the GF. Naku, marami akong nakikitang ganyan, at obvious na insekurada sa relasyon nila.

sis hindi naman ito yung sobrang tag dito tag doon, this is just to see his reaction, will he delete the tags, will he be mad about it, or may magrreact bang ibang girls pag may nakakita. just like i said its not even about pictures on fb anymore, as i see it, yung feelings n ng TS ang pinag uusapan.  :D but then again syempre siya p din ang makakapagdecide on what to do best.

inkslinger

  • Guest
^Exactly, it's about feelings. And feelings and misunderstandings cannot be resolved by tagging or testing for reaction of a partner, particularly in FB. Well, since I am not her, I for one will not resort to FB to test things about our relationship, moreso become a platform where people will see how our relationship crumbles. But since it's her life, what's in her mind and heart will still dictate what actions she will take  :)

Kagaya ng celfone, ang FB ay isa na rin sa mga bagay na nagpapadagdag ng stress sa magkarelasyon. If you will let it, ay talagang mag-aaway kayo. Sa celfone, kapag hindi nareplyan agad, away na; ngayon, sa FB if hindi naka-declare na married-to or in a relationship with ay away din. What I'm trying to say here is separate your relationship with these things. Kung sa negosyo nga at sales, face to face meeting pa rin ang the best way to close a sale, what more sa isang napakaimportanteng bagay sa buhay natin like relationship?

I value my relationship and I don't add stressors like FB on the list of things that we will fight over. If a person thinks that she should tag her BF or husband just to "test" the waters, well maybe there's really something wrong with the relationship that is totally outside of FB. A wife who is secure with her husband's love will just shrug off the fact that her husband doesn't post pictures of her on his FB account or she's not declared as the other half. Kasi nga offline she's well loved, bakit ka pa maghahanap online? Unless na lang kung ang personality ng wife is leaning towards the needy type.

snowflakesdance

  • Guest
@sis isha17, how's your relationship outside FB ba? nabanggit mo kasi sa previous post mo na pinakilala ka naman nya sa relatives nya. How about sa friends nya? pinakilala ka ba? lumalabas din ba kayo? or baka naman at the back of your mind, alam mong meron syang ginagawang kakaiba? after all, malakas ang woman's instinct.

Kailangan mo muna iassess yung relationship ninyo. Kasi kung hindi ka secured sa 2 1/2 year-relationship ninyo, then I don't think it's just about posting a pic of both of you online.  Napagbuntungan mo lang ng sisi ang facebook :D There's something else pa.

IronLady

  • Guest
^i think so too sis, kasi kung pinakilala naman sya sa mga relatives, siguro ok na yun. well kung ako ha, hindi ko na kelangan ipilit na may pic ako sa fb. but then again, ibang issue na kapag inatake ng insecurities, um kunwari sa exes. yun ang panira kadalasan e. yung feeling na bakit sa ex ganito ganyan.. dun ako nahuhurt..

snowflakesdance

  • Guest
^actually meron akong bf before na pinakilala ako sa relatives. yun pala, lahat kaming gf nya that time pinakilala, magkaibang araw lang LOL. so I don't think pagpapakilala lang sa relatives is enough. Kaya ko tinatanong kay TS kung ano nga ba talaga pakiramdam nya sa relationship nila. Kasi mararamdaman nya naman yun kung may ibang kinakalantari ang BF nya e. Hindi mawawala ang insecurities sa mga babae. Meron at meron talaga yan. Pero kung pinaparamdam naman ng lalaki over and over again na walang dapat ika-insecure pero insecure parin si girl, aba, magpacheck up na si girl. :P Pero kung insecure si girl at walang pakialam si guy, naku! maghanap na ng iba si girl.

But then again, the feeling of security should not be based on posting your pictures online. Tulad ng tanong ko, paano ba sila outside of FB?
« Last Edit: October 29, 2011, 11:32:33 am by snowflakesdance »

inkslinger

  • Guest
@snowflakesdance - Exactly! Very well said  :)

isha17

  • Guest
Sisses! I'm back,been reading every replies here,paulit ulit, trying to absorb every advices,opinions..

I've decided that I don't need FB to assure me of his love.. We've talked about it na. Sabi niya, he doesn't wanna share me,madamot sya,and kahit nga raw sa friends ko,pinapagdamot niya ako, nakita ko naman sincerity niya. Sabi pa niya na hindi daw niya kailangan I show off yung photos,unlike others na,parang ang saya sa pics pero in "real" life, iba treatment ng guy sa girl,nagloloko or magulo sila. He said, making him post pics of us is like asking me to eat 3 siling labuyo, kaya ng taong kumakain talaga ng sili,mahirap para sa taong hindi.. I understood it very well. Sabi nya,pati family niya,walang pictures dun,kase ako at family niya,napaka importante sa kanya, he doesn't want to give away anything about us.  He even cried trying to assure me na kung nagiisip pa daw ako na may something going on sa FB, wala nadaw dahil ako lang talaga at wala na siyang hahanapin sa iba..

I believe every single thing he said. And to all asking if okay relationship namen outside fb, super ok. Super supportive with my skills,pati sa partypilipinas,he accompanies me,kahit guy sya, he even designs clothes that I sew. kilalang kilala nako ng relatives,tumutulong ako sa business nila, lahat.

I realized tama kayo, na hindi dapat binabase sa FB ang security. I went lose because of insecurity. I have a point din,pero I don't have to make it of a big deal, I won't pics photos nalang din,para fair and all.. Para kahit konti,maintindihan niya yung nararamdaman ko,incase makita niyang wala nakong pictures namin.

Communication talaga is important. You have to discuss everything that bothers both of you para hindi magkaroon ng misunderstandings..

Thanks everyone for your opinions and advices!
I learned a lot from you guys.:)

katrinac

  • Guest
sis, i'm happy to know na you're okay na. :)

isha17

  • Guest
thanks sis! =)

qt_ben17

  • Guest
Sa case ko it's different. Kelangan namin maging careful dahil hindi pa kami parehong out sa family and relatives. So ayun, forever single ang status at wala kaming pix na magkasama. Kung meron man, nakaprivate at kami lang 2 nakakakita ng pix na yun.

Ts, kahit ba group picture na andun kayo pareho ayaw niya ipost?

I agree with the other girl here, minsan ang hirap i post ng pics ng partner mo kasi andaming chismosa at mapaggawa ng kwento. Hindi lang ikaw ang lalaitin, idadamay pa pati ang partner mo.yung tipong mga comment na "uy bat ganyan ang chura ng asawa niya, mukang...." Lol

ldrwifey

  • Guest
sis im so glad everything is ok sainyo ng bf m.... maayos n usapan lang talaga ang katapat ng bawat problema.  ;D

showermist

  • Guest
^^naku tama ka dyan! i had that experience. pag nakikita boyfriend ko, lagi akong tinatanong, 'bakit sya?'

ldrwifey

  • Guest
hindi ko magets kung bakit may mga insensitive n tao n kailan magtanong or magcomment ng "BAKIT GANUN ITSURA NG BF/HUBBY MO?" anong ibig nilang sabihin? and besides its non of their business  ::)

thingamajig

  • Guest
Kami nga hindi mag-friends sa FB eh!  ;D

klengmorales

  • Guest
Sis Pix lang yan. Ako nga eh hindi ko alam ang "bagong" number nya. kasi nawala "daw" yung sun sim nya. pero until now hindi ko alam number nya. san ka pa diba?


praise164

  • Guest
Kami, hindi kami friends ng BF ko sa FB..Wala din kami picture together sa FB nya at FB ko..I don't mind.. BF-GF pa lang naman kami eh. Pag asawa ko na sya, ayun , ilalagay ko na. 

Siguro, I just realized na, parang hindi ako komportable na ilalagay ko pics namin at the moment, tapos after how many months or years, nag break kami (who  knows), tapos magkaka bf ulit ako, then ilalagay ko ulit pics namin, and so on...We talked about it naman at pareho kami ng views. =)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close